Magandang araw po sa inyong lahat!
Gusto ko lang po magpasalamat sa lahat ng sumubaybay sa love story nila Laxus at Kiray. Maraming salamat din po GEMS 💎 at RATE niyo🫶 Sa mga nahabaan po, pasensya na po. Hindi ko po kasi mai-execute ng maayos ang story ko kung mamadaliin ko. So bear with me guys🫰At saka ganito po talaga ako gumawa ng story, may pagka mahaba po talaga. Sa susunod pong CHAPTER ay isisingit ko pa rin sila Laxus at Kiray. Mamimiss ko kasi sila. Sana po ay subaybayan niyo rin ang story ng mga anak nila. THANK YOU PO ULIT‼️ Ang susunod po na CHAPTERS ay Love Story na nila Morgan at Saddie. Blurb of book 2🍀 Nagsara ang Dance Studio kung saan nagtatrabaho si Saddie. Dahil may kanya-kanya ng pamilya ang magulang niya, pinili niyang umuwi sa dati nilang bahay. Ayaw niya kasi magpabigat sa mga ‘to. At saka alam niya na hindi siya gusto ng bagong kinakasama ng mga magulang niya. Tumira siya sa dati nilang bahay—kung saan siya lumaki at nagkaisip. Sa kanyang pagbabalik ay maraming alaala at damdamin ang nanumbalik sa kanya. Paano kung magkrus ang landas nila ng anak ng may ari ng bakery na kinamumuhian niya? May mabuo kayang pag ibig sa pagitan nila ng sikat na Basketball Player na si Morgan King gayong pareho na silang committed sa iba?“I’M REALLY SORRY, SADDIE. Kahit ako ay ayaw ipasara ang Studio na ‘to. Pero wala na kaming choice. Baon na nga kami sa utang, hindi pa kumikita ang Studio. Wala na kaming ipapasahod sa inyo.” Laglag ang balikat ang balikat na lumabas ako ng office ng boss namin. Hindi lang ako ang parang pinagbagsakan ng langit at lupa, pati na din ang mga kasama ko. Naging tahanan namin ang Studio sa loob ng tatlong taon kaya mabigat sa loob namin na lisanin ito. Mabait ang mag asawang amo namin dito. Sa loob ng tatlong taon na pagtatrabaho ay wala kami naging problema sa kanila. Sa katunayan ay malaki ang naging tulong nila sa katulad ko na walang matatawag na tahanan, o pamilyang uuwian dahil mayro’n silang dorm para sa mga katulad namin, libre sa lahat, sa tubig, sa kuryente, at upa, tanging pagkain lang ang gastos namin. Kaya karamihan sa amin ay nakaipon talaga. The best amo sila! Malakas naman ang naunang dalawang taon na pagbubukas nito. Pero ng dumami ang naglabasan na kakumpetensya
Napamura ako sa sobrang inis. “Ma-flat sana ang gulong mong bwisit ka!” Inis na sigaw ko. Walang modo! Katatapos lang ng ulan pero hindi ito marunong magdahan-dahan sa pagpapatakbo. Buti sana kung perpekto ang mga kalsada dito sa Pinas. Bulag ba siya para hindi mapansin ang mga butas sa daan? Mangiyak-ngiyak na pinahid ko ang mukha ko na may putik. Pati ang maleta ko ay puro putik na. Ahhh! Ang malas naman ng araw na ‘to! NAPAHAWAK ako sa tiyan ko pagkatapos kumain. Mabuti nalang at nakahanap ako ng affordable restaurant dito sa malapit. Sa sobrang dami kong iniisip ay hindi na ako nakapag umagahan kanina. Nanginginig tuloy ako sa gutom. Kinuha ko ang cellphone ko ng magring ito. Si Navy! “Uhmm hello, Nav—“ “Nasaan ka? Kanina pa ako naghihintay sa’yo sa labas ng Dorm pero sarado. Don’t tell me gumala ka ng hindi nagpapaalam sa akin?” “H-ha? Bakit hindi mo naman sinabi na darating ka?” Eh di sana hindi kao umalis! Paano kung malaman niya na nagsara na ang Studio? Nata
