Napapantastikuhang nakatingin sa akin ang lahat ng mga katrabaho ni Mariz. “Mainit ang panahon ngayon. Bakit naka-bonnet ka? Hindi ka ba naiinitan?” Tanong sa akin ng isang may edad na babae.
Narito kami ngayon sa loob ng sasakyan at tinatahak ang daan patungo sa Villa ni mayor. Alam kong nagtataka sila kung bakit hindi ko tinatanggal ang bonnet na aking suot simula kanina ng sumakay ako. “Hindi po sanay na ako,” pagsisinungaling ko. Baka kasi magbago ang isip nila na isama ako kapag nakita nila ang aking mukha. Pagdating sa tapat ng Villa ni Mayor ay hindi ako mapakali. Sabik na sabik na akong makita siya. Pagbaba namin ng sasakyan ay pumila muna kaming lahat. Bale tatlong van kami na maglilinis ng buong Villa. Nasa mahigit bente katao kami. Malawak at malaki kasi ang Villa kaya kailangan talaga na marami kami. Lahat kami ay kinapkapan. Nang makita ng nag-iinspekyon na nakasuot ako ng bonnet ay pinaalis ito sa akin, kaya kahit ayaw ko ay wala akong nagawa. Silang lahat ay nagulat ng makita ako. Nakita ko ang pandidiri nila habang nakatingin sa aking mukha. Hindi ako nagustuhan ng isang tauhan ni mayor. Inutusan nito ang isang guard na paalisin ako. Mabuti nalang at dumating si mayor bago pa ako mapaalis. “Hayaan mo siyang gawin ang trabaho niya ng maayos. Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na hindi hadlang ang itsura o panlabas na anyo para magtrabaho ng marangal ang isang tao?” May galit na sabi nito sa tauhan. Ito ang dahilan kaya nanalo ito bilang mayor sa aming lugar. Tinalo nito ang walong kalaban at halos nakuha ang lahat ng boto ng mga mamamayan. Mabuti kasi itong tao. Kaya nga nagustuhan ko ito. Dahil sa pagtatanggol sa akin ni mayor ay lalo akong ginanahan na magtrabaho. Buo na ang araw ko dahil nakita ko siya. Huminto kaming lahat sa pagtatrabaho ng mga alas dose. Bigla nagkaroon ng bisita. Inabot din iyon ng halos tatlong oras kaya halos alas tres na kami ulit nakapaglinis. Inabutan na kami ng alas 7 ng gabi. Nakakapagod pero sulit dahil tatlong beses ko nang nakita si mayor sa loob ng isang araw. Tumigil ako sa pagbrush ng sahig dito sa garahe. Ito kasi ang pinakamadaling gawin kaya ito ang inutos sa akin. Saka wala daw akong proper training. Tapos na ako sa trabaho ko kaya pumasok ako sa loob para magtanong kay ma’am Joy kung ano ang sunod kong gagawin. Hindi ko nakita si ma’am Joy kaya hinanap ko siya hanggang sa makarating ako sa second floor ng bahay. “Accckk…” napahinto ako sa paghakbang ng makarinig ako ng boses. Bubuksan ko sana ang ilaw pero hindi ko alam kung nasaan ang switch ng ilaw. Kaya sinundan ko nalang ang boses, hanggang sa dalhin ako ng aking paa sa terrace. “Tu-tulungan niyo ako… acchhkkk…” Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ang isang lalaki na sakal si Mayor. Hindi ako matatakutin dahil sanay ako na ako ang kinatatakutan sa buong buhay ko. Pero ng mga sandaling ito ay hindi ako makagalaw sa sobrang takot ko. Hindi ko magawang ihakbang ang aking paa para tumakbo. *BANG!