"Ano Levi, okay lang ba sa'yo ang apartment na 'to?" Masiglang tanong sa akin ni Tessa. Iginala ko ang tingin sa looban ng apartment.
It has two-level studio apartment plays with a cool background pallet, allowing more unique-coloured furnishing to shine. There is wide avocado-hued sofa makes its mark on the main living area, while minimalist grey patterning and simple wooden textures give the room breathing space. Pumunta ako sa may kusina, a stencilled kitchen table make a less dramatic impact, while the thin design introduces elegance. Pumunta naman akong sa may hagdanan, the widen wooden staircase makes a statement while affording a clean, non-intrusive backdrop for other elements. Malawak at maganda at napaka-neat ng naturang apartment. Wala akong maipintas, maganda ang banyo, may maliit na bathtub at malinis. Napangiti ako, sa wakas makakabukod na rin ako sa mga Montenegro. "Perfect, and it's impressive!" Bulalas ko. Nang biglang tumunog ang aking cellphone. Si Micah ang tumawag. Kunot-noong sinagot ko ang naturang tawag, nagtataka kung bakit ito tumawag sa akin. "Micah, napatawag ka?" "A—Ate Levi... si Mama dinala sa hospital," Nagpa-panic na tugon ni Micah sa akin. "Ano?!" Bulalas kong sagot kasabay nang panghihina ng aking mga kalamnan. "Ite-text ko nalang ate kung saang hospital, please be here asap!" Ani pa nito at mabilis na pinutol ang tawag. Napaupong nanlulumo ako sa couch. "Levi ano'ng nangyari? May problema ba? Sino iyong tumawag sa'yo?" May pag-aalalang tanong sa akin ni Tessa. "Tessa si Tita... dinala raw sa hospital. Tessa, please kailangan nating makarating ng hospital ngayon, pwede bang sasakyan mo muna ang gamitin natin? Wala ako sa huwisyo para magmaneho." Sapo ko ang sariling dibdib, feeling ko para akong nakalutang dahil sa narinig na balita mula kay Micha, ang isiping dinala si Thalia sa ospital ay ikinagimbal ng aking puso. "Sure, tara na!" Maagap na sagot ni Tessa at mabilis na hinila ako nito palabas ng apartment. *** Hindi ako magkandauga sa loob ng kotse. Nag-alala ako kay Tita Thalia. 'Di kaya, kaya ito dinala sa hospital dahil sa sobrang lungkot nito dahil sa aking paglisan sa mansion ng mga Montenegro? Huwag naman sana, dahil panigurado akong lagot na naman ako nito kay Mike kung sakaling gano'n nga. "We're here, Levi," pukaw sa akin ni Tessa. Umibis agad ako sa sasakyan at nagmamadaling tinungo ang emergency room. Nakita ko ang isang nurse at nagtanong dito. Mabilis naman nitong itinuro ang kinalalagyan ni Tita Thalia. Nakita ko sina Micah at Mike. Napansin kong kasalukuyang pinapatahan ni Mike ang walang humpay na iyak ng kapatid. Bumilis ang pagtibok ng aking puso. Kinakabahan ako sa kalagayan ni Tita Thalia. Nakasunod lang sa akin si Tessa mula sa likuran. Samantalang nakaupo naman sa may hospital chair si Tito Marco, at lumapit ako rito. "Tito, ano daw po ang nangyari kay Tita?" Malungkot kong tanong kay Tito Marco. Nag-angat ito ng tingin at nakasalubong ang aming mga mata ni Tito Marco, dito naman ni Mike ang mala-asul nitong mga mata. Pansin kong hilam sa luha ang mga mata nito. Hindi ko na nakayanan ang sarili at niyakap ko ang taong nagsilbing ama sa akin sa mahabang panahon, ramdam ko ang matinding paghihirap nito. Ngunit mabilis lang iyon nang biglang marinig ko ang boses ni Mike. "Levi," ani pa nito at mabilis na kumalas ako mula sa pagkakayakap kay Tito Marco. Kitang-kita ko ang kakaibang inis sa mga mata na iyon ni Mike. "She will be fine, Tito. Please, manalig lang tayo sa Dios, hindi niya pababayaan si Tita." "Hindi ko mapapatawad ang sarili ko Levi kung may mangyaring masama sa asawa ko, nagpabaya ako Levi," malungkot na tugon