🔹
[Kairo]Nasa sulok ng boutique si Kairo habang tahimik na nakamasid. Suot ang itim na hoddie jacket, black pants, black cap and face mask ay hindi siya makikilala nang dalawa. “Bryle, what is the meaning of this? Ang sabi mo sa akin ay may bibilhin lang tayo! Eh ano ito?” Hawak ni Alena ang isang wedding dress na pinapasukat rito ng lalaki. Nagpipigil sa galit na inilibot ni Bryle ang tingin sa paligid bago ibinaling kay Alena ang tingin. “Huwag mo akong ipahiya rito, Amber—““I told you, huwag mo na ako tatawaging Amber!” “Fine!” Pigil ni Bryle na huwag magtaas ng boses upang hindi makaagaw ng atensyon. “Ang sabi mo sa akin noon ay gagawin mo ang lahat para makabayad ka nang utang na loob. This is what I want, Alena. I want you to marry me! Tumupad ka sa pinag usapan natin noon, Alena!”Napatiimbagang si Kairo habang nakikinig sa dalawa. Hindi nakaligtas sa kanyang mata ang pamumula ng mata ni Alena. Nasukol ito at tila wala nang magawa. “B-bryle, h-hindi naman kasama ang kasal sa
[Alena]Patuloy sa pag agos ang luha niya habang nakaupo sa gilid ng kama. Hindi niya akalain na kasal ang gusto na maging kapalit ng pagtulong ni Bryle sa kanilang mag ina.“Mommy, umiiyak ka po?” Tanong ni Aimee bago yumakap sa bewang ng ina.Pinahid ni Alena ang luha. “N-no, baby. Matulog ka na. Gusto mo bang kantahan kita?” Malambing niyang tanong sa anak.“Sige po, mommy!” Pagkaraan ng bente minuto ay agad na nakatulog ang anak niya. Tumayo siya at nagtungo sa hardin. Wala siyang makapang takot ngayon. Ano naman kung may multo rito. Mas nanaig ang sakit sa dibdib niya at takot na maikasal kay Bryle. Kahit malaki ang utang na loob niya sa binata ay hindi sapat ang ginawa nito para pagtuunan niya ng pansin ang damdamin nito.Pinahid niya ang luha at nagpalinga-linga sa paligid. Ramdam niya na mayro’ng taong nakamasid sa kanya.Naalala niya ang multong humalik sa kanya— shit naman! Marahil ay panaginip ang naaalala niya. May multo ba na marunong humalik?Pinilig niya ang ulo.Inabot
Nanginginig ang kamay na bumitiw si Bryle sa payat na braso ni Alena. Malamig sa silid dahil sa aircon subalit pawisan ito ngayon.“Why don’t we start the meeting and deal with the issue of this company?” Wika ni Kairo, subalit nakatuon lamang ang mata nito kay Alena na nakatulala habang nakatingala sa kanya, haplos nito ang braso na nasaktan dahil sa mahigpit na pagkakahawak ni Bryle. “Umupo tayo, Alena.” Anyaya ni Kairo. Pinaghila nito ng upuan ang dalaga subalit bakas ang pag aatubili sa mukha nito, lalo pa at narinig nito ang tikhim ni Bryle.Tumiim ang bagang ni Kairo ng umupo si Alena sa kinauupuan kanina, sa tabi ni Bryle.‘Damn!’ Nagtitimpi lamang si Kairo na huwag lapitan ang dalaga at ibalik sa tabi niya. Kung gagawin niya iyon ay tiyak na magtataka ito at matatakot. Ang alam nito ay kapatid niya si Bill, o mas kilala nitong si Bryle.He had to restrain himself so that she wouldn’t be afraid of him. Pasasaan ba at makukuha niya rin ang babaeng mahal na mahal niya.“I own the
May pag aalala na nakatunghay sina Adius at Aimee sa mommy nila habang nakahiga ito. Wala pa rin itong malay magmula ng manggaling sila sa meeting na dinaluhan ng kanilang ama.“Daddy, relax ka lang okay. Hindi po masungit si mommy.” Humahagikhik na wika ni Aimee. Napansin ng paslit na kanina pa paroon at parito si Kairo, bakas ang kaba sa mukha nito ngayon.Maging si Adius ay napangiti sa tinuran ng kanyang kakambal. Ngayon lang niya nakita na kabado ang daddy niya. Wala ang bakas ng katapangan nito na madalas niyang makita noon. Tila isang kabadong bata ang daddy nila ngayon.“Dad, tama si Aimee. Hindi po masungit si mommy. She is the best mom in the world. She is kind just like Aimee.” Napatunayan iyon ni Adius sa maikling panahon na nakasama niya ito. Mahinahon ang mommy nila, hindi ito katulad ng tita Apol niya na maingay at madaldal at masakit sa tenga ang bunganga. May pilyong ngiti na bumaling si Adius sa kapatid, naalala nito ang binilin ni Bene sa kanila. Tila nakakaintindi
