Share

Kabanata 35

Author: sweetjelly
last update Huling Na-update: 2025-04-26 23:27:06
Pagbalik ko sa loob ng bahay ay wala na si Cherry sa sala, kaya dumiretso na rin ako sa kwarto.

Nakaupo siya sa dresser at kaagad nagpunas ng luha nang makita ako.

Nginitian ko siya at tinulungan tuyuin ang kanyang buhok.

“Reynan…thank you. Lagi kang nand’yan. Lagi kang dumating kapag kailangan ko ng tulong.” Malungkot niya akong tinitigan sa salamin.

“Cherry, asawa kita. Mahal kita. Obligasyon kong ipagtanggol ka sa mga taong nang-aapi sa’yo.”

Tinulungan ko siyang tumayo at pinihit iharap sa akin. “Sige na, magpahinga ka na. Pilitin mong ‘wag isipin ang nangyari kanina.”

Giniya ko siya papunta sa kama. Kinumutan ko at tumabi na rin ako sa kanya. “I can’t sleep…pinipilit ko na ‘wag isipin, pero…”

“Hindi ka makatulog?” Nilapat ko ang palad sa pisngi niya, hinaplos-haplos ang kanyang labi sa aking hinlalaki. “May paraan ako…” Kagat sa ibabang labi tumapos sa salita kong ‘yon na mahinang hampas naman ang sagot niya.

Hinawakan ko ang kamay niya at dinala sa aking labi. “Ako ang isipin
sweetjelly

Salamat sa mga nagbabasa nito. Sa mga nagbigay ng gems at nag-iwan ng mensahe. Sana e-rate n'yo rin ang mismong book. Salamat.

| 8
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Nan
Baka pirahan lang so Reynan kaya sinabi na anak nila Ang bata ,ano kaya Ang result sa bagong DNA test ,malampasan din nila Cherry at Reynan Ang kanyakanyang problema
goodnovel comment avatar
Emily D. Laganson
thank you author...pwede bang pakihabaan ng update.............thanks po....
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Epilogue

    Anim na buwan na ang lumipas matapos ang kasal namin Cherry, heto ako ngayon. Hindi makakali. Palakad-lakad sa labas ng delivery room na parang wala sa sarili. Ito na ang araw na pinakahihintay namin. Ang makasama ang aming panganay. Masaya ako. Sobra. Pero hindi ko maiwasan ang kabahan. Nanginginig ang mga kamay ko, at pakiramdam ko, pati sikmura ko'y bumaligtad. Ilang beses na akong naglakad pabalik-balik sa corridor, paulit-ulit na nagdarasal para sa mag-ina ko. “Sana okay sila…” Nahagod ko na naman ang buhok ko. Para na akong mababaliw. Gusto kong alamin kung ano na ang lagay nila. Gusto kong pumasok sa loob, pero bawal. Ayaw nila akong papasukin. Ang nakakainis, wala ni isang nurse ang lumabas—i-inform man lang kami sa lagay ng asawa ko. Kaya paminsan-minsang ko na lang idinadantay ang tainga ko sa saradong pinto, umaasang may maririnig akong kahit ano sa loob. Daing ba ni Cherry, o iyak ni baby. Kahit boses ng mga nurse at doktor na nagpapaanak sa asawa ko. Pero wala. Wala

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 110

    REYNANSabay kaming lumanghap nang sariwang hangin ni Cherry nang makasampa kami sa yate. Nandito na kami sa Albay kung saan ako nag-propose at nangako isa’t-isa na magmahalan habangbuhay. Ang ganda na rito, pero mas gumanda dahil kasama ko siya, yakap ko siya mula sa likod, habang tahimik na tinatanaw ang pabulog na araw. “Ang ganda… ang aliwalas…” bulong niya. Napapangiting niyakap niya ang mga braso kong nakapulupot sa kanya.“Parang ikaw… ang ganda!” bulong ko, sabay ang mahinang kagat sa tainga niya. Napahagikhik siya. Saglit niya akong tinapunan ng nagbabalang tingin nang hindi ako tumigil sa isang kagat lang. Sinabayan ko na rin ng halik.“Tumigil ka… ‘yon ang tingnan mo.” Nguso niya ang Mayon. Kahit malayo, kita pa rin mula rito sa yate—may ulap sa tuktok, pero nananatiling perpekto ang korte. Parang kami ni Cherry. Minsang binayo ng malakas ng bagyo, minsang nasira… pero nanatiling matatag… mas minahal ang isa’t isa.“Kanina pa nga ako nakatingin… gusto ko, ikaw naman ang

