Makalipas ang ilang minuto, muling bumalik si Yohan mula sa banyo at tahimik na pumasok sa kwarto. Paglapit niya sa kama, tiningnan niya ang babaeng nakahiga roon—maputla, walang malay, at basang-basa pa rin ang buhok sa malamig na hangin. Halatang nagdesisyon siya nang buo, kaya’t marahang tinanggal ang kumot na nakabalot sa babae.
Iniluwag niya ang tali sa damit nito na tila nagpapahirap sa paghinga. Napa-irap siya nang bahagya, saka napailing.
“Kailan pa ako naging matulungin?” mahinang bulong niya sa sarili.
Hindi naman kasi siya kilala bilang isang taong maawain. Sa katunayan, lumaki siyang may estriktong ama—si Mr. Owen Vargas—isang kilalang negosyante na halos walang emosyon, palaging kontrolado ang kilos, at walang puwang para sa kahinaan. Sa impluwensya nito, naging likas na rin kay Yohan ang pagiging malamig at direktang tao.
Ngunit heto siya ngayon, binubuhat ang isang estrangherang babae, inaasikaso at nililigtas. Muli niyang tiningnan ang mukha ng babae—maamo ang mukha.
“Is it just because of her face?” napabuntong-hininga siya, medyo natawa sa sarili.
Hindi naman siya gano’n kababaw. Oo, maganda nga ito, pero hindi iyon sapat na dahilan para umabot siya sa ganitong punto. Marahil, ito ay isang uri ng "paglayo"—isang sandaling pagtakas sa gulo ng trabaho, politika, at responsibilidad na lagi niyang pasan. Sinubukan niyang kumbinsihin ang sarili: kahit aso, pusa, o kahit lalaki pa ang natagpuan niya sa ganoong kalagayan, tutulungan pa rin niya.
Maingat niyang tinanggal ang damit mula sa balikat ng babae. Nang lumitaw ang mapuputing balikat at collarbone nito, napalingon siya sa ibang direksyon—hindi dahil sa hindi niya gusto ang nakita, kundi dahil sa pag-iwas sa anumang hindi nararapat. Pinilit niyang tapusin ang ginagawa nang hindi nagdadalawang-isip, at marahang binuhat muli ang babae.
Napansin niyang magaan ito sa kanyang bisig, mas magaan kaysa sa karaniwang bigat ng isang tao. Sa pamamagitan ng paa, itinulak niya ang pinto ng banyo na puno na ng mainit na singaw mula sa bathtub.
Iniluhod niya ang sarili at sinimulang isawsaw ang katawan ng babae sa maligamgam na tubig sa bathub.
Ngunit bago pa man tuluyang lumubog ang katawan nito, napahinga ng malalim ang babae at dahan-dahang iminulat ang mga mata. Nagkatitigan sila—isang saglit na puno ng kaba, tanong, at gulat.
Hindi agad nakagalaw si Yohan. Hawak pa rin niya ang babae habang tila natigilan siya sa pwesto. Bahagyang namula ang kanyang mukha sa pagkabigla, at nauutal ang kanyang tinig habang nagbigay ng paliwanag.
“I was just trying to warm you up,” ani niya, pilit pinapakalma ang sitwasyon.
Walang reaksyon ang babae sa una. Tila malabo pa ang paningin nito habang nakatingin sa kanya. Pero makalipas ang ilang segundo, tila may naalala ito, at napapikit na lang muli. Bago tuluyang mawala sa ulirat, narinig ni Yohan ang mahinang bulong mula sa labi nito:
“Ralph… Ahn… Ha… Don’t…”
Napakunot-noo si Yohan. “Ra?” bulong niya sa sarili. Sa totoo lang, parang pamilyar ang pangalang iyon.
Hindi niya maalala kung saan niya ito narinig kamakailan, pero malinaw sa kanya: ang taong iyon ang nagtangkang patayin ang babaeng ito.
Muling bumalik ang tingin niya sa leeg ng babae, kung saan kitang-kita pa rin ang malalim na marka ng pagsakal. Napailing siya sa tanong sa isipan—“Ano bang nangyayari at bakit siya nagkaganito?”
Napansin niyang basang-basa na ang suot ng babae, at ang manipis na panloob na damit nito ay halos naging transparent. Agad niyang iniiwas ang tingin, sabay pumikit ng mariin. Hindi iyon ang dapat niyang pinapansin.