“M-mommy, nag aaway po kayo ni daddy?” Tanong ng kapapasok lang sa kwarto na si Aimee.Nakagat niya ang Alena ang labi ng marinig ang boses nang kanyang anak. Agad na pinahid niya ang luha, ngumiti siya sa anak para pagtakpan ang tensyon sa pagitan nila ni Kairo. Nakita niya kung gaano kasaya si Aimee na kumpleto na sila, maging si Adius ay masaya rin. At ayaw niya na masira ang kasiyahan nang dalawa niyang anak.“Aimee, hindi nag aaway sila mommy. They are crying because they happy. Tama po ba, mommy?” Ani ni Adius sa kapatid.Tumingin si Kairo sa kanya nang mayro’ng pagsusumamo sa mata, katulad niya hindi rin nito gusto na masaktan ang anak nila.Nabigla si Kairo nang yumakap siya sa leeg nito. Nanigas pa ang katawan ng binata sa gulat, nag iinit din ang tenga at mukha nito. “H-hindi k-kami nag aaway nang daddy niyo, okay. U-umiiyak kami kasi masaya kaming makita ang isa’t isa.” Kanyang pagdadahilan. Kunwari ay dumiin pa ang yapos ng kanyang braso sa leeg nito. Nang bibitaw na siy
Dalawang araw si Alena nagpanggap na may sakit para iwasan si Kairo. Sa tuwing kakain ay dinadalhan siya nang pagkain sa kwarto ng mga kasambahay. Pati paglabas ng kwarto ay hindi niya ginagawa.Baka mamaya magkasalubong pa sila.Ilang beses siyang napalunok nang laway. Uhaw na uhaw na siya. Ubos na ang laman ng tumbler niya.Tumingin siya sa orasan. Alas dose na nang gabi. Siguro naman ay tulog na si Kairo ng ganitong oras.Marahan niyang binuksan ang pinto. Madilim na sa pasilyo, karamihan nang ilaw ay patay na. Salamat naman!Nanunuyo na talaga ang lalamunan niya dahil sa uhaw. Bago pumunta nang kusina ay dumaan muna siya sa kwarto ng mga anak nila. Nang makapasok siya rito ay nakita niya na mahimbing nang natutulog ang dalawa sa magkatabing kama. Inayos niya ang kumot ng dalawa at saka hinalikan ito sa noo. Pink ang lahat ng kulay ng gamit ni Aimee, samantalang blue naman ang kay Adius.Ang cute ng mga anak niya, kamukhang-kamukha ito ng kanilang ama!Teka. Ibig bang sabihin ay
Ang lamig!Hindi niya natandaan na nilakasan niya ang aircon kaya bakit ang lamig naman yata?Kinapa niya ang kumot, pero agad na kumunot ang noo niya dahil matigas na bagay ang nakapa niya. Nang dumilat siya ay nanlaki ang mata niya. Kaya pala matigas ang nahawakan niya dahik dibdib ito ni Kairo!“Waaahhh!!!!” Kinuha niya ang unan at hinampas ang pupungas-pungas na si Kairo. “Mapagsamantala ka talagang lalaki ka—“Natigil sa ere ang kamay niya nang mapansin na nakatayo sa bandang pintuan ang kambal.“Mommy? Daddy? Are you two playing po?” Inosenteng tanong ni Aimee.“Yes.”“A-ah, eh… p-parang gano’n na nga anak.”Magkasabay na sagot nila.“Sali po kami, mommy!” Sabik na sabik na kumuha ng unan si Aimee, gano’n din si Adius.Pinaghahampas nang dalawa si Kairo. Tiningnan niya ang hawak na unan. Laro pala, ha!Buong lakas na pinaghahampas niya si Kairo nang unan sa mukha, hindi lang isang beses, kundu paulit-ulit. Binuhos niya rito ang lahat ng inis at gigil niya.Ang natatandaan niya a
Nanlalalim ang mata ni Alena. Hindi siya nakatulog nang maayos dahil sa nalaman niya.Mahal daw siya ni Kairo!Inaantok na yata ito kagabi kaya kung ano-ano na ang sinasabi. Isang gabi lang naman may nangyari sa kanina, tapos wala pa siyang maalala. Tapos matagal ulit sila bago nagkita. Kaya imposible naman yata iyon.Bumukas ang pinto at pumasok ang kambal niyang anak. “Mommy, bakit po hindi ka lumalabas? Ang sabi po ni Manong Bene magaling ka na daw po. Please po, mommy, sabayan niyo po kami ni daddy sa pagkain.” Napangiwi siya. Kaya nga siya nagkukulong uli sa kwarto para iwasan si Kairo. “Sige na po, mommy.” Maging si Adius ay nakiusap na rin.Paano naman siya tatanggi sa mga anak niya. “A-ahm, sige bababa na ako. Maliligo lang ako.” Nang makalabas ang anak mga anak niya ay saka siya naligo. Kailangan niya maligo para magising ang diwa niya. Inaantok pa kasi siya.Agad na tumayo si Kairo nang makita siya, pinaghila pa siya nito nang upuan. Habang kumakain sila ay panay ang dald