Share

Chapter 6

"Bakit mo ginawa yun? Pinagtitinginan nila tayong dalawa kanina," nag-aalalang tanong ni Yara kay Jack dahil sa panghihila nito sa kanya papunta sa opisina nito.

"Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala kanina dahil hindi mo naman ugali na malate ng gano'n. Tapos hindi pa kita ma-contact!" dahil sa nangyari kay Yara kanina ay nalate na nga siyaa at hindi na niya nagawa pang buksan ang kanyang telepono.

"Pero kahit na, akala ko ba nag-iingat tayo? Baka mamaya dahil sa ginawa mo ay paghinalaan tayo," hindi pa rin maalis sa isipan ni Yara ang naging usapan nilang dalawa ni Cassy na siyang naging dahilan kung bakit parang naging lutang ang kanyang isip.

"Saka na natin alalahanin yun," napatingin si Jack sa bandang dibdib ni Yara at nakita niya ang naging mantsa ng kape sa damit nito. "Kumusta na ang pakiramdam mo? Samahan na kita sa clinic."

"Hindi na baka mahalata pa nila tayo. Isa pa Jack, alam mo naman na kapag nahuli nila tayo tapos na ang maliligayang araw natin. Diba ikaw lagi ang nagsasabi sa akin niyan?" parang natauhan naman si Jack sa sinabi ni Yara sa kanya.

"Tama ka, sadyang nag-alala lang talaga ako sa 'yo. Talaga bang okay ka lang?" tanong pang muli ni Jack kay Yara saka nito hinaplos ang pisngi ng kanyang kaharap.

"Okay lang ako, huwag ka na mag-aalala. Kailangan ko na bumalik sa desk ko baka mahalata na nila tayo."

"I-oorder kita ng bagong damit babe, ipapadeliver ko na lang para siya ang mag abot sa 'yo."

"Hindi na, meron pa naman akong damit sa locker ko. Iyon na lang ang gagamitin ko. Sorry pala dahil hindi natuloy ang importanteng meeting mo dahil sa akin," sabi ni Yara at mabilis na umiling si Jack.

"Mas importante ka sa akin," sagot naman ni Jack saka niya hinalikan si Yara sa kanyang labi.

Tila ba hinaplos ang puso ni Yara sa naging sagot ni Jack sa kanya kaya naman hindi na siya tumutol noong hinalikan siya nito. Hanggang sa naging mapusok na ang naging halikan nila.

"Namiss kita agad," banggit ni Jack sa gitna ng kanilang halikan. Hawak ni Jack ang magkabilaang pisngi ni Yara. Habang si Yara ay bahagyang napayakap kay Jack.

"Sir Jack?" tawag ni Rochelle mula sa labas ng opisina ni Jack. Mabuti na lang dahil purong concrete ang pader ng buong opisina ni Jack kundi ay nahuli na silang dalawa.

Kapwa napapitlag at napahiwalay sa isa't isa sina Jack at Yara nang marinig nila ang katok mula sa opisina. Agad rin naman silang nag-ayos ng bawat isa.

"Bye, mamaya na lang," paalam ni Yara saka niya kinuha ang isang folder na may laman na ilang papel na wala naman talagang sulat para kunwari ay may inutos sa kanya si Jack.

"Yara huwag mo kakalimutan ang mga sinabi ko at yang inutos ko na report. Kailangan ko yan para sa meeting ko with investors," sabi ni Jack nang mabuksan na ni Yara ang pintuan at nandoon nga si Rochelle.

"Yes po Sir, uhm Ma'am Rochelle sorry po pala sa biglang pagwalk-out ko kanina," sabi ni Yara at talaga nga namang humihingi siya ng paumanhin dahil hindi naman talaga maganda yung ginawa niya. Aminado naman doon si Yara.

"Hindi ko talaga nagustuhan ang ginawa mo. Nakakahiya kay Sir Jack," sagot naman sa kanya ni Rochelle na kanilang team leader.

"Napagsabihan ko na siya Rochelle tungkol dyan at hindi na daw niya uulitin," sabi naman ni Jack para sana hindi na humaba pa ang panenermon ni Rochelle kay Yara.

"Kita mo na, si Sir Jack pa ang nagbigay sayo ng disiplina. Nakakahiya!" bulong sa kanya ni Rochelle bago tuluyang lumapit kay Jack. Bago lumabas si Yara ng pintuan ay bumuntong hininga pa siya para pakalmahin ang kanyang sarili.

"Girl, ano yung eksena niyo ni Sir Jack kanina?" pag-uusisa ni Cassy kay Yara nang makita niyang nakabalik na ito sa kanyang table.

"Nagalit lang sa akin si Sir Jack dahil sa ginawang pagwalk-out ko sa harapan ni Ma'am Rochelle kanina," pilit na pinapakalma ni Yara ang kanyang sarili para hindi mahalata na kinakabahan siya.

"Pero hindi dahilan 'yun para hilahin ka ng ganon no," sabi naman ng isang katrabaho nilang si Norman.

"H-hindi rin kasi natuloy ang meeting kaya ganon. Importante ang meeting na iyon at aminado ako na kasalanan ko kung bakit hindi natuloy yun. Kaya siguro nagawa iyon ni Sir Jack," pagpapaliwanag ni Yara sa kanila. "Madami lang talagang nangyari sa akin ngayong araw na hindi maganda."

"Naku, ayan narinig niyo na ang paliwanag ni Yara. Kayo naman kasi kung anu-ano mga chinichismis niyo eh," saway naman ni Cassy sa kanila.

"Naiintindihan ka namin Yara, bad day mo ito kaya naman hindi umaayon ang lahat sa 'yo ngayon," pagsang-ayon naman ni Melissa. "What if sumama ka sa amin mamaya? Magbabar kami. Come on Yara, lagi ka na lang natanggi sa amin."

"Oo nga naman Yara, bonding naman tayo. Hindi yung puro ka na lang work. Kita mo nangyari ngayon, need mo nito. Mag-eenjoy ka don," sabi naman ng isa pa nilang katrabaho na si John. "Kung gusto mo isama mo boyfriend mo."

"Oo nga girl para naman makilala namin siya. Ang tagal-tagal na nating magkakasama sa trabaho pero parang umiiwas ka sa amin," may himig na pagtatampong sabi ni Cassy sa kanya.

"Hindi naman sa ganon. Hindi lang ako mahilig uminom. Pero sige sasama na ako," napatili naman sila dahil sa pagpayag ni Yara kaya naman kahit na kinakabahan siya ay nagawa na rin niyang ngumiti. "Pero hindi makakasama boyfriend ko dahil nasa b-barko pa rin siya. Alam niyo naman ang mga seaman hindi ba?"

"Okay lang kahit wala siya ang mahalaga eh pumayag ka na girl!" tuwang-tuwang sabi ni Cassy at nagawa pa siya niyong yakapin ng mahigpit.

"Seaman pala ha," naiinis na bulong ni Zircon sa kanyang sarili dahil narinig niya lahat ang sinabi ni Yara mula noong nakabalik ito. Hindi niya alam kung saan kumukuha ang babae ng kapal ng mukha para makapagsinungaling ito.

"Ikaw fafa Zircon sama ka ha?" Baling ni Cassy kay Zircon na tahimik na nakaupo sa swivel chair ng kanyang desk katapat ng booth ni Yara.

"Nandito siya?" gulat na tanong ni Yara.

---

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status