Share

Chapter 7

Leana’s POV

Nagkatinginan kami ng kapatid ko at sabay ding umasim ang mukha dahil sa mga magulang namin. Paano ba kasi? Napaka PDA. Alam ko naman na mahal na mahal nila ang isa't-isa pero…. Hindi ako komportable sa nakikita ko! Ang awkward kaya!

Respeto sa mga single! 

“Ate, tara na,” yaya niya sa akin.

“Teka lang. Magpaalam pa tayo.”

Pinadyak niya ang paa niya hudyat na naiinis na siya.

“Huwag na! Eh paano ba ‘yan, para silang gagawa ng panibagong kapatid!”

Nanlaki ang mga mata ko hinampas siya.

“Gago, ang lakas ng boses mo.”

Tumawa siya at napangiti naman ako habang nagpipigil ng tawa. Naiiling kong kinuha ang cellphone ko at nag-text kay mama na mauuna na kami.

“Tara na ate… nandidiri ako!” Pabulong na sigaw niya.

Binatukan ko siya at hinatak na siya para hindi na siya magreklamo.

“Ma! Pa! Una na kami!” Sigaw ko at naglakad kami palabas ng bahay para sumakay ng tricycle.

Habang nasa tricycle kami ay palihim kong tinignan si Chance. Nagpigil ako ng tawa dahil sa itsura niya. Pinuno niya ng hangin ang bibig niya kaya naging bilog ang magkabilang pisngi niya.

Nakakunot din ang noo niya at sigurado akong nagbibilang na naman 'to ng hanggang sampu sa utak niya.

Nandiri talaga siya? Well, ako rin naman ay medyo nag-cringe. 

“Ha! Ano ba namang klaseng panimula ng araw ‘to,” reklamo niya at sinuklay niya ang buhok niya gamit ang mga daliri.

“Hayaan mo na kasi!”

Nagkibit balikat lang siya at niyakap ang bag niya.

Bumaba na kami mula sa tricycle at kinuha ko naman ang wallet ko para magbayad. Pinigilan ko ang kapatid ko na busy sa pagkakalkal sa bag niya.

“Ako na magbabayad,” sabi ko at kunot noo naman niya akong hinarap.

“Bakit?”

“Eh sa gusto ko nga ako ang magbayad! Problema mo? Ayaw mo?” 

Agad siyang napangiti ng malapad.

“Wow naman ate.”

Ngumisi ako at pinalipad ang buhok.

Gusto kong gumanda ang mood niya eh kaya… why not? 

“Hoy! Mauna ka nang umuwi mamaya ah? Matatagalan ako ng uwi. Mga isang oras siguro.”

“Bakit?”

“May project kami. Basta, hindi ako magpapagabi.”

Nalilito siyang tumango.

“Sige. Update mo na lang ako ‘no? Para walang mag-alala kapag naabutan ka ng gabi.”

“Oo.”

Kumaway siya kaya kumaway ako pabalik.

Habang naglalakad ay iniisip ko kung paano ako makakapagsulat mamaya. Para kasing hindi kasya sa schedule ko. May itu-tutor pa ako. Hindi iyon alam ng pamilya ko. Nilihim ko lang kasi alam kong ipapatigil nila kapag nalaman nila.

Ayoko namang maghitay na lang ng pera pang-allowance mula sa pera ng parents ko. Kung kaya kong kumita ng pera, edi kahit papaano ay bawas aalahanin na nila. Iipunin ko na lang ‘yung ibibigay nina mama para kapag kailangan namin, may ibibigay ako.

Ang dami kong gagawin… Pero okay lang ‘yan, wala naman akong kaibigan. Tsaka, pera ang usapan. Kailangan ko ng pera.

Pagka-upo ko sa upuan ko ay agad kong nilabas ang notebook ko at nag outline para sa next chapter. Para kapag may time na ako, pagta-type na lang ang gagawin ko.

Ang aga pa… ako pa lang mag-isa ang nandito. Kung bakit kasi napaka PDA nina mama eh. Mahal na mahal ang isa’t-isa?!

Inis akong napakamot sa ulo dahil hindi ko talaga magawa ng tama ‘tong isang character ko.

