Home / Mafia / Loved by the Mafia Boss / Chapter 2: Betrayed

Share

Chapter 2: Betrayed

Author: Jenny
last update Huling Na-update: 2025-11-23 20:21:29

“Siguro mas mabuti kung mananatili ka na muna sa safe house, Ara. Base sa statement mo, nasa alanganin ang buhay mo sa mga panahong ito.” Hinarap ako ni Lieutenant Go at tumango naman si Sergeant Lee bilang pagsang-ayon sa winika nito.

I was busy checking my phone nang lumapit silang dalawa sa’kin. Nakita ko naman na napatingin ang tatlong kaibigan ko at tila inaabangan nila ang magiging reaksiyon at sagot ko.

“Paano na po ang pag-aaral ko? Malapit na po ang internship namin, this semester na iyon,” nanghihina kong sagot.

“Sa ngayon mas importante ang kaligtasan mo. Ipagpaliban mo na muna iyan, may next year pa naman.”

Napahawak na lang ako sa ulo. Oo madali lang iyon sa kanilang sabihin dahil hindi sila ang nasa sitwasyon ko. Ngayon ko naintindihan ang mga sinasabi ni mommy dati na dapat maging grateful ako sa araw-araw na binubungangaan niya ako, kasi darating ang araw na mahihirapan akong mamuhay kung ako na lang.

At nangyari na nga ang araw na iyon. Mag-isa na lang ako, sabay silang kinuha sa’kin. Gayong ngayon pa lang, naiisip ko na kung gaano kadilim ang daan na tatahakin ko.

Hindi lang mga magulang ko ang kinuha sa’kin, inalis na rin pala sa’kin ang pangarap ko na magtapos this school year.

“Don’t worry Ara, kapag naging okay na ang lahat, maipagpapatuloy mo naman ang pag-aaral,” pag-alo sa’kin ni Cheska.

“Baka naman kasi iniisip ni Ara na sayang yong chance na maging Magna Cum Laude siya,” mahina na wika ni Sarah pero narinig ko ito.

“Sa mga nangyari ba naman sa buhay ko, mas uunahin ko pang isipin iyan, Sarah? Alam mo, ang laman ng isip ko ngayon ay kung bakit sa dami ng masasamang tao sa mundo, sa pamilya ko pa ito nangyari. Mababait naman ang mga magulang ko, kaya bakit kami pa?”

“Itong si Sarah naman kasi. Uwi ka na nga lang sa inyo muna, mas lalo mo lang ine-stress itong kaibigan natin eh!”

Dahil ipinagtabuyan ni Cheska si Sarah, sinamahan na lang ito ni Ivan na umuwi na sa kanila. Hindi rin nagtagal inilabas na ang mga bangkay nila mommy at daddy.

Hindi ko maiwasan na maging emosyonal. Mahirap kontrolin ang emosyon ko, para bang pakiramdam ko gumuho na ang mundo ko.

Nang makita kong ipapasok na sila sa loob ng ambulance, nagsisisigaw ako at naglumpasay.

“Mommy, daddy! Huwag kong kunin sa’kin ang mga magulang ko!”

“Tahan na Ara, wala na sila tito at tita,” bulong sa’kin ni Cheska habang hinihilot ang likod ko. “Alam kong masakit itong nangyari sa’yo pero kailangan mong magpakatatag. Ang isipin mo ngayon ay kung paano sila mabibigyan ng hustisya,” dagdag pa niya na naging dahilan upang magkaroon ako ng intensiyon na ipagpatuloy ang buhay ko.

Nang huminahon ako ay saka rin ako kinausap ulit ng mga pulis.

“Isang araw lang ang ibibigay naming na pahintulot upang paglamayan ang mga magulan mo, Ara.”

Sinamaan ko ng tingin si Lieutenant dahil sa sinabi niya. Tinapik naman ako sa braso ni Ivan na kababalik lang.

“Bakit naman po isang araw lang?”

“Dahil nga sa ano mang oras p’weding bumalik ang mga pumatay sa kanila. Maaaring may mga madamay pa,” paliwanag niya naman pero naging makitid ang pag unawa ko.

“Trabaho niyo naman na magbantay at bigyan ng proteksiyon ang mga tao di ba? Ano’ng excuse na naman po iyan? Isang araw lang ang lamay nila, tapos ililibing na? Hindi niyo ho ba naiiintindihan ang nararamdaman ko?!”

Kahit sinong anak naman siguro magiging katulad ko ang reaksiyon. Sobrang bilis ng mga pangyayari, biglaang kinuha sa’kin ang mga magulang ko tapos mamadaliin din nila ang paglibing?