(Saddie pov) Tagaktak ang pawis ko pagkatapos linisin ang buong bahay. Halos isang buong araw din niyang nilinis ang buong baba, hindi pa kasama ro’n ang taas. Aabutin yata ako ng tatlong araw kasama ang mga banyo at kwarto sa taas. Dahil nauuhaw ay lumabas muna ako ng bahay para bumili ng tubig sa labas. Naubos na kasi ang mineral water na binili ko kanina. Napatingin ako sa bakery na nasa tapat ng bahay namin. Hanggang ngayon ay pala ay narito parin ‘to. “Miss, taga di’yan ka?” Napahawak ako sa dibdib ng biglang may matandang sumulpot sa harapan ko. Titig na titig ito sa mukha ko kaya medyo nailang ako. Teka. Pamilyar siya sa akin. Kung hindi ako nagkakamali, siya si Aling Marites—ang isa sa tsismosa dito sa barangay namin, ang isa sa nagpakalat ng tsismis na maghihiwalay na ang magulang ko. Hindi ko makakalimutan ang mukha niya dahil siya lang naman ang bukod tanging may mahabang nguso dito sa lugar namin. “Kaano-ano mo sila Marilou? Kamusta na sila? Hiwalay na ba tal
“H-hindi naman siguro niya ako mamumukhaan di’ba?” Naalala ko kung paano ko siya noon binato ng itlog at pinakyuhan. Paano kung mamukhaan niya ako? T-tapos gumanti siya? Mukha pa naman itong nakakatakot. Pero bata pa ako no’n at walang muwang. “Miss!” Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng tawagin ako ng babaeng kausap nito. N-namukhaan nila ako? Naku wag naman sana. “Ang mga supot na dala mo! Tinangay ng aso!” Saka lang ako natauhan ng makita ang supot ng pinamili ko na tangay ng asong gala. “Bwisit kang aso ka! Ibalik mo ‘yan ‘ulam ko ‘yan!” Nakipaghabulan ako sa aso. Pero dahilan ko lang ‘yon para makalayo ako sa kanila. Hinihingal na huminto ako sa pagtakbo a nilingon sila. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi ko na sila natanaw sa labas ng bahay namin. Wala naman akong dapat ikatakot, bata pa naman ako noon at saka matagal na ‘yon. Pero narinig ko kasi ang sinabi ng babae kanina. Mukhang hindi maka-move ang lalaking ‘yon. Grabe naman magtanim ng galit ang isang ‘yo
(Saddie pov) Pagkatapos kong mamili ay naglibot muna ako. Mamayang pa naman nila idedeliver ang mga appliances na binili ko sa bahay. Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko ang grupo nila Aling Marites. Naku naman! Bakit nandito sila? Patakbo na sana ako ng makita ako ng mga 'to. "Sabi na nga ba at ikaw yan!" Napangiwi ako ng tig-isang hawakan ng dalawang matanda ang braso ko. Mukhang wala na akong takas sa kanila ngayon. Tuwang-tuwa ang matatanda dahil para daw akong artista na pinagtitinginan ng mga tao sa paligid. "Wala ka bang balak mag artista? Aba kay ganda-ganda mong bata, Miss!" "Wala po. Tawagin niyo nalang pong Saddie." Miss kasi sila ng Miss sa akin. "Mukhang may lakad po kayo ngayon. Mauuna na po ako sa inyo— "Naku wala naman. Manonood lang kami ng sine. Tara, sumama ka sa amin. Wag kang mag alala dahil libre ka namin," "Wag na ho, nakakahiya naman. Saka may bibilhin pa ho kasi ako—" Wala siyang nagawa ng hilahin siya ng mga 'to. Hindi ako makapagfocu
‘Sa kaba lang siguro ‘to.’ Tama, sa kaba lang ‘to sigurado ako. Bakit kasi panay ang tingin nito sa akin? Sabihin na natin na may kasalanan ako. Tama ba na manakot siya sa pamamagitan ng tingin? O baka hindi nito alam ang epekto ng titig nito? Tumingin ako sa kamay nito na nakapatong sa hita. Ang laki at maugat. Magaling nga kaya ito humawak ng bola? Ayon sa mga narinig ko ay palagi daw itong MVP. So, magaling nga siya? Tumingin ako sa kamay ko. Napakaputi ko tapos ang liit pa. Mukhang isang suntok lang ako dito pagnagkataon. ‘Lord, wag naman sanang magtanim ng galit ang lalaking ‘to. Hindi makatarungan na magtanim siya ng galit sa bata. Di’ba po?’ Piping dasal ko. Sobra ang pasasalamat ko ng huminto na ang L3 sa harap ng bakery nila. Kulang nalang ay takbuhin ko ang daan palabas makalayo lang sa presensya ni Morgan. Nag unahan sa pagbaba sila Aling Marites habang naghahalakhakan, naghampasan pa ang mga ‘to. Pakiramdam ko ay umabot ng siyam-siyam bago sila makababa.
