LOGINLexi Ignacio POV
Nakatitig lang ako sa itim na folder na nakalapag sa mesa. Pakiramdam ko, ang bawat pahina sa loob niyon ay gawa sa lason na papatay sa akin at kay Ethan. Dahan-dahan kong inabot ang dokumento habang nakatayo pa rin si Adrian sa tabi ko, tila hindi na makapaghintay na pumirma ako. Binuksan ko ang kontrata. Ang pamagat pa lang sa itaas ay sapat na para masuka ako. Napakaraming legal terms, pero ang ibig sabihin lang naman ay iisa. Ibebenta ko ang katawan at dignidad ko para sa reputasyon ng pamilya Aragon. "Basahin mo nang maayos," utos ni Adrian habang nagbubuhos uli ng alak sa kanyang baso. "Lahat ng detalye diyan, legal at inaayos ng pinakamagagaling kong abogado." Sinimulan kong basahin ang mga nakasulat. Habang tumatagal, lalong nanginginig ang mga daliri ko. May scheduled medical appointments para sa ovulation cycle ko. May nakalagay ding strict secrecy clause na nagbabawal sa aming dalawa ni Ethan na magsalita tungkol dito sa kahit kanino. Kapag may nakakaalam, may multang milyun-milyong piso at kulong. May financial compensation din para kay Ethan, isang halagang sapat na para mabuhay siya nang marangya sa buong buhay niya. At ang pinakamalala, may deadline. Kailangan kong mabuntis sa loob ng anim na buwan. "Anim na buwan?" tanong ko habang nakatingin kay Adrian. "You scheduled my body like a business meeting? Inisip mo talaga ang lahat ng 'to?" "Of course I did," sagot ni Adrian nang walang kaabang-abang na emosyon. "I don't leave things to chance, Lexi. Negosyo ito. At kailangang maging maayos ang lahat." Napatingin ako kay Ethan na nakatayo pa rin sa malapit sa p***o. Tahimik lang siya, pero nakatingin siya sa akin habang binabasa ko ang bawat pahina. Walang bahid ng pagmamataas sa mukha niya, pero halatang hindi rin siya komportable sa mga nakasulat. "Hindi ko pirpirmahan 'to," sabi ko sabay bagsak ng kontrata sa mesa. Ang lakas ng kalog ng mga baso sa paligid. "I am leaving, Adrian. Hinding-hindi ko gagawin 'to sa sarili ko at sa 'yo. Maghiwalay na tayo." Tumalikod ako at mabilis na naglakad patungo sa pintuan. Mas gusto ko pang mawalan ng marangyang buhay kaysa manatili sa isang kasal na ganito kadumi. Pero bago ko pa man mahawakan ang doorknob, nagsalita si Adrian. "Go ahead, Lexi. Walk out that door," malamig niyang sabi. "Pero bago ka umalis, tanungin mo muna ang sarili mo kung ano ang mangyayari sa pamilya mo kapag ginawa mo 'yan." Napatigil ako sa paglalakad. Dahan-dahan akong humarap sa kanya. "What are you talking about?" Ngumisii si Adrian, isang ngisi na punong-puno ng pagmamanipula. "Nakalimutan mo na ba ang utang ng tatay mo sa kumpanya namin? The restructuring agreement that saved your family's business from total bankruptcy three years ago?" Naramdaman ko ang paglamig ng buo kong katawan. "Inayos na 'yon ni Papa. Maganda ang takbo ng negosyo ngayon." "Inayos 'yon dahil asawa kita," depensa ni Adrian sabay lapit sa akin. "Ang conditional clause sa kontrata ng pamilya mo at ng Aragon Group ay nakadepende sa pagiging mag-asawa natin. The moment you file for legal separation or leave this house, the loan default clause activates immediately." "You... you leveraged my family?" bulong ko. Parang pinalo ng bakal ang dibdib ko. "Ginawa mo 'yon bago pa man tayo ikasal?" "I protect my interests, Lexi," sagot niya habang nakatitig sa mga mata ko. "Kapag umalis ka ngayon, lalabas ang notice of foreclosure bukas na bukas din. Ang bahay ng mga magulang mo, ang kumpanya ng tatay mo, lahat 'yon kukunin ng bangko. Magiging pulubi sila bago matapos ang linggong ito." "Hayop ka, Adrian," pabulong kong mura sa kanya. Lumalabo na ang paningin ko dahil sa nangingilid na mga luha. "You're a monster." "I am a practical man," sagot niya nang walang pagnanais na humingi ng tawad. "Gusto ko lang na manatili tayo sa itaas. Protektado ang pamilya mo, protektado ang inheritance ko. Pirmahan mo na ang kontrata at matatapos din ang