Share

4 - The Son

Author: Anoushka
last update Last Updated: 2025-04-30 22:43:59

Bahagyang isinandal ni Yohan ang likod sa bathtub habang kagat-kagat ang loob ng pisngi.

‘Ako ba... masyado na lang bang nagpapigil?’

Medyo nagmadali na siya. Hinila niya palabas ang babae mula sa mainit na tubig at marahang inilapag sa maliit na kama sa tabi lang din ng banyo. Lalo siyang nailang sa itsura nito—basang-basa, at dahil sa nipis ng suot, para na rin siyang hubad. Dumikit sa balat ang tela, at tumambad ang kabuuan ng katawan nito.

Napabuntong-hininga si Yohan at, sa huli, tinanggal na rin ang natitirang suot ng babae. Agad siyang kumuha ng tuwalya at sinimulan punasan ang katawan ng babae. 

“Bakit ko ba ginagawa ‘to?” bulong niya habang dinadampian ng tuwalya ang mga binti nito, pataas sa hita. 

Sandaling natigilan ang kamay niya sa bandang gitna. Ang pagkababae nito, bahagyang sumilip ang hiwa na lalong nagbigay ng masamang imahinasyon sa isipan niya.

Ramdam niyang unti-unting tumitigas ang ibaba niya. Napakadiin siyang huminga, saka pilit nilampasan ang bahagi at pinunasan na lang ang itaas ng katawan ng babae. Nang madampian ang dibdib nito, bumalik ang parehong reaksyon sa kanya.

Pagkatapos mapunasan, binalot niya ito ng tuwalya at muling niyakap para painitin ang katawan nito gamit ang init ng sarili niyang balat. Hindi tulad kanina, ngayon ay ramdam niya ang bawat kurbada ng katawan nito habang nakasandal sa kanya.

‘Nababaliw na ata ako,’ naiiling niyang nasabi sa sarili.

Wala namang pumilit sa kanya. Hindi rin niya ito maibintang kahit kanino dahil kusa niyang ginawa ang lahat. Natural lang na gano’n ang maramdaman para sa isang normal at malusog na lalaki—pero alam niyang mali pa rin. Mula pa lang nang sagipin niya ang babae sa lupa, alam na niyang may kakaiba.

Nang mapansin niyang maayos na ang paghinga ng babae sa kama, tumayo si Yohan, bumalik sa banyo, at isinara ang pinto nang mariin. Maya-maya, sinimulan niyang kiskisin ang balat niya gamit ang sabon panligo, napa-ungol din siya dahil sa ginhawang naramdaman pagdampi ng tubig sa balat niya.

Lumipas ang ilang minuto, lumabas si Yohan matapos maligo. Saglit siyang sumulyap sa babae sa kama bago lumabas ng silid. Laking gulat niya nang makita ang driver sa may gilid na tila nag-aabang, pero hindi niya ito pinansin at naupo na lang sa isang tabi, bahagyang nakayuko.

Hindi siya nakatulog buong gabi. Nakadilat lang siya habang ang babae—na iniligtas niya mula sa tiyak na kamatayan—ay mahimbing na natutulog. Hindi rin ito nagising kahit pagdating na nila sa compound kinabukasan.

***

“Wala naman pong problema sa kanya…”

 “Eh bakit hindi pa rin siya nagigising?”

Matalim ang tingin ni Yohan. Ang doktor ng pamilya Vargas ay halatang kinakabahan habang pinapaliwanag. “Posibleng dulot ito ng matinding trauma. May mga ganitong kaso talaga. Pero physically, maayos po ang lagay ng katawan niya. Magigising din siya sa tamang panahon.”

Hindi natuwa si Yohan sa paliwanag. Nang pinalayas na niya ang doktor, mabilis itong yumuko at nagpaalam.

 “Sandali.”

 “O-Opo, Sir?”

 “Walang ibang makakaalam nito.”

 “Syempre po.”

Isa-isa ring pinagbawalan ni Yohan ang mga tauhan na makalapit o magsalita tungkol sa babae. Alam niyang balang araw ay kakalat din ang balita, lalo pa’t may ilang kasambahay at tagalinis na nakakita sa babae. Pero habang maari pa, gusto niyang manatiling lihim ang lahat.

Iniisip din niya kung ano bang klaseng gulo ang maaaring kaharapin niya kapag nalamang may kinalaman siya sa babaeng ni hindi niya alam kung sino. Isa pa, gusto rin niyang protektahan ang babae habang hindi pa nito naibabalik ang malay.

“Hindi pa panahon,” bulong niya.

Kung sakaling malaman niyang banta ito sa kanya, hindi siya magdadalawang-isip na iwan ang babae sa kung saan man—kahit mamatay pa ito.

