Share

Kabanata 50

Penulis: sweetjelly
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-16 23:53:34
GEORGE

Humigpit ang paghawak ko sa manubela, habang nakapako ang matalalim na tingin kay Cherry at Reynan.

Magkahawak kamay sila at mabagal na naglalakad papasok sa isang venue. Kung tingnan ko sila ay para silang naglalakad papunta sa altar. Panay pa ang tingin nila sa isa’t isa.

“Damn it!” Ilang beses kong nasuntok ang manubela. Hindi ko maawat ang pagtangis ng aking bagang.

Akmang bubuksan ko na ang kotse, susugurin sila, ngunit tumunog naman ang cell phone ko.

“What?!” singhal ko sa tumawag.

“George nasaan ka na ba?” iritang tanong ni Marriane sa kabilang linya.

Hindi ako sumagot. Mas naagaw ang pansin ko sa eksenang nakikita ko ngayon. Si Cherry at Reynan, masaya at panay ang ngiti habang kumakain.

“Bakit, Cherry?” tanong ko sa sarili. Humigpit ang paghawak ko sa aking cell phone na nakalapat pa rin sa aking tainga.

“George, nasaan ka ba? Kanina pa ako naghihintay sa’yo. Pinapapak na ako ng lamok rito!” matining ang boses na sabi ni Marriane sa kabilang linya.

Bahagya ko p
sweetjelly

Salamat sa mga nagbabasa pa rin nito. Salamat din sa gems... May isa rin akong bagong kwento. Nelson de Vedra: The Outcast Billionaire. (English) Try n'yo rin basahin, baka magustuhan n'yo.

| 3
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 53

    REYNANHindi ko alam kung ilang segundo na akong nakatitig kay George. Pero bawat hakbang ko palapit ay may kasamang apoy sa dibdib—ang klase ng galit na hindi mo maipaliwanag, kundi mararamdaman mo lang. Mainit. Mabigat. At handa nang sumabog.Ilang beses ko nang sinabihan ang lalaking ito na layuan si Cherry. Ilang beses ko nang ipinakita na sa akin na ang babaing dati niyang sinayang. Pero heto siya’t muling sumulpot sa hospital, walang takot, mayabang, at walang respeto.Handa na akong sumugod. Kahit pa ginagawa ng bodyguard lahat, hindi lang makalapit si George kay Cherry. Hindi pa rin ako kontento. Gusto ko, ako mismo ang tataboy sa kanya. Ako mismo ang magtataboy sa kanya sa buhay namin ng aking asawa.Handa na akong sugurin siya, ngunit napatigil ako nang marinig ko ang tinig ni Cherry—matatag, puno ng tapang at galit.“Kamuhian mo ako hangga’t gusto mo, pero tigilan mo na ang panggugulo sa buhay ko—sa buhay namin ng asawa ko.”Bawat salitang lumabas sa kanyang bibig ay tila m

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 52

    “George…” Hinawakan ni Marriane ang aking kamay at niyugyog niya. “Sabi mo, gagawin mo lahat, hindi ba? Babawi ka…” Sunod-sunod na pumatak ang mga luha niya, nagmamakaawa at determinado ang mga matang makuha ang gusto.Binitiwan ko ang kamay niya. Tumayo at umupo sa upuan na katabi ng kama. Mapait akong ngumiti habang hindi siya nilulubayan ng tingin. Guilty ako. Totoong malungkot ako sa pagkawala ng aming baby, pero hindi ako gago na hahayaang matali ang sarili sa babaing hindi ko gusto—sa babaing parausan ko lang.“George...‘Yun lang ang hinihingi ko sa’yo, iyon lang ang paraan para makabawi ka…” mariing sambit ni Marriane, ang isang kamay ay nakahawak sa tiyan niya habang ang isa ay hawak pa rin ang kamay ko. “‘Yon lang ang paraan, makalimutan ko lang ang sakit sa pagkawala ng ating anak.”Napapikit ako, mariing pinigil ang bugso ng inis na gusto nang sumabog mula sa dibdib ko. Habang tinititigan ko kasi siya, nababasa ko sa hitsura niya. Ginagamit niya ang sitwasyon ngayon upang