Kanina pa ako palakas-lakad habang iniisip ang sinabi ni Morgan bago umalis. Bayaran ko daw ang tsinelas nito na sinira ko. Tiningnan ko ang cellphone ko. Kanina ko pa pinag iisipan kung tatawagan ko ba ang nobyo ko para humingi ng payo. Wala naman talaga akong nasira. Hindi ko alam kung paano ito nasira, eh no'ng tingnan ko ang tsinelas nito ay ayos pa 'yon. Nagpakawala ako ng buntong-hininga. Hindi ko alam kung itutuloy ko bang tawagan si Navy o hindi. Kapag tinawagan ko kasi ito ay malalaman nito na wala na ako sa dorm. Paano ko ipapaliwag sa kanya na wala na akong trabaho? Sigurado na pagmumulan ng away namin 'to. Malaki-laki pa naman ang pera ko sa banko. Pero kung babayaran ko siya ng buo, malaki na naman ang malalagas sa pera ko. Malakas na tumunog ang tiyan ko. Alas diyes ng gabi na pero hindi pa ako kumakain. Nawalan ako ng gana. Napatingin ako sa kare-kare na nasa food container. Parang gusto ko tuloy isisi dito ang kamalasan ko ngayong gabi. Naningkit ang mata ko
Inis na nilapag ko sa harapan ni Morgan ang pancake na niluto ko. Ang sabi nila, wag hayaan na masira ang umaga para maging maganda anh buong araw mo—pero mukhang hindi na gaganda ang umaga ko dahil sirang-sira na ito ng lalaking ‘to. Wala itong modo, nakakainis! Mabuti nalang at may chocolate syrup at fresh milk ako na binili. Pero ang lintik, powdered milk pa ang gusto! Mabuti nalang at may tira pa akong bear brand swakto pa ako na tira galing sa dorm ko. Naku, subukan lang nito na magreklamo, papaliguan ko talaga siya ng mainit na tubig sa ulo. Pinaningkitan ko ito ng mata habang kumakain. Sarap na sarap ang hudyo. Ang alam ko sa mga lalaki ay matapang na kape ang gusto sa umaga, pero ang lalaking ito ay gatas. Kaya siguro lumaki ito na parang kapre dahil rito. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. Naubos nito ang lahat ng niluto kong pancake, parang nakulangan pa nga. Pagkaubos ko sa almusal ko ay nahuli ko itong nakatingin sa akin. Mukhang hindi din makapaniwala
“Naaawa nga ako sa mag lola, pare. Nadamay sila sa pinapagawa sa atin ni Sir. Ayoko sanang madamay sila pero ayoko naman na ako ang mapag initan ng amo natin. Kilala naman natin si Sir, nakakatakot siyang magalit. Kung nakinig sana ang matandang ‘yon sa akin na magbulag-bulagan sa nalaman niya at magpanggap nalang na asawa ko ay hindi sana sila kasama sa pinasabog ni Sir.” Natuptop ko ang bibig ko ng marinig ang usapan ng inakala kong asawa ng matanda at isang lalaki na umamoy katiwala nitong bahay na tinutuluyan namin. Naalala ko noong nakausap ko ang matandang babae. Halatang nagulat ito ng malaman na may asawa ako… nag offer pa nga ito na kunin ang number ni Morgan. Pupunta daw ito sa kabilang isla para tawagan ang asawa ko at ipaalam na naro’n ako. Pero biglang dumating si Navy. Siguro nalaman nito ang plano ng matanda at nagpasya na ipapatay ito. Nang makapasok ako sa kwartong tinutuluyan ko ay mabilis na nilock ko ang pinto. Hindi ko namalayan na basang-basa na p
“Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?” Tanong ni Navy sa akin ng mapansin nito na walang bawas ang pagkain sa plato ko. ‘Sino ang gaganahan na kasama ang tulad mo?’ Muntik ko ng maisatinig ‘yon pero napigilan ko ang sarili ko. ‘Kailangan mong kumalma, Saddie! Hindi siya dapat makahalata!’ Umayos ako ng upo at pilit na ngumiti rito kahit na sukang-suka ako makita ang mapangpanggap na arte nito. “Masarap naman siya, Navy. Pero alam mo naman ang mga buntis, minsan mapili sila sa pagkain.” “Gano’n ba? Ano ba ang gusto mong kainin? Tell me, hahanap ako para sayo.” Tumingin ako sa kamay nito na humawak bigla sa kamay ko. Pasimple kong hinila ang kamay ko ng hindi nahahalata nito. Napalunok ako ng laway ng makita ko ang pagkabura ng ngiti nito. Kaya naman agad akong uminom kunwari ng juice. “Kailan nga pala tayo babalik sa siyudad, Navy? Ang tagal natin kasi natin na nagpapalipat-lipat ng islang pinupuntahan. N-namimiss ko ng umuwi, pwede ba na umuwi na tayo mamaya o bukas?”