Inumpisahan na lang niyang dahan-dahang imasahe ang mga braso at balikat ng babae, sinusubukang painitin ang mga ito. Kahit malamig pa rin ang balat nito, pinilit niyang manatiling kalmado.
Sa kalagitnaan ng ginagawa niya, naramdaman niyang unti-unting umiinit ang mga kamay ng babae. Nakahinga siya nang maluwag.
“Salamat naman…” bulong niya.
Idinilat niyang muli ang mga mata, pero sa halip na ipikit ulit, napako ang tingin niya sa mga labi ng babae. Mapula na ito ngayon, tila unti-unting nagkakaroon ng dugo. Katulad ng isang cherry. Napahawak siya roon gamit ang hintuturong daliri, marahang tinuyo ito. Nang bahagyang bumuka ang labi ng babae dahil sa dampi ng kanyang kamay, nabigla siyang nailapit pa ang hinlalaki.
Pero agad siyang natauhan at iniurong ang kamay. Napailing siya, pinilit kalmahin ang sarili.
“Focus, Yohan,” aniya sa sarili.
Inalis niya nang buo ang tingin niya sa babae lalo na nang makita nito ang suot nitong underwear na kitang-kita rin ang balat sa loob.
‘Damn it!’ sigaw niya sa isipan niya.
Sinundan ni Ralph ang tingin ni Christine habang minamasdan itong umiinom ng kape.“Oh…” bulong niya.Nakita niya si Jasmine, na maagang lumabas para maglakad-lakad, ay pababa na ng hagdan.“Mas mabuti na sigurong kay Yohan ako mapunta kaysa ibenta ng pamilya ko kung kani-kanino lang. At least siya ang pinakamabuting choice,” ani Christine, medyo malabo na ang boses.“Ano bang ibig mong sabihin na ibebenta ka?” malamig na balik ni Ralph, pero hindi niya naalis ang tingin kay Jasmine. Halos hindi na siya mapakali sa upuan, gustong-gusto na niyang sundan ito.“Matagal nang maysakit si Papa,” kwento ni Christine. “Simula pa noon, si kuya na ang namamahala. Pero dahil iba ang nanay ko, hindi niya ako kailanman nagustuhan. Kaya gusto niya na lang akong ipakasal kahit kanino, para lang mawala ako sa problema…” Napahinto siya at parang biglang nahilo.Unti-unti siyang tila lumulutang. Nahihilo, pero kasabay noon ay may kakaibang kumpiyansa.Sa gitna ng pagkahilo, malakas at malinaw ang boses
Karamihan sa mga bisitang nagpakasaya sa handaan kagabi ay mahimbing pa ring natutulog. Ngunit si Ralph, na halos hindi nakatulog, ay nakaupo na sa mesa sa hardin sa tapat ng tinutuluyan niya. Paminsan-minsan ay binabati niya ang mga dumaraan at sabay lang sa pag-inom ng kape sa umaga.Pero kahit gaano kabango ang kape, hindi pa rin mapawi ang bigat ng isip niya.‘Sana sinama ko si Hannah.’ sambit niya sa isipan.Mag-isa lang siyang naka-stay sa hotel room. Ang mga VIP na politiko at pinakamayayaman ay nasa penthouse, na mahigpit ang bantay ng mga gwardya. Mula sa kinauupuan niya, sumulyap siya sa terrace sa itaas, doon nakatira si Jasmine kasama ni Yohan.Pakiramdam niya, tila kumukulo ang sikmura niya. Sumagi sa isipan niya na buhay si Jasmine.Dating minahal, pero siya rin mismo ang sumakal hanggang mamatay. Ang negosyo ng pamilyang Deniz na inaakala niyang mapupunta sa kanya ay hawak pa rin nito. Noon, plano niyang palihim na bilhin ang mga shares hanggang siya na lang ang may kon