“Pasensiya na kayo sa kaibigan namin, Sir. Alam ko naman po na maiiintindihan niyo kung bakit ganito siya sumagot, masyadong masakit po para sa kaniya ang mga nangyayari.”

Kahit ano’ng gawin ko na pagtutol ay wala akong nagawa, sila pa rin ang nasunod. Hinayaan ko na lang sila gayong wala naman akong laban at siguro nga iyon ang makabubuti sa lahat.

***

Mabilis na lumipas ang mga oras at ito na ang huling oras na makakasama ko ang mga katawan ng mga magulang ko na labis na nagmahal sa’kin. Hindi ko na mapigilan ang mga nagbabadya kong luha.

“Mommy salamat sa lahat ng pag aruga at pagmamahal na ibinigay mo sa’kin. Pasensiya na po kung minsan pasaway akong anak. Mommy, sobrang ma-mimiss kita, ang hirap mabuhay na wala ka.” Tumingala ako sa langit at huminga ng malalim.

“Daddy.” Napahagulhol ako kaagad, hindi ko kayang sabihin ng verbal ang gusto kong sabihin kay daddy.

Daddy became my diary since I was a kid until nagdalaga ako. Lalaki nga siya, pero mas close kami. Lahat ng mga sekreto ko, alam iyon ni daddy. Daddy is not perfect, I know that, pero para sa’kin he is the ideal daddy at wala ng makapapalit sa kaniya.

“Pinapangako ko na ibibigay ko sa inyo ang hustisya. Kahit umabot pa sa puntong kailangan kong pumatay ay gagawin ko. Daddy, mahal na mahal kita, mahal ko kayo ni mommy. Paalam.”

Matapos ang seremonya ay dapat papasok na ako sa police car pero bigla akong hinila nila Sarah at Ivan. Tila nagmamadali sila at tinitiyak na hindi kami mapapansin ng mga pulis. Sa kabilang daan kami dumaan, sa labas pala ng kakahuyan naroon ang kotse ni Ivan.

“Saan ba tayo pupunta? Tiyak na hahanapin ako nila Lieutenant at Sergeant.”

“At sasama ka ba talaga sa safehouse nila? Ma bobored ka lang doon, mas mabuti pa kung sa probinsiya na lang tayo muna manatili,” wika naman ni Ivan na nakangisi pa.

“Oo nga Ara. Alam ko naman na hindi ka na nila masusundan doon eh.”

Binatukan ko silang dalawa kaya napahinto kami sa paglalakad. Imbes na magalit nagtawanan sila. “Mga sira kayo, eh paano na ang pag-aaral niyo?”

“Kung titigil ka, ide titigil na rin muna kami para next year sabay-sabay pa rin tayong apat na ga-graduate.” Proud pa yan si Sarah habang nagsasalita.

“Oo tama, ayaw naman din namin na malulungkot kang mag-isa. Sa lahat ng ganap mo sa buhay, dapat kasama kami,” sang-ayon pa ni Ivan.

Hindi na ako naka angal dahil hinatak na talaga nila ako ng tuluyan. Nang matanaw ko na ng klaro ang kotse, nakita ko naman si Cheska na mula sa loob ay kumakaway ito.

“Bilisan niyo baka mahalata nila!”

Nagtakbuhan naman na kami at pagkapasok sa kotse, kaagad naman itong pinaandar ni Ivan. Nagtawanan silang tatlo at nag apir pa, habang ako natawa na lang din sa ginawa nila.

“Kayo talaga, pag nadamay kayo ewan ko na lang sa inyo,” Singhal ko sa kanila.

“Sa tingin ko naman damay na talaga kami simula pa lang eh. Alam ng mga mamamatay tao ang lahat tungkol sa’yo. Malamang p’wedi nila kaming gamiting alas para mahanap ka.”

May punto si Sarah, masyadong matalino ang mga taong iyon. Kaya kahit sino sa mga kaibigan ko at hindi rin ligtas.

Tahimik at payapa ang byahe namin ngunit nagulantang kami nang may isang kotse na humarang sa daraanan namin. Animo’y nagkaroon ng karera sa loob ng puso ko.

“IT'S THEM!"

Nanlaban pa kami pero malalakas sila. Nailabas nila kami sa kotse ng walang kahirap-hirap. Kitang-kita ko na tinatalian nila ang mga kaibigan ko at binusalan sa bibig.

“Ako na ang bahala sa kaniya,” wika ng isang pamilyar na lalaki. Kung hindi ako nagkakamali, siya ang lalaking nakita ko kagabi.

“Hindi ba’t sabi ko sa’yo magpakalayo-layo ka na? Babaeng ‘to talaga ang tigas ng ulo,” aniya habang tinatalian ang kamay ko. Ramdam ko na hindi iyon mahigpit kaya tinitigan ko siya na may pagtataka.