* Nanlaki ang aking mata. Kitang-kita ko kung paano binaril ng lalaki si mayor sa dibdib at pagtulak nito kay mayor pababa mula sa terrace. “M…m…mayor…” nangangatal ang labi na mahinang sambit ko. Panay ang dasal ko na sanay ay hindi ito totoo… na sana ay panaginip lamang ito. Ngunit hindi dahil ang lahat ng nangyayari ngayon ay totoo… “Sir, patay na ang lahat maliban sa isa!” Imporma ng isang lalaking nasa ibaba habang nakatingala sa lalaking pumatay kay mayor. Nang marinig ko ito ay saka lang ako natauhan. Alam kong ako ang tinutukoy ng lalaki. Kahit nangangatog ang tuhod ko ay pinilit kong umalis ng mabilis sa abot ng aking makakaya. Inalis ko ang suot kong rubber shoes at tumakbo ng nakapaa. Ayoko pang mamatay. Bente anyos pa lang ako at maraming pangarap sa buhay. Kaya nga kahit na puro panghahamak ang aking natatanggap ay pinili kong mabuhay at lumaban. Napaiyak ako ng makita ko ang mga kasama ko kanina. Lahat sila ay wala ng buhay sa loob ng sasakyan… ako nalang ang naiwan na buhay. Pinahid ko ang aking luha. Kaysa ang maawa sa kanila, kailangan kong isipin kung paano ako tatakas. Maraming nakaabang sa gate. Kung dadaan ako dito ay baka mahuli nila ako. Naisip ko palang na mangyayari sa akin ang sinapit ng mga kasama ko ay pinanlamigan na ako sa takot. Pero akong ibang choice, kailangan ko itong gawin. Kahit malansa at nakakakilabot na dikitan ang mga bangkay ay sumiksik ako sa kanila. Titiisin ko ang takot ko, kaysa mamatay ako sa kamay nila. “Hanapin niyo ang babaeng iyon mga gunggong! Sigurado ako na hindi pa siya nakakalabas ng Villa na ito. Sigurado ako na magagalit si Sir kapag nalaman niyang natakasan tayo ng isa!” Bumaling ang lalaki sa kanyang kasamahan. “Nag-utos si Sir. Itapon na daw sa ilog ang mga bangkay na nasa sasakyan. Kumilos na kayo at wag babagal-bagal… tandaan ninyo, malaking pera ang makukuha natin pagkatapos nito,” Umandar ang sasakyan kung saan nakasakay ako. Narinig ko na itatapon daw kami sa ilog. Ang malas ko naman. Hindi nga ako namatay sa kamay nila, namatay naman ako sa pagkalunod. Hindi pa naman ako marunong lumangoy. Nasa kalagitnaan na kami ng biyahe ng biglang nagsalita ang katabi ng driver. “May checkpoint daw sa kanto. Putangna, sasabit tayo nito,” “Ano ang utos ni Sir?” “Iwan nalang daw ang katawan sa gilid. Malinis ang ginawa nating krimen kaya hindi natin kailangan na mabahala. Sa may crossing ng ligaya street wala daw cctv kaya doon tayo bababa,” Bigay impormasyon nito sa driver. ***** (Kiray pov) Kinabukasan ay laman ng mga balita ang nangyari kay mayor. Iyak ako nang iyak. Wala man lang akong nagawa para tulungan ito. Naunahan ako ng takot… saka ano ang laban ko doon. Babae lang ako at armado ang mga ‘to. Tiningnan ko ang aking kamay… hanggang ngayon ay nanginginig ako at takot na takot sa pagpatay na aking nasaksihan. Hanggang ngayon ay dama ko pa rin ang dugo na dumikit balat ko na galing sa mga taong pinatay nila. Hindi ako nakatulog sa sobrang takot ko, natatakot kasi ako na baka sa pagmulat ko ng aking mata ay nasa harapan ko na ang walang puso na pumaslang sa mga kasama ko. Naaawa ako kay mayor… napakabuti nito para danasin ang ganitong karumal-dumal na krimen. Dapat na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nito. Naligo ako at nagbihis… nagdesisyon na ako. Sasabihin ko sa pulis ang mga nakita ko! Gagawin ko ito hindi lang dahil sa gusto ko si mayor, kundi dahil deserve nito na mabigyan ng hustisya at ng mga kasama ko, at managot ang may sala. Palabas na sana ako ng pinto ng may marinig ako na nag-uusap sa labas. Sumilip ako sa maliit na butas at nakita kong mga pulis sila. “Sigurado ka ba na wala siya dito? Baka nasa loob lang at nagtatago.” “Wala siya sa loob, chief. Nagtanong-tanong na