LIKE
(Laxus King pov) Hindi maalis ang tingin ko kay Rayana habang tulala itong nakatingin sa kawalan. Dalawang araw na itong tulala at nakatanaw lang sa kawalan. Damn. This is all my fault. Kung hindi ako naging gag0 ay hindi ito magkakaganito. Mukhang na-trauma ito sa ginawa kong paggalaw dito ng sapilitan. Tama si Kairo, pagsisisihan ko ang lahat kapag nalaman kong si Rayana nga ito. I try to hold her hands but she flinch, para itong kuting na takot na hawakan ng kahit sino. Maging sila manang Diday ay walang nagawa para pagaanin ang loob niya. Malinaw na galit ito sa akin. Wala itong takot na sinasalubong ang tingin ko, puno ng pagkasuklam ang tingin nito. “Mas mabuti pa siguro na iwanan na muna natin si Madam, Mr. King. Sa palagay ko ay hindi niya gusto na makasama ka sa iisang silid.” Sabi ni manang na nakayuko, hindi man nito tahasang sabihin, alam kong ako na naman ang sinisisi nito sa kalagayan ni Rayana ngayon. Ayaw ko man iwan ang asawa ko, napag-isip isip ko na tama
(Kiray pov) Wala na akong mailuha, napagod na ang mga mata ko. Tanging sakit, lungkot at galit ang naiwan sa puso ko sa tuwing naaalala ko ang magulang ko. Magulang ko sila pero paano nila nagawa na gawin sa akin iyon? Ito ang paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko pero hanggang ngayon ay wala akong makuhang sagot. Siguro dahil masamang tao lang talaga sila. At malas ako dahil naging magulang ko sila. Hinawakan ko ang ulo ko. Naalala ko kung paano tawagin ni Laxus ang pangalan ng kaibigan ko. Sa kauna-unahang pagkakataon ay tinawag ako nitong Rayana. Ano kaya ang nakain ng Kingkong na ‘yon? Uminit ang ulo ko ng maalala ang sapilitan nitong paghawak sa ulo ko. Dahil dito ay bumalik ang alaalang matagal ko ng binaon sa limot. Walang hiya talaga ang Kingkong na ‘yon! Ginawa ko ang lahat para iwasan na mahawakan nito. Wala kasi akong tiwala dito. Baka mamaya balak pala nitong pilipitin ang kamay ko. Tumingin ako sa pagkaing nasa bedside table. Dalawang araw na akong hind
“Naku gwapo lang ang meron yan… naku kung alam niyo lang ang ugali ni’yan.” Mahinang bulong ko. Nang makita kong nakatingin ito sa akin ay umakto ako na walang sinabi. Para makapagshopping ng normal, inisip ko nalang na isa sa mga bodyguards ko si Laxus. Mukhang hindi ko naman kasi ito mapapaalis. Pumasok ako sa section ng mga undergarments ng mga babae, bumili ng nga nigthies lingerie na gusto ko ang designs. Nanlaki ang mata ko ng makitang sumunod ito sa akin. Akala ko ay mahihiya itong sumunod at magpapaiwan. Dumampot ito ng pulang bra. “Here, take this. I’m sure this color and size will fit you.” Nagbukas-sara ang bibig ko. Gusto ko itong murahin at singahalan pero naalala ko bigla ang video at mga pictures nito sa cellphone ko. Wala akong karapatan na sabihan itong bast0s dahil may sikreto din ako. Namumula ang pisngi na hinablot ko sa kamay nito ang bra. “Alam ko. Lahat naman ng kulay ay bagay sa akin kasi maganda ako.” Ani ko sabay irap at iwan dito. Pero hin
(Kiray pov) Tahimik akong nakaupo sa harapan ni Laxus habang mataman itong nakatingin sa akin. Samantalang si manang naman ay may sinusupil na ngiti na parang kanina pa nagpipigil, habang ang asawa ko naman ay hindi maipinta ang mukha. ‘Pero wala naman masama sa ginawa ko. Nagmamalasakit lang naman ako.’ Isip-isip ko. Nabanggit ni Jigs kanina na dahil sa ginawa ko ay may na-trigger akong alarm. Kaya siguro galit ang asawa ko ngayon. Kaya pala mayamaya lang ay dumating ang mga tauhan ni Laxus dala ang kanilang mga baril. ‘Pero para saan naman ang alarm na ‘yon?’ Takang isip ko. Napapitlag ako ng tumayo si Laxus. Akala ko ay masasakal na ako sa galit nito. Pero laking gulat ko ng iluhod nito ang isang tuhod sa harap ko. Hindi lang ‘yon, hinawakan pa nito ang kamay ko, maingat na parang babasaging bagay ito. “Bakit mo ‘yon ginawa, Rayana? Sinabi ni manang sa akin na may inaalala ka kaya mo ‘to ginawa. Come on tell me para alam ko kung ano ang dapat kong ipagawa sa mga tauhan ko.”