Pumasok sa isip ko si Nico kaya na excite ako bigla. Sana maaga rin siyang pumasok para makulit ko siya.

Napalingon ako sa pintong bumukas at agad akong napangiti dahil si Nico ang bumungad.

“Good morning!” Nakangiting bati ko.

Tumango siya.

“Morning.”

Ilang linggo na pero ilag pa rin siya. Meron yung mga araw na hindi siya masyadong cold at mukhang naaaliw sa usapan namin pero kadalasan talaga ay binabara lang niya ako at parang yelo.

Mukhang wala siya sa mood dahil nakakunot ang noo niya kaya hindi ko na lang siya lalapitan. Madalas siyang wala sa mood nitong mga nakaraang araw. Ewan ko ba kung bakit palagi siyang badtrip. Only child ba siya at lonely sa bahay kaya ganon? O kung hindi, nag-away silang magkapatid kung meron man? Ay, ewan.

Unti-unti ng nagsisidatingan ang mga ka-klase ko kaya umayos na ako dahil siguradong makikipag-kwentuhan sa akin yung katabi ko.

“Leana, tapos mo na 'yung assignment sa math?” tanong niya.

Hihingi 'to ng answer for sure.

“Oo.” Ngumiti ako.

“Baka naman.”

See?

“Sure. Eto oh.” Inabot ko sa kanya ang notebook ko at tila nabuhayan naman siya.

“Thank you talaga! Ang bait mo.”

Nginitian ko na lang siya at nilabas ang cellphone ko para aliwin ang sarili ko.

Halata naman sa kanya na nakikipag-usap lang siya sa akin para sa school works. Saka lang niya ako ka close kapag may kailangan siya. 

Sige lang, gamitin mo lang ako para naman magamit din kita kapag may kailangan ako.

Dumapo ang paningin ko kay Nico at natigilan pa ako dahil tila pinapanood niya ako. Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin pero umiling lang siya at bumalik sa ginagawa niya.

Ang napansin ko sa kanya, observant siyang tao kaya kailangan ay hindi dapat niya mapansin na lumalapit lang ako sa kanya dahil may kailangan ako.

“Tapos ko na. Thank you ulit.” Abot niya sa akin sa notebook ko.

“Wala ba tayong first subject? Ang tagal ng teacher natin,” tanong ko.

“Hindi ko alam eh. Teka, tanungin ko lang si President.”

Tatayo pa lang sana siya pero sakto namang dumating na ang teacher namin kaya umayos na kaming lahat ng upo.

Habang nagdi-discuss siya ay nakinig akong mabuti dahil baka magpa-recite siya. Sayang ‘yung points kapag hindi ako nag-recite.

“Ms.Trisha?”

Napatingin ako sa math teacher namin. Ayan na, magpapa-recite na siya.

“Yes sir?”

“Can you solve this in front?”

Natigilan siya at halatang kinabahan.

“Sir, hindi ko po alam,” mahinang pagkakasambit niya.

Ngumiti ang teacher sa harapan.

“It’s okay. You may now take your seat.”

Buti na lang talaga ay mabait 'tong teacher namin.

Nagtawag pa siya ng iba pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi nila ma-solve.

“Bakit walang nakakaalam? Hindi kayo nakinig?” Nameywang siya.

“Ganito na lang. May dalawang problem akong ibibigay. Dalawang student ang magso-solve sa board. Ang makasagot, exempted na sa assignment.”

Wow naman, ako na.

Tinaas ko ang kamay ko at hindi ko inaasahang magsasabay kami ni Nico.

Napangiti ng malapad ang teacher.

“Okay, sa ‘yo ‘yung number one, Leana. Number two ‘yung sa ‘yo Nico.”

Tumayo ako naglakad papunta sa whiteboard at napatingin ako kay Nico na napakaseryoso na naman.

Nagsimula akong mag solve at hindi pinansin ang katabi ko. Ganon din naman siya.

“Both of you are correct. Very good.”

Nakatanggap kaming dalawa ng mga palakpakan at natuwa naman ako dahil wala na akong gagawing assignment.

Nag-ring na ang bell kaya iniligpit ko na ang mga gamit ko. Nagmadali ako dahil baka mauna si Nico papunta sa canteen. Hindi pa naman siya mahilig mag invite para samahan siya.