lahat ng 'to kapag nagkaroon na tayo ng anak." Napakapit ako sa gilid ng mesa para hindi ako mabuwal. Wala akong laban. Kapag umalis ako, idadamay ko ang mga magulang ko na walang ibang ginawa kundi suportahan ako. Ginamit ni Adrian ang pagmamahal ko sa pamilya ko para talian ako sa leeg. Kinuha ko ang ballpen sa ibabaw ng mesa. Nanginginig ang kamay ko habang inilalagay ang pirma ko sa huling pahina ng kontrata. Bawat kurba ng pirma ko ay parang pagtanggap ng sarili kong hatol. "Good girl," bulong ni Adrian habang kinuha ang papel mula sa akin. Humarap siya kay Ethan. "Ikaw naman, Ethan. Sign it." Kinuha din ni Ethan ang ballpen. Tumingin muna siya sa akin bago niya inilagay ang pirma niya sa tabi ng pangalan ko. Walang bakas ng takot o kaba sa mukha niya, pero ramdam ko ang bigat ng aura na pumapalibot sa kanya. "Very good," sabi ni Adrian habang inilalagay ang kontrata pabalik sa folder. "I have a late board meeting tonight. Stay here, Ethan. Make sure my wife is safe." Kinuha ni Adrian ang suit jacket niya at mabilis na lumabas ng kainan. Narinig ko ang pag-andar ng kotse niya sa labas hanggang sa unti-unti itong nawala sa kalayuan. Naiwan akong nakatayo sa tabi ng mesa. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Binitawan ko ang buo kong bigat at napaupo sa sahig habang nakatakip ang dalawang kamay sa aking mukha. Napakasakit. Pakiramdam ko ay nawala ang lahat ng halaga ko bilang tao. Narinig ko ang mabibigat na hakbang ni Ethan palapit sa akin. Lumuhod siya sa harap ko, pero hindi niya ako hinawakan. Nananatili siyang may distansya, tulad ng isang taong nirerespeto ang hangganan ko. "Ma'am Lexi," mahina niyang tawag. Umangat ang tingin ko sa kanya sa gitna ng aking pag-iyak. "Ano pa ba ang gusto mo? Nakapirma na tayo. Nakuha niyo na ang gusto niyo ng amo mo." Tumingin nang diretso si Ethan sa mga mata ko. Ang mga mata niya ay napakaseryoso, walang halong pag-aalinlangan o pagpapanggap. "I signed because I have my own reasons," mababa at malalim niyang boses. "But you need to listen to me carefully right now." Napatigil ako sa pag-iyak at nakatitig lang sa kanya. Gumagalaw ang panga ni Ethan habang dahan-dahang nagsasalita. "You should never trust your husband." Nakatitig pa rin ako kay Ethan habang nakaluhod siya sa harap ko. Ang boses niya ay parang kulog sa gitna ng tahimik na silid. "You should never trust your husband." Ang bilis ng tibok ng dibdib ko habang paulit-ulit na nagre-re-play ang mga katagang sinabi niya. "Ano’ng ibig mong sabihin?" tanong ko habang pinupunasan ang luha sa mga pisngi ko. "Bakit mo sinasabi sa akin 'yan? Ikaw ang binayaran ng asawa ko. You're working for him." Dahan-dahang tumayo si Ethan at inabot ang kamay niya para tulungan akong tumayo. Tinitigan ko muna ang kamay niya bago ko iyon tabigin para tanggihan. Tumayo ako nang mag-isa gamit ang sarili kong lakas. Hindi man lang nagbago ang mukha ni Ethan sa pagtanggi ko. Binaba lang niya ang kamay niya at umatras nang kaunti para bigyan ako ng espasyo. "Hindi lahat ng nakikita mo sa mansyong ito ay totoo, Ma'am Lexi," sagot niya. Ang boses niya ay nanatiling mababa at kalmado. "Mag-ingat ka sa mga taong pinagkakatiwalaan mo. Lalo na kay Mr. Aragon." "At bakit naman ako magtitiwala sa 'yo?" sabat ko sabay punas muli ng mukha ko. "You signed the contract too. Pumayag ka sa kagaguhang 'to. You're part of his sick game." "Nandito ako para gawin ang trabaho ko," sagot niya habang nakatingin sa akin nang diretso. "Ngunit huwag kang mag-alala. Walang mangyayaring hindi mo gusto." Bago pa ako makapagtanong ulit, mabilis siyang tumalikod at tumayo malapit sa p***o, bumalik sa pagiging tahimik na security guard. Naasar ako dahil ayaw na niyang magsalita. Gusto ko siyang pigain, gusto kong alamin kung ano ang nalalaman niya tungkol kay Adrian, pero bakas naman sa mukha niya na ayaw na niya akong bigyan ng kahit anong impormasyon tungkol dito. Dahil sa utos ni