LIKE 👍
(Laxus king)Abala ako sa pag-aayos ng aking kurbata ng biglang may kumatok sa pintuan ng aking opisina. Tumango ako sa kanang kamay kong si Jigs para buksan ang pinto. Nang makita ako nitong tumango ay lumapit ito sa pintuan para papasukin ang kumakatok. Nang makapasok ang nasa labas ay sumalubong rito ang malamig kong tingin. Magalang na bumati ‘to sa akin, habang nakatungo ang ulo na upang hindi ako masalubong ang aking tingin. Natural na sa akin ang pagkakaroon ng malamig na personalidad. Ayon nga sa iba ay may dinudulot ako na kakaibang awra. Ito daw ay nakakakilabot at nakakatakot… isa daw iyon sa dahilan kaya kahit sino ay pinapangilagan ako. Pero batid kong isa sa dahilan ng pag-iwas nila sa akin ay dahil sa pamilyang pinagmulan ko. “Nahanap na ba siya?” Tanong ko agad. “M-Mr. King, hanggang ngayon ay hindi pa rin namin siya natatagpuan. P-pero ginagawa na namin ang lahat ng makakaya namin para matunton siya sa lalong madaling panahon.” Takot na sagot nito sa akin.
(Kiray pov) “Magkano po ito?” Tanong ko sa ale habang hawak ang paninda niya na pulang bestida. Naagaw nito ang pansin ko dahil napakaganda nito kaya binalikan ko talaga ito para bilhin. Nakataas ang kilay na tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa, tila nandidiri na tinapik nito ang kamay ko. “Hindi bagay sa’yo ang bestidang ito, hindi ka naman kasi maganda! At saka wag mo itong hawakan at baka malasin ako!” Napahiyang binitiwan ko ito ng tabigin nito ang kamay ko. Bata palang ako ay sanay na ako sa panghahamak sa akin. Hindi kasi kaaya-aya ang itsura ko. Kahit nga ako ay nandidiri kapag tumitingin ako sa salamin dahil sa kapangitan ko. Pagkauwi ay hinaplos ko ang mukha ko sa tapat ng salamin. Sa tuwing nalalait kasi ako ay tumitingin ako sa salamin, pinapaalala ko sa sarili ko na wala akong dapat ikagalit dahil totoo naman ang mga sinasabi nila sa akin. Mula sa noo ko pababa hanggang sa leeg ay lapnos ang aking balat. Kahit ang mata ko ay halos hindi na madilat ng maayos dahil
“Mariz, please isama mo naman ako. Pangako hindi ko ipapakita ang mukha ko.” Pamimilit ko sa kaibigan ko. Isang cleaner si Mariz sa isang Cleaning Service Company. Sa biyernes kasi ay kasama ito sa mga cleaners na maglilinis ng buong bahay ni mayor para sa gaganapin na banquet sa Villa nito. Magkakaroon daw kasi ng malaking announcement si mayor. Gusto kong sumama para masilayan ang mukha ni mayor. Baka kasi abutin na naman ng ilang buwan bago ko ito makita. “Gusto kitang isama, Kiray. Pero hindi pwede. Alam mo naman na masungit ang amo ko at mahigpit pagdating sa trabaho. Baka matanggal ako sa trabaho kapag nalaman niya na nagsama ako ng iba. Mabuti na yung nag-iingat tayo. Saka makikita mo naman si mayor sa plaza sa pasko. Tiyak na magbibigay na naman siya ng pamasko sa lahat…” Nanghinayang ako. Akala ko ay makikita ko na ulit si mayor. Ayoko naman na matanggal si Mariz sa trabaho kaya hindi na ako nagpumilit pa. Pagdating sa palengke ay naroon na ang mga banyera ng isda na it
