เข้าสู่ระบบLooking for your next romance read? Try Love for Rent and The Billionaire’s Exclusive Maid, parehong puno ng kilig, drama, at pag-ibig. Maraming salamat po!
“Felix, samahan mo si Demi sa kabilang gusali,” utos ni Warren. “Ikaw ang magbuhat. Siya ang magtatala ng mga kahon,” sabi ni Warren.Tumango ang payat na laborer.“Huwag kayong magliligawan habang nagtatrabaho,” dagdag nito.“Boss, hindi ko po type,” sagot ni Felix.Napalingon dito si Damon. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng pagkainis.“Excuse me? Hindi rin kita type.”Inirapan siya ni Felix bago binuhat ang isang kahon.Pamilyar ang irap nito. Gayunman, ibinasura ni Damon ang naiisip. Masyado lamang siyang sabik na makita si Felicity kaya hinahanapan niya ng pagkakahawig ang bawat taong nakakasalamuha.Sinundan niya si Felix patungo sa loading area. Siya ang may hawak ng clipboard habang inililipat ng mga laborer ang mga kahon mula sa truck.Refined Sugar ang nakasulat sa listahan. Ngunit hindi tugma ang bigat at mga serial number ng ilang kahon sa nasa listahan. Wala ring pangalan ang kumpanyang pinagmulan ng mga iyon.Inayos ni Damon ang salamin upang maitapat ang naka
Hindi makapaniwala si Damon na iniwan siyang bigla ni Felicity.Babalik din tiyak ito. Baka nagtampo lang o may pinuntahan.Ibinigay ni Donya Mercy kay Damon ang pouch na naiwan ni Felicity.“Baka may mahalagang laman. Isoli mo sa kanya. At Damon, paalala lang, baka kakahabol mo sa nakaraan, magsisisi ka dahil pinabayaan mo ang mga taong nagmamahal sa’yo ng tunay.”Binuksan ni Damon ang pouch pag-alis ng ina. Naroon ang ilang memory card at dalawang USB na walang label.Dinala ni Damon ang pouch sa study room at isinaksak ang isang USB sa laptop. Sunod-sunod na folder ang lumitaw sa screen. Pamilyar sa kanya ang ilan sa mga pangalan,mga kasong kumalat sa social media at nauwi sa pagkakaaresto ng mga sangkot.Binuksan niya ang unang video.Lumitaw si Felicity sa screen.Sinubukan nito ang maliit na microphone bago ibinaba ang camera upang mga kamay na lamang ang makita.“Hello, mga pakialamera,” masiglang sabi nito. “May panibago na naman tayong salot sa lipunang kailangang ilantad.”N
Hinawakan ni Felicity ang gilid ng cap.Nakatutok sa dibdib niya ang handheld metal scanner. Ngunit higit sa scanner, mas nakakatakot ang titig ni Warren na tila kayang tumagos sa suot niyang disguise.“Hindi mo ba ako narinig?” Muling itinuro nito ang cap. “Tanggalin mo.”Pinilit ni Felicity na huwag magpakita ng pag-aalinlangan. Hinubad niya ang cap at nalantad ang maikling wig na inayos nila ni Kuya Robert upang magmukhang natural na buhok ng lalaki.Hindi nagsalita si Warren. Sinuri nito ang mukha niya, mula sa makapal na kilay at salamin hanggang sa hugis ng pangang pinatulis niya gamit ang contouring.“Ano’ng pangalan mo?”“Felix po. Felix Robles.”“Taga-saan?”“Barangay Mabunga.”“Sino ang nagpasok sa ’yo rito?”“Si Roberto po. Tiyuhin ko.”Kinuha ni Warren ang referral form na hawak ng isang guard. Nakasulat doon ang contact number ni Kuya Robert.Hindi pa rin inalis ni Warren ang tingin kay Felicity. Kinuha nito ang cellphone at tinawagan ang numerong nasa form.“Roberto? May
Pilit pinipigilan ni Felicity ang panginginig ng kamay. Ilang beses din siyang kumurap para awatin ang pagpatak ng luha.“Hindi sa’yo ito. Take it as a gift,” sabi ni Damon na muling isinusuot sa daliri niya ang singsing.Ngunit inalis niya at ibinalik ang wedding ring.“Hindi ko matatanggap ’yan.” Pinilit ngumiti si Felicity. “Para ’yan sa susunod na Mrs. Villanueva kaya itago mo.”Kumirot ang dibdib niya sa sarili niyang biro. Ang singsing ay para kay Divine at hindi para sa kanya.Hindi na nakipagtalo si Damon. Isinara nito ang palad sa singsing at inilagay iyon sa bulsa.Tahimik silang naglakad sa hallway patungo sa elevator. Ilang beses nang sinubukang magsalita ni Felicity, ngunit laging nauudlot ang boses niya.Pagdating nila sa lobby, huminto siya.“Damon, puwede ba tayong mag-usap muna sandali? May alam akong malapit na café, masarap ang food.”Bumaling ito sa kanya. “Tungkol saan naman ang pag-uusapan natin?”Gusto niyang sabihing hindi na siya uuwi sa bahay nila. Nakapag-emp
