Share

Kabanata 45

Penulis: sweetjelly
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-11 22:52:48
Nakangiti akong napatingin sa screen ng cellphone habang binabasa ang mensahe ni Reynan.

Sa wakas, pagkatapos ng halos isang buwang pakikipaglaban sa corporate battlefield sa Canada ay posibleng makauwi na siya.

Umupo ako at sumandal sa headboard at inayos ng kaunti ang magulo kong buhok at sinigurong malinis at maganda ang aking hitsura kahit kagigising ko lang.

“Good morning, asawa ko,” nakangiti niyang bungad.

“Good evening,” sagot ko naman na ikinangiti niya lalo, at ngumuso pa na ikinailing ko na lang.

Wala pa rin kasing kupas ang pagiging-sweet at landi niya sa tuwing haharap sa akin. At oo, ramdam kong masaya siya kapag kaharap ako, pero ramdam kong may bumabagabag pa rin sa kanya.

Minsan kasi habang nag-uusap kami, napapatulala siya. Gaya ngayon, kakanguso lang niya, pero bigla siyang natulala at nakatitig sa kung saan.

“Reynan…sigurado ka bang wala ka nang problema riyan?”

Ayon at napakurap-kurap siya at ngumiti na naman. “Wala na nga, asawa ko. Okay lang ako. Miss lang ki
sweetjelly

Salamat sa mga nagbabasa at nagbibigay ng gems. Sana mag-iwan din kayo ng mensahe. Pampagana na...hehe

| 2
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Nan
Ito kaibigan na x- ni Reynan may masamang mutibo may balak na gawin kalokohan Kay Reynan kasabwat ito sa kalaban
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 49

    "Asawa… tinatanggap na ba talaga niya ako bilang asawa?"Tanong ko sa aking isipan habang pinagmamasdan ko ang mukha niyang payapa na sa pagtulog. Gusto ko sanang itanong ‘yon, gusto kong malinawan, pero napangiti na lamang ako nang marinig ang mahinang hilik niya.Dahan-dahan kong hinaplos ang buhok niya, saka ko siya niyakap nang mas mahigpit."Good night, asawa ko..." mahinang bulong ko sa tainga niya.At sa ganoong yakap, tuluyan na rin akong nakatulog.Kinabukasan, sa kabila ng pagod sa byahe, at pagod sa ginawa namin ni Cherry, maaga pa rin akong nagising. Ngayon ay tanaw ko na naman ang magandang mukha ng aking asawa. Ang lapit ng mukha niya sa akin, nakasampay ang isang hita sa akin. Napangiti ako. Hindi naman kasi siya ganito ka kumportable sa aking tabi noon. Pero ngayon, kahit tulog siya, makikita sa mukha ang pagiging panatag niya. Pinindot ko ang tungki ng kanyang ilong. "Good morning, asawa ko," bulong ko habang hinahalikan ang kanyang noo.Tumiim ang mga mata niya, sa

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 48

    REYNANMula sa himpapawid, tanaw ko na ang makukulay na ilaw ng siyudad. Napangiti ako. Hindi pa man lumapag ng tuluyan ang eroplanong sinasakyan ko, pero ang matanaw ang paliparan sa ibaba ay palatandaan ng pagbabalik ko. Higit sa lahat, palatandaan ng pag-uwi sa taong pinakamamahal ko. Dahil sa agarang aksyon ng Miluna Corporation, ay agad naisampa ang kaso laban kina Joseph at Anthony. Naglabas din sila ng opisyal na pahayag na ang disenyo ng Dialysis Machine ay pagmamay-ari ng kumpanya ko. Kasabay nito, naglabas din sila ng dokumentong nagsusulong sa intelektwal na karapatan ko sa produkto.Pero sa gitna ng tagumpay, hindi naman mapakali ang puso ko. Ang tawag na narinig ko mula kay Anthony—sigurado akong mula sa Pilipinas. Binanggit nga niya na si Liza ang gagamitin niya. Paano? Paano niya gagamitin ang batang may sakit? Habang iniisip ko na Liza ay nasa hospital kung saan nag-tatrabaho si Cherry, kinukutuban ako. Nag-aalala ako... Paano kung siya ang balikan ni Anthony? Kaya