(Kiray pov) Pinilig ko ang ulo ko. Kung ano-ano ang nakikita ko. Sigurado ako na namamalikmata lang ako. Kilala ko si Laxus, sa maikling panahon naming magkasama ay napagtanto ko na hindi nito mahal si Rayana. Hindi ko alam ang dahilan nito kung bakit nagsinungaling ito sa amin na nagmamahalan sila ni Laxus kahit ang totoo ay hindi naman yata ‘yon totoo. Siguro kinakahiya nito na one sided lang ang relasyon nilang dalawa. Nang makababa ako ng hagdan ay nilahad ni Laxus ang kamay niya sa akin. Dumaan ang pag aalinlangan sa mukha ko. May parte sa akin na gustong hawakan ito pero may parte din sa akin na gustong tumanggi. Siguro dahil sa ginawa nito sa akin kaya hindi ko makuha na magtiwala sa nakikita kong pagbabago nito. Mahirap kasing umasa tapos sa huli ay mali pala ako ng akala. Baka ang nakikita ko ay guniguni ko lang lahat. Hindi ko inaasahan na ito mismo ang kukuha sa kamay ko, mukhang nabasa nito na wala akong balak tanggapin ang kamay nito. Hindi ko rin inaasahan na
(Kiray pov) Nagpaalam ako na pupunta ng restroom. Pagdating ko dito ay naghilamos ako. Pero imbes na mahimasmasan, lalo pang kumabog ang dibdib ko. Mahina kong sinampal ang pisngi ko. “Ano ba’ng kinakatakot mo? Dapat nga magpasalamat ka dahil nasapian ng good spirit ang asawa mo. Dapat nga ay magsaya ka!” Kausap ko sa sarili ko. Tumingin ako sa kwintas at relong suot ko. Kulang-kulang isang bilyon ang presyo ng lahat ng ‘to. ‘Ginastusan ako ni Laxus ng ganito kamahal na bagay… nakakalula talaga ang presyo nito!’ Pinaypayan ko ang mukha ko gamit ang kamay ko. Feeling ko magiging malaking kasalanan kapag nawala ko ito. Baka masakal ako ng asawa ko. “Rayana, my god! Sabi ko na nga ba ikaw ‘yan!” Masayang bati sa akin ni Maureen. Yumakap ito sa akin pagkatapos bume-so. “Hindi mo ako nirereplyan, hmp, nagtatampo na ako sayo. Masyado ka yatang busy sa honeymoon niyo kaya hanggang ngayon ay hindi mo sinasagot ang mga messages ko.” Hindi ako nakareact agad ng makita ito. Naku nam
(Kiray pov) “Hindi ako makapaniwala na pati si Kuya Daniel ay makakalimutan mo.” Napaawang ang labi ko sa narinig ko. “D-Daniel?” Tumango ito. “Oo, si Kuya Daniel, iyon ang pangalan ng kuya ko. Hindi ba sumagi sa isip mo kahit isang beses ang pangalan niya?” Tanong nito. Hindi makapaniwala na umawang ang labi ko sa narinig ko. ‘Si Mayor at Rayana hindi lang sila basta magkakilala, magnobyo silang dalawa?! Naalala ko ang dahilan kaya nagpalinis ng Villa si mayor, may gaganapin daw na party rito, at magkakaro’n rin daw ng malaking announcement. Tapos naalala ko din ang sinabi ni Rayana sa amin noon tungkol sa nalalapit na pag-anunsyo ng fiancee nito sa kasal nila sa publiko. ‘Kaya pala naro’n sa plaza si Rayana no’ng araw na naro’n si Mayor kahit hindi naman ito tagaro’n,’ Kung gano’n ang tinutukoy ni Rayana na fiancee ay hindi si Laxus kundi si Mayor! Muli itong nagsalita. “Akala namin ay kinalimutan mo na si kuya kaya hindi ka nagpakita dahil ayaw mong masangkot ang pan