Napapantastikuhang nakatingin sa akin ang lahat ng mga katrabaho ni Mariz. “Mainit ang panahon ngayon. Bakit naka-bonnet ka? Hindi ka ba naiinitan?” Tanong sa akin ng isang may edad na babae. Narito kami ngayon sa loob ng sasakyan at tinatahak ang daan patungo sa Villa ni mayor. Alam kong nagtataka sila kung bakit hindi ko tinatanggal ang bonnet na aking suot simula kanina ng sumakay ako. “Hindi po sanay na ako,” pagsisinungaling ko. Baka kasi magbago ang isip nila na isama ako kapag nakita nila ang aking mukha. Pagdating sa tapat ng Villa ni Mayor ay hindi ako mapakali. Sabik na sabik na akong makita siya. Pagbaba namin ng sasakyan ay pumila muna kaming lahat. Bale tatlong van kami na maglilinis ng buong Villa. Nasa mahigit bente katao kami. Malawak at malaki kasi ang Villa kaya kailangan talaga na marami kami. Lahat kami ay kinapkapan. Nang makita ng nag-iinspekyon na nakasuot ako ng bonnet ay pinaalis ito sa akin, kaya kahit ayaw ko ay wala akong nagawa. Silang lahat ay n
(Kiray pov) Takot man ay umalis ako ng bahay. Dumaan ako sa sekretong labasan ko sa may banyo. Dumadaan ako dito kapag madaling araw at gabi dahil sumisilip ako sa mga binatang naliligo sa may poso sa kanto. Habang tumatakbo ng nakatalukbong ng aking mukha ay nagdarasal ako na sana ay hindi nila ako makita. Tanghaling tapat naman kaya wala masyadong tao sa labas. Kung magpapagabi kasi ako ay papasukin na ako sa bahay. Ayokong mahuli nila ako dahil alam ko na ang plano nila sa akin. Kinabahan ako ng may humintong kotse sa aking harapan. Handa na sana akong tumakbo dahil akala ko mga pulis o tauhan ito ng pumatay kay Mayor pero nakita ko si Rayana. “Kiray, halika na bilisan mo!” Tawag nito sa akin. Nagmamadali akong tumakbo at sumakay sa kotse nito. Umiiyak na nagpasalamat ako ng makasakay ako. “S-salamat, Rayana. Mabuti nalang at dumating ka,” sabi ko sabay iyak at yakap sa kanya. “Please umalis na tayo dito, baka kasi maabutan nila tayo…” alam kong nasa paligid lang sila kaya
(Kiray pov) Nang magmulat ako ng mga mata ay tumambad sa akin ang puting kisame ng kwartong kinaroroonan ko. Nakarinig din ako ng tunog ng aparato sa bandang uluhan ko. Sigurado ako na nasa hospital ako. Kung gano’n, ibig sabihin ay buhay pa ako! Agad na tumulo ang luha ko. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko. Akala ko ay mamamatay na ako sa pagsabog na ‘yon at tuluyan ng magpapaalam sa mundo. Kaya ang swerte ko dahil nagising pa ako. Naalala ko si Rayana. Bumangon ako pero laking gulat ko ng hindi ko makuhang igalaw ang katawan ko. Napangiwi ako ng maramdaman ko ang pagsigid ng kirot sa aking buong katawan ng subukan ko muling gumalaw… hanggang sa ang kirot ay nauwi sa nakakamatay na sakit. “Tu-tu…long…” kahit ang boses ko ay paos at walang lakas, halos hindi ako makapagsalita. Saka ko lang napansin ang na ang tanging bibig at mata ko lang ang nagagalaw ko, nakabalot ng benda ang aking buong katawan. Para akong suman, nakabalot ako at hindi makagalaw.
