Share

Loving The Mistress
Loving The Mistress
Author: FilipinangManunulat

Chapter 1

“Gising ka na pala,” nakangiting sabi ni Jack nang makita niyang gising na si Yara mula sa kanyang pagkakatulog.

Pagkatapos kasi nilang magniig na dalawa ay nakatulog sila parehas dahil sa labis na pagod. Naunang nagising si Jack at nagmadali naman siya na magbihis upang makauwi na siya sa kanila dahil bukas ay maaga pa siya papasok sa kanilang trabaho. Isa pa ay baka magtaka ang kanyang asawa kung bakit wala pa siya sa kanilang bahay.

“Hindi ba pwede na bukas ka na lang umuwi sa inyo?” tanong naman ni Yara sa kanya at inayos niya ang kumot na nagtatakip sa kanyang hubad na katawan. Lumapit naman sa kanya si Jack saka siya nito hinalikan sa kanyang noo si Yara.

“Alam mo naman ang set-up natin diba? Isa pa ay baka magtaka ang asawa ko, gusto mo ba ay mahuli tayo?” umiling naman si Yara sa itinanong ni Jack sa kanya. “See? Saka kailangan din ako ng anak ko. Sana maintindihan mo.”

“Sabi ko nga, basta sa anak mo ay wala akong laban,” pagsuko ni Yara dahil kapag anak na ni Jack ang kanilang pinag-uusapan alam ni Yara na tiklop siya. “Palagi naman akong pangalawa sa buhay mo Jack.”

“Diba napag-usapan na natin ito babe? Konting pasensya at hintay na lang, magkakasama rin tayong dalawa,” nakangiti na sabi ni Jack sa kanya kaya naman napatango na lang sa kanya si Yara.

Tinignan muna siya ni Jackson at nakita niya na malungkot nanaman ang mata ni Yara, lagi iyong gano’n sa tuwing uuwi siya pero wala naman siyang magawa dahil kinakailangan pa rin niyang umuwi sa kanila upang hindi maghinala sa kanya ang asawa niyang Beatrice. Tuluyan na nga lumabas ng apartment ni Yara si Jackson saka niya naisip na tumayo. Hila-hila ang kumot na nakatapis sa kanyang katawan ay pumunta siya sa bintana ng kanyang kwarto upang tignan ang papaalis na si Jackson.

“Hindi ko alam na sa muling pagtatagpo nating dalawa ay magiging ganito mas kahirap na makasama ka. Hanggang kailangan ako magtitiis sa ganitong sitwasyon? Hanggang kailan ako magiging pangalawa sa buhay mo Jack?” nabanggit na lang ni Yara sa kanyang sarili habang nakatanaw kay Jack mula sa kanyang kwarto bago siya bumalik sa pagtulog.

Kinabukasan ay maagang nagising si Yara para pumasok sa opisina kung saan tinulungan siya ni Jack na makapasok. Nakaharap siya sa salamin at dumako ang kanyang mata sa leeg niya kung saan mayroon pang bakas ng love bite ni Jack. Hinawakan niya iyon at kanyang hinaplos-haplos. Bigla ay nanumbalik sa kanyang alaala ang masasayang araw nila ni Jack sa kanilang probinsya kung saan sila ay magkasintahan pa.

"Ipinapangako ko sa 'yo Yara na hindi kita iiwanan. Sabay nating lilisanin ang probinsyang ito," sabi ni Jack kay Yara habang nakahiga ito sa hita niya at si Yara ay nakasandal sa puno.

"Talaga lang ha? Saan naman tayo pupuntang dalawa?" tanong ni Yara sa kanya saka niya kinuha ang kamay ni Jack upang paglaruan ang daliri nito.

"Sa Maynila, pagkagraduate nating dalawa ay aalis tayo agad. Kung mananatili pa tayo dito ay walang mangyayari sa ating hinaharap. Kahit na magkandakumahog pa tayo sa pagtratrabaho ay baka matulad lang tayo sa ating mga magulang," paglalabas ni Jack ng kanyang saloobin sa kanyang kasintahang si Yara.