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 47

    Tahimik kaming naglakad ni Jerome, tanging tunog ng aming sapatos at usapan ng ibang tao sa paligid ang maririnig. Pero ang tanong ni Jerome, kanina pa paulit-ulit na nag-play sa utak ko. Ang ingay na nga. Nakakainis nang isipin. Ayaw ko ng ganito. Ayaw ko na na-bo-bothered ng ganito. “Doktora Cherry!” Napaigtad ako nang biglang may tumawag sa akin kasabay ang paghawak sa balikat ko. “Anna…” Nasabi ko nang tumambad sa akin ang istrektang mukha ni Anna. Hawak niya ang isang brown envelope na binigay ko sa bodyguard na in-assign sa akin ni Reynan.“Doktora naman, bakit ka umalis na hindi siya kasama?” inis na tanong nito habang turo ang bodyguard na napapakamot na lang sa ulo.“Alam mo naman na mahigpit na bilin ni Sir Reynan na hindi ka pwedeng umalis na walang kasama.”Ako naman ang napapakamot sa ulo, pero napasulyap naman kay Jerome na pahapyaw na tumawa at umiling-iling pa habang nakatingin kay Anna na namumula ang mukhang naipaypay sa mukha ang envelope na hawak niya. “Sa susu

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 46

    Hindi kaagad nakasagot si Grace sa tanong ni Riza. Halata sa mga mata niyang napahiya siya, ngunit pilit pa rin niyang itinatago ang pagkabigla sa matalim at diretsong salita ng kaibigan.Ako naman, nais ko na sanang magsalita, baka makatulong akong mapawi ang tensyon sa paligid, ngunit sakto namang tumunog ang cellphone ni Grace. Napangiti ako. Agad-agad niya kasing sinagot. Parang nakahanap siya ng lusot sa sitwasyon na ‘wag sagutin ang tanong ni Riza. Lumayo rin siya ng ilang hakbang mula sa aming kinatatayuan.Napatitig na lamang kami sa kanya habang pabulong na nakikipag-usap sa kanyang phone. At sa tingin ko, hindi naman gano’n ka importante. Para ngang wala siyang ganang sagutin. Matapos ang ilang minutong pakikipag-usap, bumalik siya sa kinatatayuan namin ni Riza. “Something came up…I need to go,” agad niyang paalam. Nanliit naman ang mga mata kong napapangiti pa ng bahagya. Umasta kasing nakalimutan ang tanong ni Riza. Nakuha na kasi niyang ngumiti, ngunit, isang matalim

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 45

    Nakangiti akong napatingin sa screen ng cellphone habang binabasa ang mensahe ni Reynan. Sa wakas, pagkatapos ng halos isang buwang pakikipaglaban sa corporate battlefield sa Canada ay posibleng makauwi na siya.Umupo ako at sumandal sa headboard at inayos ng kaunti ang magulo kong buhok at sinigurong malinis at maganda ang aking hitsura kahit kagigising ko lang. “Good morning, asawa ko,” nakangiti niyang bungad.“Good evening,” sagot ko naman na ikinangiti niya lalo, at ngumuso pa na ikinailing ko na lang. Wala pa rin kasing kupas ang pagiging-sweet at landi niya sa tuwing haharap sa akin. At oo, ramdam kong masaya siya kapag kaharap ako, pero ramdam kong may bumabagabag pa rin sa kanya.Minsan kasi habang nag-uusap kami, napapatulala siya. Gaya ngayon, kakanguso lang niya, pero bigla siyang natulala at nakatitig sa kung saan.“Reynan…sigurado ka bang wala ka nang problema riyan?” Ayon at napakurap-kurap siya at ngumiti na naman. “Wala na nga, asawa ko. Okay lang ako. Miss lang ki

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 44

    Natigil ang pagwawala ni Joseph nang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking sa tantiya ko ay nasa late 50’s ang edad, ngunit bakas sa awra na may dignidad at kapangyarihan—ang CEO ng Miluna Corporation, si Mr. Damian Sadeja.Tumahimik ang lahat habang ang tingin ay nasa kanya na.Lumapit naman sa akin si Aaron, bahagyang yumuko, sabay bulong, “they are here, para e-settle ang kahihiyan na ginawa ni Palma.” Hindi ako sumagot, nanatili lang akong nakatingin kay Mr. Sadeja na ngayon ay papalapit na sa conference table. Kampante siyang naglalakad. Walang bakas ng takot o pag-aalinlangan sa kanyang hitsura, kahit wala siyang dalang media, walang PR representative, walang bodyguards. Tanging ang executive assistant at legal counsel ang kasama niya. Isang senyales na seryoso siya sa kanyang pakay.Tumayo ako mula sa aking kinauupuan, bahagyang tumango bilang paggalang, at tinanggap ang kanyang kamay na nakalahad. “Mr. Cuevas…” sabi niya. Seryoso pa rin ang titig niya sa akin, mag