Naapektuhan yata ang tenga ko sa pagsabog kaya nabibingi na ako at kung ano-ano na ang naririnig ko. “Iha, kung gusto mong bumawi sa anak ko, tulungan mo ako at magpanggap kang siya.” “Magpanggap? Hindi ko ho kayo maintindihan,” naguguluhan ako. “H-hindi kita gustong sisihan, iha.” Tumulo ang luha nito. “Pe-Pero dahil sayo nawala si Rayana… dahil sayo nawalan ako ng anak. I-ikaw ang may kasalanan kaya nawalan ako ng anak… ikaw.” Puno ng sakit at pagdadalamhating paninisi nito. Tumulo ang luha ko. Tama ito, ako ang dahilan kaya namatay si Rayana. Wala nang dapat sisihin kundi ako. “P-patawad po… patawad po…” kasalanan ko nga. Kung hindi dahil sa akin ay kasama pa sana nito si Rayana. “Hindi ko kailangan ng sorry mo, iha. Ang kailangan ko ay tulong… at magagawa mo lang iyon kung magpapanggap kang anak ko.” Natigilan ako sa huling sinabi nito. Hanggang ngayon ay naguguluhan ako. “P-pero paano po? Anong klaseng pagpapanggap po ba ang kailangan na gawin ko?” Maingat nitong hina
(Kiray pov) Abot hanggang langit ang kaba ko. Ngayong araw ang schedule ng operation ko. Nandito kami ngayon sa Thailand para gawin ang procedure ng operation ng aking mukha. Marami kasi ang magagaling na doktor sa bansang ito pagdating sa cosmetic surgery. “Kaya ko ‘to…para kay mayor, kay Rayana at para sa sarili ko… kakayanin ko.” Pagpapalakas ko sa aking loob. Sinabi kasi sa akin kanina ng doktor na sa kabila ng anestisya ay makakaramdam pa rin ako ng matinding sakit. Sa tindi daw kasi ng mga pilat ko sa katawan at sa aking mukha ay kakailangan ng mahaba at matagal-tagal na operasyon. Tinanong ako ng doktor sa english kung handa na ba ako. “Y-Yes, Doc… I’m ready…” kinakabahan na sagot ko dito. Wala nang atrasan ito. Pagkatapos nito ay tuluyan ng magbabago ang buhay ko. Bago simulan ang operasyon sa akin ay taimtim akong nagdasal. Na sana ay successful ang patong-patong na operasyon sa akin. ****** (Laxus King pov) Kumunot ang noo ko ng marinig ang ulat ni Jigs. “ Din
“WHAT THE HELL?!!!” Napaubos si Saddie ng salubungin sila ng makapal na usok habang pababa ng hagdan. Galit na galit tuloy ang asawa niya. Umalis si Morgan sandali, pagbalik nito ay may dala na itong panyo na basa na nakatapal sa ilong niya. “Here put this. Lumabas ka muna, ako na ang bahala sa mga bata.” Pigil ang galit na sabi nito. Hinawakan niya ito sa kamay. “Ako na… baka matakot lang sila.” Sumimangot ito sa sinabi niya. “Tsk. Kaya ang tigas ng ulo nila kasi kinukunsinti mo.” Lalong nasira ang mukha nito ng makita ang pagngiti niya. Naalala niya kasi si Tita Letty, ganitong-ganito ang sinasabi nito noon sa kanya. Imbes na lumabas dahil sa makapal na usok, lihim niyang sinundan ito. Tama nga ang hinala niya—kasama ng mga anak nila ang Tito Kirk ng mga ito. “The fvck, Kirk! Balak mo bang sunugin ang bahay namin?!” Natampal niya ang noo. Mukhang away na naman ito. Si Kirk din kasi ang tigas ng ulo. Ito na yata ang pinaka kunsintidor sa kanilang lahat. Kaya palagin
“This way, ma’am.” Nakangiting iginiya siya ng manager mismo ng restaurant sa table nila ni Morgan. Mukhang pina-reserved na naman nito ang buong resto dahil wala siyang ibang nakitang ibang costumer maliban sa kanya. Hindi lang ‘yon, puno ng petals ng roses paligid, mayron ding banda ng mga musicians sa sulok. Kapag hindi sila sabay na pumupunta sa restaurant ay palagi itong nauuna sa kanya. Pero ngayon ay nauna siya dahil wala pa ito ng dumating siya sa table nila. Hindi pa siya nagtatagal sa pag upo ng may malaking kamay na tumakip sa mata niya. Sa amoy palang nito ay nahulaan niya agad kung sino ito. “Sino ‘to? Amoy palang mukhang gwapo na.” Biro niya. Natawa rin siya ng marinig ang mahinang pagtawa nito. “Happy anniversary, my love.” Bulong nito sa tenga niya habang nakayakap sa balikat niya. “Napakaganda mo, wala kang kupas.” Puri nito sa kanya. Hindi niya maiwasan na mapangiti sa kilig. Araw-araw naman siya nitong pinupuri pero hindi nagbabago ang epekto nito sa ka
