Share

Kabanata 21

Penulis: sweetjelly
last update Terakhir Diperbarui: 2025-04-08 00:03:45
REYNAN

Tahimik akong nakatingin sa mga balitang sunod-sunod na sumabog online — headline after headline, exposing George for what he really was.

Manloloko.

Sinungaling.

Duwag.

Isang lalaking nagawang yurakan ang isang babae na buong pusong nagmahal sa kanya.

Nandito ako ngayon sa hotel ng kaibigan kong si Danreve. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakaupo rito sa sulok, hawak ang telepono, habang isa-isang lumilitaw sa mga feed ko ang mga litrato, video, at mga ebidensyang siya mismo ang gumawa. Siya mismo ang may sala.

Gaya ng aking plano, naisiwalat na sa buong mundo ang tunay niyang mukha.

"Reynan, ayos na ba? Nangyari na ang gusto mo," putol ni Danreve sa tahimik kong pagmumuni-muni.

Mapait lang akong ngumiti. “Salamat sa tulong mo,” sagot ko.

Si Danreve ang hiningian ko ng tulong sa pagpapalabas ng balita tungkol kay George. Ma-impluwensya siya, kaya kapag kampo niya ang naglabas ng balita, walang sinumang makakalinis ng mga kalat.

“Walang anuman, pamilya tayo,” sabi ni
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 65

    “Sa wakas. Tapos na,” sabi ni Cherry pagkarating namin sa bahay. Kanina, habang nasa kotse kami, tahimik lang siya. Yakap ang braso ko, nakasandal ang ulo sa aking balikat, at panay ang buntong-hininga.Maging ako ay tahimik din. Oo, tapos na nga ang lahat, pero ang tensyon… ang mga nasaksihan namin kanina, at ang epekto ng ginawa nina Anthony at Grace, ay hindi pa rin nawawala. Sariwa pa rin sa aming alaala.“Pagbabayaran na nila ang kasalanan nila…” sagot ko nang makarating kami sa balcony.Mahigpit na yakap na lang ang isinagot ni Cherry. Kinulong ko naman siya sa mga bisig ko, dinadama ang katahimikan ng paligid. Tanging tunog ng mga dumaraang sasakyan, ihip ng hangin, at kaluskos ng mga dahon ang maririnig.Hinaplos ko ang likod niya. Ilang beses ko na kasing naramdaman ang kanyang pagbuntong-hininga. Marahil, katulad ko, hindi pa rin mawaglit sa isipan niya ang mga naganap.Hinaplos ko ang buhok niya, saka dahan-dahang hinalikan ang kanyang noo. “Cherry…” Tumingala siya. Tumit

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 34

    “Kanina ka pa?” Kabadong tanong ni Cherry na malungkot na titig ang sagot.Hindi rin ako umimik. Lalong bumakas ang kaba at pag-aalala sa mukha niya. Malamang iniisip niya na narinig ko ang usapan nila.“Mag-usap muna kayo…balik na ako kay Liza,” sabi naman ni Riza at dali-daling lumabas ng clinic.Katahimikan ang sumunod sa pagsara ng pinto. “Reynan…” Lumapit sa akin si Cherry. “Hindi ako sumagot. Wari'y nabibingi sa lakas ng tibok ng aking puso. Tumitig ako sa kanya. Malamlam ang ilaw sa clinic, ngunit sapat na iyon upang mabasa ko ang emosyon sa mukha niya—guilty, takot, pangamba.“Bakit ka naglihim?” Malalim ang boses kong tumawid sa pagitan namin. Napakunot ang noo niya, ngunit hindi na siya nagtangkang ikaila pa. “Reynan…sorry…” “Sabi mo, mag-asawa tayo, kung may problema, dapat dalawa tayong lalaban—dalawa tayong lulutas?” Bumaba ang tingin niya, at tila may mabigat na bagay na bumagsak sa balikat niya. Marahan siyang lumapit sa akin. Huminga siya ng malalim. “Ayoko lang..