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 51

    Hindi ko na kinaya na panoorin sila. Pinaharorot ko ang kotse, pero hindi ko naman napigilan ang mapaklang tumawa. Si Cherry ang gusto kong magdusa. Ngunit ako parang nalulukmok ngayon. “George…” bungad ni Marriane. Akmang yayakapin ako, ngunit hindi ko siya pinansin. Umiwas rin ako sa yakap niya at dali-daling pumasok sa kwarto. Binalibag ko ang aking suit sa kung saan kasabay ang impit na sigaw, at paulit-ulit na hinagod ang buhok. Pumasok ako sa banyo. Hinayaang mabasa ng malamig na tubig ang nag-iinit kong katawan sa galit. Maya maya ay humarap ako sa salamin. Mapait na naman akong napangiti. Maging ako ay halos hindi na makilala ang sarili. Wala na ang lalaking puno ng kumpyansa. Ang dating preskong mukha, napalitan ng masungit na awra. Klarong-klaro rin ang nangingitim kong eyebags. Tanda na hindi ako masaya sa buhay na ako rin ang pumili. Padabog akong lumabas ng banyo suot ang bathrob at dumiritso sa balcony. Nagsindi ako ng yosi habang tanaw ang mga sasakyan na dumadaan

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 50

    GEORGEHumigpit ang paghawak ko sa manubela, habang nakapako ang matalalim na tingin kay Cherry at Reynan. Magkahawak kamay sila at mabagal na naglalakad papasok sa isang venue. Kung tingnan ko sila ay para silang naglalakad papunta sa altar. Panay pa ang tingin nila sa isa’t isa.“Damn it!” Ilang beses kong nasuntok ang manubela. Hindi ko maawat ang pagtangis ng aking bagang. Akmang bubuksan ko na ang kotse, susugurin sila, ngunit tumunog naman ang cell phone ko. “What?!” singhal ko sa tumawag. “George nasaan ka na ba?” iritang tanong ni Marriane sa kabilang linya. Hindi ako sumagot. Mas naagaw ang pansin ko sa eksenang nakikita ko ngayon. Si Cherry at Reynan, masaya at panay ang ngiti habang kumakain. “Bakit, Cherry?” tanong ko sa sarili. Humigpit ang paghawak ko sa aking cell phone na nakalapat pa rin sa aking tainga. “George, nasaan ka ba? Kanina pa ako naghihintay sa’yo. Pinapapak na ako ng lamok rito!” matining ang boses na sabi ni Marriane sa kabilang linya. Bahagya ko p

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 49

    "Asawa… tinatanggap na ba talaga niya ako bilang asawa?"Tanong ko sa aking isipan habang pinagmamasdan ko ang mukha niyang payapa na sa pagtulog. Gusto ko sanang itanong ‘yon, gusto kong malinawan, pero napangiti na lamang ako nang marinig ang mahinang hilik niya.Dahan-dahan kong hinaplos ang buhok niya, saka ko siya niyakap nang mas mahigpit."Good night, asawa ko..." mahinang bulong ko sa tainga niya.At sa ganoong yakap, tuluyan na rin akong nakatulog.Kinabukasan, sa kabila ng pagod sa byahe, at pagod sa ginawa namin ni Cherry, maaga pa rin akong nagising. Ngayon ay tanaw ko na naman ang magandang mukha ng aking asawa. Ang lapit ng mukha niya sa akin, nakasampay ang isang hita sa akin. Napangiti ako. Hindi naman kasi siya ganito ka kumportable sa aking tabi noon. Pero ngayon, kahit tulog siya, makikita sa mukha ang pagiging panatag niya. Pinindot ko ang tungki ng kanyang ilong. "Good morning, asawa ko," bulong ko habang hinahalikan ang kanyang noo.Tumiim ang mga mata niya, sa

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 48

    REYNANMula sa himpapawid, tanaw ko na ang makukulay na ilaw ng siyudad. Napangiti ako. Hindi pa man lumapag ng tuluyan ang eroplanong sinasakyan ko, pero ang matanaw ang paliparan sa ibaba ay palatandaan ng pagbabalik ko. Higit sa lahat, palatandaan ng pag-uwi sa taong pinakamamahal ko. Dahil sa agarang aksyon ng Miluna Corporation, ay agad naisampa ang kaso laban kina Joseph at Anthony. Naglabas din sila ng opisyal na pahayag na ang disenyo ng Dialysis Machine ay pagmamay-ari ng kumpanya ko. Kasabay nito, naglabas din sila ng dokumentong nagsusulong sa intelektwal na karapatan ko sa produkto.Pero sa gitna ng tagumpay, hindi naman mapakali ang puso ko. Ang tawag na narinig ko mula kay Anthony—sigurado akong mula sa Pilipinas. Binanggit nga niya na si Liza ang gagamitin niya. Paano? Paano niya gagamitin ang batang may sakit? Habang iniisip ko na Liza ay nasa hospital kung saan nag-tatrabaho si Cherry, kinukutuban ako. Nag-aalala ako... Paano kung siya ang balikan ni Anthony? Kaya

