"Sorry talaga, ate. Hindi ko alam na hindi makakarating si kuya Aurel kanina. Naistorbo ko pa po tuloy kayo–"
Agad kong pinutol si Elly sa sinasabi niya. Ilang beses ko ba kailangang sabihin na hindi nga sila istorbo?
"It's okay, Elly. Don't say sorry again, please. It's nothing. Really." I gave her a half smile.
"Maraming salamat, ate. Binantayan at inalagaan n'yo po si kuya."
Tumango ako at sumulyap kay Jian na tulala lang na nakaupo sa hospital bed.
"No problem, Elly." Sambit ko. "Ahm, sige na. I need to go home now. May photo shoot ako bukas kaya kailangan na magpahinga."
"May binili akong pagkain para sa hapunan, ate. Ayaw mo po bang kumain muna kasama namin?"
Gustuhin ko man ngunit nangako ako kay Ron na babawi ako sa kaniya. Baka nga galit na rin ulit iyon dahil hindi na naman ako sumunod sa usapan naming oras.<
"Saan ka ba kasi nagpunta kanina, Chelle? Nagmamadali ka na namang umalis gaya nung dati." Tanong ni Ron nang nasa kitchen kami at kumakain.Nang umalis ako sa hospital ay tinawagan ko siya at sinabing pupunta ako rito sa unit niya. Hindi ko na pinasama ang mga body guards ko dahil sa baba lang naman nito ang unit ko."I visited my friend, Ron." Sagot ko sa kaniyang tanong at nagpatuloy sa pagkain."A friend? Who's friend?""My co-model." Simple kong tugon."You don't have any friends here, Chelle. Aside from Quinn and Brynn, alam kong wala ka ng ibang kaibigan dito."I sighed deeply and looked at him. Nakita kong kumunot ang noo niya nang hinarap ko siya. Alam ko namang hindi siya maniniwala, pero..."I met a new friend here, okay? Noong hindi pa kayo nagpupunta rito nila Brynn ay may nakilala ako. At siya iyong–"
"Yes, mom, nasa Pilipinas na po ako." Sambit ko kay mommy at sumakay na sa kotse."Kasama mo ba ang mga body guards mo?""Opo. Pinadala ko sa kanila ang kotse ko.""Okay, good. Drive safely, darling. Magpahinga ka pagkauwi mo sa iyong condo." Bilin niya."Okay. Baba ko na 'to."Pagkapatay ko ng tawag ay binaba ko ang bintana ng sasakyan ko."You can go home now. May pupuntahan pa ako." Sabi ko sa mga body guard ko."Sasamahan na lang po namin kayo, ma'am." Agad nilang utas.Napairap na lang ako. Gosh! Puwede bang bumalik na lang ng Korea para wala sila? Buti pa doon wala akong bantay!"Bahala nga kayo. Basta 'wag ninyong sasabihin kila mommy na may pinuntahan ako, okay?""P-pero, ma'am hindi po puwede 'yon–""Tatanggalin ko kayo sa trabaho n'yo kapag
Dahil nga isang linggo akong pahinga sa trabaho, halos wala rin akong ginagawa. Nasa bahay lang ako at paminsan minsan ay dumadalaw kay Jian sa hospital. Busy ang kambal dahil sa kanilang business kaya hindi ko rin muna sila nakakasama.Natutulog si Jian habang ako naman ay nakaupo sa sofa nang marinig kong tumunog ang kaniyang phone galing sa loob ng isang bag. Tumayo ako at hinagilap ko iyon doon."Louzel... Sino naman 'to?" Bulong ko sa aking sarili bago ni-swipe ang cellphone niya para masagot ang tawag."Jian..." Pamilyar ang kaniyang boses. "Kumusta ka na? I'm sorry hindi ako nakakadalaw. Ang daming pinapagawa sa akin sa trabaho–"Agad ko siyang pinutol."Uh... I'm sorry, miss, but this is not Jian.""H-huh? Sino 'to? Si Elly ba 'to–""No..." Muli kong putol sa kaniya. "Nasa school si Elly. I'm Jian's... friend." Tama na
