Salamat sa mga gems...
Hindi ako makagalaw.Parang nanigas ang katawan ko. Wala na akong naririnig kung hindi ang sariling tibok ng puso—mabilis, magulo, parang nagpa-panic.Napatitig lang ako kay George.Hindi ako sanay na makita siyang ganito—balisa, tila wala sa sarili, mapagkumbaba, at paulit-ulit ang lunok na parang may kinakalaban sa loob.Kanina habang sumasayaw kami ni Reynan. Namataan ko siya. Nakatingin sa amin. Pero hindi ko pinansin. Isinawalang bahala ko, kasi ayokong masira ang gabi namin ni Reynan.Kanina rin habang ipinapakilala ako nina Daisy at Charmaine sa mga kaibigan nila. Nakita ko na naman siya. Tahimik siyang nakaupo sa gilid habang masaya ang lahat, habang nakikipagkuwentuhan ang mga magulang niya sa mga magulang ni Danreve.Nakakapanibago ang inaasta niya. Hindi siya lumalapit. Hindi siya nanggulo. Nakamasid lang siya. Kaya umaasta akong hindi siya nakita. Umasta akong hindi bothered sa presensya niya. Pero sa loob ko, umaasa akong hindi siya gagawa ng gulo. Pinilit kong iniangkla
“Wow…” sabay naming naibulalas ni Cherry. Nandito na kami sa Abrazaldo Mansion. Bawat sulok nitong mansion ay dama ang kasayahan. Agaw sa mata ang magarbong setting. May mga puting kurtinang humahapay sa ihip ng hangin. Ang buong hardin ay pinalamutian ng mga puting rosas at gintong parol na animo'y bituing nagsasayawan sa dilim ng gabi. Sa gitna, isang malaking stage ang itinayo kung saan nakasulat ang, "Golden Years of Forever: Danilo & Riza Abrazaldo".“Bayaw…” masiglang bati sa amin ni Onse. Kasama niya si Daisy.“Kuya…” Yakap naman ang salubong sa akin ni Daisy at nakipagbeso naman siya kay Cherry.“Hindi pa ba kami late?” tanong ni Cherry, habang ang tingin ay na kay Danreve at Charmaine na papalapit sa amin.“Tamang-tama lang ang dating n’yo…” sagot ni Danreve. Ngiting-ngiti habang yapos ang baywang ng asawa na nakipagbeso rin kay Cherry.Ang saya ng ganito. Kumpleto kami. At ngayong gabi, isa lang ang dapat mamayani—ang saya. Hindi lang para sa amin, sa mga magulang ni Danrev
Tahimik ang biyahe pauwi. Pero hindi ang isip ko. Ilang beses kong pinilit limutin ang itsura ni George—‘yong mukha niyang namumula, ‘yong hininga niyang parang mapupugto na, pero natameme. Kahit nakalayo na ako, nandito pa rin sa gunita ko ang yabang niyang sumisingaw kahit nanahimik na siya.Pumasok ako sa bahay na may baong bigat. Ramdam sa aking balikat, sa sentido kong parang puputok ang mga ugat. Huminga muna ako ng malalim. Tanaw ko na ang hallway papunta sa sala. At kahit malamig na rito sa loob, hindi nito nabura ang alinsangang nararamdaman ko dahil kay George.Pero nang makita ko si Cherry, parang nabawasan ang bigat na dala ko. Napangiti ako. Nakaupo siya sa dulo ng sofa, may hawak na libro habang nakataas ang mga paa’t nakasandal ang isang unan sa tagiliran niya. Mabagal, maingat akong humakbang palapit sa kanya. Hindi niya kasi ako napansin, tutok na tutok siya sa kanyang binabasa. “Mahal ko,” malambing kong sabi sabay dampi ng halik sa pisngi niya. Gulat siyang napali
REYNANAmoy ng bagong timplang kape ang unang sumalubong sa akin sa kusina. Napangiti ako nang madatnan ko ang aking asawa na abala sa paghahanda ng breakfast. Suot pa rin niya ang oversized shirt ko habang nakatayo sa harap ng coffee machine, walang ligo, magulo ang buhok—pero maganda pa rin.Dalawang araw na ang lumipas nang makauwi kami mula sa Tagaytay. Sandali man kaming nabalot ng tension at galit dahil sa pagsulpot ni George. Naging masaya pa rin kami sa huli. Maging sa aming pag-uwi ay ngiti, maganda at masayang alaala ang aming dala. Hanggang ngayon nga ay kitang-kita pa rin sa mga mata ni Cherry ang nag-uumapaw na saya. Pakanta-kanta pa habang naglalagay ng kape sa tasa.Tahimik akong lumapit mula sa likod at niyakap siya.” Good morning, asawa ko.” Inilapat ko ang aking baba sa balikat niya.“Good morning, asawa ko.” Hindi na siya nagulat. Sanay na nga siya sa yakap kong ganito.Lumingon siya at mabilis akong hinalikan sa pisngi. “Good morning, asawa ko,” sagot niya.“Asawa
Hindi ako agad nakagalaw—hindi makasagot. Parang tumigil ang paligid nang makita ko siyang muli. Wala pa ring pinagbago ang tingin niya, punong-puno ng panghahamak. Para bang ako ang may atraso sa kanya. Ako ang may pagkukulang. At siya ang aking winasak.Umangat ang gilid ng labi niya. Akmang lalapitan ako.Pero alertong humarang si Cris. Tinago niya ako sa likuran niya.“Pinagsasabi mo? Sino ka ba?!” Dinuro niya si George na nginisihan siya, at tinampal ang kamay niya. Kumabog ang dibdib ko, hindi dahil sa takot ako. Kundi takot ako na masaktan ang kapatid ko. “Sino ako? Isa lang naman ako sa mga naging lalaki niya…ako—” Turo niya ang kanyang sarili. “Ang pinakamatagal…” Puno ng yabang niyang sabi.Lumingon sa akin si Cris. Nagtatanong ang mga mata niya. “Ikaw…” Dinuro niya si Cris. Hinila ko agad ang kapatid kong ramdam ko na ang gigil at gusto nang sugurin si George. Lumapit na rin si Leo. Tinutulak palayo si George. Pero kada tulak niya, lumilihis lang ito, at muling lalapita
“Teka, hintayin n’yo kami…” sigaw ni Reynan mula sa aming likuran. Itong kambal kasi, tinakbo ako palayo sa kanya. Lagi raw kasi kaming magkadikit. Nilingon ko sila ni Emalyn na parehong napapailing na sumusunod sa amin.“Kuya Reynan, Ate…ang bagal n’yo po. Bilis na!” sagot naman ni Cris nang marating namin ang van. “Hindi kami mabagal, ang bilis n’yo lang tumakbo,” pabirong sinuntok ni Reynan sa braso si Cris na bumungisngis lang at pinagbuksan kami ng pinto.Si Emalyn sa front seat umupo. Ayaw nga kasi niyang katabi ang kambal na hindi nauubusan ng energy.Habang sakay kami ng van at binabaybay ang daan papunta sa aming distination, halos hindi ko na marinig ang sinasabi ni Emalyn. Sabay rin kaming napapatakip ng tainga. Hindi kasi matigil ang biruan ng kambal. ‘Yong tawa nila, hindi lang basta tawa…naghihiyawan sila.“Kayong dalawa, tumigil na kayo. Na-di-distruct n’yo si Leo! Hindi na maka-focus sa pag-drive…” Ayon at nasirmunan na ang dalawa na sabay namang nagtakip ng bibig.“