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 63

    Napabuga ako ng hangin paghinto ng kotse. Kinalma at siniguro kong walang makikitang bakas ng lungkot sa mukha ko nang pumasok ako ng bahay. Napangiti naman ako nang madatnan ko si Reynan sa living room. Nakasandal siya sa sofa, hawak ang isang mug ng kape, habang matamis ang ngiti sa akin. “Hi, asawa ko? How’s your day?” Nilapag niya ang tasa at lumapit sa akin. Agad naman akong yumakap sa kanya habang ang tingin ay sa dibdib niyang sadya yatang ibalandra sa akin dahil nakabukas ang tatlong butones, revealing just enough to tease.Ngumiti siya, inilapit ang mukha sa aking tainga, sabay tanong, “mas gusto mo yatang titigan ang dibdib ko kay sa mukha ko…” Hinalikan niya ako sa leeg na ikinahagikhik ko dahil sa kiliti.“Lahat gusto kung titigan…” Kagat ng ibabang labi ang tumapos sa pagsasalita ko na ikinakislap ng mga mata niya. “Gano’n ba?” Hinapit niya ang baywang ko. “Reynan…” Bahagya ko siyang itinulak, hinawakan ang kamay niya at hinila siya paupo sa sofa na sumabay sa aking b

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 62

    Maaga akong pumunta sa hospital, gusto pa sana akong ihatid ni Reynan, pero hindi na ako pumayag. Alam ko may meeting na naman siya. At saka, plano ko ngang kausapin ang director, kaya hindi pwedeng kasama ko siyaa ngayon. Ngayon nga ay nandito na ako sa labas ng office ni Mr. Norman. Kumatok muna ako ng isang beses bago pumasok.“Good morning, Mr. Norman,” bati ko sa may katandaan naming boss. “Good morning, Doktora Villafuerte,” bati nito at iminuwestra ang kamay sa upuan na katapat ng inuupuan niya. Nagpasalamat ako at umupo. “Mr. Norman, tungkol po sa mensahe ko sa inyo kahapon,” simula ko na ngiti naman ang sagot nito. “Hindi ko alam kung ano ang kaugnayan mo sa bata, pero masaya ako na may isang doktor na gaya mo na nagmamalasakit.” Ngumiti ako. Hindi ko sinabi sa kanya kung ano talaga ang dahilan ko sa pagtulong sa bata. Wala rin akong intensyon na pati siya ay madamay sa aming problema ni Reynan.“Bilang doktor po, masaya akong makatulong sa mga nangangailangan.”“Alam mo,

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 61

    Nanlalamig ang palad ko habang nakasiksik sa sulok ng madilim at tahimik na restroom. Rinig na rinig ko ang bawat pintig ng aking puso. Dumadagundong sa maliit na espasyong kinasiksikan ko.Napigil ko ang aking hininga, takip ang mga palad sa aking bibig habang nakatingin sa marahang pag-ikot ng doorknob. Ni kaunti, hindi ako gumalaw. Naipikit ko ang aking mga mata nang kaunting bumukas ang pintuan.“God…” Tamihik kong tawag sa panginoon habang pigil pa rin ang hininga. Napakapit ako sa lababo. Tila tumigil din ang oras habang nakikiramdam sa galaw sa labas.“Sigurado ka bang dito siya pumasok?” tinig ni Grace pino ngunit may bakas ng pagkainis.“Wala na sa hallway, dito lang siya pwedeng magtago,” sagot ni Anthony, kalmado ngunit may halong iritasyon. Lalong bumilis ang pintig ng puso ko. Pakiramdam ko ay sasabog na ang aking dibdib.“Sigurado ka bang tao ang nakita mo? Baka namamalikmata ka lang—” sabi ni Anthony na pinutol sa biglang pag-ring ng cell phone.“Tara na nga…” iritan

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 60

    Tahimik lang si Reynan sa loob ng sasakyan. Walang salita, walang tanong. Nakatitig lang sa harapan, habang ang kaliwang kamay niya ay mahigpit na nakahawak sa kamay ko.Hinayaan ko lang siya. Sapat na ang pagkakahawak namin para maramdaman niya na kahit walang nagsasalita sa amin, kasama niya pa rin ako.Pagdating sa ospital, dumiretso kami sa ICU kung saan sinabi ni Anna na naghihintay si Riza. Kaya lang, unti-unting bumagal ang lakad ni Reynan nang matanaw namin si Riza. Nakatayo siya sa tapat ng salaming pinto, at hindi siya nag-iisa.Kasama niya si Grace na nakasandal sa gilid ng pinto at katabi ang isang lalaki na hindi ko kilala. Pareho silang nakatingin sa amin—matalim at malamig.Napalingon ako kay Reynan. Humigpit kasi ang paghawak niya sa kamay ko.Pigil din siyang huminga nang malalim bago muling lumakad, kasabay ko. Hanggang sa huminto kami sa tapat nila Riza na hindi pa agad napansin ang aming pagdating.“Gusto mo akong makausap?” malamig ang boses ni Reynan, parang ye

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status