Hello sa lahat... salamat sa mga new subscriber.
Nanlalamig ang palad ko habang nakasiksik sa sulok ng madilim at tahimik na restroom. Rinig na rinig ko ang bawat pintig ng aking puso. Dumadagundong sa maliit na espasyong kinasiksikan ko.Napigil ko ang aking hininga, takip ang mga palad sa aking bibig habang nakatingin sa marahang pag-ikot ng doorknob. Ni kaunti, hindi ako gumalaw. Naipikit ko ang aking mga mata nang kaunting bumukas ang pintuan.“God…” Tamihik kong tawag sa panginoon habang pigil pa rin ang hininga. Napakapit ako sa lababo. Tila tumigil din ang oras habang nakikiramdam sa galaw sa labas.“Sigurado ka bang dito siya pumasok?” tinig ni Grace pino ngunit may bakas ng pagkainis.“Wala na sa hallway, dito lang siya pwedeng magtago,” sagot ni Anthony, kalmado ngunit may halong iritasyon. Lalong bumilis ang pintig ng puso ko. Pakiramdam ko ay sasabog na ang aking dibdib.“Sigurado ka bang tao ang nakita mo? Baka namamalikmata ka lang—” sabi ni Anthony na pinutol sa biglang pag-ring ng cell phone.“Tara na nga…” iritan
Tahimik lang si Reynan sa loob ng sasakyan. Walang salita, walang tanong. Nakatitig lang sa harapan, habang ang kaliwang kamay niya ay mahigpit na nakahawak sa kamay ko.Hinayaan ko lang siya. Sapat na ang pagkakahawak namin para maramdaman niya na kahit walang nagsasalita sa amin, kasama niya pa rin ako.Pagdating sa ospital, dumiretso kami sa ICU kung saan sinabi ni Anna na naghihintay si Riza. Kaya lang, unti-unting bumagal ang lakad ni Reynan nang matanaw namin si Riza. Nakatayo siya sa tapat ng salaming pinto, at hindi siya nag-iisa.Kasama niya si Grace na nakasandal sa gilid ng pinto at katabi ang isang lalaki na hindi ko kilala. Pareho silang nakatingin sa amin—matalim at malamig.Napalingon ako kay Reynan. Humigpit kasi ang paghawak niya sa kamay ko.Pigil din siyang huminga nang malalim bago muling lumakad, kasabay ko. Hanggang sa huminto kami sa tapat nila Riza na hindi pa agad napansin ang aming pagdating.“Gusto mo akong makausap?” malamig ang boses ni Reynan, parang ye
Tahimik sa loob ng eroplano, tanging mahinang ugong ng makina at bulungan ng mga pasahero ang maririnig. Yakap ko ang braso ni Reynan habang nakasandal ang ulo ko sa kanyang balikat. Ramdam ko ang bahagyang tensyon sa kanyang katawan—hindi dahil sa hindi siya komportable, kung hindi dahil sa mga iniisip niya.Kahit hindi naman kasi ako magtanong, alam ko...ramdam ko na hindi siya mapakali. Bumabagabag sa kanya ang posibilidad ng mga problemang maari naming kakaharapin, mga balitang maaaring bumago na naman sa takbo ng aming mga araw.Pero sa kabila ng pananahimik niya, ramdam ko pa rin naman ang init ng pagmamahal niya. Hinaplos-haplos niya ang balikat ko, at paminsan-minsang nilalapat ang labi niya sa aking noo. Napangiti at napatingin ako sa kanya. Nakapikit na siya, pero nando’n pa rin ang bahagyang pagkunot ng noo niya. Patunay na hindi nga siya kuportable. Naipikit ko na lang din ang aking mga mata. Nag-flash sa isip ko ang araw na muli kaming nagtagpo. ‘Yong mga araw na nagmis
“Good morning, asawa ko,” sabi ko sa mahimbing pa ring natutulog na si Cherry, sabay halik ko sa noo niya. Nilingon ko pa siya bago ako tuluyang lumabas ng kwarto na nakangiti. Sa kabila ng nangyari kahapon, ay payapa pa rin siyang nakatulog. At iyon nga gusto ko. Ayaw kong manatili sa sistema niya ang tensyon na naganap kahapon.Nagpaalam ako kay Leo na aalis ako, at binilin ko sa kanya si Cherry. Kahit pa nag-iwan na ako ng mensahe sa kanya na may aasikasuhin lang ako saglit, gusto kong siguraduhin na hindi siya mag-aalala kung nasaan ako.“Sir Reynan…magandang umaga,” nakangiting salubong sa akin ng katiwala ng bahay. “Magandang umaga po, Mang Raul,” sagot ko. Nangiti habang nakatingin sa tricycle na dala niya.Kahapon, nagkataon na nakausap ko siya kaya sinamantala ko na ang pagkakataon na magpasama sa kanya sa bayan.“Alis na po tayo?” tanong niya, pinaandar ang tricycle. “Tara na po, para makabalik agad tayo.” Tahimik lang ako habang nasa byahe, ngunit nag-eenjoy naman ako s
“Reynan… ang anak ko… si Liza—”Napakunot ang noo ko, lalo nang marinig ko ang hagulgol ni Riza. Magtatanong na sana ako kung ano ang nangyari, kaya lang, bigla na lang naputol ang linya. Ngunit bago iyon, isang galit, paos, at kapos sa hiningang boses ng lalaki ang narinig ko. Tinatawag niya si Riza. Parang may nangyayari. Parang may delubyong nagaganap at si Riza ang kanyang sinisisi.Napatitig lang ako sa screen ng cell phone na parang naghihintay na muli itong tumunog. Pero wala na. Ilang minuto na ang dumaan. “Reynan…” untag sa akin ni Cherry, habang hinaplos-haplos ang braso ko. Hinawakan ko ang kamay niya, at mapait na ngumiti. Ramdam ko kasi ang pag-aalala niya. Kitang-kita rin sa mga mata niya.“Ayos ka lang ba? Bakit siya tumawag?” tanong niya. “Anong kailangan niya?”Hindi agad ako sumagot. Napatitig lang ako sa kanya. Hindi ko rin alam kung anong emosyon ang mababasa sa mukha ko ngayon. Ang alam ko lang at sigurado akong nararamdaman ko ay kaba. Oo, kinakabahan ako—nag-
REYNANTahimik akong napatitig sa mga mata niyang puno ng pag-aalinlangan at lungkot.“Reynan…” Nanginginig ang labi niya. Hinaplos ko ang pisngi niya, at nginitinian siya ng matamis. Gusto kong burahin ang lungkot na nakikita sa mga mata niya. “‘Wag ka nang malungkot…naiintindihan ko.” Puno ng pag-iintindi kong sabi.Bahagyang kumislap ang mga mata niya ngunit nando’n pa rin ang lungkot.Hinalikan ko ang noo niya, pilit na isinisingit sa puso ko ang unawa kahit ang totoo ay medyo mabigat sa dibdib.“Cherry…” mahina kong sambit sa kanyang pangalan. “Naiintindihan ko. Hindi rin kita pinipilit. Kung ayaw mo...ayos lang.”Napayuko siya. Parang nahihiya. Inangat ko ang mukha niya. “Hindi sa ayaw ko, Reynan. Gusto ko. Pangarap ko rin magkaroon ng anak, at bumuo ng pamilya kasama ka…” pumipiyok ang boses niya, nilalabanan ang sariling luha. “Takot ako. Sobrang takot.”Hinawakan ko ang kamay niya, pinisil iyon ng marahan para iparamdam na hindi siya nag-iisa. “Cherry, wala ka dapat ikatakot