“Sige, isakay niyo na ang mga iyan. Sunugin na rin ninyo ang kotseng gamit nila!” Utos niya sa mga kasama na kaagad naman nilang sinunod.

Naramdaman ko na sa tabi ko siya umupo. Naka blindfold ako kaya’t hindi ko makita ang dinadaanan namin.

Kapag talaga ako nakatakas, papatayin ko ang leader nila!

“Kalma ka lang, at dahil maganda ka, tutulungan pa kitang mabuhay. Pero hindi ito libre, utang mo ito sa’kin,” aniya kaya mas lalo akong nagtaka.

Hindi ko mawari kung kalaban ba siya o ano. Simula kagabi ay tinutulungan na niya ako.

“Boss, nandito na sila.”

Paghinto namin saka nila kinuha ang blindfold namin at ang busal sa bibig. Pasimpleng lumapit sa’kin ang lalaki at tiningnan ako ng makahulugan. “Kapag nakita mong nagkagulo, tumakbo ka na kaagad at gamitin mo ang kotse ko. Tumakas ka at sikapin mo na mabuhay.”

Hinila niya ako paharap sa leader nila. Ngayon ko nakita ng tuluyan ang mukha nito.

“Ikaw? Ano’ng ibig sabihin nito? I trusted you!"

“Sorry Ara, it's my dad who killed your parents. I'm really sorry."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Loved by the Mafia Boss   Chapter 13: Weird People

    Lumuhod sa harap ko si Davielle habang may hawak na singsing. Sa pangalawang pagkakataon, inipit na naman niya ako sa alanganin na sitwasyon.Wala na akong ibang choice kundi ang tanggapin ang alok niyang kasal. Ayokong magmukhang masama sa harap ng maraming tao. What I mean is, ayaw ko siyang mapahiya. "Yes, I will marry you."Kahit si Davielle hindi makapaniwala sa naging sagot ko, halatang-halata naman kasi ang gulat sa mga mata niya, pero kaagad din naman itong napalitan ng pilyong ngiti."Finally, pumayag ka na rin," bulong niya sabay yakap sa'kin at isinuot ang singsing sa daliri ko. Nginitian ko lang siya, at pinanliitan ko ng mata si Cheska na sobrang natutuwa. Ang lapad ng ngiti niya, kaya senenyasan ko siya na isara ang bibig."See, sister-in-law na kita soon," aniya at pumalakpak pa."Si Lola ikaw ba ang nagpapunta dito?"Tumango naman siya at sabay kaming naglakad papunta sa kinauupuan ni Lola. "Salamat sa pagtugon sa paanyaya ko, Lola." Nagmano siya rito at ngumiti nama

  • Loved by the Mafia Boss   Chapter 12: No Way Out

    Nakaramdam ako ng sobrang awa kay Davielle dahil sa mga sinabi niya kanina. Tama nga sila, huwag muna tayong mag judge kapag hindi pa natin alam ang background story ng isang tao."Ayusan niyo siya, gawin niyong medyo wavy ang end ng hair niya. You also do her nails, yong pinakamahal ang gusto kong quality ng magiging output niyo. I'll pay any amount."Literal napanganga ako nang marinig ko ang usapan nila Davielle at ang bakla na may ari ng parlor na pinasukan namin. Hindi ko alam kung parlor lang ba ito or ano, basta nakaupo ako sa harap ng malaking salamin at maraming umaasikaso sa'kin.Ayaw ko sanang ipagalaw ang straight ong buhok pero, tama naman si Davielle, kailangan kong mag ingat muna sa ngayon. Lalo pa't wala akong maalala, kung tutuusin wala akong laban dahil kahit sinong kalaban ay pwede akong paglaruan."Ang ganda mo na, pero gusto ka pang pagandahin ni fafa, hanep talaga, ang swerte mo. Girl, ano bang gayuma ang ginamit mo sa kaniya?"Ako pala ang kinakausap ng bakla n

