 Masuk
MasukTWO YEARS LATER...
"Please, Adrian," pakiusap ng may edad na lalaki sa kabilang linya. "Ako na lang ang tingnan mo. Ayokong ibigay sa iba ang trabahong ito," dugtong pa nito. Hindi kaagad nakapagsalita si Adrian. "Hindi madali ang pinagagawa mo sa akin, Papa," sagot niya. "Huwag mo na lang personalin, trabahuhin mo lang," nagpupumilit pa ring sabi nito. "Kahit para sa akin na lang, Adrian," pagmamakaawa nito. Bumuntong hininga si Adrian. "Alam mong ayoko ng ganyang trabaho, 'Pa. Mas gusto ko pa sa field. Naiinip ako pag ganyan." katwiran nito. "Iyan ba talaga ang dahilan mo? O umiiwas ka lang?" seryosong tanong ng nasa kabilang linya. Umiling si Adrian na parang nakikita siya ng tiyuhin niya. "Wala akong dapat iwasan. Hindi ko lang linya ang inaalok ninyo sa aking trabaho," sagot niya. "I will give you a week to think about it, Lt. Col. Adrian Drake Rodriguez," biglang nag-iba ang tono nito at naging seryoso. "Papa-" hindi na nito hinintay pa ang sagot niya at pinutol na ang koneksyon ng telepono. "Sh@t!" mariing naipikit ang mga mata. Bakit pa siya bibigyan ng isang linggo ng tiyuhin niya para mag-isip kahit alam naman nito na hindi talaga siya papayag? Katatapos lang ng misyon nila sa Lebanon at heto ang tiyuhin niya at kinokontrata na siya. Pinipilit siyang tanggapin ang inaalok nitong trabaho upang hindi na siya muling bumalik at sumabak pa sa giyera. Alam niyang iyon ang hangarin nito sa kanya. Siya si Lt. Col. Adrian Drake Rodriguez, tatlumpu’t limang taong gulang, isang kasapi ng military force sa ibang bansa. Limang taon na siyang nagseserbisyo roon. Dati rin siyang miyembro ng military force sa Pilipinas, ngunit mas pinili niya ang pagkakataong ibinigay ng ibang bansa sa kanya... dahil na rin sa mga personal na dahilan. Two years ago, umuwi siya ng Pilipinas upang ayusin ang personal na problema sa pagitan nilang mag-ama, ngunit sa halip na maayos ay lalo pang lumala. At lalo pang bumaon sa dibdib niya lahat ng sama ng loob niya dito. Wala pang isang buwan ay tinanggap niya ulit ang misyon na inalok sa kanya dahil sa sama ng loob sa ama. Walang nagawa ang tiyuhin niya upang pigilan siya noon. At ngayon nga ay nabalitaan siguro nito na tapos na ang misyon niya kaya napatawag ito at pinababalik siya ng Pilipinas para sa trabahong inaalok sa kanya. Retired General Ricardo Rodriguez, ang pangalan ng tiyuhin niya, at may-ari ng isang malaking security agency sa Pilipinas. Ito rin ang nagbigay sa kanya ng pagkakataon, five years ago, na makapasok sa military force sa ibang bansa. At ngayon ay pinagsisisihan na ng tiyuhin niya dahil sa nakikita nito sa kanya na tila balewala na ang buhay niya sa sunud sunod na pagtanggap ng misyon sa giyera ng iba't ibang bansa. Dalawang taon na rin ang nakakaraan, dalawang tao rin ang naging sanhi ng kabiguan niya. Ang Daddy niya at ang babaeng nakilala niya at inangkin sa loob ng sasakyan sa gitna ng matinding bagyo. Malinaw pa rin sa isipan niya ang mukha ng babaeng iyon. Nagbakasakali siyang ipahanap ito sa tiyuhin niya ngunit hindi sapat ang iniwang pangalan nitong "Faye" para mahanap ito. Hanggang sa magkita sila ng Daddy niya at nagkaroon ng isang mainit na pagtatalo. Umalis siya sa bahay nito na bitbit ang sama ng loob at hinanakit sa sariling ama. PAGLAPAG ng eroplano ay dumeretso kaagad si Adrian sa arrival area. Isang malaking bag lang ang dala niya dahil wala siyang intensyon na magtagal sa Pilipinas. Gusto lamang niyang pagbigyan ang kahilingan ng tiyuhin niya. Hinanap ng mga mata niya ang susundo sa kanya at ilang saglit lamang ay nakita niyang kumakaway ito sa hindi kalayuan sa kanya at hawak sa kamay ang isang