Share

Chapter 4

“I-Imposible yata ang sinasabi mo, Beatrice,” napailing-iling naman si Zircon sa sinabi sa kanya ng kanyang kapatid.

Sa kanyang hinagap ay hindi niya iisipin na magagawa niyang mang-akit ng isang babae lalo na kung ito ay may karelasyon. Oo, nagkaroon siya ng mga ilang nobya noon ngunit niligawan niya ito dahil may nararamdaman siya sa mga ito. Isa pa ay marami siyang dapat na asikasuhin ngayon.

“Kuya, nakikiusap ako sa ‘yo. Hindi malabong hindi ka magustuhan ng kabit ni Jack dahil magandang lalake ka at malandi siyang babae!” inis na wika ni Beatrice at gano’n na lang ang galit nito sa kabit ng kanyang asawa. Sino nga ba ang hindi magagalit sa babaeng sumisira sa kanyang masayang pamilya.

“Beatrice, ang bunganga mo,” paalala ni Zircon sa kanyang kapatid dahil sa sinabi nito patungkol sa kabit ni Jack.

“Bakit kuya? Totoo naman ang aking sinabi. Isa siyang higad kaya naman nararapat siyang bigyan ng leksyon. Pagkatapos mo siyang paibigin at nasigurado na natin na wala na sila ng aking asawa dahil bumalik na siya sa akin ay saka mo na siya iwanan. Ako ang naagrabyado dito kuya at ang aking anak, pamilya ko ang masisira dahil sa kanya kaya naman tulungan mo na ako. Paano na lang ang anak namin kung iiwanan kami ni Jack, ayoko na lumaki siya ng walang kinagisnang ama,” lumambot naman ang ekspresyon ni Zircon dahil sa kanyang narinig mula sa kanyang kapatid na si Beatrice, tatlong taon pa lang kasi ang anak nito na kanya namang pamangkin at hindi niya maaatim na masira ang pamilya nito.

Kung hindi sila kayang protektahan ni Jackson ay siya na mismo ang gagawa ng aksyon para matigil ang kahibangan nito at upang muli itong bumalik kay Beatrice.

“Pumapayag na ako,” pagpayag ni Zircon at tila lumiwanag naman ang mukha ni Beatrice dahil sa kanyang narinig. Sa labis na katuwaan ni Beatrice ay hindi niya napigilan ang kanyang sarili kaya naman niyakap niya ang kanyang kapatid. Niyakap naman siya ni Zircon pabalik.

“Thank you kuya, hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya. Kahit papaano ay mabibigyan ako ng pag-asa na muling matatauhan si Jack na kami ang kanyang pamilya ng kanyang anak at hindi lang kung sinong babae. May tiwala ako na magagawa mo iyon kuya,” nakangiti na sabi ni Beatrice sa kanyang kuya Zircon.

Sa isipan naman ni Zircon ay talagang napasubo siya sa kanyang pagpayag sa pabor ng kanyang kapatid. Si Beatrice na rin ang humiwalay sa yakapan nilang magkapatid. Muli ay hinarap niya ang kanyang kuya Zircon na may tingin na pag-aalala.

"May hihilingin pa sana ako kuya," sabi ni Beatrice.

“Ano naman iyon Beatrice?” tanong ni Zircon sa kanyang kapatid habang nakikita niya na may pag-aalala sa mga mata ni Beatrice.

“May tiwala ako sa iyo kuya pero wala sa babaeng iyon. Isa siyang tuso kaya nga nakuha niya ang aking asawa kaya naman ang hiling ko ay mag-iingat ka sa kanya kuya at huwag mong hayaan na mahulog ang loob mo sa kanya,” saglit namang natigilan si Zircon sa sinabi ni Beatrice, ito pala ang pinag-aalala ng kanyang kapatid at para kay Zircon ay mababaw iyon kaya naman tinawanan niya ang sinabi ni Beatrice at tinignan naman siya ni Beatrice na may pagtataka sa kanya.

“Bakit ka tumatawa kuya? May nakakatawa ba sa sinabi ko?”

“Akala ko ba ay kilala mo ako? Huwag kang mag-alala dahil hinding-hindi ako mahuhulog sa mga gano’ng babae. Pangako ko rin na magiging maayos ulit ang pamilya mo Beatrice,” seryosong sabi ni Zircon sa kanyang kapatid saka niya muli itong niyakap.

“Tama ka nga kuya, alam ko naman na matalino ka at hindi ka papatol sa kanya. Ang mga kabit kahit kailan ay walang karapatan na mahalin ng totoo dahil para silang mga anay na sumisira ng isang pamilya,” wika ni Beatrice habang yakap siya ng kanyang kapatid. Walang mapagsidlan ang kanyang tuwa sa mga oras na ito na pumayag ang kanyang kuya sa kanyang plano at natitiyak siya na magtatagumpay sila. May tiwala siya sa kanyang kuya Zircon.

"Kuya Zircon ayos ka lang ba?" tanong ni Beatrice sa kanya kaya naman namumbalik sa kasalukuyan ang kanyang wisyo.

"Ayos lang ako, paano una na ako. Late na rin ako. Ah Beatrice, yung hiling ko sana-" hindi na siya pinatapos magsalita ng kanyang bunsong kapatid dahil inunahan na siya nito.

"Don't worry kuya, naayos ko na ang bagay na iyan. Walang makakaalam na isa kang Fajardo at isa sa mga tagapagmana ni daddy," lumabas ang pilyang ngiti ni Beatrice dahil alam niya na ayaw ng kanyang kuya Zircon na niloloko siya na isa siya sa tagapagmana. Alam naman kasi ni Beatrice na malaki ang galit nito sa kanilang daddy.

"Beatrice--" muli ay pinutol ni Beatrice ang sasabihin ng kanyang kuya dahil alam niyang sesermunan siya nito.

"Nagbibiro lang ako kuya," bungisngis na sabi ni Beatrice kay Zircon. "Pero totoo yung sinabi ko na naayos ko na yung hiling mo kuya."

"Mabuti naman," kaya ayaw ipaalam ni Zircon na isa siyang Fajardo bukod sa galit at pagrebelde niya sa daddy nila ay para makakilos siya ng mas malaya sa pakay niya sa pagpasok sa kumpanya ng kanilang daddy. Hangga't maaari sana ay gustomg tapusin agad ni Zircon ito.

Nagpaalam na sa isa't isa sina Zircon at Beatrice. Pagkatapos ay pumasok na mag-isa si Zircon sa elevator.

Samantala ay hindi naman maipinta ni Yara ang kanyang mukha ng makarating siya sa kanyang desk. Bahagya pa nga siya nagdabog sa paglagay ng gamit niya sa kanyang lamesa at agad iyong nakagawa ng ingay. May ilang katrabaho niya at ka-team ang napatingin sa gawi niya, isa na doon si Cassy.

"Girl, umagang-umaga mukha kang haggard. Buryo pa ang feslak mo," medyo maarteng sabi ni Cassy kay Yara. "Anong nangyari sa 'yo 'te?

Sanay na si Yara sa mga ganitong salitaan ni Cassy dahil matagal na silang magkatrabaho. Maaari na nga maituring na si Cassy ang mas close kay Yara. Medyo mailap kasi si Yara sa iba nilang mga katrabaho. Hindi siya masyadong nakikihalubilo sa mga ito. Nag-iingat lamang si Yara dahil baka mabuko ng mga ito ang pinakatatagong sikreto nila ni Jack.

Mahirap na.

---

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status