Natigilan ako ng mapansin na nakalakad ito ng tuwid. “Pero kahapon lang ay hindi ito nakakalakad? Gumaling na kaya ito? Kung ganon bakit parang ayaw pa nitong umalis kami? Hindi kasi nito nabanggit na gustong makabalik. Palagi nalang ako ang nagpupumilit na makabalik. “Talaga? Aalis na tayo?!” Tuwang sambit ko ng sabihin nila lola sa akin kasama si Navy na aalis na kami. Bigla nalang kasi dumating si Navy at sinabi na babalik na kami. “Diba ito ang gusto mo? Pasensya ka na nga pala dahil nasigawan kita ha. Ikaw kasi ang kulit mo. Alam mo naman na bugbog pa ang katawan ko.” Nakonsensya ako bigla. Oo nga, sarili ko lang ang inisip ko. Hindi ko naisip ang kalagayan nito. “Hindi na gano’n kasakit ang katawan ko, nakakalakad na rin ako ng maayos kaya babalik na tayo. Alam ko rin kasi na nag aalala na ang mama at asawa mo. Kung magtatagal pa tayo dito ay baka isipin nilang patay ka na. Kaya tara na, magbihis ka na.” Hindi mapalis ang ngiti ko habang nagbibihis ako. Pagkatapos magb
Gusto ko man tumayo ay hindi ko magawa, medyo nanghihina pa kasi ang katawan ko. Pero mabuti nalang at mukhang hindi malubha ang lagay ko. Wala kasi ako sa hospital, ibig sabihin ay hindi grabe ang lagay ko. Ang inaalala ko ngayon ay si Navy. Malubha ang lagay nito pero mukhang hindi ito nadala sa hospital. Tumingin ako sa suot ko. Nakasuot na ako ngayon ng plain na puting bestida. Nabihisan na pala. Sigurado ako na si lola ang nagbihis sa akin. Tumingin ako sa labas ng bintana, gabi na pala. Ibig sabihin ay matagal akong nakatulog. Nag init ang sulok ng mata ko ng maalala ang asawa ko. Siguro padating na siya para kunin ako dito. Sigurado ako na alalang alala na ito sa amin ng anak namin. Akala ko ang matanda ang maghahatid ng pagkain sa akin pero ang apo lang nito ang dumating. May dala itong tray na may lamang pagkain. Pagkatapos kumain ay umasa ako na may darating na magandang balita, pero inabot nalang ng hating gabi ay walang nagbalita sa akin na sinusundo na ako ni Morg
(Saddie pov) Akala ko sa yate kami sasakay pero sa speed boat pala kami sasakay. May ilaw naman mula rito pero hindi ko maiwasang kabahan dahil hindi sapat ‘yon para makita namin ng maayos ang dinadaanan namin, lalo na at bumuhos pa ang malakas na ulan. ‘Diyos ko!’ Kulang kailan naman tumatakas kami ay saka pa umulan! Niyakap ko ang tiyan ko. Di bale. Konteng tiis nalang ay makakaalis na kami. Ang mahalaga ay natakasan na namin yung mga lalaking dumukot sa amin. Bigla akong kinabahan ng biglang huminto ang speed boat na sinasakyan namin. Hindi sana totoo ang hinala ko. “Ngayon pa talaga nasira!” Nanlumo ako. Bakit ngayon pa kung kailan nasa dagat kami at tumatakas? Hindi nga kami napahamak sa kamay ng mga dumukot sa amin pero mukhang dito naman kami sa gitna ng karagatan mapapahamak. Niyakap ko ang tiyan ko. Nag aalala ako sa dinadala ko. Siguro ay nilalamig na rin ang baby ko ngayon. Kanina pa kasi kami basa ng ulan at nanginginig sa lamig ng ulan at simoy ng hangin. K
Napatili ako sa gulat ng may humawak sa paa ko. “Shhh!” “N-navy!” Akala ko ay bumalik na ang mga lalaki kanina. “K-kailangan nating makatakas dito, Saddie. S-sigurado ako na mapapahamak kayo ng anak mo kung magtatagal pa tayp dito!” Alam ko ‘yon! Kaya nga takot na takot ako. “P-pero paano?” Hilam ng luha natin tanong ko rito. Nagulat ako ng pilitin nitong tumayo. Halatang hirap na hirap ito at nasasaktan, tumutulo pa ang dugo sa mga sariwang sugat nito. “N-navy…” sa bawat galaw nito ay napapangiwi ito sa sakit. “T-tutulungan kita, Saddie—agghh!” Nalugmok ito sa sahig. Mabuti nalang at hindi malakas ang kalabog ng bagsak nito, kundi ay baka nakakuha ito ng pansin. Alam kong nanghihina ito pero hindi ko makuhang sabihin na ‘wag ka ng gumalaw’ Ayokong magpaka-anghel. Alam naman namin pareho na mas grabe pa ang aabutin namin kapag nagtagal kami rito. Kaya mas mabuti pa na gawin nalang namin ang magagawa namin para makatakas habang maaga pa. Inabot ng siyam-siyam si Nav