ni Tito Marco. "Huwag niyo'ng sisihin ang sarili ninyo, Tito. Walang may gusto sa nangyari, ipaubaya na lang po natin sa Dios ang lahat," alo ko parin dito. Saka ko lang napansin si Micah na nakalapit na pala sa gawi namin ni Tito Marco. Iniwan ko na muna ang mga ito at naupo sa may bleachers sa labas para lumanghap ng sariwang hangin, tahimik lang na nakasunod sa akin si Tessa. "Okay ka lang?" "Not so, I'm worried about Tita. I guess, kailangan ko munang ipagpaliban ang pagbukod ko sa mga Montenegro. I want to spend my time na makasama si Tita," nanlulumong tugon ko kay Tessa. "It's up to you, I respect your decision. Bilang kaibigan mo, nandito lang naman ako para suportahan ka sa lahat ng bagay." "Thank you, Tessa," sagot ko at napayakap dito. Makalipas ang ilang oras, tumayo na kami ni Tessa at binalikan sina Tito Marco, Micah at Mike. Napansin kong wala na ang mga ito sa bleachers na naroon, tantiya ko'y pumasok na ang mga ito sa private suite na inokupa ni Tita Thalia. Naramdaman kong pinisil ni Tessa ang aking kaliwang kamay para ipahatid sa akin na kailangan kong maging matatag. Isang pilit na ngiti ang isinukli ko rito sabay pagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. Bumukas ang pintuan ng kwarto at lumabas doon sina Micah at Tito Marco. Mababakas sa mga mukha ng mga ito ang labis na pag-aalala at kalungkutan. "Levi, gising na ang Tita mo't hinahanap ka. Pumasok ka na roon at gusto ka raw niyang makita," tugon ni Tito Marco sa akin sabay tapik sa aking kabilang balikat. "Pakiusap, kung pwede lang, iwasan niyo munang mag-iringan kayo ni Mike." "Opo, Tito. Makakaasa po kayo," sagot ko, at pumasok sa loob ng kwarto. Nadatnan ko ang mag-ina na nag-uusap. "Tita," mahinang sambit ko at dahan-dahang lumapit dito. Feeling ko parang hindi magkandauga ang mga daga sa dibdib ko, kaybilis ng tibok ng aking puso. Nakatitig lang ako sa nanghihinang anyo ni Tita Thalia, ni hindi ko ibinaling ang tingin sa lalaking kinamumuhian ko, walang iba kundi si Mike. "Oh, Levi... hija halika." Mahina nitong tawag sa aking pangalan at mabilis ang kilos na lumapit ako kay Tita Thalia, nang makalapit na ako ay hinawakan ko ang kaliwang palad ni Tita Thalia kasabay ng pagbagsak ng masaganang luha mula sa aking mga mata. "K—kumusta na po ang pakiramdam niyo, Tita? Alam niyo bang labis po akong nag-aalala sa inyo?" Naluluhang tanong ko. Ramdam kong inoobserbahan lang ako ni Mike na talaga namang nakakailang. "Don't cry hija, I'm fine. Just dry your tears please?" Ngumiti lang sa akin si Tita Thalia na tila ba nilalabanan ang kahinaang nadarama. "I can't, Tita. I'm just so worried about you." "You don't have to worry, minsan talaga darating sa tao ang kamatayan, at wala na tayong magagawa doon kung ipahintulot na ng Dios, hija." "Tita please, 'wag naman po kayong magsalita ng ganyan." "Let's just face reality, hija, ramdam kong hindi na ako magtatagal. Pero bago iyon mangyari, mangako kayong dalawa sa akin," tugon ni Tita Thalia sa akin, napalingon ito sa gawi ni Mike na ngayo'y bakas sa anyo ang hindi maipaliwanag na kalungkutan. Tila hindi ako humihinga, nag-aabang sa anumang sasabihin ni Tita Thalia. Napalunok ako at nanlamig bigla ang aking mga kamay patungo sa aking talampakan. Samantalang si Mike ay kunot-noong matamang nakatitig lang sa ina nito, at hinihintay rin ang sasabihin. "Ayokong mawala ka sa buhay ng mga Montenegro Levi, at para maging ganap ka ng Montenegro, kailangan mong pakasalan si Mike." Diretsang tugon nito na gumimbal sa aking buong-pagkatao. "Pero—" anas ko "Mama—" ani Mike na tulad ko ay nagulat din sa salitang binitiwan ni Tita Thalia. "That's final, patapusin niyo muna ako, it's a contract marriage. 