Mag-log in"Oh dahan-dahan na muna ang pagkilos Ineng, baka dumugo ang sugat mo."
Isang matandang babae ang bumungad sa paningin ko. Nakasuot siya ng simpleng blusa at saya na bumagay naman sa kutis niya. "Nasaan po ako, lola? S-Sino po ako?" Wala akong matandaan na detalye tungkol sa buhay ko. Kahit pangalan ko ay hindi ko matandaan, kung sino ang mga magulang ko at kung bakit may sugat ako. "Naku, nawalan ka nga ng alaala talaga. Sa laki ba naman ng sugat mo sa ulo, talagang pati sarili mo makakalimutan mo. Ang akala ko nga matatagalan ka pa bago gumising, ilang Linggo ka na ring tulog eh." May inilagay siya saglit sa ulo ko at naupo muli sa kahoy niyang silya. "Ako nga pala si Lorna, lola Lorna na lang ang itawag mo sa akin. Nandito ka sa probinsiya, sa katunayan ay nakita lang kita na walang malay doon sa ilog. Ang akala ko nga patay ka na dahil naliligo ka ng sarili mong dugo." Nakakunot-noo naman ako dahil sa kwento niya. Bakit nga ba nalagay ako sa ganoong sitwasyon? Hindi naman siguro ako masamang tao, ay huwag naman sana. "At sa tingin ko, Tamarra ang pangalan mo dahil sa suot mong kwentas," aniya sabay turo sa leeg ko kaya napahawak ako rito. Tinulungan niya akong tanggalin ito. Tama nga siya, nakasulat ang Tamarra sa pendant ng kwentas ko. Ibig sabihin ako nga si Tamarra. "Huwag mo na munang pilitin na alalahanin ang nakaraan mo. Alam kong kusa na lamang itong babalik." Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon sa tinuran niya. Inalagaan ako ni lola Lorna hanggang sa tuluyan ngang gumaling ang mga sugat ko. Minabuti ko na rin na lumabas sa bahay upang makalanghap ng sariwang hangin. "Oh, ang bagong apo ni lola Lorna gising na. Tara kausapin natin siya!" Mula sa labas ng bakod may apat na kabataan na tumakbo papasok. "Ate, ayos ka na po ba? Hinintay talaga namin na gumising ka." "Ate tara, tambay muna tayo sa ilalim ng punong mangga na iyon!" Inaya nga nila akong tumambay sa labas kaya pinagbigyan ko na lamang sila. Sa tingin ko ay mga nasa sampung taong gulang na ang mga ito. "Ate, ano'ng pangalan mo pala?" "Ah, ako? Tawagin niyo na lang akong ate Ara," sagot ko at nginitian ko sila. "Ako po si Red, at siya ang kambal ko si Rain," pakilala ng batang medyo mataba pero cute. Kaya naman pala magkamukha sila nung isang bata kasi magkambal pala. "Ako naman po ate si Ace, at ito si Jack, magkapatid kami. Hindi naman po halata na adik sa baraha ang mga magulang namin ano?" Nagtawanan kami dahil sa tinuran ni Ace. Oo nga naman, Ace at Jack talaga ang ipinangalan sa magkapatid. Pero bagay naman sa kanila ang ganoong pangalan, cool kaya. "Ikinagagalak kong makilala kayo mga bata." "Ate, saan ka po ba galing?" biglaan at seryosong tanong ni Ace. "Hindi ko rin alam Ace. Nawalan kasi ako ng memorya, sabi kasi ni Lola malaki daw yong sugat na tinamo ko sa ulo," paliwanag ko. "Kaya pala ayaw niya kaming papasukin sa bahay, kasi nagpapagaling ka pa. Siguro ate na kidnap ka tyaka nagbalak ka tumakas," sabat naman ni Red. "Ha? Paano mo naman nasabi?" "Kasi po nakikita namin iyan sa mga action movies. Mahilig kami sa mga ganoon," paliwanag niya kaya natawa nalang ako. "Oo nga ate, baka talaga may dumukot sa'yo. Kita naman na mukha kang mayaman eh. Sa kutis at ganda mo po, halatang-halata eh." Sabi nga nila, hindi nagsisinungaling ang mga bata. Kinilig ako dahil sa complement na iyon ni Jack. "Naku, salamat