Share

CHAPTER 78 ( BLAZE, BRIXON & ZARAYAH )

BEA'S POV

Nagising ako na nasa ospital na ako. Hindi ko maalala kung ano ba ang nanyari sa akin. Bumungad sa akin si inay at ang lalaking mabalbas.

Hindi ko siya pinansin at si inay ang kinausap ko. Natawa pa ako ng sabihin sa akin na asawa ko raw 'yong lalaki na 'yon. Ayoko, ayoko talaga dahil si Jeff lang talaga ang gusto kong maging asawa.

Matagal ko na kasing gusto si Jeff sobrang crush ko talaga siya. Nakaramdam din ako ng matinding kirot sa tiyan ko. Sinabi ni inay na sumailalim daw ako sa operasyon. Naiilang na ako dahil hindi pa rin umaalis 'yong lalaki.

Naisip ko pa na baka naman jowa ni inay. Pero bakit may iba akong nararamdan sa bawat tingin niya sa akin. Hindi naman nakakabastos ang tingin niya pero para akong hinihigop ng tingin niya.

Ang bilis din ng t*bok ng puso ko. Nakakainis dahil bakit naman ganito ang tibok ng puso kay manong pa talaga. Siguro kong si Jeff ang nandito todo ngiti na ako. Mabuti na lang at binawi nilayong sinabi nila na asawa ko si manang yon pala
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status