Beranda / Mafia / Loved by the Mafia Boss / Chapter 4: Stranger

Share

Chapter 4: Stranger

Penulis: Jenny
last update Terakhir Diperbarui: 2025-11-23 20:23:24

Tinulungan ko siyang tumayo at inaalalayan hanggang sa makaabot kami sa bahay ni Lola. Kaagad naman na binuksan ni Lola ang pinto nang makita kami nito.

"Ano'ng nangyari diyan, Ara? Saan mo iyan nakita?"

"Lola, patulong po muna ako, mabigat siya eh." Hingal kung reklamo kay Lola na sinalubong ba naman ako ng tanong.

Ihiniga namin siya sa papag na nasa loob ng kwarto ko. Pinalitan ko na rin ang pang itaas niyang damit, gamit ang damit na sabi ni Lola ay pagmamay-ari ng kapatid niyang lalaki.

"Sino ba iyan Ara? Kilala mo ba ang lalaking iyan?"

"Lola, nakita ko lang po siya sa may gubat. May baril nga yan kanina eh, tinago ko lang doon sa mga batong malalaki."

"May baril? Kung ganoon baka galing siya sa gyera. Hindi kaya rebelde ito? Malabo naman na sundalo kasi hindi naka uniporme."

"Hindi ko rin po alam Lola. Basta tinulungan ko nalang, nakonsensiya ako eh. Baka mamatay siya pag iniwan ko lang doon."

Hindi nagtagal ay narinig ko na naman na nagsasalita ang lalaki.

"Nasaan ang baril ko?"

"Aba, hinahanap mo ang baril mo? Ayon itinago ko muna. Baka kami ang pagbabarilin mo," sagot ko at inirapan ito.

"Doctor ka ba?"

"Sa tingin mo doctor ako? Doctor na nasa bukid ganoon?"

"Bakit ba ang sungit mo? Hindi mo alam kung ano ang kaya kung gawin sa'yo," aniya na nagtunog mayabang.

"Aba, nagmamayabang ka ha. Hoy lalaki, nandito ka sa teretoryo ko, kaya huwag kang mananakot."

"Hindi mo nga ako kilala, tama ba?"

Mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin at hindi ko alam pero parang pamilyar siya sa'kin eh.

"Paano naman kita makikilala eh ngayon lang kita nakita," sagot ko at ihinagis sa kaniya ang isang pantalon. "Magbihis ka ng pantalon mo, ang dungis na eh."

"Ano? Sa tingin mo kaya ko?"

"At ano namang gusto mo, bihisan kita? Aba mahiya ka naman," singhal ko dito pero natawa pa ito.

"Bakit, ano naman ang ikinakatakot mo?"

"Alam mo kung alam ko lang na ganiyan ka, talagang iniwan na lang kita doon."

"Pikon ka naman pala doktora," pang-aasar pa nito saka sinubukan bumangon at wala ano ano nitong ibinaba ang zipper ng pantalon niya. Kusa na lang akong napatalikod.

"Hindi ka lang mayabang, ang bastos mo pa!"

Nakabusangot akong nagtungo sa sala. Naabutan ko pa si Lola na nagbabasa pa ng libro niya. Kaagad naman akong tinapunan nito ng nang-aasar na tingin.

"Oh, bakit tila nagsasalubong iyang kilay mo?"

"Sira kasi yong lalaking iyon. Ang lakas ng tama," sagot ko at napabuga na lang sa hangin.

"Nakapagbihis na ako, hindi na madungis. Ngayon, pwede ko na bang malaman kung nasaan ang baril ko?"

At kumulo na naman ang dugo ko dahil sa boses ng lalaki. Magsasalita na sana ako, pero naunahan ako ni Lola.

"Halika dito hijo, maupo ka muna."

Umupo naman siya at sinadya talagang sa tabi ko pa. Sinamaan ko siya ng tingin pero inangasan lang ako nito.

"Ano ang pangalan mo at bakit may baril ka?"

"Davielle ang pangalan ko at bodyguard ako ng isang opisyal. Hinarang kami sa daan kaya marami akong tama," paliwanag niya.

"Ano'ng sinasabi mo kanina na magpapakasal tayo?" untag ko at tinaasan siya ng kilay.