"Ano naman ang masama sa trabahong magsasaka? Kahit gano'n ang ating magulang ay napag-aaral naman nila tayo n kolehiyo, hindi ba?" hindi pagsang-ayon ni Yara kay Jack dahil tila yata minamaliit lang nito ang pagsasaka.

"Don't get me wrong Yara pero alam mo naman na mataas ang aking pangarap. At sa pangarap kong iyon ay gusto ko na kasama kita. Ayaw mo bang maiahon sa hirap ang ating mga magulang? Tumanda na lang sila sa kanilang pagsasaka, ni hindi nga nila naenjoy ang kanilang kabataan dahil doon. Isa pa hindi ko minamaliit ang hanapbuhay dito sa ating bayan pero sa Maynila alam ko na mas mayroon pang magandang opportunity ang naghihintay sa atin," mahabang paliwanag ni Jack kay Yara dahil ayaw niyang magalit ito sa kanya, isa pa ay ito ang kanyang pangarap mula pa noon ang makaalis sa kanilang probinsya.

"Naiintindihan ko ang iyong punto pero kung sasama ako sa 'yo ay paano ang aking pamilya dito? Alam mo naman na ako lang ang inaasahan nila," pag-aalala ni Yara.

"Babe, kapag nasa Maynila na tayo ay maghahanap tayo agad ng magandang trabaho doon. Padadalhan natin sila. At kapag nakaipon na tayo ay kukunin natin ang bawat pamilya natin dito. Trust me, kaya natin ito okay?" pagkumbinsi ni Jack kay Yara na tila matagal na niya itong plinano. Ngumiti naman si Yara sakanya saka siya tumango-tango.

Ngunit ang lahat ng plano nilang dalawa ni Jack ay tila gumuho nang mamatay ang ama ni Yara. Dahil doon ay hindi na nakapagtapos ng pag-aaral si Yara dahil kinakailangan niyang magtrabaho upang matugunan ang pangangailangan nila sa pang araw-araw. Hanggang sa dumating ang araw ng pagpunta ni Jack sa Maynila, hinatid ni Yara ang kasintahan sa sakayan ng bus.

"Sigurado ka bang hindi ka sasama sa akin? Yara naman, matagal na natin itong plano," tila may tampong pagkakasabi ni Jack sa kanya saka umiling si Yara at hinawakan niya ang kamay ni Jack.

"Buo na ang aking desisyon Jack, isa pa ay kamamatay palang ni itay. Alam mo naman na para na rin kaming nabalian ng isang paa dahil sa kasawiang iyon hindi ba? Kailangan pa ako ni inay dito. Saka alam ko naman na kahit magkalayo tayo ay mananatili naman ang ating pagmamahal sa isa't isa diba?" tila nangungusap ang mga mata ni Yara habang binabanggit iyon. Dahil ang totoo ay natatakot siya na mapalayo sa kanya si Jack.

"Wala na bang sasakay? Aalis na ang bus papuntang Maynila," sabay na napatingin sina Jack at Yara sa driver ng bus na nagtatawag ng mga pasahero.

"Kailangan ko nang umalis, basta ito ang tatandaan mo babe kapag nakapag-ipon na ako ay kukuhanin kita," sabi ni Jack kay Yara saka mabilis niyang hinalikan si Yara sa kanyang labi. Nagtagal pa iyon ng ilang segundo at si Yara na ang bumitaw.

"Sige na at baka maiwanan ka pa ng bus," may himig ng kalungkutan sa boses ni Yara. Tumango naman si Jack saka siya nagmadaling sumakay ng bus.

Noong mga unang buwan ay madalas siya nakakatanggap ng tawag mula kay Jack pero habang lumilipas ang buwan hanggang sa maging taon na ay tila nakalimutan na siya ni Jack. Sinusubukan niyang tawagan si Jack pero hindi na niya macontact ang dating numero nito. Hanggang sa di sinasadyang nakita ni Yara ang nakababatang kapatid ni Jack sa bayan at doon niya nalaman na nagpakasal na pala si Jack sa isang mayamang babae sa Maynila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status