ako sa mga tao rito, hindi daw nila nakita na umuwi ito. Saka kagabi pa ako kumakatok dito… kahit ‘yung kaibigan niya ay kumakatok din nakita ko, pero walang magbubukas. Mukhang nakatunog ito na siya ang ididiin natin sa pagkamatay ni mayor.” “Bweno, nasa loob man o wala. Kailangan makasiguro. Mamayang gabi kapag wala ng masyadong tao ay pasukin natin ang bahay niya. Kung wala siya dito ay maghanap sa mga karatig bayan. Kailangan siyang mahuli buhay man o patay para may pagbalingan nang sisi ang mga tao at media,” Sabi ng chief sa kasama nito. B-balak nila akong idiin? Nanginig ang tuhod ko aking narinig. Nanlumo ako at nanghina. Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Tinakip ko ang aking kamay sa bibig ko habang umiiyak ako… takot na takot ako na baka marinig nila ako.LIKE
“Napakaganda mo, Iha. Bagay na bagay sayo. Sigurado na wedding of the year ang kasal ninyo ng anak ko!” “Thank you po, tita.” “Tita? Val, malapit na kayong ikasal ni Kiki, you should call me mommy from now on.” “Thank you po, mommy.” Tumingin siya sa repleksyon niya sa salamin. Nagsusukat palang siya ng wedding dress para sa kasal nila ni Kirk pero napakasaya na niya. Malayo ito sa naramdaman niya noong nagsusukat siya ng susuotin sa kasal nila ni Jeric. Ganito siguro kapag mahal mo ang mapapangasawa mo. Hindi mo mapaliwanag ang eksaktong pakiramdam pero alam mong masaya ka. Natuptop ni Saddie ang bibig ng makita siya nito. Puno ng paghanga na nilapitan siya nito. “Ang ganda mo, Val. Mukha ka ng bride, mukha ka pang model!” Puri nito sa kanya. Marami ang nagsabi noon sa kanya dahil matangkad siya. Hindi niya maiwasan na maluha. “Bakit, iha? May problema ba?” Nag aalalang tanong ng mommy ni Kirk sa kanya. Umiling siya dito. “Masaya lang ho ako. Kasi kahit wala na an
Wala daw itong inalok ng kasal maliban sa kanya? Sinong niloloko nito? “Wag mong sabihin na naniniwala ka kanya? Come on, Val. Gusto ka lang niyang paikutin ulit. At ikaw naman naniniwala agad?” Nagtatakang nakatingin sa kanya ang mga kasambahay niya sa bahay. Kanina pa kasi siya palakad-lakad habang nagsasalita mag isa. Nang makita siya ni Fire ay lumapit ito sa kanya. “Dumating ka na pala kanina pa. Tsk. Sabi ko sayo sabay tayong maglunch eh. Kumain ka na ba?” Umiling siya. “How about the meeting?” Kumunot ang noo nito ng mapansin na nalukot ang kanyang mukha. “That man follow me here to tell me about his fake marriage. Can you believe that?” Natigilan ito ng marinig ang sinabi niya. “Ang sabi pa niya… mahal niya ako. Ang gag0ng ‘yon. Halata ba na mahal ko siya para paglaruan niya ang damdamin ko?” “So you really love him, huh.” Hindi siya nakasagot rito. Bumuntonghininga ito at malungkot na ngumiti. “Nagtanong pa ako. Alam ko naman ang sagot. Pero gusto ko paring marini
HINDI tumigil sa pagpapadala ng mga bulaklak si Fire. Sa tuwing dumadalaw ito sa kanya ay hindi niya ito nilalabas. Pero hindi naman niya ito pwedeng iwasan habangbuhay kaya ng dumalaw muli ito ay bumaba siya para kausapin ito. Kung hindi niya ito haharapin ay hindi mababawasan ang sakit ng ulo niya. Tatlong araw na rin kasing hindi tumitigil sa pagpunta si Kirk para makausap siya. Haharapin niya si Fire, pero ang lalaking na ‘yon ay hinding-hindi niya kakausapin. Para saan pa? Nang makita siya ni Fire ay tumayo ito. Kumikislap ang mga mata nito habang hawak ang isang bouquet ng bulaklak. Ayaw niyang basagin ang kasiyahang nakikita niya sa mukha nito pero ayaw niyang magsinungaling. “Fire, please stop this…” nawala ang ngiti sa labi nito. I’m sorry, Fire. Pero kailangan niya itong gawin. “Alam ko na marami kang sinakripisyo sa akin. Pero hindi ko kayang suklian ang nararamdaman mo. Kahit subukan natin ang gusto mo, sigurado ako na hindi gagana ‘yon sa ating dalawa. Alam mo
