Share

Chapter 12

Sa kabila ng sakit na nararamdaman ay nagawa kong ipakita sa mga kasama na maayos lang ako. Pero matapos kumain ang agahan ay muli akong nakaramdam ng kaba dahil sa naalalang sinabi ni Senyorito kanina. Hindi ko alam kung susunod ba ako o hindi. Hindi ko alam kung iiwas ba ako o patuloy na lulusong sa apoy na gawa niya.

"Feigh, hanap ka ni Senyorito sa taas," sabi ni Tiya Mila nang pumasok siya sa kusina kaya napatalon ako ng bahagya sa gulat.

Bigla ring bumilis ng tibok ng puso ko na parang mawawalan ako ng hangin.

"P-po?" nanginginig ma sagot ko. Nag-umpisang magpawis ang mga kamay ko sa kaba.

"May ipapagawa yata sa iyo. Sa kwarto raw niya ka pumunta," normal na sabi ni Tiya Mila kaya napalunok akong muli ng mariin.

"Mabilisan mo na, huwag mong paghintayin si Senyorito," biglang singit ni Manang Janet kaya dumoble ang kabang nararamdaman ko ngayon.

"Bilisan mo, baka high blood na 'to," bulong ni Ate Gina kaya dali-dali akong lumabas ng kusina.

Nang makarating ako sa hagdanan ay bigl
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rina Magat
ang iyakin nmn ng feigh
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status