Share

Chapter 57

Leana’s POV

Dahan-dahan akong umalis mula sa kama dahil wala rin naman silbi itong paghiga na ginagawa ko. Hindi ako makatulog sa dami ng mga iniisip ko. Hindi tuwid ang paraan ng pag-iisip ko ngayon. Hindi tulad noon na kaya ko pang isantabi ang mga naiisip ko. Ngayon kasi ay para na akong nakikinig sa isang mismong tao na nagsasalita sa tabi tenga ko dahil sa sobrang lakas ng mga ito.

Isinuot ko ang hoodie ko at nilagay ang magkabilang kamay papasok sa bulsa nito bago sinulyapan ng tingin si Chance. Nakakadagdag bigat sa dibdib ang mga pinapakita niyang pag-uugali ngayon pero hindi ko siya mapuna dahil alam kong nasasaktan siya mula sa pag-alis ni papa.

Hindi naman siya naging bastos. Naging tahimik nga lang at hindi na madalas makipag-usap. Maski sa akin na lagi niyang kinakausap gabi gabi kahit walang kwenta ang mga pinagsasasabi niya. Natatakot ako na kapag hindi niya sinabi ang laman ng isip niya ay magkaroon ng problema. Wala nang maingay dito sa bahay.

Kapag nasa bahay, ma
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status