Share

Scandal

last update Last Updated: 2024-08-16 08:31:29

♡ KABANATA 6 ♡

Maaga kami umalis para hindi maabutan ng traffic, tulog pa ang diwa ko habang nakasandal sa upuan ng sasakyan. Bukang liwayway pa at kakaunti lang ang naitulog ko. Tahimik kami sa biyahe at nasa utak ko pa rin ang sinabi niya. Hindi ako nakikipagkompetensiya sa taong mahal niya, wala kong ibang gusto kundi ang matapos na ito.

Humikab ako at umunat! Naramdaman ko ang paghapdi ng braso ko kaya napababa ko kaagad! Hindi ko pinahalata na may kakaiba sa braso ko, mabuti na lang at mahaba ang manggas at hindi nakikita ang malaking gasgas.

Itinulog ko na lang muna ang lahat ng iniisip ko, hindi dapat ako malungkot o masaktan dapat lagi lan(g ako masaya.

Kalabit ang nagpagising sa akin, nasa parking kami ng opisina!

“bilisan mo may kliyente pa ako!” labas agad nito sa sasakyan. Sumunod ako sa kanya, pumasok kami sa loob. Pagtitimpla ng kape agad ang inatupag ko pitong tao ang nasilip kong naroon, sa conference room ay seryoso silang nag-uusap, nakaupo siya sa unahan
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
juo
ang gulo nmn n2ng kwento n2 bkit ipa2kasal c dooren tas my ipa2kasal PNG iBang babae
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Love start at Contract    100. Another Wedding Anniversary

    Isang malakas na sound ng alarm ang nagpagising sa akin, dinampot ko ang phone na nasa loob ng drawer, na hindi ko nakita kahapon.Walang password kaya nabuksan ko kaagad, sa message app ako nagpunta, pero katulad ng sabi ng mayordoma ay wala naman ako natanggap na mensahe mula sa kanya.Saka ko tingnan pa lahat ng mga nasa notification, nahagip ng mata ko ang isang anniverary notes na kanina ay tumunog.Wedding anniversary ang nakasulat.“Para kanino?” kaya dagli akong bumangon at bumaba, sa mayordoma ako nagpunta na noon ay naghahanda ng almusal.“Magandang umaga Madam!” Bati nito sa akin.“May ideya ba kayo rito?” Pakita ko sa kanya ng phone“Sa pagkakaalam ko ay Wedding Anniversary ninyo iyan ni Master Lao!”“Wedding Anniversary namin?” Sa pag-iikot ko rito ay wala naman ako nakita na kahit anong magpapatunay na kasal kami, kahit pa sa kwarto.— “May ideya ba kayo kung kelan ang balik niya?”“Kadalasan naman ay gabi na siya umuuwi at sa opisina siya dumederetso! Meron ako numero n

  • Love start at Contract    99. Who is Ekio

    Nakalabas na ako sa ospital si Denver ang sumundo sa akin, at nasa opisina na rin si Earniel, kaya tahimik ang bahay ng dumating ako, habang pinagpasya ni Earniel na iuwi si Earen sa San Agustin habang nagpapagaling ako rito, base na rin sa kwento ni Denver kaya nakaramdam ako ng pagkalungkot.“Hindi ko ba pwedeng puntahan siya sa opisina?”“Pasensiya na pero hindi maari, bilin niya rin na siguraduhin na nakauwi kana para magpahinga.“O-okay!” Pagkahatid ni Denver sa akin ay umalis rin siya kaagad.Ginala ko na lang ang sarili sa kabuuan ng bahay, muli akong nanibago, dahil ba tila nagbago narin ang paligid sa paningin ko.Nilibang ko na lang ang sarili sa paglalaro ng tubig at paglublob ng paa sa pool. Nakakaaliw pero hindi nakakagaan ng loob.Nang may matanaw akong mukha sa likuran ko, kaya napapihit ako ng malala ako, si Ekio na ngayon ay nasa likuran ko at may ngiti sa labi, ang mga kamay niya ay punong puno ng kung ano ano, dagli akong umahon para lapitan siya.“B-bakit narito k