"Are you going to leave me here, Chelle?" Tanong ni Ron pagkatapos kong ibaba ang cellphone ko.Sabay kaming pumunta ni Ron dito kanina kaya wala akong dalang sasakyan. So, I called my body guards to bring my car here.Huminga ako ng malalim at hinarap siya."You can still enjoy the party, Ron. Nandyan naman si Bryle and some our friends in model industry. You can be with them–""And where are you going?" Singhal niya."May pupuntahan lang ako." Simpleng tugon ko.Kumunot ang noo niya bago siya humugot ng malalim na hininga."Sasama ako kung ganoon.""What?" My brows snapped together. "You can't, Ron. Hindi ka puwedeng sumama." Umiling ako."And why not? Hindi naman kita guguluhin kung saan ka man pupunta, Chelle. Sasama lang ako–""Are you crazy? Hin
Isang linggo na simula nung sinundan ako ni Ron sa hospital. Pagkauwi ko nun ay kinausap ko siya. I told him na tinutulungan ko lang nga sila Jian. Nakumbinsi ko rin siya na h'wag ipaalam kila mom and dad ang tungkol dito."You are invited to Mrs. Garcia's runway tomorrow, Richelle. As judge again." Si Mrs. Vera nang mag-usap kami sa kaniyang opisina."Tomorrow? What time?""Three in the afternoon. I gave her your number, sinabi kong tawagan ka na lang niya mamaya."I nodded my head.Tumayo na ako at inayos ang aking sarili."I'll go now. Magpapahinga na." Paalam ko."Okay. Take care..."Paglabas ko ay naabutan ko si Ron na nakahilig sa kaniyang kotse. Nag-angat siya ng naramdamang dumating ako."You done? Anong pinag-usapan ninyo?" He asked as he opened the front door for me.
"Kanina pa raw tumatawag sa inyo ang mommy mo, ma'am. Pero hindi ka raw po sumasagot."Nasa labas lang kami ng kuwarto ni Jian. Kaya pala hindi tuluyang sinara ni Aurel kanina ang pinto dahil nag-aabang lang sila rito.Inilahad sa akin ng body guard ang cellphone niya. Kinuha ko naman ito at itinapat na sa aking tainga para makausap si mommy."Mom...""Darling! Anong ibig sabihin ni Mrs. Garcia? Hindi ka nagpunta sa Runway? Where are you then?!" Bungad na tanong ni mommy."Mom, may emergency lang po kaya hindi ako nakapunta. I texted her-""What kind of emergency is that?!" She cut me off. "You're one of the judges, hija! Dapat ay naroon ka!""Mom, hindi naman po importante 'yon. Magagawa naman po nila yung Runway kahit wala ako. Hindi lang naman po ako ang nag-iisang judge doon, may iba pa." Paliwanag ko.
"What? Ikaw ang nagbayad sa hospital bills niya?" Gulat na gulat na tanong ni Brynn.Nasa isang Restaurant kami ngayon at kumakain ng lunch. Nakipag-meet up siya sa isa sa mga business partner nila at nang natapos ay pinapunta niya ako rito. Wala si Quinn dahil may iba raw inaasikaso.Kinuwento ko naman kay Brynn 'yong tungkol sa pamilya ni Aurel at ang pagbayad ko sa hospital bills ni Jian. Gulat na gulat siya nang sinabi ko iyon."Ako naman ang may gustong manatili siya sa hospital, Brynn kaya dapat lang 'yon."Umiling siya. She looked disappointed."You are in love with him, aren't you?" She concluded."What are you talking about? Listen, Brynn... I'm just –""Helping them?" Tuloy niya sa sinasabi ko. "Kabisado ko na mga sagot mo, Chelle. You don't have to tell me that again."Sinimangutan ko si
Halos buong gabi akong nasa hospital. Nakaupo ako sa may bandang gilid ni Jian habang hawak niya ang kamay ko. Hindi ko lang namalayan na nakatulog pala ako sa ganoong ayos.Naalimpungatan lamang ako ng naramdaman kong may humahaplos sa aking buhok. Unti unti kong kinusot ang aking mga mata bago ito idinilat. Nag-angat ako ng ulo at nakitang gising na si Jian."Ayoko sanang gisingin ka, pero hindi ka ba nahihirapan d'yan sa puwesto mo? Baka mangalay ka." Aniya, tunog nag-aalala."No... I'm fine, don't worry." I assured him.Tiningnan ko ang langit sa may bintana at nakita kong malapit na rin lumiwanag. Damn. Really? Nakatulog ako ng ganoon ang ayos? Buti at nakaya ko 'yon!"Umaga na rin pala. Nakatulog naman ako ng maayos kahit papaano." I said to him again.Bumaba ang tingin ko nang muli niyang kinapa ang kamay ko para mahawakan.