Maingat na binuksan ni Jasmine ang pinto ng kuwarto. Nandoon si Ahil, na kanina pa nagbabantay sa labas.“Kailangan mo ba ng kahit ano?” tanong nito agad.“Ah, oo… pakisuyo nito.” Iniabot ni Jasmine ang isang sobre na halatang bagong sulat lang.“Gusto ko sanang ipadala ito pero hindi ko alam kung paano,” dagdag niya nang mahina.“Sa akin mo na lang ibigay. Ako na ang bahala. Kanino at saan ito dapat ihatid?”Sandaling nag-isip si Jasmine kung tama bang utusan ang tauhan ni Yohan para sa ganitong bagay. Pero wala na siyang ibang mapagkakatiwalaan.“Pakihatid sa sementeryo. Ang pangalan ng tatanggap ay ‘Lira.’”Tumango si Ahil. “Sige, ako na bahala. Magpahinga ka na lang.”“Salamat, Ahil.”Pagkasara ng pinto, naglakad-lakad muli si Jasmine sa loob ng kuwarto. Kanina, habang sumasayaw siya kasama si Yohan, pakiramdam niya ay bahagyang kumalma ang isip niya. Pero heto na naman, magulo na naman ang lahat.Pakiramdam niya ay may kailangan siyang gawin, pero hindi niya alam kung saan magsis
Flashback - Yohan’s POV:“Boss, nandito ka pa ba?” kasabay ng mahinang katok ay narinig ni Yohan ang boses ni Daniel.Hindi pa rin patay ang ilaw sa opisina niya kahit hatinggabi na. Kinabukasan kasi, kailangan niyang pumunta sa Maynila para dumalo sa malaking pagtitipon para sa founding day ng lungsod, kaya’t inaasikaso na niya ang mga trabahong maiiwan sa kompanya.“Pasok ka,” malamig niyang sagot.Pagpasok ni Daniel, halatang masaya ito at may dalang makapal na tumpok ng mga papel, mga dokumentong pirmahan na naman. Napakunot ang noo ni Yohan habang nakatingin dito.“Ano ’yan?” tanong niya, halatang nainis.“Eh, ano pa nga ba, Boss. Lahat ng ’to, kailangang pirmahan mo ngayon.” Maingat na inilapag ni Daniel ang mga papel sa mesa, pero bumigay ang pagkakatumpok at nagkalat sa sahig.“Ay, sorry!” mabilis niyang pinulot ang mga papel habang pinipilit itago ang ngiti kanina pa sa labi niya. Pero bago niya pa maayos, malamig na tinig ang pumigil sa kanya.“’Wag mo nang galawin.”“Ha?” n
Halos hindi makapuwesto si Jasmine nang tama, pero pinilit niyang sundan ang bawat galaw ni Yohan. Ayaw niyang magkamali, ngunit paulit-ulit pa rin niyang natatapakan ang paa nito. Sa tuwing nangyayari iyon, marahan siyang napapabuntong-hininga at muling inuulit sa isip ang tamang hakbang. Sa sobrang konsentrasyon, hindi na siya tumitingin sa paligid, nakatutok lang ang mga mata niya sa sahig.Kahit ilang beses siyang natapakan, nanatiling maayos ang kilos ni Yohan. Sanay ito sa kumpas ng musika at halos walang ipinapakitang reklamo. Nang ulit-ulitin ang parehong galaw, unti-unting sumasabay si Jasmine sa tamang ritmo. Bumigay na rin ang tensyon sa katawan niya at naging mas maayos ang galaw.Doon lamang siya naglakas-loob na tumingin kay Yohan. At nang magtagpo ang kanilang mga mata, mabilis siyang namula at agad na ibinaba ang tingin. Pero malinaw, mula pa kanina, si Yohan lang pala ang pinagmamasdan nito, may lalim at pananabik sa mga mata niya.Biglang bumigat ang dibdib ni Jasmin
Kinagat ni Jasmine ang kanyang ibabang labi hanggang sa dumugo ito, saka marahas na pinahid gamit ang likod ng kamay.“Ako… si Ayesha… pero ako rin si Jasmine.”Parang kinuryente siya ng alaala. Nang magkaharap silang dalawa, tila lumabo ang kanyang ulirat at muntikan siyang malunod sa sakit ng nakaraan. Pilit niyang itinago ang lagay niya kanina, ayaw niyang ipahalata kay Yohan. Hindi niya maintindihan kung bakit, pero parang instinct na dapat niyang ikubli ang totoo.Bago pa siya makapagtaka kung bakit biglang sumulpot si Ralph sa lugar na iyon, ginamit niya si Yohan bilang panandaliang kanlungan. Ang pagtatalik nila ay naging paraan para makalimot, kahit saglit, sa bigat ng emosyon. Ngunit hindi iyon sapat. Alam niyang may napansin si Yohan, kaya hindi niya lubos na maipagtakpan ang sarili.Ngunit kakaiba ngayon, hindi gaya ng dati, hindi ganoon kasakit sa kanyang pride. At ngayong mag-isa na siya sa tahimik na silid, mas malinaw sa kanya ang lahat.“Ugh…”Masyadong marami ang alaa