Share

Kabanata 2

DOMINIQUE’S POV

Pag sakit ng tiyan ang gumising sa’kin sa pagkakatulog.

Parang hinahalukay ang tiyan ko at gusto kong maduwal. Hinawakan ko ang tiyan at hinimas ito habang nakapikit parin. Inaantok pa ako.

“Gosh!”

Even though I was sleepy, I opened my eyes and almost cursed when I felt a headache.

“Shit!”

Inis kong hinawakan ang ulo at dahan-dahan umupo sa kama pero mabilis din nanlaki ang mata ko ng mapagtanto na hubo’t hubad ako!

Nilibot ko ng tingin ang paligid, hindi ako pamilyar dito. Halos lumuwa na ang mga mata ko ng makita ang lalaking natutulog sa tabi ko. I covered my mouth to prevent myself from screaming.

Nanigas ako at pilit inaalala ang nangyari kagabi. I only remember how broke I am when I saw Carl kissing another girl then I went to the bar with Suzette and Jayvee.

I held my head to remember what else happened.

“Oh my god…” I whispered nervously.

Nilingon ko ang lalaki sa tabi kong mahimbing na natutulog. Nakadapa siya at natatakluban ng kumot ang baywang hanggang paa. I could see his broad shoulders.

Natulala ako sa mukha niya. He looks angelic but when I remember how he make me beg and moaned last night make me think twice if he was an evil who just disguised himself.

The picture of us exchanging hot kisses were flashing back on my mind! Did I really do that?

“Ano’ng ginawa mo, Dominique!” inis kong bulong sa sarili.

Tatayo na sana ako pero napapikit ako sa sakit ng maramdaman ang hapdi sa gitnang parte ko. My eyes widened when I saw a trail of bloods in the bed sheet. Fuck, those are mine!

What is the meaning of this?

Sumulyap ulit ako sa lalaking natutulog bago sa dugo. My legs were hurt especially my vagina, does it mean…I’m not a virgin anymore? 

Shaking, I took a white sheet and wrapped it around my body before running to the bathroom. I immediately knelt in the bowl and threw up. I held my stomach and head. Medyo nahihilo parin ako.

Nang matapos ako’ng sumuka, nag hilamos ako at sinipat ang itsura sa salamin.

“Oh my god?!”

Halos manlambot ako ng makita ang mga pulang marka sa leeg ko. Ang dami! Dahan-dahan kong ibinaba ang kumot na tumataklob sa dibdib ko at napapikit na lang ako. There’s still kiss mark around my both breasts!

“Oh my god, oh my god….” I whispered nervously. “What did I do?”

Hindi ko maipinta ang sariling repleksyon sa salamin. I’m beyond shocked and nervous. Matindi ang panginginig ng mga hita ko at mas lalong sumasakit ang gitnang parte ko kapag gumagalaw.

I just felt my hot tears rolling. Bigla ako’ng nanghina at napa-upo sa sahig. Tahimik ako’ng umiyak at dinadama ang sakit ng katawan.

“Ano’ng ginawa ko…” nanlulumo kong bulong.

I let that stranger took my virginity? What I would thinking last night?

Dahil ba sa sobrang kalasingan ko kagabi dulot ng panloloko sa’kin ni Carl? Kaya nagkaroon ang lalaking ‘yon ng pagkakataon na abusuhin ako?! Paano sila Suzette at Jayvee? Sila ang kasama ko kagabi, ah!

Bigla ako’ng tumayo at lumabas ng banyo. Nakita kong natutulog parin ang lalaki.

Hinanap ko ang damit kong suot kagabi at natagpuan ko ’yon na nag kalat sa ibaba kasama ng jeans, shirt at sinturon. Nag tiim bagang ako at pinulot ang damit. It’s a very short dress and I can’t be home wearing this.

Kinuha ko agad ang white polo shirt na nasisiguro kong suot ng lalaki kagabi. Hanggang tuhod ko ito at isinuot ko na rin ang cycling shorts ko. Dinampot ko ang sling bag at dumiretso palabas ng room.

Halos mapamura pa ako dahil isang sikat na condominium pala itong pinagdalahan sa’kin kaya nakayuko lang ako hanggang makalabas ng building.

Nag taxi na lang ako at habang nasa biyahe, medyo nakakaramdam parin ako ng hilo. Naaalala ko ang ibang bagay na ginawa namin ng lalaking ‘yon kagabi at parang gusto kong sabunutan ang sarili.

Naalala ko si Carl. One of the reasons why he cheated is because I didn't agree to what he wanted to do that ‘thing’, and I just let a stranger took my virginity that easily!

I’m still selfish for a simple kiss to Carl but that guy even left many kiss marks on my chest. He really enjoyed my body!

“Tangina, Dominique!” bulong ko sa sarili at mariin na pumikit.

Paano ko ipapaliwanag kay mama at sa kapatid ko kung saan ako nanggaling? Ang itsura ko ngayon…baka kung ano’ng isipin nila!