Natigilan si Felicity. Hindi niya alam kung matatawa o sasampalin si Damon sa lakas ng loob nitong magmungkahi ng ganoon matapos ipahayag sa lahat na si Divine ang gusto nitong makasama habangbuhay. Demonyo talaga.“Breakup sex?” ulit niya. “Seryoso ka?”Hindi ngumiti si Damon. Nanatili ito sa likuran niya, ngunit hindi siya hinawakan.“Gusto lang kitang makasama. We can’t deny na pareho tayong nag-eenjoy sa sex.”“Bukas, pipirma tayo ng annulment papers.”“Alam ko.”“Hindi ba parang niloloko natin ang mga sarili natin?”“Posible.” Nagtagpo ang mga mata nila sa salamin. “Pero ikaw pa rin ang gusto kong makasama ngayong gabi.”Kumirot ang dibdib ni Felicity. Hindi iyon pangakong pipiliin siya. Isang gabi lamang ang hinihingi ni Damon, ilang oras bago siya nito tuluyang pakawalan.Dapat siyang tumanggi.Ngunit bukas, aalis na siya. Isasama niya ang gabing iyon sa mga masasayang alaalang ibabaon niya sa pag-alis.Tumayo siya at humarap kay Damon.“One more night with you.”Hindi ito nakas
“Si Prince ba ang tinutukoy mong Prince Charming?”Hindi inalis ni Damon ang tingin kay Felicity.“Bakit? May problema ba kung siya nga?”“Hindi mo sinagot ang tanong ko.”“Hindi ko kailangang sagutin.” Isinukbit nito ang handbag sa balikat. “Malapit na tayong maghiwalay. Wala ka nang karapatang pakialaman kung sino ang ka-date ko.”“Kasal pa rin tayo hangga’t hindi naaaprubahan ang annulment.”Napatawa ito. “Noong si Divine ang pinag-usapan, contract wife lang ako at pinaalalahanan mo akong walang pakialamanan ang kasunduan natin. Ngayong ako ang lalabas, biglang asawa mo ako?”“Magkaiba iyon.”“Of course. Special case lagi kapag tungkol sa babaeng mahal mo.”Lumapit si Felicity sa pinto. Tumabi si Damon upang bigyan ito ng daan, ngunit hindi naalis ang bigat sa dibdib niya habang pinapanood itong bumaba sa hagdan.Mula sa bintana, nakita niyang sumakay ito sa kotse na naghihintay sa tapat ng bahay. Umalis ang sasakyan bago pa siya makapagdesisyong pigilan ito.Kinuha niya ang cellph
Alam ni Maya na ramdam ni Lucas ang tibok ng puso niya.Uminom siya ng wine, ang pisngi niya ay na-iinit na.Si Lucas ay tahimik lang na nakaupo sa tabi niya, pilit iniiwas ang tingin.Nagtagpo ang kanilang mga mata. Nababasa niya ang pangungulila nito.Hindi niya alam kung lakas ng loob ba o lakas
Tahimik ang gabi. Nasa loob ng kubo si Lucas, hawak ang cellphone, tinitingnan ang chat thread nila ni Maylee. Ang mga huling mensahe ay mula pa noong nakaraang linggo.Nag-type siya ng mensahe.“Good evening, Ms. Maylee. I just want to apologize for calling you the other night. I was drunk, and I
Napalingon si Don Apollo kay Harvey. “Sigurado ka bang kakayanin mo siya? Hindi siya madaling kontrolin.”Ngumiti si Harvey. “Hindi ko kailangang kontrolin si Iris. Kailangan ko lang siyang itali sa tamang dahilan.”“Hindi ka ba nagmamadali? Gusto ko sanang ligawan mo siya kahit kasal na kayo at huw
Lumapit si Daryl. “Hindi ko tinanggap.”“Pero hindi mo rin sinabi,” sagot niya, naiiyak na siya. “Bakit?”Huminga nang malalim si Daryl. “Dahil ayokong lumaki pa ang gulo ninyo ng daddy mo.”Tahimik ang paligid. Tanging hikbi ni Iris ang maririnig.“Alam mo bang pinag-iinitan na ni daddy ang negosyo