bondpaper na may nakasulat na pangalan niya. Napakunot ang noo niya dahil babae ang sumundo sa kanya. Lumapit siya dito. "Lt. Col. Rodriguez?" nakangiting pagkukumpirma nito. "Yes, I am," seryosong sagot niya. "Let's go, sir." isinenyas pa nito ang kamay niya upang paunahin siya. "Are you the one sent by the retired general to pick me up?" nakakunot ang noong tanong niya sa babae. "There's no one else, sir," matamis nitong ngiti. Bata pa ito at mukhang nasa twenties. Gupit lalaki ang buhok at may balingkinitang katawan. Malamang na isa ito sa mga security officer ng tiyuhin niya. Nakasuot ito ng kulay asul na polo shirt na sa bandang kaliwa ng dibdib ay may logo ng agency ng tiyuhin. Nakablack maong pants at highcut na black shoes. Tinernuhan pa ng jacket na maong. "Give me the keys," utos niya at nilahad ang palad sa harap ng babae. "But, sir," nawala ang ngiti nito at tila nanlungkot. "Its my job to-" "Just give me the keys. Wala akong tiwala pagbabae ang nagdadrive para sa akin," striktong sabi nito na tila nakukulitan sa kausap. Malungkot na binigay ng babae ang susi sa kanya. Lalong nadismaya si Adrian nang makita ang susing binigay sa kanya ay ang susi ng Toyota Fortuner niya. Parang gusto niyang pagdudahan ang tiyuhin niya sa mga oras na iyon. Hindi ba nito alam ang taste niya sa babae? Oo at maganda ang kaharap niya at bumagay ang gupit ng buhok sa mukha nito, pero para sa kanya ay hindi ang mga ganoon ang tipo niya. Napapailing na lang siya sa kalokohan ng tiyuhin niya. "What's your name?" tanong ni Adrian habang kuyom ang susi sa palad niya. "I'm Michelle Castro. You can call me Mitch, sir." magalang na sagot nito at nawala na ang matamis na ngiti. Mukhang naramdamang mahirap i-approached ang bagong dating. "Lead the way, Mitch," turan niya at malalaki ang hakbang na lumakad na papuntang kaliwa. "Lt. Col. Rodriguez! This way!" malakas na sabi ni Mitch. Ilang hakbang pa lang ang ginagawa nito ay malayo na kaagad ito sa kasamahan. Mabilis na napalingon si Adrian nang tawagin siya nito. Pagharap niya ay nasagi ng bitbit niyang bag ang batang lalaki sa balikat na sa tantiya niya ay nasa mahigit isang taong gulang o dalawa. Mabilis niyang binitawan ang bag at sinalo ng dalawang kamay ang bata. Gulat na gulat ang mga mata ng bata habang nakatitig sa kanya. "It's okay, big boy," biglang sabi niya sa pag-aalalang baka matakot ang bata at umiyak. Tuluyan niyang pinangko ang bata at bahagyang sinayaw upang mawala ang pagkagulat nito habang palinga linga sa paligid. "Where's you parents, big boy?" nakangiting tanong niya sa bata habang nakatingin sa mukha nito. Ang mga mata ng bata ay tila nangungusap. Titig na titig sa kanyang mga mata at inabot ang pisngi niya. "Dada plane," sagot nito at tumuro sa taas. Ngumiti siya. "What's your name, big boy?" "It's Kaelen Vayne," pabulol na sabi ng bata. "Nice name huh?" tugon ni Adrian at bahagyang pinisil ang pisngi. "Sir, I think... sila ang guardian ng bata," sabi ni Mitch nang makalapit sa kaniya at tinuro ang dalawang babaeng nakauniporme at tila natataranta na sa paghahanap. "Let them come to us," mahinang sabi ni Adrian habang nakatingin sa dalawang babae. Hanggang ang isang taga-alaga ay napatingin sa kanila at biglang umaliwalas ang mukha. Patakbo itong lumapit sa kanila. "Kael, come to nanay," nakangiting sabi ng taga-alaga na nasa forties na siguro. Kasunod na nito ang isa na mas bata dito. Nagpapapasag ang paa ng bata at tinalikuran ang dalawang babae at yumakap sa leeg ni Adrian. "No!" sabi ng bata at sumubsob sa balikat ni Adrian. Nagulat si Mitch at gustong tumawa sa inasta ng bata. Habang si Adrian ay hindi alam ang