Beranda / Semua / Loving the Beast / Chapter Eight

Share

Chapter Eight

Penulis: Hiraya Neith
last update Terakhir Diperbarui: 2021-02-26 22:52:30

Pagkatapos makausap ni Gayle ang mga lalaking sa tantiya niya ay mga malalapit din dito ay muli nilang ipinagpatuloy ang pag-ikot. May iilan nang napagtanungan si Abbey kung saan nakatira si Callehan ngunit wala ni isa sa mga ito ang nakakaalam. Pero walang balak na sumuko si Abbey. Desidido siyang mahanap si Callehan dahil hangga't hindi niya ito nakikita at nakausap ay mananatiling kulang ang pagkatao niya. Kasisimula pa lang niya at iilan pa lang ang kanyang natatanong. Tahimik lamang si Gayle simula pa kanina at ipinagwalang- bahala na lang iyon ni Abbey. Marahil ay iniisip pa rin ng babae ang bar nito. 

"Sandali lang, p'wede mo bang itigil sandali diyan sa tapat ng barber shop?" Untag niya kay Gayle na nagkibit- balikat lang bago itinabi ang sasakyan.

May ilang kalalakihang nakatambay sa labas ng barber shop at masayang nagki-k'wentohan habang ang ilan ay nagl

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Loving the Beast   CHAPTER TWENTY

    "Ano'ng balak mo ngayon?" Seryosong tanong ni Griel sa kanya.Kasalukuyan na silang nasa loob ng mansyon. Si Abbey naman ay sinamahan ni Gayle sa kuwarto nito para magpahinga.Katulad ng madalas mangyari ay nanghina na naman ang babae pagkatapos nitong magshift at idagdag pang malayo-layo rin ang tinakbo nila.Nasapo ni Luc ang noo at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Ano nga ba ang plano niya ngayong nagkagulo na lahat? Tiyak niyang hindi palalagpasin ni Akella ang pagpatay niya sa kapatid nito. Ngayon ay kailangan na rin niyang paghandaan ang magiging atake nito."Bahala na, Griel. Pero isa lang ang nasisiguro ko, hindi ako uurong sa anumang laban." Tiim ang anyong sagot niya.Napailing si Griel dahil sa sagot niya. Kilala siya nito na walang inu-urungang laban pero sa pagkakataong ito ay batid nila pareho na dehado siya kapag sabay-sabay ba umatake ang grupo ni Akella at ang organisasyong nasa likod ni Abbey magi

  • Loving the Beast   Chapter Nineteen

    "Ano'ng balita?" seryosong tanong ni Callehan sa kaharap.Isa ang lalaki sa matapat niyang kasama. Marami na silang nalagpasang pagsubok simula pa nang una silang nagkakilala."Mukhang tama ka. Hindi kayang saktan ni Montego si Rashida." tugon nito.Napatango siya at napangisi. Mukhang umaayon ang lahat sa kanyang mga plano. Ilang araw na rin niyang pinasu-subaybayan ang bawat kilos ng alpha ng RedTails. At katulad ng inaasahan, nakamantyag nga ito sa bukana ng Lexus sa buong magdamag kasama ang alpha ng WhiteTails. It seems like his old friends never change, huh. At kilala niya si Luc, walang makakapigil dito kapag may gusto itong gawin sukdulang kalabanin nito ang lahat. He was his friend tho. Kabisado na niya ang likaw ng bituka nito pati ng tatlo pa nitong kaibigang sina Griel, Ronther at Rhonen."Kung ganoon ay maghanda ka. Anumang sandali ay mapapalaban tayo." aniya rito sa sery