2 years lang na man kayong magsasama. Malay natin baka sakaling mag-work," turan ni Tita Thalia na parang balewala lang dito ang sinasabi. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction, una ayaw kong magdamdam si Tita Thalia sa akin at dahil baka ano pang mangyari rito. Nagtataka ako kung bakit ganito ang takbo ng utak ni Tita Thalia. Alam naman nitong para kaming aso't pusa ni Mike. Litung-lito ako, feeling ko tuloy mababaliw ako sa kalokohang lumalabas sa bibig ngayon ni Tita Thalia. "Mama, this is not a good joke," malumanay na tugon ng ni Mike sa sarili nitong ina, ngunit halatang pinipigil lamang nito ang sarili na huwag magalit. "No, I'm serious regarding this one, at simula ngayon ayokong nag-aaway kayo, lalo na't nasa harapan ko," ani pa ni Tita Thalia. Gustuhin ko mang mag-protesta hindi ko magawa, maybe heto na ang hinihingi na kapalit sa pagmamahal na iniukol sa akin ni Tita Thalia. Titiisin ko ang lahat, para sa Tita Thalia ko, at gagawin ko ang lahat ma-extensionan lang ang nalalabing buhay nito. Bigla ko na namang naalala ang sinabi ng doktor patungkol sa sinasabi nitong kalagayan ni Tita Thalia. Muli'y kinabahan ako at napalitan ng kalungkutan ang kanina'y nagpo-protesta kong damdamin. *** "Hoy, kanina ka pa tulala tawag ka raw ni sir Mike," pukaw ni Tessa sa bagbag kong diwa. "Ha?" Wala sa sariling sagot ko rito. "Tawag ka raw do'n." Ininguso ni Tessa ang pintuan ng opisina ni Mike. Wala sa sariling tumayo ako at tinungo ang pintuan ng opisina ni Mike. Kumatok muna ako bago tuluyang pumasok sa loob. "Come in," sagot ni Mike. Hinawakan ko ang doorknob ng pinto at pumasok sa loob, napansin kong nakatayo lang Mike habang nakatanaw sa may bintana ng opisina nito, nakatalikod ito sa akin. "Ano'ng kailangan mo, kung tungkol ito sa kasal natin, wala ka nang magagawa kundi ang pakasalan ako." Diretsang sabi ko rito. Napaharap si Mike sa akin. Tila naman parang nag-slow motion sa aking paningin ang tinurang iyon ni Mike kasabay ng pagkabog ng aking sariling dibdib. Kumunot ang aking noo at napangiwi, napansin naman ni Mike ang aking pagngiwi. "Anong balak mo? Papayag ka na lang ba na gano'n na lang? Kakayanin mo bang magpatali sa taong ayaw sa'yo?" Nagtangis ang mga bagang na turan ni Mike sa akin kasabay ng pagkuyom ng mga kamao nito. "Of course, para kay Tita Thalia walang imposible sa'kin hangga't kaya ko, kaya kung i-give-up ang sarili kong kaligayahan para sa taong nagmahal sa'kin ng totoo at tinuring ako na anak, at wala ka nang magagawa kundi ang pakasalan ako," nakataas kilay na sagot ko rito. Kailangan kong magpakatatag para sa Tita Thalia ko, kung bakit naman kasi ang pagpapakasal pa kay Mike ang naisipan nitong hilingin? Kulang na lang talaga ay mababaliw na ako sa kaiisip kung ano ba talaga ang tinatakbo ng utak ni Tita Thalia. Lumapit si Mike sa akin at marahas ako nitong hinila sa aking kabilang braso. Napangiwi ako don dahil sobrang lakas ng ginawa nito. Ngumiti lang ito ng nakakaloko sa akin at sa isang iglap ay walang-sabing binihag nito ang aking mga labi na siyang lubos kong ikinagulat. Mabuti na lamang at alerto ako, sinabayan ko ang halik ni Mike kahit ang totoo'y wala pa akong kaalaman sa larangan when it comes to kissing, kung tutuusin si Mike Montenegro ang first kiss ko, at hindi ko akalaing madali lang palang gawin ang nakakapanghinang bagay na ito, I could say, napaka-simple lang pala. Nang una'y ang marahas na halik ay napalitan nang kakaibang ritmo. Naging mas maingat na ngayon si Mike. Bigla kong naramdaman ang kaliwang braso ni Mike sa aking maliit na bewang para paigtingin pa ang halikang