Share

Chapter 56

Leana’s POV

Pinanood ko kung paano mahigpit na niyakap ni Chance si papa. Hindi na ako nagtaka nung makita kong umiiyak siya dahil bukod sa siya ay isang papa’s boy, antagal niya kasing nawala. Kahit gustong-gusto kong tumakbo palapit sa kanila at yumakap din ay hindi ko magawa dahil ayaw sa akin ni papa.

Kaya ko nga pinipigilan ang sarili kong magpunta sa bahay nina tito nitong mga nakaraang araw dahil binantaan niya ako na hindi siya uuwi sa susunod na bibisitahin ko siya ron. Parang tuod lang akong nakatayo mula rito sa pwesto ko at pinapanood silang dalawa.

Pasimple kong sinulyapan si mama at kumunot ang noo ko dahil hindi man lang niya tinitignan si papa kundi nakatitig lang siya sa sahig. Wala man lang akong makitang galak sa mukha niya. Hinawakan ko ang kamay niya at dahan-dahan naman siyang napatingin sa akin.

“Hindi niyo po ba sasalubungin si papa?” mahinang tanong ko at hindi siya umimik.

Hinila ko siya palapit sa pwesto nina Chance at napatingin naman sa amin si papa.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status