Tahimik niyang tinapik-tapik ang sahig gamit ang paa habang pinakikinggan ang tunog ng kabayo sa labas ng hacienda. Napakunot ang noo niya nang makita ang isang tauhan na mabilis na tumatakbo papunta sa direksyon niya.

“Galing sa Maynila. May dala raw na sulat.”

Mabilis siyang tumayo at nagtungo sa opisina. Pagkaupo pa lang ay may kumatok agad. “Pasok,” utos niya.

Pumasok ang isang sundalong naka-uniforme at iniabot ang isang scroll. “Ito lang?” tanong ni Yohan.

“Opo. Galing po sa headquarters.”

May selyo ng pamilya Vargas ang sulat. Hindi maganda ang itsura ni Yohan habang binubuksan ito, at gaya ng inaasahan, nirolyo niya ito muli at inihagis sa gilid ng mesa.

“Pwede ka nang umalis.”

“Pero gusto po ng malinaw na sagot.”

“Kung may masasagot, sasagutin ko. Sa ngayon, umalis ka na lang muna.”

Yumuko ang sundalo at lumabas na. Nanatiling nakaupo si Yohan na may mabigat na iniisip. Pagkatapos ng ilang saglit, tumayo siya at naglakad papunta sa silid ng kanyang ina—si Doña Cara. Tahimik na sumunod sa kanya si Daniel, ang kanyang kanang kamay.

Pagdating sa pinto, lumingon si Yohan kay Daniel. “Dito ka lang.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Lusift Series 1: Empire of Obsession (RATED)   142

    Pagkatapos ng libing ng ina ni Yohan, agad siyang bumalik sa opisina. Tahimik siyang naupo sa swivel chair niya, pero hindi mapakali ang isip. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang naging reaksyon ni Jasmine kanina.Hindi siya mukhang masaya, hindi tulad ng inaasahan niya.Napabuntong-hininga si Yohan at napahawak sa sentido. Alam naman niyang hindi ideal ang timing, isang proposal agad pagkatapos ng libing ng kanyang ina. Kahit siya, ramdam ang bigat noon. Pero may kakaiba sa naging reaksyon ni Jasmine… may lungkot, may alangan, may something na hindi niya mawari.“Bakit ganun?” bulong niya sa sarili.Ilang minuto pa siyang nakatulala bago siya tumayo, tila may biglang naalala at naging desidido. Kinuha niya ang coat niya at mabilis na lumabas ng opisina. Agad namang sumunod si Ahil, ang kanyang personal assistant, hanggang sa makalabas sila ng compound ng family estate.Habang wala si Yohan, si Jasmine naman ay nasa kwarto at ilang minuto nang nakaharap sa full-body mirror. Suno

  • Lusift Series 1: Empire of Obsession (RATED)   141

    Hindi agad malaman ni Yohan kung ano ang dapat niyang gawin. Hindi niya inaasahan ang pagkamatay ni Cara, masyadong biglaan, masyadong nakagugulat.Habang umalis si Katie sandali para kumuha ng gamot, nagawa ni Cara na buksan ang naka-lock na bintana ng VIP room at tumalon mula roon. Wala ni isa ang nakaakala. Pagbalik ni Katie, nadatnan niya ang bukas na bintana at walang tao sa loob ng kwarto. Ni hindi niya naisip na tumalon si Cara mula roon.Nagkagulo sa buong ospital. Pinaghanap sa mga staff at utility workers ang paligid ng VIP wing, ngunit ilang minuto ang lumipas bago may nakakita sa katawan ni Cara, nakahandusay sa flowerbed sa gilid ng building.Nang mahanap ni Katie si Cara, hindi na siya nag-aksaya ng oras. Agad siyang tumakbo para hanapin si Yohan.Pagkarinig pa lang ng balita, mabilis na tumakbo si Yohan kasama si Ahil, ang family doctor nila. Kasunod, dumating sina Jasmine at Lira, parehong hingal at halatang kinakabahan.“Ah…”Napahinto si Jasmine nang makita si Yohan