sa complement Jack, pero hindi ko talaga alam pa sa ngayon. Sabi nga ni Lola, huwag ko daw madaliin ang lahat. Tiyak naman babalik din ng paunti-unti ang alala ko." Patuloy ang kwentuhan at kulitan namin ng mga bata hanggang sa tawagin na ako ni Lola. Kaagad naman akong pumasok sa bahay at nagulat na lang ako sa naabutan ko sa mesa. "Bakit may mga dahon po at, teka lola... langis po ba ito?" Iba't ibang uri ng dahon ang nasa mesa at may ilang bote pa na wari ko, langis ang laman. "Isa akong albularya, at dahil sa matanda na ako, nais kong pag aralan mo rin ang manggamot. Wala na akong ibang kadugo pa na magpapatuloy sa ganitong papel, kaya sana'y tanggapin mo ito ng taos puso." Hindi ko kaagad naintindihan ang sinabi niya. Nagdalawang isip pa akong sundan ang mga binibigkas niya, pero sa huli sinunod ko pa rin siya. Siguro ito na pang ang magiging kabayaran ko sa pagligtas niya sa'kin. Ilang araw din akong nag aral tungkol sa mga halamang gamot at kung paano gumawa ng herbal na langis. Dito ko itinuon ang attention ko imbes na mag isip tungkol sa nakaraan ko. Inaamin kung unti-unting nawiwili na ako sa ginagawa ko, at nasubukan ang kakayahan ko nang itakbo ni Aling Lisa si Rain sa bahay. "Malayo pa ang Hospital, baka kapag hindi naagapan ang sugat ng anak ko ay mapahamak siya." Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang malaking sugat ni Rain sa tagiliran nito. Nagmamadali naman akong nagtungo sa kwarto at kinuha ang mga gamot ko. Nilinisan ko muna saglit ang dumudugo niyang sugat bago tapalan ng mga halamang gamot. Hindi ko alam pero parang expert talaga ako sa paggamot sa mga sugat, kahit ngayon ko pa lang ito ginawa. "A-ate, hindi na ba ako mamamatay?" Natawa ako sa tanong ni Rain, pero naawa din ako sa kalagayan niya. Hinaplos ko na lang ang ulo nito at ngumiti ako. "Naku, bakit ka naman mamamatay. Ang mabait na bata hindi iyon kaagad kinukuha ng Maykapal." "Sabi po kasi nila, mas matagal mamatay ang masamang damo eh," aniya kaya tinatawanan ko siya. "Hindi iyan totoo. Kaya ikaw, magpagaling ka para makapaglaro ka kaagad." "Naku, dahil sa paglalaro kaya iyan nagkaganiyan. Akyat ng akyat ba naman sa bakod," wika ng Ina nito kaya natahimik na ang bata. Sinundo naman sila ng ama ni Rain kasama si Red na umiiyak. Kitang-kita ang pag-aalala nito sa kambal niya. Pinanuod ko silang umalis at napangiti ako ng wala sa oras. Siguro ang sarap mamuhay kasama ang isang buong pamilya. "Hay, nasaan na kaya ang pamilya ko ngayon? Hinahanap kaya nila ako?" "Oh apo, kanina lang nakangiti ka, ngayon ay parang malungkot ka na." Tinapik ni Lola ang braso ko kaya nagulat pa ako. "Naku, wala po lola. Naisip ko lang kung nasaan ang pamilya ko ngayon, o kung may pamilya pa ba akong naghahanap sa'kin." "Huwag kang mag alala, darating ang araw masasagot din yang katanungan mo," aniya at nginitian ako. Bago pa man dumilim ng tuluyan ay nagpaalam muna ako sa kaniya na mangunguha muna ako ng mga halamang gamot. Habang naglalakad ako, mayroon akong narinig na para bang taong nahihirapan. Nagpalinga-linga ako sa paligid hanggang sa may nakita akong lalaking may hawak na baril. "Hoy, bakit may baril ka?" Napalingon naman siya sa gawi ko, pero bago pa man siya makasagot ay natumba na ito. Gusto ko sana siyang iwan na lang at pabayaan kaya lang mas nanaig ang konsensya ko. Dahan-dahan ko siyang nilapitan at inalam ko kung buhay