"May sinabi ba ako? Baka naman natitipuhan ako nitong apo mo, Lola," aniya habang nakangiti ng nakaloloko.

"Aba't ang kapal talaga ng mukha mong lalaki ka."

"Ara, baka naman talaga may pagtingin ka sa binatang ito? Halata sa kilos mo," wika ni Lola kaya mas lalo akong nainis.

"Lola naman, pati ba naman ikaw."

"Oh siya sige na, ituro mo na kung saan mo itinago ang baril niya. Hindi naman pala masamang tao eh."

"Naniwala ho kayo kaagad? Pwede lang naman siya gumawa ng kwento eh."

"Sige na, samahan mo na siya, mukhang kaya naman niya maglakad."

Nauna ako sa labas at pinasunod ko nga siya. Umaangal naman ito dahil binilisan ko ang paglalakad ko.

"Hoy Ara, sandali lang."

"Wala kang karapatan na tawagin ako sa pangalan ko. Hindi tayo magkakilala."

"Ano naman ang itatawag ko sa'yo? Gusto mo yatang tawagin kitang doktora?"

"Alam mo ikaw, umayos ka talaga baka patulan kita," pananakot ko dito pero nabigla ako nang paglingon ko ay nasa harap ko na siya.

"Hindi mo ba talaga ako nakikilala?" tanong nito na ikinakunot ng noo ko.

"Bakit, magkakilala ba tayo?"

"Ibalik mo muna sa'kin ang baril ko."

Kaagad ko naman na ibinigay sa kaniya ang baril niya. At naghintay na magpaliwanag siya.

"Syempre hindi tayo magkakilala dahil hindi ako taga rito," aniya na ikinasama ng loob ko.

"DAVIELLE!"

Nag unahan pa kami patungo sa bahay pero pagkarating namin kusa akong napa atras nang may makita akong armadong kalalakihan na nakapalibot.

"Dito ka lang, huwag kang aalis sa pinagtataguan mo."

"Hoy, wala rito ang hinahanap niyo. Hindi pa rin talaga kayo sumusuko?"

"Ilabas mo ang anak ni Rodger. Alam namin na ikaw ang nagligtas sa kaniya, kapag nalaman ito ng pinuno, hindi ka niya titigilan."

Nagkatutukan na sila ng baril. Syempre kinabahan ako dahil marami sila laban kay Davielle na iisa lang.

"Nakakaawa naman kayo, para kayong mga daga na takot sa pusa. Huwag kang mag-alala, hindi na ito aabot pa sa pinuno niyo dahil dito pa lang tatapusin ko na kayo."

Napapikit ako ng mariin nang makarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril. Natatakot akong magmulat ng mata, baka bumulaga sa'kin ang bangkay ni Davielle.

"Halika na, wala na sila."

"Lagot ka, makukulong ka. Pinatay mo sila!"

Ngumisi lang siya at hinatak na ako papasok. Si Lola naman halata ang gulat sa mukha.

"Akala ko kung ano na ang nangyayari sa labas. Mabuti at ligtas kayo."

"Hindi ka na ligtas dito,"baling sa'kin ni Davielle.

"At saan naman ako ligtas aber? Isa pa hindi naman nila ako nakita, at napatay mo naman silang lahat."

Itong lalaking 'to di nag iisip. Sino pa ba ang dapat kung pagtaguan eh pinatay niya ng lahat.

"Kailangan mong sumama sa'kin, Tamarra."

"Kilala mo siya?"

Tinitigan lang ako nito at maya-maya ay ngumiti ito. "Ako lang naman ang nag-iisang taong tumulong sa kaniya upang makatakas sa tiyak na kamatayan."

Doon ako natigilan. Hinawakan ko ang braso niyang matigas. "Kilala mo ako? Kung saan ako nanggaling? Kung sino ang mga magulang ko?"

"Pangalan mo lang ang kilala ko. Magkasama tayong dinukot, at dahil naawa ako sa'yo tinulungan kitang makatakas,"paliwanag niya.

"Nagsasabi ka ba ng totoo?"

"Oo naman, tingin mo ba nagsisinungaling ako?"

"Sino si Rodger? Ako ba yong anak na tinutukoy ng lalaking pinatay mo?"