nagaganap sa pagitan namin. Ibinuka ko ang aking mga mata at nakita ko ang nakapikit na si Mike. Hindi ko akalaing gwapo pala ito sa malapitan. Ang makakapal na kilay nito'y bumagay sa mapanga nitong mukha at sa matangos nitong ilong. Malalantik ang mga pilik-mata nito. Naputol lamang ang halikan namin nang may biglang humila sa aking buhok dahilan para mapasigaw ako sa sobrang sakit. "Walangya kang malandi ka!! Ahasin mo pang boyfriend ko!" Sigaw ng isang babae mula sa aking likuran. Hindi na niya kailangang hulaan, kilala niya ang tinig na iyon, walang iba kundi si Trisha. Hays, kung alam lang nitong hindi lang ito ang nag-iisang babae sa buhay ni Mike. Nagkagulo saglit kami sa loob mismo ng opisina ni Mike, mabuti na lamang at maagap si Mike at mabilis na nailayo ako sa nagwawalang si Trisha. "Ano bang nangyari at hinarass ka ng impaktang iyon?" Galit na tanong ni Tessa sa akin. "Nahuli lang naman niyang naghalikan kami ni Mike." Gulat na napatitig lang sa akin si Tessa. Pagdakay, binatukan ako nito na siyang hindi ko inaasahan. "Aray, ha, Tessa, masakit iyon a," reklamo ko pa rito. "Ikaw e, puro ka kalokohan. Tapatin mo nga ako, may saltik ka ba?" "Lukaret, totoo nga ang sinasabi ko," nakangiting saad ko rito. "Maniwala ako sa'yo, Levi. Hayaan mo at malapit na ang lunch time at tayo'y makakakain na rin.""Mama, do I look good?" tanong ng bunso niyang si Isaac. Napangiti si Levi sa anak. Ginulo niya ang buhok nito at saka kinarga sabay halik sa pisngi. Ngumisi ang cute na bubwit. "Where's your kuya's?" instead, tanong niya dito. "They were swimming at the pool with, Papa. I don't even know how to swim, Mama," busangot ang mukha nito. "Don't be mad, Mama will teach you on how to swim, do you like it?" magiliw niyang tanong dito. Tumango si Isaac sa ina at muli' napangiti. Nadatnan niya ang kanyang mag-ama na masayang naliligo sa pool. Looking at her three little kiddos is just like a dream. Lucas age is already 18, binatilyo na ang kanyang Lucas. Lucas is a serious type of man. Mateo is already 8, a boy who love to play guitar, and he loves book, which is, na mana yata nito sa tita Micah niya. While her little Isaac is so sweet and a loving one. Napasulyap siya sa kanyang asawa. Kumindat ito sa kanya. Sinuklian naman niya ito ng isang matamis na ngiti at lumapit dito. Mula kay Lev
Nang hilahin siya ng anak papunta sa living room ng kanilang bahay ay hindi niya inaasahan ang kanilang bisita. Natutuwa siyang makita ang mag-asawang Montenegro. At si Micah. Panigurado siyang alam na ng mga ito ang katotohanan.Hindi nga siya nagkamali nang yakapin siya ng mga ito at isatinig ang kanyang pangalan. Napaluha siya. Halos pauli-ulit siyang humingi nang tawad sa mga ito. Heto ang pamilyang kinalakhan niya, ang pamilyang may ginintuang puso. Masaya ang lahat nang araw ding iyon habang kumakain nang agahan. Maliban kay Mike. Kanina pa niya hinahanap ang asawa, ni anino nito'y hindi niya nakita. Ang sabi ng mga magulang nito'y may importante lang daw itong meeting sa mga board of directors. Napasulyap si Levi sa orasan. It's almost 10:AM na pala. Nalaman ni Levi na naging maganda na ang takbo nang kalusugan ng Ginang. Hindi naman nagtagal ang mga ito at nagpaalam na din sa kanila ni Lucas, na abut-abot ang kurot sa pisngi nito ng kanyang tita Micah sabay busangot nito. Nap