pa siya. May pulso pa ito at humihinga pa naman. Inayos ko ang pagkakahiga niya at nanguha ako saglit ng halamang gamot. Pinunit ko na lang rin ang palda ko para may maitali sa sugat niya. Marami siyang sugat, tila tama ito ng baril. "Baka mamamatay tao ang isang ito, lagot ako." Nang matapos ko siyang gamutin ay pinagmasdan ko na lamang ang kaniyang mukha. Napaka amo, matangos ang kaniyang ilong at... gwapo. Pero, nabalik sa baril ang paningin ko. Kinilabutan ako nang maisip ko na baka siya yong may kagagawan ng pagka aksidente ko. Aalis na sana ako nang bigla siyang kumilos. "T-teka lang, huwag mo akong iwan dito." "Gising ka na pala." "Sinasabi ko sa'yo huwag mo akong iwan dito. Huwag mo akong talikuran... magpapakasal pa tayo." "Ano'ng sinasabi nito? Magpapakasal?"Lumuhod sa harap ko si Davielle habang may hawak na singsing. Sa pangalawang pagkakataon, inipit na naman niya ako sa alanganin na sitwasyon.Wala na akong ibang choice kundi ang tanggapin ang alok niyang kasal. Ayokong magmukhang masama sa harap ng maraming tao. What I mean is, ayaw ko siyang mapahiya. "Yes, I will marry you."Kahit si Davielle hindi makapaniwala sa naging sagot ko, halatang-halata naman kasi ang gulat sa mga mata niya, pero kaagad din naman itong napalitan ng pilyong ngiti."Finally, pumayag ka na rin," bulong niya sabay yakap sa'kin at isinuot ang singsing sa daliri ko. Nginitian ko lang siya, at pinanliitan ko ng mata si Cheska na sobrang natutuwa. Ang lapad ng ngiti niya, kaya senenyasan ko siya na isara ang bibig."See, sister-in-law na kita soon," aniya at pumalakpak pa."Si Lola ikaw ba ang nagpapunta dito?"Tumango naman siya at sabay kaming naglakad papunta sa kinauupuan ni Lola. "Salamat sa pagtugon sa paanyaya ko, Lola." Nagmano siya rito at ngumiti nama
Nakaramdam ako ng sobrang awa kay Davielle dahil sa mga sinabi niya kanina. Tama nga sila, huwag muna tayong mag judge kapag hindi pa natin alam ang background story ng isang tao."Ayusan niyo siya, gawin niyong medyo wavy ang end ng hair niya. You also do her nails, yong pinakamahal ang gusto kong quality ng magiging output niyo. I'll pay any amount."Literal napanganga ako nang marinig ko ang usapan nila Davielle at ang bakla na may ari ng parlor na pinasukan namin. Hindi ko alam kung parlor lang ba ito or ano, basta nakaupo ako sa harap ng malaking salamin at maraming umaasikaso sa'kin.Ayaw ko sanang ipagalaw ang straight ong buhok pero, tama naman si Davielle, kailangan kong mag ingat muna sa ngayon. Lalo pa't wala akong maalala, kung tutuusin wala akong laban dahil kahit sinong kalaban ay pwede akong paglaruan."Ang ganda mo na, pero gusto ka pang pagandahin ni fafa, hanep talaga, ang swerte mo. Girl, ano bang gayuma ang ginamit mo sa kaniya?"Ako pala ang kinakausap ng bakla n
Labis akong namangha nang pagmulat ko ng aking mga mata, nagtataasang mga gusali ang bumungad sa’kin. Ang luwag ng kalsada, mas nasa itaas pa. Malayong-malayo sa probinsiya. “Can we eat first, kuya? Noodles and biscuits lang naman kasi ang kinain natin kagabi,” pakiusap ni Cheska sa kapatid na tahimik na nag dradrive. Simpleng tango lang ang isinagot nito at maya amya ay huminto kami sa tapat ng isang mataas ng building. “Tara na,” aya sa’kin ni Cheska at siya na nga ang nagbukas ng pintuan ng kotse at hinatak ako palabas. Masyadong gutom na yata ang isang ito, halatang nagmamadali.“Maupo na lang kayo, ako na ang mag oorder,” wika ni Davielle kaya tumango kami pareho at napansin ko pa na para bang may ibang ningning sa mga mata ni Cheska.“Oh bakit parang kakaiba ang ngiti mo, Cheska?” tanong ko dito. “Minsan lang iyan maging mabait si Kuya,” wika niya na pabulong lang at humagikhik pa ito. “Masyadong halata na nagpapabilib sa’yo eh,” dagdag pa niya at kinurot-kurot pa ang pisnge