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 47

    Tahimik kaming naglakad ni Jerome, tanging tunog ng aming sapatos at usapan ng ibang tao sa paligid ang maririnig. Pero ang tanong ni Jerome, kanina pa paulit-ulit na nag-play sa utak ko. Ang ingay na nga. Nakakainis nang isipin. Ayaw ko ng ganito. Ayaw ko na na-bo-bothered ng ganito. “Doktora Cherry!” Napaigtad ako nang biglang may tumawag sa akin kasabay ang paghawak sa balikat ko. “Anna…” Nasabi ko nang tumambad sa akin ang istrektang mukha ni Anna. Hawak niya ang isang brown envelope na binigay ko sa bodyguard na in-assign sa akin ni Reynan.“Doktora naman, bakit ka umalis na hindi siya kasama?” inis na tanong nito habang turo ang bodyguard na napapakamot na lang sa ulo.“Alam mo naman na mahigpit na bilin ni Sir Reynan na hindi ka pwedeng umalis na walang kasama.”Ako naman ang napapakamot sa ulo, pero napasulyap naman kay Jerome na pahapyaw na tumawa at umiling-iling pa habang nakatingin kay Anna na namumula ang mukhang naipaypay sa mukha ang envelope na hawak niya. “Sa susu

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 46

    Hindi kaagad nakasagot si Grace sa tanong ni Riza. Halata sa mga mata niyang napahiya siya, ngunit pilit pa rin niyang itinatago ang pagkabigla sa matalim at diretsong salita ng kaibigan.Ako naman, nais ko na sanang magsalita, baka makatulong akong mapawi ang tensyon sa paligid, ngunit sakto namang tumunog ang cellphone ni Grace. Napangiti ako. Agad-agad niya kasing sinagot. Parang nakahanap siya ng lusot sa sitwasyon na ‘wag sagutin ang tanong ni Riza. Lumayo rin siya ng ilang hakbang mula sa aming kinatatayuan.Napatitig na lamang kami sa kanya habang pabulong na nakikipag-usap sa kanyang phone. At sa tingin ko, hindi naman gano’n ka importante. Para ngang wala siyang ganang sagutin. Matapos ang ilang minutong pakikipag-usap, bumalik siya sa kinatatayuan namin ni Riza. “Something came up…I need to go,” agad niyang paalam. Nanliit naman ang mga mata kong napapangiti pa ng bahagya. Umasta kasing nakalimutan ang tanong ni Riza. Nakuha na kasi niyang ngumiti, ngunit, isang matalim

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 45

    Nakangiti akong napatingin sa screen ng cellphone habang binabasa ang mensahe ni Reynan. Sa wakas, pagkatapos ng halos isang buwang pakikipaglaban sa corporate battlefield sa Canada ay posibleng makauwi na siya.Umupo ako at sumandal sa headboard at inayos ng kaunti ang magulo kong buhok at sinigurong malinis at maganda ang aking hitsura kahit kagigising ko lang. “Good morning, asawa ko,” nakangiti niyang bungad.“Good evening,” sagot ko naman na ikinangiti niya lalo, at ngumuso pa na ikinailing ko na lang. Wala pa rin kasing kupas ang pagiging-sweet at landi niya sa tuwing haharap sa akin. At oo, ramdam kong masaya siya kapag kaharap ako, pero ramdam kong may bumabagabag pa rin sa kanya.Minsan kasi habang nag-uusap kami, napapatulala siya. Gaya ngayon, kakanguso lang niya, pero bigla siyang natulala at nakatitig sa kung saan.“Reynan…sigurado ka bang wala ka nang problema riyan?” Ayon at napakurap-kurap siya at ngumiti na naman. “Wala na nga, asawa ko. Okay lang ako. Miss lang ki

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status