"Hindi ikaw 'yon. Ang anak ni Rodger di hanak ba mas maganda iyon sa iyo, at hindi nagsusuot ng ganiyang palda"

"Aba ikaw sumusobra na ang panglalait mo sa'kin, tapos sasabihin mo na sumama ako sa'yo. Hoy lalaki, kaya ko ang sarili ko."

"Sige ka, kung ayaw mong sumama sa'kin, baka pati si Lola madamay."

Hinarap ko siya at kitang-kita ko sa mga mata niya na hinihintay niya ang sunod kong isasagot.

"Pero may tungkulin na ako sa lugar na ito. Hindi ko ito pweding talikuran ng basta-basta na lang."

"Sige nga mamili ka. Ang tungkulin mo o ang buhay mo? Sasama ka ba o madadamay ang buong lugar na ito?"

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Loved by the Mafia Boss   Chapter 13: Weird People

    Lumuhod sa harap ko si Davielle habang may hawak na singsing. Sa pangalawang pagkakataon, inipit na naman niya ako sa alanganin na sitwasyon.Wala na akong ibang choice kundi ang tanggapin ang alok niyang kasal. Ayokong magmukhang masama sa harap ng maraming tao. What I mean is, ayaw ko siyang mapahiya. "Yes, I will marry you."Kahit si Davielle hindi makapaniwala sa naging sagot ko, halatang-halata naman kasi ang gulat sa mga mata niya, pero kaagad din naman itong napalitan ng pilyong ngiti."Finally, pumayag ka na rin," bulong niya sabay yakap sa'kin at isinuot ang singsing sa daliri ko. Nginitian ko lang siya, at pinanliitan ko ng mata si Cheska na sobrang natutuwa. Ang lapad ng ngiti niya, kaya senenyasan ko siya na isara ang bibig."See, sister-in-law na kita soon," aniya at pumalakpak pa."Si Lola ikaw ba ang nagpapunta dito?"Tumango naman siya at sabay kaming naglakad papunta sa kinauupuan ni Lola. "Salamat sa pagtugon sa paanyaya ko, Lola." Nagmano siya rito at ngumiti nama

  • Loved by the Mafia Boss   Chapter 12: No Way Out

    Nakaramdam ako ng sobrang awa kay Davielle dahil sa mga sinabi niya kanina. Tama nga sila, huwag muna tayong mag judge kapag hindi pa natin alam ang background story ng isang tao."Ayusan niyo siya, gawin niyong medyo wavy ang end ng hair niya. You also do her nails, yong pinakamahal ang gusto kong quality ng magiging output niyo. I'll pay any amount."Literal napanganga ako nang marinig ko ang usapan nila Davielle at ang bakla na may ari ng parlor na pinasukan namin. Hindi ko alam kung parlor lang ba ito or ano, basta nakaupo ako sa harap ng malaking salamin at maraming umaasikaso sa'kin.Ayaw ko sanang ipagalaw ang straight ong buhok pero, tama naman si Davielle, kailangan kong mag ingat muna sa ngayon. Lalo pa't wala akong maalala, kung tutuusin wala akong laban dahil kahit sinong kalaban ay pwede akong paglaruan."Ang ganda mo na, pero gusto ka pang pagandahin ni fafa, hanep talaga, ang swerte mo. Girl, ano bang gayuma ang ginamit mo sa kaniya?"Ako pala ang kinakausap ng bakla n

  • Loved by the Mafia Boss   Chapter 11: A story to tell

    Labis akong namangha nang pagmulat ko ng aking mga mata, nagtataasang mga gusali ang bumungad sa’kin. Ang luwag ng kalsada, mas nasa itaas pa. Malayong-malayo sa probinsiya. “Can we eat first, kuya? Noodles and biscuits lang naman kasi ang kinain natin kagabi,” pakiusap ni Cheska sa kapatid na tahimik na nag dradrive. Simpleng tango lang ang isinagot nito at maya amya ay huminto kami sa tapat ng isang mataas ng building. “Tara na,” aya sa’kin ni Cheska at siya na nga ang nagbukas ng pintuan ng kotse at hinatak ako palabas. Masyadong gutom na yata ang isang ito, halatang nagmamadali.“Maupo na lang kayo, ako na ang mag oorder,” wika ni Davielle kaya tumango kami pareho at napansin ko pa na para bang may ibang ningning sa mga mata ni Cheska.“Oh bakit parang kakaiba ang ngiti mo, Cheska?” tanong ko dito. “Minsan lang iyan maging mabait si Kuya,” wika niya na pabulong lang at humagikhik pa ito. “Masyadong halata na nagpapabilib sa’yo eh,” dagdag pa niya at kinurot-kurot pa ang pisnge