(Kiray pov) Pagkarating namin sa restaurant na nilipatan namin, nag order agad ako ng maraming pagkain. Nang dumating na ang order ko ay bumaha ang laway ko sa gutom. Pero hindi pa ako nagsisimulang kumain ng dumating ang asawa ko. ‘Teka. Ano ang ginagawa dito ng lalaking ‘to?’ Isip-isip ko ng makita ito. “Gutom na gutom ka yata?” Tumingin ito sa relong nasa bisig. “Mag aalauna na pero ngayon ka lang kakain? Gusto mo bang magkasakit?” May galit sa boses na tanong nito habang nakatingin sa akin. “May ginawa kasi ako kanina at kakatapos ko lang, hindi ko namalayan ang oras.” Dahilan ko. Natigilan ako at kunot ang noo na tumingin dito. “Teka, bakit parang galit ka? Hindi naman ikaw ang nagutom sa ating dalawa.” Mahinang bulong ko. ‘Pero bakit nga ba ito nagagalit? Ibig bang sabihin ay nag aalala ‘to sa akin?’ Lumalim ang kunot ng noo nito, mukhang narinig ang huling sinabi ko. “Wala bang karapatan na mag alala sa’yo ang asawa mo? Ayoko lang magkasakit ka at maging pabigat, dahil
“Naaawa nga ako sa mag lola, pare. Nadamay sila sa pinapagawa sa atin ni Sir. Ayoko sanang madamay sila pero ayoko naman na ako ang mapag initan ng amo natin. Kilala naman natin si Sir, nakakatakot siyang magalit. Kung nakinig sana ang matandang ‘yon sa akin na magbulag-bulagan sa nalaman niya at magpanggap nalang na asawa ko ay hindi sana sila kasama sa pinasabog ni Sir.” Natuptop ko ang bibig ko ng marinig ang usapan ng inakala kong asawa ng matanda at isang lalaki na umamoy katiwala nitong bahay na tinutuluyan namin. Naalala ko noong nakausap ko ang matandang babae. Halatang nagulat ito ng malaman na may asawa ako… nag offer pa nga ito na kunin ang number ni Morgan. Pupunta daw ito sa kabilang isla para tawagan ang asawa ko at ipaalam na naro’n ako. Pero biglang dumating si Navy. Siguro nalaman nito ang plano ng matanda at nagpasya na ipapatay ito. Nang makapasok ako sa kwartong tinutuluyan ko ay mabilis na nilock ko ang pinto. Hindi ko namalayan na basang-basa na p
“Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?” Tanong ni Navy sa akin ng mapansin nito na walang bawas ang pagkain sa plato ko. ‘Sino ang gaganahan na kasama ang tulad mo?’ Muntik ko ng maisatinig ‘yon pero napigilan ko ang sarili ko. ‘Kailangan mong kumalma, Saddie! Hindi siya dapat makahalata!’ Umayos ako ng upo at pilit na ngumiti rito kahit na sukang-suka ako makita ang mapangpanggap na arte nito. “Masarap naman siya, Navy. Pero alam mo naman ang mga buntis, minsan mapili sila sa pagkain.” “Gano’n ba? Ano ba ang gusto mong kainin? Tell me, hahanap ako para sayo.” Tumingin ako sa kamay nito na humawak bigla sa kamay ko. Pasimple kong hinila ang kamay ko ng hindi nahahalata nito. Napalunok ako ng laway ng makita ko ang pagkabura ng ngiti nito. Kaya naman agad akong uminom kunwari ng juice. “Kailan nga pala tayo babalik sa siyudad, Navy? Ang tagal natin kasi natin na nagpapalipat-lipat ng islang pinupuntahan. N-namimiss ko ng umuwi, pwede ba na umuwi na tayo mamaya o bukas?”
