Share

Luckily Blinded
Luckily Blinded
Author: Gabsuson

Prologue

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

***

Love is unexpected. Hindi mo alam kung saan at kailan mo ito mararamdaman. Hindi mo alam kung sino ang darating para mahalin mo at mahalin ka. Iyong tipong mamahalin mo siya kahit sino ka pa. Iyong tipong tanggap mo lahat sa kaniya. At iyong tipong handang ibigay ang lahat para sa'yo. When we love, we are willing to do anything. We are willing to gave everything up for the one we love. Because love is... sacrifices.

Napa-preno ako bigla nang may lalaking akmang tatawid sa kalsada. Damn it! Hindi ba siya marunong tumingin muna sa kaliwa't kanan niya?!

Tumigil din naman siya sa pag-lalakad nang marinig niya ang tunog ng sasakyan ko. Iritado akong bumaba sa kotse ko para sana pag-sabihan siya. I went near him.

"Hey! Are you blind?! Hindi mo ba nakitang parating ang sasakyan ko? Paano kung hindi ako nakapag-preno? Edi nasagasaan kita! Magpapakamatay ka ba?!"

Tuloy-tuloy kong sinabi 'yon kaya naman medyo hinihingal ako nang tumigil. He didn't answer though. He didn't look at me too, kaya mas lalo lang akong nairita.

"Tumingin ka nga sa akin! I'm talking to you, you asshole!"

Kumunot ang noo ko nang dahan dahan siyang humarap sa akin. Doon ko lang din napansin ang hawak niyang tungkod. Ginamit niya ito para kapain ang daan at makaharap sa akin.

"Damn... He's really blind?" I whispered to myself.

"Nakaharap na ba ako sa'yo, miss?" tanong niya at tama nga siya. Nakaharap na siya sa akin ngayon.

Tinitigan ko siyang mabuti. He's handsome. Medyo malaki rin ang pangangatawan niya. Sakto lang ang kulay niya, moreno kumbaga. Medyo matangkad din siya. Ang guwapo naman niyang bulag! And he have a deep voice!

"Nandyan ka pa ba?"

Napakurapkurap ako sa tanong niya. Nakakahiya naman! Sobra ko na yata siyang natitigan! Mabuti na lang at hindi niya naman iyon nakikita.

"I-i'm here!"

Why am I suddenly stuttering? Tsk!

"Pasensya na kung dahil sa akin muntik ka nang maka-disgrasya ng tao. Pasensya na rin kung hindi ko nakita ang sasakyan mo na parating. Tama ka, bulag nga ako. Hindi ko alam kung nakaharap na ba ako sa'yo."

Bakit ang ganda pakinggan ng boses niya?

"I'm sorry. I-i didn't know that you're.. blind."

He nodded his head.

"Ayos lang. Pasensya na ulit," sambit niya at akmang lalakad na ulit.

Agad akong lumapit sa kaniya at marahan siyang hinawakan sa mga braso. He stopped walking. Bumaling din siya sa kamay kong nasa braso niya.

Dali-dali ko siyang binitawan. Baka kasi ayaw niya palang basta basta siyang hinahawakan!

"S-sorry! I just want to help you..." Nahihiya kong sabi.

Nakita kong sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Fuck it! He looks 100% handsome when he smile!

"Salamat, pero kaya ko naman."

I was about to say another words when someone called him. Alam kong siya ang tinawag dahil nang marinig niya 'yong pangalan ay luminga-linga siya, kahit na hindi naman niya ito makikita.

"Kuya! Nandito ka lang pala!"

Isang mas batang babae ang lumapit sa kaniya. I think she's 17 or 18 years old? Kaunti lang ang tangkad ko sa kaniya.

Hinawakan niya sa mga braso ang kaniyang kuya.

"Bakit naman bigla kang umalis doon? Ang kulit mo talaga, kuya! Mamaya ay maaksidente ka rito!"

"Okay lang ako. Huwag kang mag-alala."

Okay lang? Eh muntik ko na nga siyang masagasaan!

"Ahm..."

Napalingon sa akin ang kapatid niya. Tiningnan ako nito na tila ba inoobserbahan ang katawan ko.

"He's your brother?" I asked.

Tumango naman ang babae.

"Tumatawid siya kanina rito sa kalsada at muntik ko siyang masagasaan. I'm sorry, I didn't know that he's blind."

"I told you, miss you don't have to say sorry. Wala kang kasalanan. Ako ang may maling nagawa."

I turned to him.

"I'm at fault too. Hindi kita agad nakita sa malayo pa lang,"

"Ayos lang, ate. Gaya po ng sabi ni kuya, hindi mo na kailangang humingi ng tawad."

Ang bait naman nilang mag-kapatid.

"Wait for me here. May kukunin lang ako saglit,"

Hindi ko na hinintay na sumagot sila at agad na akong pumunta sa kotse ko. Kinuha ko ang pouch ko bago sila binalikan.

"Here's my card. Just call me if may sumakit sa'yo. Don't worry, sasagot agad ako."

Ang kapatid niyang babae ang kumuha nito sa akin. Tinitigan niya ang binigay ko at binasa iyon.

"R-richelle Valdez? Iyong sikat na modelo sa ibang bansa?"

"Ako nga,"

"Ohmygosh! Idol na idol kita!"

"R-really?"

"Opo! At crush na crush ka nitong kuya ko!"

"Huh?"

"Elly, let's go. Gusto ko ng umuwi," biglang singit nung kuya niya.

"Ayy.." malungkot na sabi ni Elly. "Sige po, ate. Mauna na po kami. Gosh! Hindi talaga ako makapaniwalang nakita kita dito! Salamat po!"

Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Ahm, I can bring you to your house if you want."

"Hindi na. Malapit na ang bahay namin dito,"

"Oo nga, ate. Ayos na po kami ni kuya. Salamat po ulit!"

Inalalayan niya ang kaniyang kuya at nag-simula na silang umalis.

I can't believe that I met someone like him. Kahit bulag siya, ang guwapo niya. And they are really kind too.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status