Ano na nga ba ang gagawin niya? Hindi naman siya tanga para hindi malaman ang tunay na dahilan kaya siya hindi matanggap-tanggap sa mga kompanyang in-applayan niya dahil sa kagagawan ng asawa niya. Malapit nang sumabog sa inis si Levi.Pumara siya ng taxi. Sinabi niya agad ang address sa driver. Kailangan niyang makapasok sa Montenegro Industries Corp. Kailangan niyang harapin ang walangya niyang asawa. Hindi pwedeng ganito, injustice na ang ginagawa nito sa kanya, sobra na 'to. Nang makarating siya sa Montenegro building, hindi na siya nagpapigil sa guard dire-diretso siyang pumasok, halos takbuhin niya ang elevator. Napapakamot naman sa ulo ang guard. Bagsak ang balikat nito.Inis ang nararamdaman ni Levi ngayon. Wala siyang pakialam sa mga taong nagsisitinginan sa kanya. Kailangan niyang makausap ng maayos ang gago niyang asawa. Bago pa niya mahawakan ang seradura ng pintuan ng opisina ni Mike ay napigilan na agad siya ni Irish. "Gosh, girl hindi ka pwede dito! Mainit ang ulo ni s
Bumukas ang pintuan ng kwartong inukopa ni Levi. Pumasok doon ang mga taga-linis ng hotel. Tahimik lang ang mga ito. Lumapit sa kanya ang isang maid at sinabing lumipat siya sa ibang room. "Iyon po ang utos ni Mr. Montenegro Ma'am," magalang na wika ng maid. Dahan-dahang napatayo si Levi. Sinamahan siya ng maid sa bago niyang room, dala nito ang kanyang kagamitan. Wala siyang pakialam kung ano mang hitsura niya ngayon. Ang alam lang niya, takot na takot siya sa isiping, paano nga ba kung ilalayo sa kanya ni Mike ang kanilang anak. Hiling niya na sana'y bigyan man lang siya nito nang pagkakataon na magpaliwanag. "Kung sakali man, na may makita kayong singsing, ibigay ninyo agad sa'kin," utos niya. "Opo, Ma'am, magpahinga na po kayo," sagot ng maid. Tinungo ni Levi ang balcony ng hotel, hinawi niya ang mahabang kurtina at binuksan niya ang sliding door. Ang malamig nang simoy ng hangin ang bumungad sa kanya, pumikit siya, dinama ang sariwang hangin. Naalala niya ang galit na gali
Nakahinga nang maayos si Levi nang mai-close agad ni Mike ang deal nito sa dalawang kliyente. Sumakit na nga ang kamay ni Levi sa kasusulat ng mga detalyeng pinag-uusapan ng mga ito, at medyo sumakit din ang ulo niya at minsan nakaramdam siya nang pagkahilo. Pilit lang niya iyong nilalabanan. Baka akalain pa ng kanyang boss na nag-iinarte na naman siya. Napasulyap siya sa kanyang wristwatch, it's almost 8:30 na pala ng gabi at kasalukuyang nasa isang Italian Restaurant sila, katatapos lang ng meeting ni Mike sa pangatlo nitong kliyente. Napahilot sa sentido ang dalaga. Sa tuwing susulyap ang binata'y inaalis niya ang kanang kamay sa kanyang sentido. Malamang, nagugutom na rin siguro siya, kaya sumasakit ang kanyang ulo. "Are you alright?" hindi na nakatiis si Mike, kaya tinanong na niya ang dalaga. Napasulyap na man ito at napatango sa kanya. Sumenyas si Mike sa waiter na naroon, agad namang lumapit ang waiter at ibinigay sa kanila ang menu. "Spaghetti alla Carbonara and lemonad
Pinaimbestigahan ni Mike si Elvie sa private investigator na kinontak niya, batid niyang may itinatago ang babae, para sa kanya napaka-misteryoso nito, hindi niya maintindihan ang sarili. Gusto lang niyang makasiguro. Naging malapit kase ang anak niya dito na lubos niyang ipinagtaka. Ano'ng meron sa babaeng 'yon at gano'n na lang ka bibo ang anak niya dito? Hindi ugali ni Lucas na makipag-usap sa mga taong hindi nito lubos na kilala. "Lucas, come on," tawag niya sa anak. Napasulyap ang dalawa sa kanya. Nagmamadaling hinila naman ng bata si Levi at nagpatianod dito. "Isasama na ba natin si Elvie, Papa?" masiglang tanong nito sa kanya. Tumango siya sa anak, ni hindi man lamang niya sinulyapan ang dalaga. Sanay na si Levi sa pabago-bagong mood ng asawa. Hindi na iyon bago sa kanya. Sumakay sila sa kotse ni Mike, nasa backseat si Lucas at nasa front seat na man si Levi. Napasulyap siya sa anak sa rearview mirror. Minsan nahuhuli niyang nakatitig sa kanya si Mike kasabay nang pagsikd