HINILOT ni Valeria ang sintido. Sunod-sunod na nagback out sa hindi malamang dahilan ang mga investors ng kumpanya. Kung kailan malapit ng i-launch ang bagong formula na ginawa nila. Mayamaya ay bumukas ang pinto at pumasok si Timmy, ang may edad na secretary ng kanyang lolo. “Ma’am, someone wants to see you. Handa daw siyang mag invest ng malaki sa kumpanya natin.” Kumunot ang noo niya. “Who? The Bolton’s company? No thanks.” Tukoy niya sa kalabang kumpanya na walang ginawa kundi isabotahe sila. Umiling ito sa kanya. “No, ma’am. Pero isa siyang CEO ng bagong tayong kumpanya. Narinig ko na maganda ang pamamalakad niya. Hindi lamang ‘yon, nanggaling din siya sa respetadong pamilya ng mga negosyante sa buong mundo. Iyon nga lang ay hindi niya gustong ipakilala ang sarili niya. Gusto ka muna niyang makilala at makausap ng personal.” Kumunot ang noo niya. Nang sasagot sana siya ay nakuha ng cellphone niya ang atensyon niya ng tumunog ito. “What’s up, my Val.” Napaikot siya ng ma
Naiintindihan naman niya kung bakit nag isip ito ng gano’n. Siguro iniisip nito na naghahabol siya dahil nalaman niyang mayaman ito. Saka ito ang nakauna sa kanya. Binigay niya ang sarili dito kahit ikakasal na siya. Kaya hindi niya masisisi si Kirk kung mag isip ito ng masama. Pero nakasakit na… hindi naman siya lumandi sa iba. Ito lang ang minahal niya. Kung maaga siguro niya nalaman na mahal niya ito at hindi ito naipit sa mga plano niya ay hindi mangyayari ito. Pagkatapos niyang magbalat ng prutas ay umupo siya sa gilid ng higaan ni Fire. Nakahinga siya ng maluwag ng makitang stable ang paghinga nito. Hating-gabi na kasi pero hindi parin ito nagigising. Pero maganda daw ‘yon ayon sa doktor dahil nakakapagpahinga ang katawan nito. Nagbilin ito sa kanya na umuwi siya ng alas siyete ng gabi. Pero alas dos na nang madaling araw ay hindi parin siya umuuwi. Sigurado kasi siya na hindi ito makakapagpahinga kapag umalis siya. Sigurado na pipilitin nitong tumayo para magbantay. M
“Ma’am, mag iingat kayo doon ha. Wag kayong mag alala, aalagaan namin itong bahay.“ “Salamat ho, Aling Dalia.” Tumingin siya kina manang Bona at manong Ging. “Sigurado ho ba kayo na ayaw niyong sumama?” Umiling ang mga ito. “Maraming salamat sa offer, ma’am. Pero matanda na kami ni Ging. Mas gusto naming manatipi dito sa Pilipinas kaysa ang tumanda at mamatay sa ibang bansa. Ikaw ang inaalala namin, ma’am. Baka malungkot ka do’n.” “Wag kayong mag alala, manang. Sanay na ho akong mag isa.” Bumuntonghininga ang mga ito. Kahit hindi niya sabihin. Alam niya na alam na ng mga ito kung bakit namamaga ang mga mata niya. Isang linggo na kasi siyang walang hinto sa pag iyak. Naglasing pa nga siya. Ang nakakahiya pa. Pumunta siya ng Rizal para magsumbong kina manang Bona na may asawa na si Kirk at hindi na sila magkakatuluyan. Pati dito sa bahay niya sa Greenhills ay umatungal daw siya ng iyak habang sinisigaw kung gaano niya kamahal si Kirk. Nandito ngayon sa bahay sina manang