“sigurado kang bagay sa akin ‘to? Feeling ko kasi mukha akong suman.” Ani Saddie habang nakatingin sa repleksyon niya sa salamin. Nandito sila ngayon sa mall nila Agnes kasama si Stephanie para bumili ng susuotin niya mamaya para sa mahalagang event sa buhay nilang mag asawa. Anniversary kasi nilang dalawa ni Morgan mamaya. At siyempre gusto niya na maging pinaka maganda sa paningin nito. “Ano ka ba, Saddie… kahit magsuot ka ng basahan ikaw pa rin ang pinaka maganda sa paningin ng asawa mo. Pero napapansin ko nga, parang tumataba ka lately.” Nilapag ni Stephanie ang hawak at lumapit sa kanila. Dahil sa sinabi ni Agnes ay nakisipat rin ito. “Oo nga noh, tumaba ka ng konte.” Napangiwi siya. Nito kasing nakaraan ay wala siyang ginawa kundi ang kumain. Dinadaan nalang niya sa kain ang stress niya. Dinatnan kasi siya ng regla ngayong buwan. Umaasa pa naman siya na magdadalantao ngayong taon. Apat na taon na pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagbubuntis. Nakapagtapos na si
“Sir, hinahanap ka ni ma’am. Nandito kami ngayon sa office niyo.” Napahinto siya sa paglapit ng marinig ang isang bodyguard na nagsusumbong sa asawa niya. Agad siyang nagtago sa gilid at nakinig sa sinasabi nito. Hindi niya naririnig ang boses ni Morgan pero alam niya may inuutos ito. “Sige, Sir… sasabihin ko nalang na pauwi na kayo. Oo, sir… binigay ko na kay Jerome, dadalhin daw niya diyan mamaya sa inyo.” Pinadala kay Jerome? Ibig sabihin pupunta ito kung nasaan ang asawa niya? Hindi siya tumuloy sa paglapit rito. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Nang makitang hindi nakatingin sa kanya ang mga bantay niya ay nagmamadali siyang tumakbo para tumakas. Dumaan siya sa exit door pababa ng hagdan, kung mag eelevator kasi siya ay madali siyang mahahanap. Alam niya kung nasaan si Jerome, palagi itong nasa office ni daddy Laxus. Kailangan niya itong masundan. Pagkalabas ng gusali at sumakay agad siya ng taxi. “Manong, ihinto niyo.” Utos niya sa driver ng makarating sa isa pang
“Masakit ang mawalan ng anak, pero kailangan mong kayanin.” Hindi siya kumibo. “Anak…” “U-umalis na kayo.” Malamig niyang taboy sa mga ito. “H-hindi niyo alam ang nararamdaman ko dahil tinaboy niyp naman ako noon.” Natigilan ang mga ito sa sinabi niya. Tumingin siya ng puno ng hinanakit sa papa niya. “Lalo ka na… wag mo akong damayan na parang alam mo ang sakit na nararamdaman ko. Wala ka naman pakialam sakin kaya wag kang magpanggap na nakikiramay ka. Alam ko naman na ito ang gusto mo, ang magdusa ako para makaganti ka. Wala ka naman talagang pake sa akin, papa… wala naman ibang mahalaga sayo kundi pera. Hindi niyo alam ang pakiramdam ng mawalan ng anak dahil para sa inyo wala naman akong halaga… k-kaya iniwan niyo akong dalawa.” “Saddie…” umiyak ang mama niya ng tabigin niya ang kamay nito at humiga talikod sa kama. “Anak, alam kong hindi ako naging mabuting ama. Naging makasarili ako, naging pabaya at masama ding asawa. Hindi ko nawala maibabalik ang lahat. P-P
