LOGINISANG masamang balita ang bumungad kay Erin, nagkamalay na si Tyler pero nawala ang memorya nito at ang mas gumimbal sa kaniya ay namumukod tanging si Katrina ang naaalala nito. Kahit ang ina nitong si Dorothy ay hindi rin makapaniwala. Bakit sa dinami-rami ng tao siya pa ang nakalimutan nito? Bakit ang ex-wife lang ang naalala nito?"Honey..." Pinapalapit ni Tyler si Katrina, pero sa halip na dumaan sa gilid ay hinawi sila nito. Sa pagitan niya at ng ginang ito dumaan, na para bang hindi ina ng binata ang tinapig nito.Nakadama siya ng inis sa ginawang yun ni Katrina. Kaagad niyang sinaklolohan ang ginang na muntikan nang mabuwal."Okay ka lang po ba?" Marahang tumango ito. "I'm fine, iha. Don't worry about me." Pinong ngumiti ito at itinuon ang paningin sa lalaking nakahiga sa hospital bed. "I'm here, honey." Niyakap nito si Tyler. "May masakit ba sa iyo?" maarte nitong salita."Sino sila?" Pumihit paharap si Katrina sa kanila. "Sila ba? Si Mommy Dorothy, siya ang 'yong ina, si
HINDI makahuma si Erin sa sinabi ni Dorothy kay Katrina. Sumimangot lang naman ang huli. Alam niyang hinding-hindi ito hihingi ng tawad sa mga nasabi sa kaniya. Hindi na niya inaasahan yun. Ang pinsan niyang si Seb ay wala ring imik. Tahimik lang na nagmamaneho. Mukhang inaasahan na ring hindi mangyayari ang gusto ng ginang. Minabuti niyang ibahin ang usapan. "Tita, gusto mo po ng orchids?" baling na tanong niya sa ginang. Nasa hilira na sila ng iba't ibang uri ng mga orchids. "Kuya, stop the car, please po," pakiusap niya sa pinsan. Agad namang huminto sa gilid ang kanilang sinasakyan. Bumaba siya, sumunod si Dorothy. Naiwan sa loob si Katrina, mukhang napahiya sa sinabi ng ginang. Kasama nila si Seb na pumili ng orchids. Lumapit ang isa sa tauhang nag-aalaga ng mga bulaklak. Kinuha nito ang mga pinili ng ginang. Sa pagbalik nila sa sasakyan ay aligagang tinapos ni Katrina ang pakikipag-usap sa phone. Kung sino ang kausap nito'y hindi na niya saklaw yun. Tuwang-tuwa si Dorothy sa
NAKATAYO sa gilid si Erin, ang mata ay nakatuon sa ginang na walang humpay na umiiyak, at nang dahil sa nakikita, hindi niya maiwasang sisihin ang sarili. Kasalanan niya kung bakit nasa ganoong kalagayan ngayon si Tyler. Dapat hindi na siya nag-inarte. Dapat pinakinggan na lang niya ang sigaw ng puso. "Anak ko..." Sa bawat paghikbi ng ginang, parang dinudurog ang puso niya. Sinasakal. Hindi makahinga. Nakaagapay dito si Katrina, si Hernan ay nasa may paanan. Tahimik lang na lumuluha, pero pansin niya ang matinding kuyom ng kamao. Nakadama siya ng takot. Paano kung sa kaniya ito galit? Paano kung ilayo nito si Tyler?Bumaling ang paningin ng lahat nang bumukas ang pinto. Pumasok ang doktor. Sa labas na nito kinausap ang mag-asawa."Doc, ano ang lagay ng anak ko?" May takot sa tinig ni Dorothy. "Ligtas na sa kapahamakan ang inyong anak, but still, kapag hindi siya nagkamalay within twenty-four hour, may posibilidad na ma-coma ang inyong anak," pahayag nito. Mariing pumikit ang mata
NAKIPAGSUKATAN ng titig si Erin kay Katrina. Hinding-hindi siya magpapatalo rito. Kung siya lang ang masusunod isinawalat na sana niya ang ipinagtapat sa kaniya ni Seb tungkol sa pakikipaglapit ni Tyler rito, pero ayaw niyang pangunahan ang binata. "What did you say? You're what?" Pinaningkitan siya nito ng mata. "Dinadala ko ang anak ni Tyler." Nginitian niya ito. Ngiting may kalakip na pagyayabang. Pero sa halip na mainggit ay humalakhak si Katrina. "Are you sure of that?" tanong pa nito."Gusto mo pa ba ng ebidinsiya? Halika, lumabas tayo. Ora-mismo ay magpapa-check-up ako." Akmang hahawakan niya ang braso nito pero maagap itong umiwas. "Hindi iyan ang ibig kong sabihin." Ngumisi ito. "Sigurado ka bang si Tyler ang ama ng ipinagbubuntis mo? Kasi, as far as I remember, pumasok ka sa bar bilang waitress. Malay ba namin kung isa sa mga naging costumer mo ang ama ng batang nasa sinapupunan mo." Sa pagkakataong yun ay siya naman ang humalakhak. Alam niyang ipagpipilitan ni Katrina
MAG-ISA si Erin sa tapat ng ICU at malapit nang sumapit ang nine nang gabi. Dumating si Patricia, may dala itong mga gamit niya at kasama na rin niyang magbabantay kay Tyler. "Kumain po muna kayo, Seniorita." "Salamat." Ngumiti siya rito. "Pero wala akong gana. Mamaya na lang siguro, kapag gumising na si Tyler." "Seniorita, masama po sa iyo ang nagpapagutom. Alalahanin mong may isa pang nabubuhay sa sinapupunan mo." Binuksan nito ang mga lalagyan ng pagkain, nandoon ang mangga na hindi na niya nakain nang nasa mansyon siya. Napilitan siyang kumuha ng pagkain. Ang mangga ang naibigan niya at isinawsaw sa salad dressing. Bago niya kainin ay naglakad siya sa harap ng glass window upang masilip si Tyler. Umaasang nakabukas na ang mata nito, pero... bigo pa rin siya. "Pagaling ka, mahal. Tiyak na matutuwa ka sa oras na malaman mong magkakaroon na tayo ng baby." Isinubo niya ang piraso ng mangga. Napapikit siya't ninamnam ang lasa. Masarap pero sadyang hindi niya malunok. Tila bato
LAKAD-TAKBO ang ginawa ni Erin papasok sa hospital na pinagdalhan kay Tyler. Hindi niya alintana ang kasalukuyang kalagayan. Si Seb ay nakaagapay sa likuran niya. Nang malaman niya ang nangyari rito'y para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. Hindi niya kakayanin kung mawawala ito. Walang ibang dapat sisihin kundi siya. Kasalanan niya ang nangyari. Kung sana'y hindi siya nagmatigas, kung sana'y hindi niya ito pinahirapan pa."Sana..." May luhang tumagas sa mata niya. Hindi pala dapat niya pinakinggan ang pinsan.Ayon kay Patricia, pinuntahan ng kaniyang papa ang pinangyarihan ng insidente. Sa zigzag road palabas ng bayan ng Sta. Barbara. Alam niya ang lugar kung saan ito na-aksidente at napadelikado roon. Marami na ang naaksidente sa lugar na yun. Nagpalagay na ng sign board doon ang kaniyang ama, pero mayroon pa ring naaaksidente.Nagtanong siya sa information kung saan dinala ang na-aksidente.'ICU' Iyon ang sinabi ng nurse na nakausap niya."Ibig sabihin, malubha ang pinsalang