Nagtaka ako dahil hindi siya tumayo mula sa upuan niya at tila walang balak bumaba. Kaya naman ay nilapitan ko siya. Agad siyang napatingin sa akin at gusto kong ngumuso dahil sa talim ng tingin niya.

“Hindi ka magre-recess?”

“Magre-recess ako.”

“Eh bakit hindi ka pa tumatayo?” 

Umirap siya at tinatamad na tumayo.

“Ang tagal mo eh.”

Natigilan ako.

“Ano?” hindi makapaniwalang tanong ko.

“Tss.”

“So it means hinihintay mo ko?” Nangingiting tanong ko.

Nauna na siyang maglakad kaya patakbo akong humabol sa kanya.

“Bakit mo ko hinintay?” pang-aasar ko.

“Gusto ko lang.”

Napatili ako ng mahina.

“Hindi ka na magiging ilag sakin? Hindi ka na magiging cold?” excited na tanong ko.

“Asa ka, Leana.” 

Hindi ko maitago ang excitement ko at nagpunta pa sa harapan niya. Napatigil siya sa paglalakad at kunot noo akong tinignan.

“Are we friends now?” umaasang tanong ko.

“No.”

“Yes! Hinintay mo na ako eh!” pamimilit ko.

“Huwag kang assuming.”

“Eh bakit mo ‘ko hinintay? Inaasahan mong sa ‘yo ako sasama ‘no?”

“Shut up, stupid. Kaya kita hinintay dahil kapag hindi, magbubunganga ka naman.”

“Ay. Grabe ‘to.” 

Pagdating namin sa canteen ay ngiting-ngiti ako hanggang sa pag-upo. 

“You look stupid,” inis na aniya.

“What? Stupid na ba ang pagiging masaya ha? Hindi ka ba happy?”

Inirapan niya lang ako at kumagat sa kinakain niya.

“You’re happy just because I waited for you?” 

Tumango ako.

“Ang babaw mo.”

“Tse! Alam mo, ang saya kaya kapag lagi kang nakangiti. Nakakawala ng stress.”

Nagkibit balikat lang siya.

“Hindi ka ata masaya eh. Gusto mo ng flower? Gusto mo ng chocolate? Gusto mo-”

“Leana, you’re so loud,” nanlulumong aniya at natawa naman ako.

“Sorry na.”

Ang init ng ulo nito. 

“Ate Leana.”

Napalingon ako sa tumawag sa akin at nagulat ako dahil siya yung nagpapa-tutor sa akin.

“Oh. Ikaw pala. Bakit?”

Tanong ko sa babaeng may maamong mukha. Grade 9 siya. Classmate ata ‘to ni Chance.

“Ate, sa cafe na malapit dito tayo mag-aral. Okay lang sa ‘yo?”

“Sure. Mage-extend ba tayo ng time kaya hindi sa library?” tanong ko at tumango siya.

“Dalawang oras po sana. Mahirap kasi ‘yung subject.”

“Okay lang. Text mo na lang ako ha? Kasi mas maaga ang dismissal niyo.”

“Sige ate.”

Nakangiti kong pinagmasdan si Mich na naglalakad palayo. Ang swerte ko at mabait 'yung tinuturuan ko.

Bumalik ako sa pagkain.

“I didn’t know you’re a tutor.”

“Hindi ko nasabi sa ‘yo eh. Nagsimula lang ako last week.”

Tahimik kaming kumain nang bigla na lang siyang tumayo.

“Babalik ka na?!”

“Yes.”

“Ang aga pa ah.”

“I know. Mauuna na ako kasi tahimik pa sa classroom.”

Hindi pa ako tapos kumain eh.

“Mauna ka na,” saad ko.

“You’re not coming with me?”

Gusto kong ngumisi. Is he finally letting his guard down?

“Eh sabi mo gusto mo sa tahimik. Hindi ako tahimik. Dadaldalan lang kita.”

“Just come with me,” inis na aniya at napapangiti naman akong tumayo at tumabi sa kanya.

“I don’t like you okay? Baka kung anong isipin mo.” 

Natawa ako sa sinabi niya.