Nagising ako na madilim ang paligid. Hindi naman sa takot ako sa dilim pero, biglang bumigat ang dibdib ko. "May tao ba diyan? Davielle? Cheska!"Nag echo lang ang boses ko sa loob ng kinaroroonan ko. Tumayo ako at kahit wala akong maaninag sinubukan kong humakbang. Paano ba ako napunta sa loob ng madilim na kwartong ito? Ang huli kong naaalala ay magkatabi kami ni Cheska na natulog. "May tao ba riyan? Kung naririnig mo ako sumagot ka!"May narinig akong mga yabag ng paa na papalapit sa kinatatayuan ko. Unti-unting bumukas ang pinto at pumasok ang isang pamilyar na lalaki. Matangkad at kahit nakatalikod ito, nakilala ko siya. It's Davielle."Ano'ng trip mo na naman Davielle? Bakit mo ako kinulong dito sa madilim na kwartong ito?"Naglakad siya papalapit sa'kin. Tahimik, matalim ang tingin sa'kin at may kakaibang gisi sa labi. "A-anong gagawin mo sa'kin?"Biglaan niya akong idiniin sa pader at walang pasabi, naglapat ang mga labi namin. Hindi ako nakagalaw at nagmistulang mga tuod
Kinaumagahan ay may mag asawa na nagtungo sa compound. Kaagad ko naman silang nakilala. Mga magulang ito nila Ace at Jack. Papalabas na sana ako nang biglang nakita ko si Davielle na tinutukan ng baril ang ama ng mga bata. Nagkubli ako sa likod ng malaking tank ng tubig. "Mangako ka na hindi ka na ulit magbibisyo. Nadadamay pati mga anak niyo dahil sa kagagawan mo.""Pasensiya na boss, hindi na ako uulit. Magbabago na ako para sa pamilya ko," sagot naman ng lalaki.Dahil sa sagot nito, dahan-dahan na ibinaba ni Davielle ang baril niya. Nakita ko naman na lumapit si Bruce at kaagad din naman naglakad papasok. Nagmadali akong bumalik sa kwarto at kunwari lalabas pa lang ako. Nang makita niya naman ako ngumiti naman siya at nilagpasan lang ako. "Ate, sinusunod na pala kami nila mama at papa. Uuwi na po kami, maraming salamat po!"Bago pa man makalabas ng bahay ay niyakap muna ako ng dalawa na kaagad ko naman ding tinugunan. Sinamahan ko sila sa labas at kalmado ang lahat. Si Davielle
Gabi na pero dinala pa rin ako ng mga paa ko sa labas ng bahay. Napatingala ako sa kalangitan na sobrang daming bituin na kumikinang. "Kailangan ko ba talagang mamili sa dalawang option na 'yon? Seryoso ba talaga siya?"Kung pinili kung magpa ampon sa kaniya, ang baduy naman nun. Ilang taon lang naman ang gap namin tapos tatawagin ko siyang daddy o papa. At kapag naman nagpakasal ako sa kaniya, aba walang hiya, magkaka asawa ako ng wala sa oras. Ayaw ko pang magka anak, at kung magkaka anak man ako, hindi sa lalaking katulad niya."Nag-iisip ka na ba sa sagot mo?" Mula sa main door lumabas si Davielle. Nakangisi ito at nakapamulsa habang naglalakad. "Hinanap kita sa buong bahay, nandito ka lang pala. Ano'ng hinihintay mo dito? Tikbalang para itakas ka.""Sira, ano'ng tikbalang ka diyan! Huwag ka ngang manggulo dito, naiirita ako kapag nakikita ko ang mukha mo," sagot ko at napatakip ng mata."Allergy ka sa gwapo kong mukha? Isipin mo ilang araw na lang magiging daddy o di kaya hubby







