Share

Chapter 9

Leana’s POV

Please, someone, come comfort me.

Napayakap ako sa sarili ko habang pinipigilan ang sarili ko mula sa paghikbi. Narito ako sa medyo madilim na parte ng eskinita para walang makakita sa pag-iyak ko.

Pakiramdam ko ay napakawalang silbi kong anak. Pakiramdam ko ay panganay nga ako pero wala naman akong maitulong kina mama. Kanina lang ay pinanood ko na naman kung paano mag-usap sina mama at papa at pera na naman ang problema.

Hindi ko kayang makita ang mga reaksyon nila. Nasasaktan ako ng sobra.

Gustong-gusto kong sumigaw pero anong magagawa ng pagsigaw ko? May lalabas bang pera mula sa malakas na sigaw ko? Wala. Mauubos lang ang boses ko. Pagod ako mula sa pagtu-tutor at galing sa eskwelahan tapos ‘yun ang madadatnan ko sa bahay.

Grabe naman ang realidad. Masyado kang mapanakit. Ano bang gagawin ko para may maitulong man lang ako? Maghahanap ba ako ng trabaho? Pero ano naman? Paano ko sasabihin kina mama na gusto ko silang tulungan?

Gusto kong magmadali. Gusto kong mak
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status