  • Lusift Series 1: Empire of Obsession (RATED)   140

    “...Ah.”Masakit ang lalamunan niya at halos walang boses na lumabas. Mabigat ang talukap ng kanyang mga mata na parang may nakadikit dito, kaya hirap siyang idilat ang mga ito. Tuyong-tuyo rin ang kanyang mga labi, tila ilang araw nang hindi nababasa.May dumampi na malamig at basang tela sa kanyang labi, marahang pinupunasan iyon ng kung sino man ang nasa tabi niya. Pero kulang. Uhaw na uhaw siya.Bahagya niyang binuka ang labi, pilit inilabas ang dila para makahingi pa ng tubig. Narinig niya ang mahinang buntong-hininga ng lalaki.“I think mas mabuti kung umupo ka ng konti para makainom,” mahinang sabi ng pamilyar na boses, may halong pag-aalala pero medyo inis na pagod na tono.Pagkasabi niyon, may marahang dumampi sa labi niya. Isang baso, at matapos noon, bumuhos ang malamig na tubig sa kanyang bibig. Napakalamig, napakasarap sa tuyong lalamunan niya.Habang umiinom siya, hindi niya namalayang napayakap siya sa leeg ng lalaki. Mabilis siyang sinalo ng matitibay na braso. Mainit,

  • Lusift Series 1: Empire of Obsession (RATED)   139

    “Sandali lang po, Your Honor.”Si Jasmine, na mula kanina ay iilang beses lang nagsalita, ay dahan-dahang tinaas ang kanyang kamay. Napatingin ang presiding judge sa kanya at bahagyang tumango, binibigyan siya ng pagkakataon na magsalita.Huminga nang malalim si Jasmine bago nagsimulang magsalita, ramdam sa boses ang pinaghalong kaba at tapang.“Hindi ko po alam kung paano ko ipapakita na ako talaga si Jasmine Deniz… but I am Jasmine Deniz. Ako po ang muntik nang mapatay ni Ralph Advincula. Buhay pa ako ngayon, pero halos nawala ako. Oo, nagtrabaho ako bilang kapalit sa isang malaking kumpanya, pero proseso lang ‘yon. Ang totoo, ako pa rin si Jasmine.”“May ebidensiya ka ba?” tanong ng hukom, malamig ang tono habang tumitingin sa kanya sa ibabaw ng salamin.“Nasa akin po ang kaalaman sa distribution network at produkto ng Deniz Trading,” sagot niya habang pilit na iniipon ang lakas ng loob. “Simula bata pa lang ako, kasama na ako sa negosyo. Kilala ko ang mga matatandang empleyado na

  • Lusift Series 1: Empire of Obsession (RATED)   138

    “Okay, magsisimula na tayo,” sabi ng presiding judge habang tinatapik ang mesa gamit ang martilyo. “Prosecutor. Dela Costa, bilang prosecutor, maaari mong ipresenta ang mga pangunahing punto ng kaso.”Tumikhim si Marvin Dela Costa, inayos ang ilang papel sa harapan niya, at bahagyang nagkamot ng ulo. Halatang hindi pa niya ganap na naayos ang mga dokumento, pero sa totoo lang, hindi iyon ang dahilan ng kanyang pag-aalangan.Nang bahagya niyang sinulyapan si Yohan, agad siyang umatras sa titig na parang kayang butasin ang kaluluwa niya. Ramdam niya ang malamig at mabigat na presensiya ng lalaki , ang tingin nitong puno ng galit at pagtutol.Kaya imbes na makipagsukatan ng tingin kay Yohan, hinanap ng mga mata niya si Jasmine, na tahimik lang na nakaupo sa kabilang panig. Sa sandaling nagtagpo ang kanilang mga mata, hindi niya napigilang ngumiti, isang ngiting may halong paghanga at paghanga sa babaeng minsan ay naging inspirasyon niya.Para sa kanya ito, naisip ni Marvin. Para sa baba

  • Lusift Series 1: Empire of Obsession (RATED)   137

    Kung sakaling maglabas si Yohan ng baril o kutsilyo doon, siguradong huhulihin siya agad ng mga pulis. Pero malamang ay agad din siyang mapapalaya.Marahil ay dahil sa mabigat niyang ekspresyon, biglang tumayo si Daniel at iniabot sa presiding judge ang mga dokumento.“Your Honor, I don’t think it’s right for Ma’am Jasmine to personally say it. Nakasulat na po rito lahat ng detalye…”“Hmm… sige,” mahinahong sagot ng hukom, na tila ramdam din ang tensyon sa loob ng korte.Kahit anong maging resulta ng paglilitis, protektado naman ang mga hukom sa ilalim ng batas, pero siyempre, hindi rin nila gustong masangkot sa eskandalo lalo na’t may mataas na pamilya ring sangkot. Kaya ang mga mahahalagang kaso, lalo na kung parehong may impluwensya ang mga pamilya, ay hinahawakan ng mga senior judge o abogado na may parehong ranggo sa lipunan.“Magbe-break muna tayo ng isang oras bago ituloy ang session,” sabi ng presiding judge matapos ang ilang sandali ng pagtatalo.Nagpalitan na ng argumento an

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status