  • Love start at Contract    98. My Cold Husband

    Habang nasa ospital ay hindi ko inaasahan ang isang bisita, halos matakpan ang mukha niya ng isang bouquet ng roses at ilang box ng chocolate na parang sobra para sa isang pagdalaw. “Hello kumusta kana? Magiliw niyang bati sa akin.” Agad naman ako napabangon kahit sobrang sakit pa ng katawan ko. “M-mabuti naman, salamat sa pagdalaw mo!” “Siya nga pala para sayo!” lapag niya ng bulaklak sa mga hita ko. Kahit nakakailang ay tinanggap ko, ayoko lang isipin ni Earniel na may namamagitan sa amin. “S-Salamat ulit!” “Mabuti at nailigtas ka ni Mr. Lao!” nagulat ako ng tumayo siya at bigla akong yakapin, hindi ako kaagad makakilos para pigilan siya. “Sana hindi ako nakaistorbo!” namilog ang mata ko ng makita si Earniel na nakatayo sa pinto kasama si Denver, kaagad ko natulak si Ekio. “Ah…kanina ka pa ba?” “Sige aalis na lang ako!” Gusto ko siyang lapitan at pigilan, pero hindi ko magawa dahil sa pilay ko sa katawan. “Sige Sir! Aalis din ako maya maya babantayan ko siya!” Sambit ni Ekio

  • Love start at Contract    97. Lost and Found

    Natanggap ko ang Consolation Price na binigay ko naman kay Ikio, halos hindi siya makapaniwala at napayakap pa siya sa akin.Bumaling ang mga mata ko kay Earniel, agad siyang umiwas ng titig at umalis rin sa kinatatayuan niya, hindi na lang din ako nagpaapekto at tinuon muli sa bagong gagawin.Naisipan ng team manager na maghiking rin kami sa lugar bago kami umuwi ng kinahapunan.Kasama ko pa rin si Ikio na todo ang alalay sa akin kahit hindi naman kailangan dahil pakiramdam ko ay sanay na sanay ang katawan ko, may umuudyok pa nga sa isipan ko na magpabaging baging kapag may nadadaanan kami na zip line, hindi ko rin alam kung bakit, siguro ay taga bundok ang dating ako.Napalingon ako sa likuran ng mahirapan si Ikio na makaakyat sa mataas na bahagi ng bundok, ngunit napukaw ang mata ko sa direksyon papunta kay kay Earniel! Parang gustong magsalubong ng kilay ko ng makita kong magkahawak pa sila ng kamay ng First wife niya.Hindi ko maawat ang sarili na mag-ngitngit sa inis, na hindi k

  • Love start at Contract    96. A Game

    Hindi ko na talaga alam ano bang pumasok sa isip ko kung bakit ko nga ba natanong iyon. Sobrang sira na yata ako, bagamat dapat ay nasagot na na niya ako ngunit bakit parang titig na titig lang siya sa akin, na parang napapangiti pa? Ano bang tumatakbo sa isip niya? Naguguluhan ba siya kung sino ang mas mahal niya? O nasisiyahan ba siya na may ibang babaing nagkakagusto sa kanya. Hindi ko naman talaga na maitatanggi na napakagwapo niya kahit pa nasa 40’s na ang edad niya, napahinto ako sa ideya na iyon na baka ba nagkakagusto na ako sa kanya o baka nga nadala lang ako ng isang gabing may mangyari sa amin, aaminin ko na hinahanap ko ang mainit niyang halik na kahit pa lasing ako ay damang dama ko, bumaling ang mata ko sa bisig niya, bagamat nababalutan iyon ng makapal na coat at jacket ay bakit parang gusto kong magpakulong muli. Bigla akong napalunok at ilan beses iwinaksi ang iniisip ko.Ngunit nakakaintriga na parang hindi siya makapag-isip agad? Parehas ba kami ng iniisip? Sa titi

  • Love start at Contract    95. Camp Sad in a Camp Site

    Nagising ako kinaumagahan na wala na siya sa loob ng kwarto, hindi naman ako nagugulat dahil madalas naman talaga siyang umaalis lalo na kapag umaga para pumasok ng trabaho. Dinaanan ko muna si Earen sa nursery roon niya pero wala siya, kaya bumaba na ako para mag - agahan. Si Mamay at ilang kasambahay ang naabutan ko noon na nasa kusina at naghahain. Dumulog ako sa hapag naroon na roon sila Maureen, Paula, Elias, Papay at Earen kasama ang tagapag-alaga niya. Pasandok na sana ako ng kanin ng dumating si Earniel, wearing a gray shirt, black short at tuwalya sa balikat, na hindi ko usually nakikita magmula ng dumating ako rito. Basang basa rin siya ng pawis na syang patuloy niyang tinutuyo. “Magpalit kana Earniel bago ka kumain!” Paalala ni Mamay sa kanya na siyang sinunod niya, sinundan ko lang siya ng tingin. Hanggang sa mawala na siya. Nang makabalik siya ay iniisip ko na baka nakacoat and tie na naman siya, or mga damit na pang business attire. Pero same parin sa nauna nagpal

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status