Adrian, kailangan naming magkasama ni Ethan sa iisang silid kapag gabi. Ang dahilan ni Adrian sa kontrata ay para magkaroon daw ng familiarity at pagkakataon para sa nakatakdang plano. Noong unang gabi, halos hindi ako makahinga sa sobrang kaba. Nasa loob kami ng master bedroom ng guest house sa dulo ng estate. Malaki ang silid, may malaking kama sa gitna, at may hiwalay na lounge area. Nakatayo ako malapit sa bintana, nakakrus ang mga bisig ko at nakatingin sa kanya. Nakasandig si Ethan sa may pader malapit sa pintuan, nakasuot pa rin ng kanyang itim na shirt at pants. Walang bahid ng pagmamadali sa kanya. "So," pambungad ko habang pinipilit kong magmukhang matapang. "Gagawin na ba natin 'yung nakasulat sa kontrata? Isn't that why you're here?" Tumingin siya sa akin. Wala man lang kareaksyon ang mukha niya sa tanong ko. "Gusto mo ba?" Napatigil ako. "What?" "Tinatanong kita kung gusto mo," ulit niya using his baritone voice. "Gusto mo bang gawin ang nakasulat sa papel na 'yon ngayon?" "Siyempre hindi!" mabilis kong sagot. "Dinepensa ko nga ang sarili ko kanina, 'di ba? Natali lang ako dahil sa banta ng asawa ko sa pamilya ko!" "Then nothing will happen tonight," simpleng sagot ni Ethan. Umalis siya sa pagkakasandig sa pader at naglakad patungo sa sofa sa lounge area. "At hindi lang ngayong gabi. Kahit kailan." Napatitig ako sa kanya habang umuupo siya sa sofa. "Anong ibig mong sabihin? Pinalabas ni Adrian na gagawin natin 'to. The medical schedule starts next week." Tumingin siya sa akin, ang mga mata niya ay napakaseryoso. "Lilinawin ko lang sa 'yo, Ma'am Lexi. I will never touch you unless you genuinely want me to. At kapag sinabi mong ayaw mo, kahit hawakan ang kamay mo, hindi ko gagawin. Hindi ako nandito para pilitin ka o gamitin ka." Nakatitig lang ako sa kanya, hindi makapaniwala sa narinig ko. "Pero paano si Adrian? Kapag nalaman niyang walang nangyayari, magagalit siya. Baka ipatupad niya 'yung banta sa pamilya ko." "Ako ang bahala sa mga ulat na matatanggap niya," sagot ni Ethan habang inilalagay ang dalawang braso sa likod ng sofa. "Ako ang magbibigay ng mga updates sa kanya. Huwag mo nang alalahanin 'yon." "Bakit mo ginagawa 'to?" tanong ko. Dahan-dahan akong lumapit sa lounge area, pero nanatili akong may distansya. "Security guard ka lang ni Adrian. Bakit ka nakikipagsapalaran para sa akin? You could lose everything." Nangiti siya nang bahagya. Isang napakaliit na ngiti na halos hindi mo mapapansin kung hindi ka nakatitig sa labi niya. "Sabi ko sa 'yo, may sarili akong dahilan. Ang kailangan mo lang gawin ay magtiwala na hindi ako ang kalaban mo." "Madaling magsalita, Ethan," pabulong kong sabi habang umuupo sa kabilang dulo ng armchair. "I don't even know who you really are." "Mas makakabuti sa 'yo kung hindi mo muna alam ang lahat," sagot niya. "Ang mahalaga ngayon, ligtas ka."Lexi Ignacio POV Nakatitig pa rin ako sa labas ng bintana habang dahan-dahang nawawala sa kadiliman ang lalaking nakasuit. Nandoon pa rin si Ethan sa ilalim ng puno ng acacia, hawak ang itim na envelope at ang tablet na kabibigay lang sa kanya. Hindi na ako nagdalawang-isip. Kumuha ako ng cardigan, isinuot ito nang mabilis, at dahan-dahang lumabas ng guest house. Gusto kong malaman ang totoo. Gusto kong makumpirma kung ano ba talaga ang pakay ng security guard na ito sa bahay namin. Mabilis ngunit tahimik ang bawat hakbang ko sa damuhan. Nagtago ako sa likod ng malaking hedge malapit sa lumang gazebo. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng dibdib ko dahil sa kaba at lamig ng hangin sa gabi. Narinig kong nagsalita si Ethan. Nakatapat ang telepono sa tainga niya at nakatitig siya sa liwanag ng tablet. "Nakuha ko na ang panibagong financial reports ng Aragon Group," mababa at seryoso niyang sabi sa telepono. "Puno ng iregularidad ang accounts ni Adrian. He is moving money around to cov