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 43

    CHERRYHalos hindi ako mapakali buong araw.Pagkatapos ng tawag ko kay Reynan kagabi, ramdam kong may kakaiba sa kanya. Oo, lagi naman siyang pagod—lagi siyang seryoso pagdating sa trabaho. Pero this time, ramdam ko sa boses niya na may mabigat siyang dinadala. Ibang klaseng bigat. Parang may halong galit na pilit niyang tinatago sa mga paglalambing at ngiti niya.“Dok Cherry, oras na po ng round mo,” sabi ni Gelene habang iniaabot sa akin ang chart ng aking pasyente.Napatingin lang ako sa kanya at kinuha iyon nang wala sa sarili. “Thanks, I’ll go.”Habang papunta ako sa room, panay naman ang tingin ko sa aking cell phone. Hinihintay ko kasi ang tawag ni Reynan. Dapat kasi ay kanina pa siya tumatawag, pero wala. Sinubukan ko rin siyang tawagan, kaya lang hindi siya sumasagot.Napabuga na naman ako at napiling ang ulo. Worried ako kay Reynan, but I had patients to attend to. Hindi ako puwedeng ma-distract ngayon. Nang matapos na ang rounds ko at makabalik ako sa clinic, agad ko naman

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 42

    REYNANAraw ng aking pag-alis. Namamawis na ang kamay kong hawak ang kamay ni Cherry. Hindi ko siya mabitiw-bitiwan. Ilang minuto na lang kasi ay airport na. Napalingon ako sa kanya. Pikit ang mga matang nakalapat ang ulo niya sa aking balikat. Ilang beses ko na ring nararamdaman ang mahina niyang pagbuntong-hininga. “Mag-iingat ka do’n, Reynan…” Malungkot ko siyang tinitigan at mapait na ngumiti. “Ikaw ang dapat mag-ingat.” Nilapat ko ang kamay niya sa labi ko. Mapait na ngiti naman ang sagot niya at tiniim ang mga mata niyang halatang umiiwas na tumingin sa akin. Siguro ayaw niyang ipakita sa akin na nalulungkot siya. Gusto niyang iparamdam sa akin na hindi siya ganoon ka apektado na aalis ako. Kaya lang hindi gano’n katatag ang pagpapanggap niyang matapang. Ramdam ko, malungkot siya. Kaya kahit malungkot din ako dahil iiwan ko siya rito. May saya pa rin akong nararamdaman dahil alam kong nag-aalala siya sa akin. Alam kong ma-mi-miss niya ako. Hinaplos-haplos ko ang balikat n

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 41

    Walang salita na iniwan kami ni Anna, pero sumulyap naman siya kay Reynan bago tuluyang naglakad palayo. Napatitig naman ako kay Reynan na nakatingin kay Anna na ngayon ay palabas ng gate. Iba talaga ang kutob ko. May kakaiba sa kinikilos nila. Tingin ko may tinatago sila at nagkasundong ‘wag sabihin sa akin. "’Yan ba ang sinasabi mong tungkol lang sa trabaho ang pinag-uusapan n’yo?” Basag ko sa katahimikan at napabuga pa ako ng hangin. “Napatulala ka na nga, Reynan.” Agad niya akong nilingon. “Akala ko naniniwala ka na. Hindi pa pala.”“Rinig na rinig ko ang sinabi ni Anna, Reynan, at sa hitsura mong ‘yan…hindi ka pani-paniwalang nagsasabi ka ng totoo.” Pinag-cross ko ang aking mga kamay sa dibdib.Lumapit naman agad siya sa akin, humawak sa mga balikat ko. “Cherry, nagsasabi nga kami ng totoo…”“Hindi nga ‘yon ang nararamdaman ko.” Nakapa ko naman ang aking dibdib. “Ayaw kong magsinungaling ka, Reynan. Ayaw kong darating ang araw na malalaman ko na lang na may nangyari sa sa’yong

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status