LOGIN[Davielle’s Point of View]“Gumawa kayo ng peke na kopya ng file na ito. Kailangan na maiba ang silyo, pero dapat hindi nila mahalata,” utos ko kina Nigel na ngayon ay naghahanda na ng mga armas.“Noted boss.”“Sa tingin mo boss, ano ang totoong pakay dito ni tanda? May balak ba siyang ibenta ito sa mga pulis?”Napa-isip ako dahil sa tanong ni Miguel. May punto naman siya. Maaaring pagkakitaan ni master Lou ang files na ito, o baka naman may iba pa siyang plano dito. “Bakit hindi na lang natin sunugin iyan at ng wala ng ibang makakuha pa?” mungkahi ni Bruce.“Hindi natin ito pweding basta na lang na sirain. Kailangan itong mapunta sa mga tapat na alagad ng batas,” sagot ko.“Ibibigay mo sa mga pulis? Madadamay ka niyan!”“Saka ko na ito ibibigay sa kanila kapag natapos na akong gumanti para sulit naman kung makulong ako,” sagot ko at ngumisi sa kanila.“Grabe ka talaga boss.”Lumabas ako saglit at napagdesisyunan kong dalawin si lola Lorna. Pagkarating ko sa bahay niya, hindi na ako
[Davielle’s Point of View]“Ano’ng klasing mukha yan? Para kang natalo sa lotto.”“Nag-away ba kayo ng honey mo?”“Baka hiniwalayan ni miss ganda.”Isa-isa ko silang tinapunan ng masamang tingin. Itinaas ko ang kamay ko at lahat sila gulat ang ekspresyon sa mga mukha.“Paano niyo nakuha iyan? Bumalik na ba ang alaala niya?” tanong ni Miguel habang hindi pa inaalis ang titig sa kamay ko.“I don’t know if she’s telling the truth.” Diretso akong pumasok at naupo sa swivel chair. Inilapag ko sa mesa ang red envelope kasabay ang isang hiwalay na folder.“Ano ba ang sabi niya?”“Hulaan ko. Hindi niya inaamin na may naalala na siya, tama?”I simply nod as an answer. “So, what now? Bakit hindi mo siya isinama dito? Hindi ba naninilikado ang buhay niyo doon?” pakamot-kamot sa ulo si Nigel habang hindi napirme sa kaniyang kinatatayuan.“The fudge Nigel. Maupo ka nga, nahihilo na ako sayo!” sita dito ni Miguel at hinila ito paupo.“I don’t care anymore!”“WHAT!” Lahat sila nanlaki ang mga mat
“N-No. Huwag kang lumapit sa’kin!” Napasigaw ako nang nagtangka siyang lumapit sa’kin. Dahan-dahan akong umatras, hanggang sa may mabangga akong matigas na bagay. No, hindi pala bagay. It’s Jake.“What’s wrong? We have to go home,” aniya at hinawakan ang nanlalamig kong kamay.“Sorry boss, hindi ko siya napigilan,” ani ni Jake na nakahawak na sa braso ko.“It’s fine. She’s right, hindi ko mabubuksan ang secret room na ito kung wala siya. Now, let’s go back home, baka matunugan pa tayo ng kalaban.”Malamig ang mga tingin ni Davielle. Nauna na siyang maglakad, hindi manlang ako tinanong kung ayos lang ba talaga ako. Hindi manlang ako hinintay.“See, I already told you, Ara,” bulong ni Jake kaya hindi ko mapigilan ang mga luha ko.“Did he really just used me, Jake?”He shrugged his shoulder at tinapik ang balikat ko. “Don’t worry, I’m still here, Ara.”“Get in the car, now!” maawtoridad na wika sa’kin ni Davielle. Gaya ng utos niya, sumakay ako sa kotse. “Sinundan mo ba kami?” tanong
“Can you give me enough time to think about it? Hindi madali ito para sa’kin,” wika ko at naupo na mabibigat ang mga balikat.“I will wait for your decision, Ara. Sana this time, maging mautak ka.”Tumango lang ako at kahit mabigat sa loob ko ang lahat ng nalaman ko, pinilit ko pa rin na ngumiti. “Hindi ka pa rin nagbabago. You still smile even the situation is tough.”“That’s life. Kailangan nating sumabay sa laro ng buhay.”Lumapit siya sa’kin at naupo sa tabi ko. “Always remember, nandito lang ako… handa akong maghintay sa muli mong pagbabalik.”Hindi pa rin talaga nag pro-process sa utak ko ang mga sinabi niya. About him, my bestfriends and about the past. Para bang ang hirap paniwalaan ang lahat. Maybe because I never see it coming. “By the way, are you aware that lola Lorna is also a Sanchez?”“Tama! She is also… wait. Possible kaya na magka pamilya pa kami?” Tumingin ako sa kaniya at napatingin naman siya sa’kin. “Kilala mo ba ang mga relatives ko?”I was frustrated when he
I opened my eyes and on act, hinahalikan ni Davielle ang noo ko. I held the back of his neck and draw it closer to mine.Hinalikan ko siya sa labi. "Good morning," wika ko at nginitian ko siya."Nanggugulat ka naman honey," aniya at bahagyang natawa."Ikaw nga itong nanghahalik sa tulog eh. Baka mamaya niyan, pasukan mo rin ako habang tulog.""Ay, hindi ako ganiyan, honey."Talagang tawang-tawa siya. Pero tawa na ramdam ang lungkot."Sabi mo yan ah. O siya, dito ka na muna. Magluluto ako para sa breakfast mo. Dadalhin ko na lang din dito.""Aba si manang laging save sa gawain niya," aniya kaya pareho kaming natawa.Tama siya. Hindi na nagluluto ang tagaluto namin dahil pareho kami ni Davielle competitive. Parehong gustong magluto."Ayos lang iyon. Tumutulong naman siya sa ibang mga gawain.""Mamaya, ako naman ang magluluto.""Oo, basta ngayon, diyan ka lang muna. Kailangan mo pang bumawi ng lakas."Isinarado ko na ang pinto at hindi ko naman narinig ang pagtutol niya. Dumiretso ako s
"Tamarra tumakbo ka na!"Magulo ang paligid. Nagkakalat ang mga gamit at isang babaeng nakahandusay ang pumukaw ng attention ko. Nakatingin siya sa'kin, lumuluha at pinipilit na magsalita."Anak, tumakbo ka na!"Isang boses ng lalaki ang tumawag sa attensiyon ko. Malabo ang mukha niya, hindi ko masyadong maaninag. Isa lang ang naiintindihan ko. Anak niya ako.Tumakbo ako ng mabilis pero bago ako makalabas ay natalisod ako't nauntog sa pintuan ng main door. Napasalampak ako sa sahig at bahagyang napapikit. Pagmulat ng mga mata ko, may isang lalaki at dalawang babae ang tumatawag sa'kin."Sino kayo?""Ara, sorry."Hindi ko sila maintindihan. Unti-unti silang lumalayo sa'kin kaya pinilit ko na tumayo. Biglang sumakit ng sobra ang ulo ko. Animo'y binibiyak ito."You'll die in my hands."Kusang naging mga tuod ang tuhod ko nang marinig ko ang pamilyar na boses. Hindi lang basta pamilyar, kundi boses ng lalaking minsan ko ng pinagkatiwalaan."D-Davielle, ano'ng nangyayari?"Nakatingin siya