  • Loved by the Mafia Boss   Chapter 10: Embrace

    Nagising ako na madilim ang paligid. Hindi naman sa takot ako sa dilim pero, biglang bumigat ang dibdib ko. "May tao ba diyan? Davielle? Cheska!"Nag echo lang ang boses ko sa loob ng kinaroroonan ko. Tumayo ako at kahit wala akong maaninag sinubukan kong humakbang. Paano ba ako napunta sa loob ng madilim na kwartong ito? Ang huli kong naaalala ay magkatabi kami ni Cheska na natulog. "May tao ba riyan? Kung naririnig mo ako sumagot ka!"May narinig akong mga yabag ng paa na papalapit sa kinatatayuan ko. Unti-unting bumukas ang pinto at pumasok ang isang pamilyar na lalaki. Matangkad at kahit nakatalikod ito, nakilala ko siya. It's Davielle."Ano'ng trip mo na naman Davielle? Bakit mo ako kinulong dito sa madilim na kwartong ito?"Naglakad siya papalapit sa'kin. Tahimik, matalim ang tingin sa'kin at may kakaibang gisi sa labi. "A-anong gagawin mo sa'kin?"Biglaan niya akong idiniin sa pader at walang pasabi, naglapat ang mga labi namin. Hindi ako nakagalaw at nagmistulang mga tuod

  • Loved by the Mafia Boss   Chapter 9: Puzzled

    Kinaumagahan ay may mag asawa na nagtungo sa compound. Kaagad ko naman silang nakilala. Mga magulang ito nila Ace at Jack. Papalabas na sana ako nang biglang nakita ko si Davielle na tinutukan ng baril ang ama ng mga bata. Nagkubli ako sa likod ng malaking tank ng tubig. "Mangako ka na hindi ka na ulit magbibisyo. Nadadamay pati mga anak niyo dahil sa kagagawan mo.""Pasensiya na boss, hindi na ako uulit. Magbabago na ako para sa pamilya ko," sagot naman ng lalaki.Dahil sa sagot nito, dahan-dahan na ibinaba ni Davielle ang baril niya. Nakita ko naman na lumapit si Bruce at kaagad din naman naglakad papasok. Nagmadali akong bumalik sa kwarto at kunwari lalabas pa lang ako. Nang makita niya naman ako ngumiti naman siya at nilagpasan lang ako. "Ate, sinusunod na pala kami nila mama at papa. Uuwi na po kami, maraming salamat po!"Bago pa man makalabas ng bahay ay niyakap muna ako ng dalawa na kaagad ko naman ding tinugunan. Sinamahan ko sila sa labas at kalmado ang lahat. Si Davielle

  • Loved by the Mafia Boss   Chapter 8: The Kids

    Gabi na pero dinala pa rin ako ng mga paa ko sa labas ng bahay. Napatingala ako sa kalangitan na sobrang daming bituin na kumikinang. "Kailangan ko ba talagang mamili sa dalawang option na 'yon? Seryoso ba talaga siya?"Kung pinili kung magpa ampon sa kaniya, ang baduy naman nun. Ilang taon lang naman ang gap namin tapos tatawagin ko siyang daddy o papa. At kapag naman nagpakasal ako sa kaniya, aba walang hiya, magkaka asawa ako ng wala sa oras. Ayaw ko pang magka anak, at kung magkaka anak man ako, hindi sa lalaking katulad niya."Nag-iisip ka na ba sa sagot mo?" Mula sa main door lumabas si Davielle. Nakangisi ito at nakapamulsa habang naglalakad. "Hinanap kita sa buong bahay, nandito ka lang pala. Ano'ng hinihintay mo dito? Tikbalang para itakas ka.""Sira, ano'ng tikbalang ka diyan! Huwag ka ngang manggulo dito, naiirita ako kapag nakikita ko ang mukha mo," sagot ko at napatakip ng mata."Allergy ka sa gwapo kong mukha? Isipin mo ilang araw na lang magiging daddy o di kaya hubby

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status