gagawin dahil sobrang higpit ng yakap sa kanya ng bata sa leeg. "Let's go. Your Dada will arrive soon." sabi ng mas bata. "No! Dada is here!" sigaw ng bata at nagpapapasag habang mahigpit ang yakap kay Adrian. Parang may kung anong humaplos sa puso bi Adrian at naawa sa bata. Marahil ay bihira nitong makita ang ama kaya ganoon na lang ang pag-aakala nito na siya ang ama. "Pasensya na po, sir. Baka pwede pong makuha na si Kael. Baka dumating na po ang Daddy niya tiyak na makakagalitan kame," pakiusap ng naunang taga-alaga. "Okay, Kael. Listen to me, sweetheart," sabi niya at hinarap ang bata sa kanya. "Your dada is on plane, right?" nakangiting uto niya sa bata. Tumitig lamang ito sa kanya. "He will arrive soon. He will buy you toys and take you to rides. Do you want that?" Bahagya itong tumango. Matamis na ngumiti si Adrian. "Then, will you come with them?" Nagpalipat-lipat ng tingin ang mga mata ng bata sa dalawang taga-alaga at kay Adrian. Maya maya ay dinukwang na nito ang mas batang taga-alaga at sumama na. Nakahinga ng maluwag ang dalawa at si Mitch. "Thank you, sir!" halos sabay na sabi ng dalawa at nagmamadaling tumalikod na. Sinundan ng tingin ni Adrian ang tatlo na humalo na sa mga karamihan ng mga naghihintay doon. Nang makita niyang inabot ng taga-alaga ang bata sa nanay nito ay tumalikod na siya.
NAKABIBINGING katahimikan ang namagitan sa loob ng sasakyan sa pagitan nilang dalawa. Seryosong nagdadrive ito habang si Ceryna naman ay nagkunwaring busy sa paggamit ng cellphone. Magsasalita lamang si Ceryna pag ituturo niya ang lilikuan dito. Walang balak magpahatid si Ceryna hanggang sa entrance ng subdivision na tinitrhan nila. "Sa may kanto mo na lang ako ibaba," kaswal na sabi niya at inayos na ang sarili. Sinukbit ang bag at binitbit na ang paper bag na pasalubong sa anak. Tahimik na iginilid nito ang sasakyan bago sa sinabi niyang kanto na hindi gaanong nakakasagabal sa mga dadaan. "Salamat," wika niya na hindi tinitingnan ang mukha nito. Bubuksan na lamang niya ang pinto ng sasakyan nang maramdaman niya ang pagpigil nito sa braso niya. Napalingon siya dito at nagtama ang kanilang mga mata. "I'm Adrian, at least you know my name by now." sabi nito at inabot ang ilang hibla ng buhok niya upang iipit sa likod ng tenga niya. Napalunok si Ceryna at tumango. Bakit
HINIHINTAY lamang ni Ceryna na makatulog ang lalaking estranghero at balak na niyang umalis sa lugar na iyon. Nagkunwari siyang tulog upang huwag nang magkaroon pa ng pagkakataong magkakilala sila ng mas higit pa. Pinakiramdaman niya ito habang mahigpit na nakayakap sa kanya na para bang ayaw na siyang pakawalan pa. Nang sa palagay niya ay mahimbing na itong natutulog ay unti unti niyang inalis ang mga braso nitong nakayakap sa baywang niya. Mag-aalas otso na ng gabi at tiyak na kanina pa tumatawag ang yaya ng anak niya. Sana lang ay hindi din maisipan ni Anthony na tawagan siya at icheck kung nakauwi na siya ng bahay. Nang maisip niya ang mga ito ay hindi siya mapakali. Ngayon siya nakaramdam ng guilt para sa asawa at anak. Pero wala siyang pagsisising nadarama sa ginawa niya. Ganito ba talaga ang pakiramdam ng taong nagtataksil? Tahimik siyang nagbihis pero ang mga kilos niya ay may pagmamadali. Hinahanap niya ang underwear niya ngunit hindi niya iyon matagpuan. Napatigil siya n