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 109

    Sabay kaming napabuga ng hangin nang makarating kami sa reception. Alam namin na talagang maganda ang lugar. Pero ngayon mas gumanda pa. Parang paraiso sa isang panaginip—punung-puno ng ilaw, mga hanging bulaklak, puting tela na nakalambitin sa bawat poste ng venue. At ang malamig na simoy ng hangin ay parang nakikisabay sa init ng mga ngiti ng bawat taong naririto.Napayakap ako kay Reynan. Napangiti naman siyang hinaplos ang aking balikat. Tanaw namin ang mga bisitang abala sa kwentuhan sa mga kasama nila sa mesa. Ang saya nilang pagmasdan. ‘Yong alam mong masaya rin sila gaya namin ni Reynan. Napabitiw ako kay Reynan nang umalingawngaw ang boses ng host. "Alright! Busog na ba ang lahat?" sigaw ng host. Sabay namang sumagot ang lahat. Syempre may kasabay na tawanan. “Kung gano’n, maghanda na ang mga single ladies? It's bouquet time!"Nagtilian ang mga babae. Iginiya naman ako ni Reynan sa gitna ng stage. Saglit kong tiningnan ang lahat, saka tumalikod. “Ready!” sigaw ulit ng ho

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 108

    CHERRYAwit ng mga ibon. Maagang sikat ng araw, at ang preskong hangin ng Tagaytay ang bumati sa akin. Dagdag pa ang magandang view na nakikita ko mula rito sa balcony ng silid ko. Ang gaan sa pakiramdam, parang hinaplos ang puso ko. Lahat… parang ba naki-celebrate sila sa kasiyahang nararamdaman ko.Hindi pa sumisikat ang araw ay gising na ako—kami ng asawa ko. Siyempre, hindi pwedeng walang good morning kiss kahit sa screen lang. Kaya heto, gising na gising na ako, pati ang puso ko na kanina pa umiindak-indak."Dra. Cherry, nandito na po ang glam team mo… ready na po silang gawin kang pinakamagandang bride!" bungad ni Anna.Lumingon ako. Bumuga ng hangin at tumango habang mahigpit ang hawak sa puting robe na suot ko.Mabagal akong naglakad pabalik sa silid at umupo sa harap ng dresser. Pumasok naman ang mga stylist.“Sina Mama? Mga kapatid ko?” tanong ko kay Anna na in-assist ang mga stylist.“Inaayusan na rin sila, dok. Hindi raw kasi pwedeng ikaw lang ang maganda, dapat tayong lah

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 107

    Hindi mawala-wala ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang mga taong pinakamahalaga sa amin ni Reynan. Nandito na kami sa Tagaytay. Ikatlong araw na namin dito ni Reynan. Dito rin kasi kami nag-prenup shoot. At ngayon nga ay dumating na rin ang aming pamilya at malalapit na mga kaibigan. Bukas na nga kasi ang aming kasal. Kaya, heto at nagtipon-tipon kami rito sa private hall ng hotel.At syempre, kapag kaming lahat magkasama, puro tawanan lang, puro kulitan ang kasabay ng aming salo-salo. Kanya-kanyang topic ang lahat. Nakakatuwa. Ang saya nilang kasama...“Asawa ko, ayos ka lang?” bulong sa akin ni Reynan. Katulad ko, siya rin ay tahimik habang nakikitawa lang sa makukulit naming mga kasama. “Ayos na ayos… sino ba ang hindi magiging maayos kung sila ang kasama?” Napangiti si Reynan. Hinaplos ang hita ko. Agad ko iyong hinawakan. Sakto kasing napalingon si Onse. Nakita ang ginawa niya.Nasa gitnang bahagi ng mahaba at eleganteng mesa kami ni Reynan. Sa kanan ko ang mga magulang at

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 106

    “Oo,” mahinang sagot ko, pero diretso ang mga mata sa kanya. “Buntis ako, George...” Matapos ang mahabang katahimikan, nagawa ko ring sumagot. Unti-unti ko na ring naririnig ang ingay sa palagid at ang presensya ng mga tao dito sa mall. Napalingon ako kay Reynan nang maramdaman ko ang bahagyang paggalaw ng kamay niya sa baywang ko. Ngumiti ako, at muling kay George. “Maging ina na ako… magiging magulang na…” Napakunot ang noo niya, namula ang mga mata, pero agad din iyong nawala. Bahagya siyang tumango, pero hindi nagsalita. Hindi ko alam kung ano ang laman ng utak niya… kung ano ang iniisip niya, pero ‘yong tingin niya sa amin ni Reynan noon. Kakaiba… hindi ako sanay. Tingin na laging galit at naghahamon ng away… wala na. Magaan ang pagkakatitig sa amin ngayon.“Masaya ako na ngayon,” dagdag ko. “Masayang-masaya...”“Alam ko…” Napangiti siya. Sa puntong ‘to, mapait. Pero hindi pait ng galit. Parang pait ng pagtanggap. Pait na pagsuko. Maya maya ay napayuko siya. Pinaglalaruan ang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status