  • Loved by the Mafia Boss   Chapter 11: A story to tell

    Labis akong namangha nang pagmulat ko ng aking mga mata, nagtataasang mga gusali ang bumungad sa’kin. Ang luwag ng kalsada, mas nasa itaas pa. Malayong-malayo sa probinsiya. “Can we eat first, kuya? Noodles and biscuits lang naman kasi ang kinain natin kagabi,” pakiusap ni Cheska sa kapatid na tahimik na nag dradrive. Simpleng tango lang ang isinagot nito at maya amya ay huminto kami sa tapat ng isang mataas ng building. “Tara na,” aya sa’kin ni Cheska at siya na nga ang nagbukas ng pintuan ng kotse at hinatak ako palabas. Masyadong gutom na yata ang isang ito, halatang nagmamadali.“Maupo na lang kayo, ako na ang mag oorder,” wika ni Davielle kaya tumango kami pareho at napansin ko pa na para bang may ibang ningning sa mga mata ni Cheska.“Oh bakit parang kakaiba ang ngiti mo, Cheska?” tanong ko dito. “Minsan lang iyan maging mabait si Kuya,” wika niya na pabulong lang at humagikhik pa ito. “Masyadong halata na nagpapabilib sa’yo eh,” dagdag pa niya at kinurot-kurot pa ang pisnge

  • Loved by the Mafia Boss   Chapter 10: Embrace

    Nagising ako na madilim ang paligid. Hindi naman sa takot ako sa dilim pero, biglang bumigat ang dibdib ko. "May tao ba diyan? Davielle? Cheska!"Nag echo lang ang boses ko sa loob ng kinaroroonan ko. Tumayo ako at kahit wala akong maaninag sinubukan kong humakbang. Paano ba ako napunta sa loob ng madilim na kwartong ito? Ang huli kong naaalala ay magkatabi kami ni Cheska na natulog. "May tao ba riyan? Kung naririnig mo ako sumagot ka!"May narinig akong mga yabag ng paa na papalapit sa kinatatayuan ko. Unti-unting bumukas ang pinto at pumasok ang isang pamilyar na lalaki. Matangkad at kahit nakatalikod ito, nakilala ko siya. It's Davielle."Ano'ng trip mo na naman Davielle? Bakit mo ako kinulong dito sa madilim na kwartong ito?"Naglakad siya papalapit sa'kin. Tahimik, matalim ang tingin sa'kin at may kakaibang gisi sa labi. "A-anong gagawin mo sa'kin?"Biglaan niya akong idiniin sa pader at walang pasabi, naglapat ang mga labi namin. Hindi ako nakagalaw at nagmistulang mga tuod

  • Loved by the Mafia Boss   Chapter 9: Puzzled

    Kinaumagahan ay may mag asawa na nagtungo sa compound. Kaagad ko naman silang nakilala. Mga magulang ito nila Ace at Jack. Papalabas na sana ako nang biglang nakita ko si Davielle na tinutukan ng baril ang ama ng mga bata. Nagkubli ako sa likod ng malaking tank ng tubig. "Mangako ka na hindi ka na ulit magbibisyo. Nadadamay pati mga anak niyo dahil sa kagagawan mo.""Pasensiya na boss, hindi na ako uulit. Magbabago na ako para sa pamilya ko," sagot naman ng lalaki.Dahil sa sagot nito, dahan-dahan na ibinaba ni Davielle ang baril niya. Nakita ko naman na lumapit si Bruce at kaagad din naman naglakad papasok. Nagmadali akong bumalik sa kwarto at kunwari lalabas pa lang ako. Nang makita niya naman ako ngumiti naman siya at nilagpasan lang ako. "Ate, sinusunod na pala kami nila mama at papa. Uuwi na po kami, maraming salamat po!"Bago pa man makalabas ng bahay ay niyakap muna ako ng dalawa na kaagad ko naman ding tinugunan. Sinamahan ko sila sa labas at kalmado ang lahat. Si Davielle

  • Loved by the Mafia Boss   Chapter 8: The Kids

    Gabi na pero dinala pa rin ako ng mga paa ko sa labas ng bahay. Napatingala ako sa kalangitan na sobrang daming bituin na kumikinang. "Kailangan ko ba talagang mamili sa dalawang option na 'yon? Seryoso ba talaga siya?"Kung pinili kung magpa ampon sa kaniya, ang baduy naman nun. Ilang taon lang naman ang gap namin tapos tatawagin ko siyang daddy o papa. At kapag naman nagpakasal ako sa kaniya, aba walang hiya, magkaka asawa ako ng wala sa oras. Ayaw ko pang magka anak, at kung magkaka anak man ako, hindi sa lalaking katulad niya."Nag-iisip ka na ba sa sagot mo?" Mula sa main door lumabas si Davielle. Nakangisi ito at nakapamulsa habang naglalakad. "Hinanap kita sa buong bahay, nandito ka lang pala. Ano'ng hinihintay mo dito? Tikbalang para itakas ka.""Sira, ano'ng tikbalang ka diyan! Huwag ka ngang manggulo dito, naiirita ako kapag nakikita ko ang mukha mo," sagot ko at napatakip ng mata."Allergy ka sa gwapo kong mukha? Isipin mo ilang araw na lang magiging daddy o di kaya hubby

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status