Saktong bumaba ang taxi sa harap ng bahay. Mabilis ako’ng tumakbo sa gate pagkatapos mag bayad. Buti ay hindi nakalock ang gate kaya malaya ako’ng nakapasok.

Pag pihit ko ng doorknob ay saktong nakasalubong ko ang kapatid kong si Diana. Mukhang kagigising lang niya at nanlaki ang mata ng makita ako. Tinakpan ko ang bibig niya para hindi na siya makapagsalita.

Hinila ko siya hanggang sa kwarto ko.

“Ate? Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang umuwi!”

Halos lumuwa ang mata ng kapatid ko at hinagod ako mula ulo hanggang paa.

“B-Bakit…ganyan ang itsura mo? Kaninong polo yan? Ate, hindi ganyan ang suot mo kagabi!”

Bumuntong hininga ako bago siya pinaupo sa kama. Hindi ko ipinahalata na kinakabahan ako. Nag isip ako ng ibang dahilan.

“Uh…doon ako natulog kila S-Suzette! Oo, sa bahay nila! Sobra ako’ng nalasing kaya hindi na nakauwi…”

Her eyes narrowed.

“You’re lying,” usal niya na nagpakabog sa dibdib ko. “Tumawag sa’kin si Ate Suzette kagabi at hinahanap ka! Mabuti at hindi ko sinabi kay mama dahil mag-aalala lang siya. Inutusan niya ako’ng hintayin ka na umuwi kagabi kaya ngayon ay ilang oras lang ang tulog ko,”

Namutla ako at napaiwas ng tingin.

“Ngayon…” may awtoridad na sabi ni Diana at tumayo sa harap ko. “Saan ka galing kagabi, ate…”

Mariin ako’ng pumikit. Wala na ako’ng choice kundi gawin ito para hindi niya ako isumbong kay mama.

“Diana naman…” paawa kong sabi at hinawakan siya sa kamay. “May lalaki ako’ng nakilala roon sa bar at nagulat na lang ako na nasa hotel na ako-“

“A-Ano?!”

“Pero wag ka mag-alala. Ligtas naman ako at buo pa…” halos murahin ko ang sarili sa pagsisinungaling. “Walang masamang nangyari, please, wag mo na sabihin kay mama. Ngayon lang naman ito, Diana. Please…”

Lihim ako’ng napangiti sa paglamlam ng mata ng kapatid ko. Ngumuso siya at sinipat ang itsura ko.

“Kumain ka na ba? May pasok pa tayo ngayon…”

Kumawala na ang ngiti sa labi ko at niyakap siya.

“Medyo nagugutom na nga ako pero maliligo lang ako. Thank you, baby!”

Umismid siya nang unti-unti ko siya’ng itulak palabas.

“Sige, magluluto lang ako,”

Nang makaalis siya ay agad kong nilock ang kwarto ko. Doon lang ako nakahinga ng maluwag bago pumasok sa banyo at naligo.

Habang naliligo, unit-unting nagiging malinaw sa isip ko kang kabuuan ng nangyari kagabi. That guy is fine as hell. He also looks rich. Ano’ng pumasok sa isip niya at pinatulan ako? Nakakainis parin siya! Porket ba guwapo siya at mayaman ay pwede niya’ng angkinin ang babaeng matipuhan niya?

I swear… If that man and I cross paths again, I’ll give him a strong punch!

“Ouch…” napadaing ako ng kumirot na naman ang pagkababae ko.

That guy wrecked me!

Kinuha ko ang sabon at marin ‘yong ipinahid sa buong katawan ko. Ilang beses ako’ng nag banlaw para makasigurado na wala ng bahid ng kahit ano ang lalaking ‘yon sa katawan ko!

Lumabas ako’ng nakatapis lang at humarap sa salamin. My chest is little swollen. Dumiin ang mata ko sa mga kiss marks dito. Kinuha ko ang concealer sa bag at tinapalan ang mga ito.

Hindi na halata ang mga ito ngayon kaya sinuot ko na ang uniform ko. It's a white blouse with a pocket on the right side and blue collar. For bottom, a white skirt up to above the knee. I put on my id before leaving my room.

Kinabahan agad ako ng makita si mama na naghahain ng pagkain sa lamesa. Si Diana naman ay kakalabas lang din sa kwarto at nakabihis na rin.

“Oh, Dom! Ano’ng oras ka umuwi kagabi?”

Napatianod ako sa boses ni mama. Nakangiti siya sa’kin at inilahad ang upuan.

“Mag almusal na kayong magkapatid…”

I gulped and felt guilty. “Uh…bandang alas otso po ako nakauwi kagabi, Ma”

Napapikit ako bago sabihin yon. Sorry, Ma!

“Ganoon ba. Tulog na ako ng ganyang oras,”

Umupo na rin si mama at nag simula kaming kumain. Magkatapat kami ni Diana kaya nagtitinginan kami bawat segundo.