HINDI alam ni Ceryna kung paano sila humantong ng estrangerong ito sa apat na sulok ng silid na iyon. Ang alam lang niya ay ang kagustuhang palayain ang damdaming tinago niya ng dalawang taon na nag-umpisa lamang sa isang gabing hindi malilimutan. It was her first. He was her first in everything. And its always hard to forget the first time. But this time, it's different. She was married. And it's forbidden. Why does her life have to be so unfair? Paanong sa loob ng nakaraang dalawang taon ay ngayon lamang ulit sila nagkita? Bakit kung kailan na hindi na siya malaya? Kahit naman siya ay hindi na umasa na muli pa silang magkikita. Pero sadyang mapanadya ang tadhana, dahil heto siya ngayon, nagpapakalunod sa mga halik at haplos ng lalaking dalawang beses pa lamang niya nakikita. NANG makita ni Adrian ang nagpakilala sa kanya ng "Faye" dalawang taon na ang nakakaraan, walang pag-aalinlangan niyang hinintuan ito. He knew that it was her. At alam niyang nakilala din siya nito. Ang da
SAKTONG alas tres ng hapon nang lumabas siya ng flower shop ni Celeste at dumeretso na sa malapit na mall. Hindi na siya nagpahatid pa sa kapatid dahil marami pa itong aayusing bulaklak na gagamitin bukas ng umaga kaya kailangan din nitong tapusin kaagad. Ilang oras din siyang naglibot sa loob ng mall pero wala din siyang nagustuhan bilin para sa sarili. Sinadya lang talaga niya sa mall ang ni-request ng anak niyang laruan. Pauwi na rin siya at nag-aabang ng taxi nang tumunog ang cellphone niya. Dali-dali niya itong sinagot sa pag-aakalang baka ang yaya ng anak niya ang tumatawag. Pagtingin niya sa screen ay si Anthony pala. Sinagot niya ang tawag nito. "Hello, Ceryna," bungad nito. "Yes, Anthony," tugon niya at tumingin tingin sa mga nagdadaang taxi. "Huwag mo na akong hintayin mamaya. Baka gabihin ako ng uwi." wika nito. "Okay, sige. Ingat ka," sabi niya. Hindi na ito sumagot at naputol na ang linya. Saktong may humintong taxi sa harap niya ngunit naunahan naman siy
"SIGURADO ka ba na magcocommute ka na lang pag-uwi?" tanong ni Anthony kay Ceryna. "Hindi ka magpapasundo sa driver?" dugtong pa nito habang nadadrive at nilingon siya. "Hindi na. Pag hindi busy si Celeste mamaya, baka magpahatid din ako sa kanya sa bahay," tugon niyo. "Okay, don't forget your promise to your son," paalala nito nang malapit na sa flower shop ni Celeste. "I won't," sagot niya at sinukbit sa balikat ang bag na dala. Hininto ni Anthony ang sasakyan sa mismong harap ng shop ni Celeste. "Drive safely," sabi niya at humarap kay Anthony at humalik sa pisngi nito. "See you later," tugon nito at nginitian si Ceryna. Tumango lamang si Ceryna at dahan-dahang bumaba ng sasakyan. Kumaway pa ito sa kanya bago pinasibat ang sasakyan. Pagpasok niya sa loob ng flower shop ay may ilang mga costumer na ang nandoon. Hinanap ng mga mata niya si Celeste. "Nasaan si Celeste?" tanong niya sa isang staff nito. "Nasa stockroom po, Ma'am. Nagchecheck po ng mga stocks roon." tug
NASA mini bar silang dalawa ni Ricardo at inaya siya nitong uminom ng brandy pampatulog. Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam na rin si Mitch nang makapagpahinga saglit. Habang silang tatlo ay nagkwentuhan pa hanggang sa magpaalam na si Claire sa kanilang dalawa na magpapahinga na. Tila tinaon naman ni Ricardo na makaalis ang asawa bago siya nito ayain sa mini bar at mag-usap. "Parang kelan lang gatas ang pinaiinom ko sa iyo, hanggang sa naging juice at softdrinks... ngayon heto na tayong dalawa nag-one on one pa tayo sa brandy," natatawang sabi ni Ricardo habang tinitingnan ang basong may laman ng alak. Nilagok ni Adrian ang laman ng baso niya. Gumuhit ang pait at init nito sa lalamunan niya. Hindi siya palainom at wala siyang hilig sa alak. Nakakinom lang siya pag may okasyon o hindi naman kaya ay sa katulad ng pagkakataong ito. "Minsan lang naman ito, 'Pa," sabi niya at sinalinan ang baso niya. "Welcome home, son," aniya nito at tinitigan ang alaga. "Thank you," n