Lexi Ignacio POV Sa mga sumunod na araw, naging pormal ang pagsasama namin sa guest house. Walang nangyaring hawakan o kahit anong kahalayan. Kapag gabi, sa sofa natutulog si Ethan habang sa malaking kama ako. Subalit kahit walang pisikal na nangyayari, ramdam ko ang kakaibang tensyon sa pagitan naming dalawa. Araw-araw, sinusundan niya ako sa kahit saan ako pumunta sa loob ng estate. Siya ang nagmamaneho ng kotse kapag lumalabas ako. Natutunan kong obserbahan siya. Napansin kong napakatahimik niya, pero napakasharp ng mga mata niya. Bawat taong lumalapit sa akin, bawat sasakyang dumadaan, sinusuri niya. Para siyang isang leon na laging nakahanda sumalakay kapag may banta. Isang hapon, pumunta ang pinakamatalik kong kaibigan na si Mara sa estate para bisitahin ako. Dahil wala si Adrian para magbantay, pinalabas ko muna si Ethan sa terrace para makapag-usap kami ni Mara nang maayos sa living room. Nakaupo kami sa coffee table. Si Mara ay abala sa pag-inom ng kanyang paboritong i
Lexi Ignacio POV Nakatitig lang ako sa itim na folder na nakalapag sa mesa. Pakiramdam ko, ang bawat pahina sa loob niyon ay gawa sa lason na papatay sa akin at kay Ethan. Dahan-dahan kong inabot ang dokumento habang nakatayo pa rin si Adrian sa tabi ko, tila hindi na makapaghintay na pumirma ako. Binuksan ko ang kontrata. Ang pamagat pa lang sa itaas ay sapat na para masuka ako. Napakaraming legal terms, pero ang ibig sabihin lang naman ay iisa. Ibebenta ko ang katawan at dignidad ko para sa reputasyon ng pamilya Aragon. "Basahin mo nang maayos," utos ni Adrian habang nagbubuhos uli ng alak sa kanyang baso. "Lahat ng detalye diyan, legal at inaayos ng pinakamagagaling kong abogado." Sinimulan kong basahin ang mga nakasulat. Habang tumatagal, lalong nanginginig ang mga daliri ko. May scheduled medical appointments para sa ovulation cycle ko. May nakalagay ding strict secrecy clause na nagbabawal sa aming dalawa ni Ethan na magsalita tungkol dito sa kahit kanino. Kapag may nakakaala
Lexi Ignacio POV Nakatayo pa rin ako sa gitna ng kainan habang mabilis na lumalabas si Adrian para sagutin ang isang tawag mula sa kumpanya. Naiwan kaming dalawa ni Ethan sa loob ng napakalaking silid. Tahimik ang buong paligid, maliban sa tunog ng sarili kong paghinga na halatang pilit kong pinapakalma. Tumingin ako sa lalaking nakatayo sa tabi ng p***o. Nakatingin pa rin siya sa malayo, tuwid ang tayo, at walang kahit anong emosyon sa kanyang mukha. Naaasar ako sa sobrang pagiging kalmado niya. Inaasahan kong makakakita ako ng kaunting yabang o pilyong ngiti sa labi niya dahil inatasan siyang galawin ang asawa ng amo niya, pero wala. Mukha lang siyang estatwa na gawa sa bato. Humarap ako sa kanya at naglakad palapit. "How much is he paying you?" tanong ko agad. Gusto kong lumabas na matapang ang boses ko, pero nanginginig pa rin ito sa galit. "Magkano ang halaga ng konsensya mo para pumayag ka sa ganitong kagaguhan?" Dahan-dahang ibinaba ni Ethan ang kanyang tingin sa akin. Ang m
Lexi Ignacio POV Ang kristal na baso sa mesa ay dahan-dahang nanginginig. Hindi dahil sa lindol, kundi dahil sa panginginig ng sarili kong mga kamay. "Ulitin mo nga, Adrian," bulong ko. Pilit kong kinakalma ang boses ko para hindi ito mabasag, pero ang dibdib ko ay para nang sasabog. "Kasi pakiramdam ko, nagha-hallucinate lang ako dahil sa puyat." Naupo si Adrian sa dulo ng mahabang kainan ng aming mansyon. Inayos niya ang gintong cufflink ng kanyang suit at kumuha ng kaunting alak mula sa kanyang baso. Ang hitsura niya ay perpekto. Walang bahid ng dungis, tulad ng inaasahan sa nag-iisang tagapagmana ng Aragon empire. "Narinig mo ako nang maayos, Lexi," sagot niya sa isang malamig at kalmadong boses. Para lang siyang nagbabasa ng weather forecast o nag-uulat tungkol sa stock market. "I want us to have a child. As soon as possible." "At sinabi mo ring..." Nahirapan akong ilabas ang mga kasunod na salita. Para silang mga babasaging bubog sa lalamunan ko. "Sinabi mong hindi sa '