“Masyado bang lasing ang ate mo kagabi, Diana?” marahang tanong ni mama.

Halos masamid ako na tinitigan ang kapatid ko.

“Ah-hindi naman po, Ma! Normal po siya’ng umuwi…”

Nakahinga ako ng maluwag. Hindi na ulit nag tanong si mama.

Natapos na rin ako’ng kumain kaya bumalik ako sa kwarto at kinuha ang bag ko. Palabas na ko ng maalala ang dapat ko pang gawin. Bumalik ako sa kama at binuksan ang drawer ko. Kinuha ko lahat doon ang mga accessories na nairegalo sa’kin noon ni Carl. Yes, inipon ko ‘yon para ibalik sa kanya. Kumuha ako ng maliit na box at inilagay lahat ng ‘yon.

“Ate, tara na! Aalis na rin si mama!”

Kumunot ang noo ng kapatid ko sa hawak kong box. “Ano yan, ate?”

Umirap ako. “Mga binigay sa’kin ng gago kong ex! Ibabalik ko!”

“Mabuti naman at hiniwalayan mo na. Hindi mo siya deserve!” aniya at hinila na ako palabas.

“Totoo nga na hiwalay na kayo ni Carl, Dom?” pag sabat ni mama matapos ilock ang bahay.

Hawak niya na ang ilang bag na may laman na gamit para sa pagbebenta niya ng mga karne sa palengke.

“Opo…”

“Na’ko, kung hindi na siya nakakabuti sayo…layuan mo na lang. Hindi magandang niloloko ka niya,”

Tumango ako kay mama at sabay kaming tatlo na sumakay ng tricycle. This is our everyday routine. Wala kaming tatay kaya si mama ang bumubuhay samin sa pagtitinda ng karne pero hindi ‘yon sapat kaya minsan ay suma-sideline ako kung saan.

“Ingat kayo!”

Hinalikan kami ni mama sa ulo bago nag lakad palayo. Sumakay naman kami ni Diana sa jeep papuntang school.

“Umayos ka ng upo,” sita ko sa kapatid dahil pansin ko ang lalaki sa harap namin na mariin ang tingin sa legs niya.

Ilang minuto lang naman ang biyahe at nasa school na kami.

I’m already in fourth year college taking up BS Accountancy. Since grade school, I’m a certified achiever. Palagi ako’ng top 1 kaya kahit wala kaming ama na nakagisnan, bumabawi ako sa pag-aaral para maging proud si mama. I could say that I have the best mother on earth.

Samantalang si Diana, nasa high school pa lang. She’s in grade 10 and already 16 years old. Just like me, she’s also smart and pretty.

“Ate, dito na ako…”

Kumaway ako sa kapatid ko bago kami mag hiwalay dahil magkaiba ang building namin. Sa hallway pa lang ay puro pag bati na ang naririnig ko galing sa ibang department.

“Ang ganda talaga niya…” rinig kong bulong ng isang babae.

Nag patuloy ako sa paglalakad pero napatigil din ng makita ko si Carl. Nasa harap siya ng classroom namin, kinakausap niya ang kaibigan kong Jayvee pero nakita kong inirapan lang siya nito.

Kumulo agad ang dugo ko. Nagtago ako at nang lumakad siya papunta sa field, sumunod ako. Seeing him now…make me screeching to slap him so hard. Para sa panloloko niya sa’kin!

“Carl…” malamig kong usal.

Napatigil siya at nanlalaki ang matang bumaling sa’kin. Buti ay wala masyadong estudyante dito

“D-Dom?” his lips parted. “Dom, let’s talk,”

Bago pa siya makalapit ay hinampas ko na sa mukha niya ang box na dinala ko. Those accessories he gave fell on the ground.

He looked at me unbelievable. “D-Dom-“

“Stop calling me that, you cheater!” I hissed and looked at him darkly.

His eyes flinched.

Namutla ang labi niya habang nakikita ako’ng nagagalit. Well, ngayon lang ako nagalit ng ganito dahil ngayon lang may nang-gago sa’kin!

“Ibinalik ko na sayo lahat ng ibinigay mo. I don’t need that and your fake love!” nag-init ang sulok ng mata ko. “Pinalagpas ko ang mga ginawa mo no’ng una pero ang ginawa mo ngayon na ako mismo ang nakakita, hindi ko papalagpasin!”

Nataranta siya nang lumapit ako.

“Hindi ako tanga para mabilog mo, Carl. I know my worth and I won’t stand with a dumbass like you. Kung pinagpalit mo ako…ayos lang. Alam ko naman na mas better parin ako sa babaeng ‘yon. At sisiguraduhin ko na ikaw din ang magsisisi sa huli! Masyado ako’ng maganda para habulin ka kung iyon ang inaasahan mo, gago!”

Tinalikuran ko siya at pinahid ang luha sa gilid ng mata ko. Parang may kumurot sa puso ko pero ayos lang. Ang maganda ay tapos na. move on na lang ang gagawin ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status