Natigilan ako ng mapansin na nakalakad ito ng tuwid. “Pero kahapon lang ay hindi ito nakakalakad? Gumaling na kaya ito? Kung ganon bakit parang ayaw pa nitong umalis kami? Hindi kasi nito nabanggit na gustong makabalik. Palagi nalang ako ang nagpupumilit na makabalik. “Talaga? Aalis na tayo?!” Tuwang sambit ko ng sabihin nila lola sa akin kasama si Navy na aalis na kami. Bigla nalang kasi dumating si Navy at sinabi na babalik na kami. “Diba ito ang gusto mo? Pasensya ka na nga pala dahil nasigawan kita ha. Ikaw kasi ang kulit mo. Alam mo naman na bugbog pa ang katawan ko.” Nakonsensya ako bigla. Oo nga, sarili ko lang ang inisip ko. Hindi ko naisip ang kalagayan nito. “Hindi na gano’n kasakit ang katawan ko, nakakalakad na rin ako ng maayos kaya babalik na tayo. Alam ko rin kasi na nag aalala na ang mama at asawa mo. Kung magtatagal pa tayo dito ay baka isipin nilang patay ka na. Kaya tara na, magbihis ka na.” Hindi mapalis ang ngiti ko habang nagbibihis ako. Pagkatapos magb
Gusto ko man tumayo ay hindi ko magawa, medyo nanghihina pa kasi ang katawan ko. Pero mabuti nalang at mukhang hindi malubha ang lagay ko. Wala kasi ako sa hospital, ibig sabihin ay hindi grabe ang lagay ko. Ang inaalala ko ngayon ay si Navy. Malubha ang lagay nito pero mukhang hindi ito nadala sa hospital. Tumingin ako sa suot ko. Nakasuot na ako ngayon ng plain na puting bestida. Nabihisan na pala. Sigurado ako na si lola ang nagbihis sa akin. Tumingin ako sa labas ng bintana, gabi na pala. Ibig sabihin ay matagal akong nakatulog. Nag init ang sulok ng mata ko ng maalala ang asawa ko. Siguro padating na siya para kunin ako dito. Sigurado ako na alalang alala na ito sa amin ng anak namin. Akala ko ang matanda ang maghahatid ng pagkain sa akin pero ang apo lang nito ang dumating. May dala itong tray na may lamang pagkain. Pagkatapos kumain ay umasa ako na may darating na magandang balita, pero inabot nalang ng hating gabi ay walang nagbalita sa akin na sinusundo na ako ni Morg
(Saddie pov) Akala ko sa yate kami sasakay pero sa speed boat pala kami sasakay. May ilaw naman mula rito pero hindi ko maiwasang kabahan dahil hindi sapat ‘yon para makita namin ng maayos ang dinadaanan namin, lalo na at bumuhos pa ang malakas na ulan. ‘Diyos ko!’ Kulang kailan naman tumatakas kami ay saka pa umulan! Niyakap ko ang tiyan ko. Di bale. Konteng tiis nalang ay makakaalis na kami. Ang mahalaga ay natakasan na namin yung mga lalaking dumukot sa amin. Bigla akong kinabahan ng biglang huminto ang speed boat na sinasakyan namin. Hindi sana totoo ang hinala ko. “Ngayon pa talaga nasira!” Nanlumo ako. Bakit ngayon pa kung kailan nasa dagat kami at tumatakas? Hindi nga kami napahamak sa kamay ng mga dumukot sa amin pero mukhang dito naman kami sa gitna ng karagatan mapapahamak. Niyakap ko ang tiyan ko. Nag aalala ako sa dinadala ko. Siguro ay nilalamig na rin ang baby ko ngayon. Kanina pa kasi kami basa ng ulan at nanginginig sa lamig ng ulan at simoy ng hangin. K
Napatili ako sa gulat ng may humawak sa paa ko. “Shhh!” “N-navy!” Akala ko ay bumalik na ang mga lalaki kanina. “K-kailangan nating makatakas dito, Saddie. S-sigurado ako na mapapahamak kayo ng anak mo kung magtatagal pa tayp dito!” Alam ko ‘yon! Kaya nga takot na takot ako. “P-pero paano?” Hilam ng luha natin tanong ko rito. Nagulat ako ng pilitin nitong tumayo. Halatang hirap na hirap ito at nasasaktan, tumutulo pa ang dugo sa mga sariwang sugat nito. “N-navy…” sa bawat galaw nito ay napapangiwi ito sa sakit. “T-tutulungan kita, Saddie—agghh!” Nalugmok ito sa sahig. Mabuti nalang at hindi malakas ang kalabog ng bagsak nito, kundi ay baka nakakuha ito ng pansin. Alam kong nanghihina ito pero hindi ko makuhang sabihin na ‘wag ka ng gumalaw’ Ayokong magpaka-anghel. Alam naman namin pareho na mas grabe pa ang aabutin namin kapag nagtagal kami rito. Kaya mas mabuti pa na gawin nalang namin ang magagawa namin para makatakas habang maaga pa. Inabot ng siyam-siyam si Nav