“Hindi ko naman ‘yun naisip ‘no.”

Pagdating namin sa classroom ay agad akong umupo sa tabi niya. Balak na naman ata niyang makinig sa music kaya pinigilan ko siya sa pagsalpak niya ng earphones sa tenga niya.

“Ano?”

“Anong klase ng music ang pinapakinggan mo?” 

“I don’t have a specific music taste.”

"Kahit ano na lang ang magustuhan mo ganon?” tanong ko at tumango siya.

Sinilip ko ang cellphone niya at kadalasan ay mga music galing sa mga anime na pinapanood niya. Alam ko ang mga yun dahil sa kapatid ko.

“What about you?” tanong niya.

“K-pop.”

“Gusto mo ng sample?” pang-aasar ko.

“No, thanks. Baka mabasag ang eardrums ko.”

“Wow ah! Magaling akong kumanta Nicolo! Huwag ka!”

Napangiti siya at halatang nagpipigil ng tawa.

“Sabi mo eh.”

Ngumuso lang ako at sumandal mula sa kinauupuan ko.

Never pa talaga siyang gumawa ng topic para sa usapan namin. Isang tanong isang sagot ‘to eh. Grabe, hindi ako sanay.

“Ay! Oo nga pala, anong club mo?”

“Wala,” sagot niya.

“Huh? Why?”

“Because I don’t want to.”

“Ganon? Ang daming clubs dito sa school. Kahit isa wala kang nagustuhan?”

“Meron naman.”

“Alam mo, kung may talent ka, gamitin mo.”

Nakita ko ang kaunting pagsimangot niya.

“I just wanna ask, do you feel happy when you do anything related to your talent?” tanong niya.

Napaisip naman ako.

“Oo naman. Bakit? Ikaw hindi?” 

"I have a lot of capabilities. Hindi ko lang talaga nae-enjoy.”

Oh.

“Hindi ka passionate sa mga talents mo?”

Tumango siya.

“Then, it’s fine! Alam mo, darating din ‘yung araw na magiging passionate ka sa isang bagay. Huwag kang magmadali. Magkakaroon ng time na ‘yung dating ginagawa mo na sa tingin mo ay hobby lang pero unti-unti kang ma-addict doon hanggang sa ma-realize mo na ‘yun talaga ang gusto mong gawin. You know, masaya ka kapag ginagawa mo ang isang bagay. Tapos kapag iniisip mo ang tungkol sa bagay na ‘yun, parang may apoy kang mararamdaman sa loob loob mo na parang nagliyab. Gets mo?”

Tumango siya.

“Halata ba na hindi ko pa nahahanap yung passion ko?” natatawang tanong niya.

“Wala namang masama ron. Dumaan din ako sa ganyan.” Kinindatan ko siya.

Nasabi ko na sa kanya ‘to noon pero uulitin ko na naman. Mahirap kaya ‘yung feeling na hindi mo pa nahanap ‘yung mga bagay na ikasasaya mo. Hindi pwedeng malungkot ang kalmadong Nico na ‘to.

“Noon, inis na inis ako sa mga first day of classes kasi may mga teachers na magtatanong kung anong talent mo. Inis na inis ako sa tanong na ‘yun kasi wala akong masagot,” mapait na saad ko.

“I experienced that too.”

Napaharap ako sa kanya.

“Diba? Ang frustrating ‘no?” 

Tumango siya.

“Kaya okay lang ‘yan. Mahahanap mo rin ‘yan for sure.”

Ngumiti siya ng tipid.

"Thank you. That comforted me,” mahinang saad niya.

Nginitian ko siya ng malapad.

Nang tumingin siya sa kawalan ay hindi ko maiwasang makaramdam ng guilt at takot.

Tama ba talaga ang desisyon ko na gamitin lang siya tapos iiwasan ko na kapag nakuha ko na ‘yung gusto ko? He’s cold on the outside but he’s nice. 

Bakit ako nagui-guilty? Malay mo makalimutan ko ‘yung plano ko at kaibiganin ko talaga siya diba?

Hay naku. Kailangan ko itong panindigan. Nasimulan ko na. Ilag pa rin siya pero minsan ay parang nagiging komportable na siya sa akin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status