"What are you doing here, Cheska?""I'm sorry bro, may importante kasi akong sasabihin sa'yo. Hindi naman kita ma contact kaya ako na mismo ang nagpunta rito."Nakatitig lang ako sa babaeng muntik ko ng mabangga kanina. Kakababa niya lang sa sasakyan niya at sa kaniyang pormahan ay halatang mayaman siya."Tinawag mo ang pangalan ko, you know me?"Nagulat naman siya sa tanong ko. Sasagot na sana siya pero hinatak na ito ni Davielle. "Kapatid ko ito, at nasabi ko sa kaniya na ikaw ang tumulong sa'kin. Bumalik ka na muna sa kwarto mo at magbihis ka, pawis na pawis ka na."Iniwan nila akong nakanganga. Tila ba'y ayaw niyang kausapin ako ng kapatid niya. "Natamaan yata sa'yo si Davielle."Sinabayan ako ni Bruce sa paglalakad. Binigyan ko naman siya ng tingin na makahulugan."Syempre ang ganda mo eh, kahit sinong lalaki mapapaamo mo," dagdag pa niya."Ano ba talaga kayo? I mean, si Davielle.""Ano ka ba, syempre tao kami. Ikaw ha, baka akala mo aswang kami, naku ayusin mo baka mamaya hagi
Huling Na-update : 2025-11-27 Magbasa pa