(Saddie pov) Mga nasa pitong oras palang ako sa lugar na pinagdalhan sa akin pero pakiramdam ko ay napakatagal ko na rito. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na ‘kalma, Saddie’ pero hindi ko magawa dahil kinakain ako ng takot. “T-tama na! W-wala kayong makukuha sa akin! T-tama na ahhh!” Gusto kong takpan ang tenga ko pero hindi ko magawa. Wala akong magawa kundi ang umiyak at maawa nalang kay Navy na binubogbog sa labas. Kinuha kasi ito kanina ng mga lalaki para makipag negotiate. Gusto kasi ng mga ito na makakuha ng pera kay Navy. At ngayong walang makuha ang mga ito ay walang awa nila itong sinasaktan. Rinig na rinig ko ang boses nito na nagmamakaawa, halatang sobra itong naghihirap, pero wala akong magawa kundi ang impit na lumuha. “W-wala ng pera ang mga magulang ko… bankrup na sila! G-ginastos ko na ang lahat kaya wala na kayong makukuha pa! K-kaya patayin niyo nalang ako!” ‘Patayin?’ Parang gusto kong mawalan ng pag asa. Gusto na agad mamatay ni Navy dahil sa paghihirap.
Malakas na binagsak ni Morgan ang kamao sa bumper ng sasakyan ng malaman ang nangyari. “Fvck! Fvck! Fvck!” Halos maglabasan ang ugat niya sa leeg sa sobrang galit ng malaman ang nangyari sa asawa. Kanina pa siya pinapakalma ng kapatid pero bigo ito. “Paano ko magagawang kumalma ngayong nasa panganib ang mag ina ko?! Fvck!!!” Hindi lamang ‘yon, nasa panganib din ang buhay ng ina nito na malubha ang tama sa ulo. Wala pang isang araw ng magpasimula siya ng imbestigasyon ngunit nalagay na sa panganib ang buhay ng asawa niya. Nalaman ba nito ang plano niya na pag alam kung sino ito? Umiling si Morgan. That’s impossible! Sigurado na hindi iyon makakalabas sa kanilang pamilya. Tiyak na kagagawan ito ng taong nagtatangka sa buhay niya. Pagdating sa presinto ay umiling si Laxus ng makita ang galit na galit na anak. “Wala kayong malaman? Are fvcking kidding me? Anong silbi niyo kung wala kayong makuhang lead kahit isa kung nasaan ang asawa ko?!” Nang makita ng mga pulis si Lax
Tumawa ito ng makita ang walang patid na pagtulo ng luha ko. “Ano? Natatakot ka na ba ngayong gaga ka! Dapat lang! Pagkatapos ng ginawa mo ay sisiguraduhin ko na magkikita kayo ng anak ko sa impiyerno! Dante, dalian mo ang pagmamaneho! Gusto ko ng makaganti sa babaeng ‘to!” “Sige, manoy—“ masakit sa tenga na lumangitngit ang gulong na sinasakyan namin. “Anong problema?! Bakit ka huminto?!” “M-may sasakyang humarang sa daan, kuya!” Sumbong ng nagmamaneho ng sinasakyan nila. “Humarang?! Ano pa ang hinihintay mo, sagasaan mo!” “Pero, kuya—“ “Inutil! Sundin mo nalang ang utos ko!” Walang nagawa ang lalaki kundi ang sundin ang kapatid. Pero biglang sumabog ang sasakyan nito ng may bumaril sa gulong ng sasakyan “Anak ng…” halos umusok ang ilong ng lalaki sa galit. May dinukot ito sa tagiliran. Nanlaki ang mata ko ng makitang baril ito. ‘No!’ Gusto ko itong saktan pero binalaan ako nito sa pamamagitan ng tingin na babarilin kung kikilos ako ng masama. Pagkatapos mag uto