(Saddie pov) Mga nasa pitong oras palang ako sa lugar na pinagdalhan sa akin pero pakiramdam ko ay napakatagal ko na rito. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na ‘kalma, Saddie’ pero hindi ko magawa dahil kinakain ako ng takot. “T-tama na! W-wala kayong makukuha sa akin! T-tama na ahhh!” Gusto kong takpan ang tenga ko pero hindi ko magawa. Wala akong magawa kundi ang umiyak at maawa nalang kay Navy na binubogbog sa labas. Kinuha kasi ito kanina ng mga lalaki para makipag negotiate. Gusto kasi ng mga ito na makakuha ng pera kay Navy. At ngayong walang makuha ang mga ito ay walang awa nila itong sinasaktan. Rinig na rinig ko ang boses nito na nagmamakaawa, halatang sobra itong naghihirap, pero wala akong magawa kundi ang impit na lumuha. “W-wala ng pera ang mga magulang ko… bankrup na sila! G-ginastos ko na ang lahat kaya wala na kayong makukuha pa! K-kaya patayin niyo nalang ako!” ‘Patayin?’ Parang gusto kong mawalan ng pag asa. Gusto na agad mamatay ni Navy dahil sa paghihirap.
Malakas na binagsak ni Morgan ang kamao sa bumper ng sasakyan ng malaman ang nangyari. “Fvck! Fvck! Fvck!” Halos maglabasan ang ugat niya sa leeg sa sobrang galit ng malaman ang nangyari sa asawa. Kanina pa siya pinapakalma ng kapatid pero bigo ito. “Paano ko magagawang kumalma ngayong nasa panganib ang mag ina ko?! Fvck!!!” Hindi lamang ‘yon, nasa panganib din ang buhay ng ina nito na malubha ang tama sa ulo. Wala pang isang araw ng magpasimula siya ng imbestigasyon ngunit nalagay na sa panganib ang buhay ng asawa niya. Nalaman ba nito ang plano niya na pag alam kung sino ito? Umiling si Morgan. That’s impossible! Sigurado na hindi iyon makakalabas sa kanilang pamilya. Tiyak na kagagawan ito ng taong nagtatangka sa buhay niya. Pagdating sa presinto ay umiling si Laxus ng makita ang galit na galit na anak. “Wala kayong malaman? Are fvcking kidding me? Anong silbi niyo kung wala kayong makuhang lead kahit isa kung nasaan ang asawa ko?!” Nang makita ng mga pulis si Lax
Tumawa ito ng makita ang walang patid na pagtulo ng luha ko. “Ano? Natatakot ka na ba ngayong gaga ka! Dapat lang! Pagkatapos ng ginawa mo ay sisiguraduhin ko na magkikita kayo ng anak ko sa impiyerno! Dante, dalian mo ang pagmamaneho! Gusto ko ng makaganti sa babaeng ‘to!” “Sige, manoy—“ masakit sa tenga na lumangitngit ang gulong na sinasakyan namin. “Anong problema?! Bakit ka huminto?!” “M-may sasakyang humarang sa daan, kuya!” Sumbong ng nagmamaneho ng sinasakyan nila. “Humarang?! Ano pa ang hinihintay mo, sagasaan mo!” “Pero, kuya—“ “Inutil! Sundin mo nalang ang utos ko!” Walang nagawa ang lalaki kundi ang sundin ang kapatid. Pero biglang sumabog ang sasakyan nito ng may bumaril sa gulong ng sasakyan “Anak ng…” halos umusok ang ilong ng lalaki sa galit. May dinukot ito sa tagiliran. Nanlaki ang mata ko ng makitang baril ito. ‘No!’ Gusto ko itong saktan pero binalaan ako nito sa pamamagitan ng tingin na babarilin kung kikilos ako ng masama. Pagkatapos mag uto