Wala sa sarili na nakasandal si Morgan sa labas ng emergency room kung nasaan ang asawa. Masyado ng maraming dugo ang nawala dito. Sa doktor na mismo nanggaling na imposibleng masalba ang batang dinadala nito. “M-mumu, ang sakit…” Pumikit siya ng maalala ang mga daińg nito kanina… maging ang ginagawa dito ni Navy pagkarating nila… muntik na itong mawala sa kanya. Damn! Damn! Damn! Kung hindi siya naging kampante at nagpabaya ay hindi ito mangyayari sa kanyang mag ina. Kung noong una palang ay hindi na siya pumayag sa gusto ng asawa na alisin ang mga bodyguards nito ay hindi mangyayari ang lahat ng ito. Tama ang daddy niya—hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat na masunod ang mga asawa. Pagdating sa kaligtasan ng asawa, lalaki dapat ang masusunod. “M-mumu, ang anak natin… ang anak natin!” Dainġ nito bago panawan ng ulirat kanina. “I’m really sorry, Mr. King… pero wala na ang bata.” Alam niya na imposible ang dinadasal niya kanina. Pero umaasa pa rin siya na mabubuha
Sigaw ako ng sigaw habang kinakaladkad ako nito pabalik. “TULONG! Parang awa niyo na ‘tulungan niyo ako!” Hinawakan ko ang kamay nitong nasa ulo ko para tanggalin ito. Pero hindi ko magawa dahil parang bakal ang kamay nitong NASA ulo ko. “Wag ka ng umasa na may makakarinig sayo, Saddie! Walang ibang tao sa islang ito kundi tayo lang at mga tauhan ko! Mapapaos ka lang sa kakasigaw mo!” Alam ko… pero umaasa pa rin ako na may makakarinig sa pagmamakaawa ko. Hindi ako huminto sa pagsigaw kaya nainis ito at binilisan ang paghila sa buhok ko. Naramdaman ko din ang pagdiin ng kuko nito sa anit ko. Napakasakit! Isabay pa na wala akong tsinelas kaya tumatama ang talampakan ko sa mga sirang shell sa buhangin kaya puro sugat ang paa ko. “Tama na, Navy! Maawa ka pakawalan mo ako! Bitiwan mo ako nasasaktan ako! M-maawa ka parang awa mo na! B-buntis ako maawa ka!” Pero imbes na maawa ay tinawanan lamang ako nito. “Maawa? Sana inisip mo ‘yan bago mo ako tinakasan! Kung may utak ka hindi
(Saddie pov) Sinanay ko muna ang mata ko sa daan. Ilang beses kong kinabisado ang daan bago ako naghanda sa pagtakas. Mahirap na dahil baka mabulilyaso ako kaya hinintay ko muna gumabi bago ako tumakas. “Wag kang mag alala dahil makakauwi rin tayo. Sa ngayon dito muna tayo para hindi tayo maabutan ng mga taong naghahabol sayo.” ‘Talaga? Ang sabihin mo lang gusto mo akong mapaniwala na may naghahabol sa akin! Pakana mo ang lahat!’ Ngumiti ako bago tumango rito kahit gusto kong basagin ito. Ang galing talaga magsinungaling ni Navy… sanay na sanay ito. “Salamat, Navy. Sige papasok na ako sa kwarto, nahihilo na naman kasi ako. Sana nga bukas makauwi na tayo. Ayoko na kasi dito… sigurado kasi ako na nag aalala na sila mama sa akin, saka ang asawa ko.” Panandaliang nawala ang ngiti nito. “Hayaan mo, sigurado na magkikita din kayo.” Ngumiti ito ng pilit. “Salamat.” Akmang papasok na ako ng pogilan nito ang braso ko. “Paano kung… kung patayin si Morgan ng mga humahabol sayo?
“Naaawa nga ako sa mag lola, pare. Nadamay sila sa pinapagawa sa atin ni Sir. Ayoko sanang madamay sila pero ayoko naman na ako ang mapag initan ng amo natin. Kilala naman natin si Sir, nakakatakot siyang magalit. Kung nakinig sana ang matandang ‘yon sa akin na magbulag-bulagan sa nalaman niya at magpanggap nalang na asawa ko ay hindi sana sila kasama sa pinasabog ni Sir.” Natuptop ko ang bibig ko ng marinig ang usapan ng inakala kong asawa ng matanda at isang lalaki na umamoy katiwala nitong bahay na tinutuluyan namin. Naalala ko noong nakausap ko ang matandang babae. Halatang nagulat ito ng malaman na may asawa ako… nag offer pa nga ito na kunin ang number ni Morgan. Pupunta daw ito sa kabilang isla para tawagan ang asawa ko at ipaalam na naro’n ako. Pero biglang dumating si Navy. Siguro nalaman nito ang plano ng matanda at nagpasya na ipapatay ito. Nang makapasok ako sa kwartong tinutuluyan ko ay mabilis na nilock ko ang pinto. Hindi ko namalayan na basang-basa na pala