Salamat sa mga gems...Sa mga nagbabasa, salamat sa inyo, kahit ang tahimik n'yo...
Malamlam ang liwanag sa labas. Mang-ilan-ilan lang din ang kasabay naming mga sasakyan na bumabyahe ngayon. Mag-alas singko pa lang kasi ng madaling araw. At heto bumabyahe na kami.Nilingon ko si Cherry. Pikit ang kanyang mga mata, nakasandal ang ulo sa aking balikat at yakap ang aking braso. Rinig ko rin ang mahina niyang hilik. Hinayaan ko lang siyang matulog. Alam ko naman kasing antok pa siya nang umalis kami ng bahay. Pero dahil sinabi kong may mahalaga kaming pupuntahan at kailangan na kasama ko siya, hindi siya nagreklamo. Sumama siya kahit pagod siya. Nilapat ko ang pisngi ko sa ulo niyang bahagyang gumalaw, at sinalo ko ang pisngi niya sa palad ko—banayad ‘yong hindi maiisturbo ang tulog niya. Binaling ko na lang ang aking tingin sa labas. Tiningnan ang tanawin na aming nadadaanan. “Cherry…” sabi ko nang bahagya siyang gumalaw. Hinaplos ko rin ang buhok niya na parang batang pinatulog ulit. Ngumiti siya. Pero pikit pa rin ang mga mata. Napangiti rin ako habang tinitingn
Naipikit ko ang mga mata ko. Pilit pinipigil ang emosyon ko. Pero hindi…hindi ko kayang pigilin. Parang may sumabog sa dibdib ko. Lahat bumalik sa alaala ko. Ang hirap, ang sakit, at lungkot na aking tinitiis kasama ang akala ko tunay kong ina.Pakiramdam ko ngayon para akong lantang dahon na inaanod ng baha. Nakakapanghina.Muli kong tinitigan ang larawan ng aking ina. Ng aking ama. Yumugyog ang balikat ko. Naiinis ako. Galit ako sa mama ko. Pinagkait niya sa akin ang makilala ang tunay kong nanay–pinagkait niya sa akin ang pagmamahal ng isang ama. Hindi ko maintindihan kung bakit niya tinago. Maski man lang sa huling hininga niya ay sinabi niya ang totoo. Pero hindi. Tinago niya hanggang huli.“Cherry…alam kong mahirap tanggapin ang katotohanan…pero sana, ‘wag kang magalit sa mama mo. Mahal ka lang niya at ayaw niya na mawala ka.”Umiling-iling ako. Ayaw ko nang makinig. Ang sakit na ‘e. Kada salitang maririnig ko parang batong pinupokpok sa puso ko. Nadidismaya ako. Ang babaeng na
“Cherry…ikaw na ba ‘yan?” Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang tanong na ‘yon. Wala akong intensyon na lumingon, pero nagkusang gumalaw ang katawan ko. Bahagyang pumihit sa pinagmulan ng tinig na ‘yon.Halos mapigil ko ang hininga ko nang bumungad sa akin si Crisanto—nakaupo sa wheelchair na tulak ni Emalyn. Tumitig siya sa akin—titig na parang may gustong sabihin—maraming ibig sabihin. Malinaw ‘yong tanong niya kanina na umuulit sa isipan ko, ngunit hindi ko masagot. Wala akong maintindihan sa kung ano ang nangyayari ngayon. Gusto kong magtanong, pero maski ang pagbuka ng aking bibig ay hindi ko na magawa. Sa likod nila, tahimik na nakahanay ang kanyang pamilya. Si Emelda, at ang dalawa pa nilang anak.Lahat sila nakatingin rin sa akin. At katulad ko, lahat sila ay tahimik. Lahat sila, may tingin na hindi ko mawari kung ano ang ibig sabihin.At sa totoo lang, para na akong nasasakal sa titigan at katahimikan naming lahat. Ang daming tanong ang biglang lu
Tahimik akong naglalakad sa kahabaan ng hallway ng ospital, dala ang clipboard ni Crisanto Villanueva.Paminsan-minsang ko ring binubuka ang bibig ko, makahinga lang ako ng maayos. “Doctor Cherry, okay ka lang ba?” tanong ni Nurse Lea habang kasabay ko.Napangiti ako ng pilit. “Ayos lang ako.”Pero sa loob-loob ko, ang bigat. Para akong nakabaon sa buhangin. Ramdam na ramdam ko ang pressure sa aking dibdib. Paano ba naman…papunta na naman ako sa kwarto ng taong ayaw ko na sanang makita buong buhay— ang taong dahilan kung bakit muling namayani ang sakit ng sugat ng pag-abandona sa akin.Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob.Pagkapasok ko, una kong nakita ang isang babae, nakaupo sa tabi ng kama. Nakatagilid ito, naghihiwa ng mansanas.“Nasaan pala ang Mama mo?” Saktong ‘yon ang narinig ko, pagpasok ko.Isang mapait na nangiti ang muntik nang sumilay sa labi ko. Makita ko ba naman ang aking kapatid—kapatid sa ama na ako lang ang nakakaalam.Tumayo naman ang babae, ngumiti sa akin pero
Tahimik ang ospital ngayong araw. Walang kaguluhan. Walang sigawan. Walang kahit anong dapat ikabahala. Pero sa loob ko, parang may lindol. Sa una, mahina lang pero habang tumatagal, palakas nang palakas na sumabay din sa pagbagal ng aking hakbang. Nakatayo na ako sa hallway ng ward 511. Hawak ko ang chart at paulit-ulit na binabasa ang pangalan ng bagong pasyente—Crisanto R. Villanueva. Isang simpleng pangalan. Ngunit pamilyar. Pinilit kong isawalang bahala ang nararamdaman ko. Pinilit na hindi ininda ang emosyong parang naghihintay na sumabog. Bumuga ako ng hangin. Mapait na ngumiti. Isa lang siyang pasyente. Isa lang dapat sa marami kong inaalagaan. Binasa ko ang buong detalye ng pasyente—67 years old, post-operative patient from gallbladder surgery, stable condition. Galing sila sa probinsya. Huminga ako nang malalim. Nagbilang ako. Hinanda ang sarili bago lumapit sa pintuan ng kuwarto. Hawak ko na ang doorknob, ngunit hindi pa ako handang pumasok. Napatingin din ako sa kama
“Sa wakas. Tapos na,” sabi ni Cherry pagkarating namin sa bahay. Kanina, habang nasa kotse kami, tahimik lang siya. Yakap ang braso ko, nakasandal ang ulo sa aking balikat, at panay ang buntong-hininga.Maging ako ay tahimik din. Oo, tapos na nga ang lahat, pero ang tensyon… ang mga nasaksihan namin kanina, at ang epekto ng ginawa nina Anthony at Grace, ay hindi pa rin nawawala. Sariwa pa rin sa aming alaala.“Pagbabayaran na nila ang kasalanan nila…” sagot ko nang makarating kami sa balcony.Mahigpit na yakap na lang ang isinagot ni Cherry. Kinulong ko naman siya sa mga bisig ko, dinadama ang katahimikan ng paligid. Tanging tunog ng mga dumaraang sasakyan, ihip ng hangin, at kaluskos ng mga dahon ang maririnig.Hinaplos ko ang likod niya. Ilang beses ko na kasing naramdaman ang kanyang pagbuntong-hininga. Marahil, katulad ko, hindi pa rin mawaglit sa isipan niya ang mga naganap.Hinaplos ko ang buhok niya, saka dahan-dahang hinalikan ang kanyang noo. “Cherry…” Tumingala siya. Tumit