  • Loving the Beast   Chapter Eighteen

    Rodan...iyon ang nabasa ni Abbey sa karatulang nakalagay sa gilid ng kalsada. May pasangang daan sa labas ng Wulfgrim at pinili niyang kumanan kung saan napansin niyang tila mas madawag ang mga puno. Naisip niyang kagaya ng Wulfgrim, baka sa bungad lang din ganoon at kapag nasa sentro na siya ay maayos rin ang Rodan. Ngunit hindi kagaya ng Wulfgrim na pakiramdam niya na tila hinahatak siya ng lugar. Kabaliktaran ang nararamdaman niya sa Rodan. Habang papasok siya sa lugar at palayo nang palayo sa pasangang daan ay bigla siyang nakaramdam ng takot. Nanindig ang mga balahibo niya at parang gusto niyang bumalik. Malayo na ang nararating niya at natatanaw na rin niya ang mga kabahayan.Simula nang madiskubre niyang isa siyang chimera ay luminaw na rin ang paningin niya. Kaya niyang makita ang isang bagay kahit gaano pa ito kaliit at natatanaw niya na parang malapit lang ang isang lugar kahit na malayo. Ayon kay Ziv

  • Loving the Beast   CHAPTER SEVENTEEN

    Napahugot ng malalim na buntong-hininga si Abbey habang patamad na nakadapa sa kama. Hindi pa uli sila nag-usap ni Luc simula kahapon. Hindi naman niya masisi ang lalaki kung galit ito sa kanya. Hindi siya nag-ingat. Sa kagustuhan niyang i-please ito ay nakaperwisyo pa siya. At, muntik pa niya itong saktan."What now, Abbey?" Pabulong na kausap niya sa sarili bago tumihaya.Wala pa siyang isang linggo roon pero ang dami nang nangyari. Maraming nagbago lalo na sa kanya. Hindi niya pa rin lubos na matanggap ang pagiging halimaw niya. Akala niya kapag pumunta siya sa Wulfgrim ay matatagpuan niya kaagad si Callehan at magiging maayos na ang lahat. Pero mali siya dahil mas naging magulo ang sitwasyon. Mas naging komplikado.Natatakot siyang hindi na siya makabalik sa dati niyang buhay. Paano kung dahil sa pagiging halimaw niya ay makasakit siya ng inosenteng tao or worst ay makapatay siya? Hindi na niya alam kung paano at saan mag

  • Loving the Beast   Chapter Sixteen

    Matapos masigurong maayos na ang kalagayan ni Abbey ayon kay Ziva ay niyaya ito ni Luc sa kanyang opisina. May gusto siyang malaman dito. Iniwan nilang natutulog ang babaeng tila naubusan ng lakas at ipinagbilin na lamang niya kay Kimmy na silip-silipin dahil umalis ang pinsan niyang si Gayle para bisitahin ang café nitong kasalukuyan pa ring ginagawa."Mukhang napapalapit na ang loob mo sa kanya, ah." Kaagad na untag ni Ziva nang makapasok sila sa opisina niya.Taas ang kilay na tiningnan niya ito bago umupo sa couch na naroroon."What are you talking about?" Kunot-noo niyang tanong sa kaibigang doctor.Umupo si Ziva sa tapat niya at tinitigan siyang mabuti na tila ba inuuri ang kanyang kabuoan. "Are you falling for her?" Nananantiya at out of the blue na tanong nito.Napa-angat naman si Luc mula sa pagkakasandal at tila napapantastikuhang tinapunan ng hindi makapaniwalang tingin si Ziva na titig na titig pa rin sa kanya.

  • Loving the Beast   Chpater Fifteen

    Gulat na napalingon si Abbey sa namumula sa galit na si Luc. Nawala sa loob niya ang nabitawang kawali."What the hell are you doing?!" pasigaw pa ring tanong nito sa kanya.Awang naman ang mga labi at namumutlang napatanga siya sa kaharap na lalaki. Madilim ang anyo nito at tila anumang oras ay gusto na siyang tirisin.Hindi alam ni Abbey kung paano siya magpapaliwanag. Nalulon na yata niya ang kanyang dila dahil sa labis na tensyong nararamdaman sa mga sandaling iyon. Napakalaki naman kasi ng anger issue ng lalaking ito. Gwapo nga sana at fafable pero palagi namang may topak."S-sorry..." medyo nabubulol na turan niya nang mahamig ang sarili sa pagkabigla at takot."Sorry? Is that all you can say now? Ano ba kasi ang naisipan mo?!" singhal nito sa kanyang ang mga mata ay nakatutok sa sunog na mga pancakes na nasa harap nito.Aba naman, sumusobra naman yata

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status