LIKE 👍
Napamura ako sa sobrang inis. “Ma-flat sana ang gulong mong bwisit ka!” Inis na sigaw ko. Walang modo! Katatapos lang ng ulan pero hindi ito marunong magdahan-dahan sa pagpapatakbo. Buti sana kung perpekto ang mga kalsada dito sa Pinas. Bulag ba siya para hindi mapansin ang mga butas sa daan? Mangiyak-ngiyak na pinahid ko ang mukha ko na may putik. Pati ang maleta ko ay puro putik na. Ahhh! Ang malas naman ng araw na ‘to! NAPAHAWAK ako sa tiyan ko pagkatapos kumain. Mabuti nalang at nakahanap ako ng affordable restaurant dito sa malapit. Sa sobrang dami kong iniisip ay hindi na ako nakapag umagahan kanina. Nanginginig tuloy ako sa gutom. Kinuha ko ang cellphone ko ng magring ito. Si Navy! “Uhmm hello, Nav—“ “Nasaan ka? Kanina pa ako naghihintay sa’yo sa labas ng Dorm pero sarado. Don’t tell me gumala ka ng hindi nagpapaalam sa akin?” “H-ha? Bakit hindi mo naman sinabi na darating ka?” Eh di sana hindi kao umalis! Paano kung malaman niya na nagsara na ang Studio? Nata
(Saddie pov) Tagaktak ang pawis ko pagkatapos linisin ang buong bahay. Halos isang buong araw din niyang nilinis ang buong baba, hindi pa kasama ro’n ang taas. Aabutin yata ako ng tatlong araw kasama ang mga banyo at kwarto sa taas. Dahil nauuhaw ay lumabas muna ako ng bahay para bumili ng tubig sa labas. Naubos na kasi ang mineral water na binili ko kanina. Napatingin ako sa bakery na nasa tapat ng bahay namin. Hanggang ngayon ay pala ay narito parin ‘to. “Miss, taga di’yan ka?” Napahawak ako sa dibdib ng biglang may matandang sumulpot sa harapan ko. Titig na titig ito sa mukha ko kaya medyo nailang ako. Teka. Pamilyar siya sa akin. Kung hindi ako nagkakamali, siya si Aling Marites—ang isa sa tsismosa dito sa barangay namin, ang isa sa nagpakalat ng tsismis na maghihiwalay na ang magulang ko. Hindi ko makakalimutan ang mukha niya dahil siya lang naman ang bukod tanging may mahabang nguso dito sa lugar namin. “Kaano-ano mo sila Marilou? Kamusta na sila? Hiwalay na ba tal
“H-hindi naman siguro niya ako mamumukhaan di’ba?” Naalala ko kung paano ko siya noon binato ng itlog at pinakyuhan. Paano kung mamukhaan niya ako? T-tapos gumanti siya? Mukha pa naman itong nakakatakot. Pero bata pa ako no’n at walang muwang. “Miss!” Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng tawagin ako ng babaeng kausap nito. N-namukhaan nila ako? Naku wag naman sana. “Ang mga supot na dala mo! Tinangay ng aso!” Saka lang ako natauhan ng makita ang supot ng pinamili ko na tangay ng asong gala. “Bwisit kang aso ka! Ibalik mo ‘yan ‘ulam ko ‘yan!” Nakipaghabulan ako sa aso. Pero dahilan ko lang ‘yon para makalayo ako sa kanila. Hinihingal na huminto ako sa pagtakbo a nilingon sila. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi ko na sila natanaw sa labas ng bahay namin. Wala naman akong dapat ikatakot, bata pa naman ako noon at saka matagal na ‘yon. Pero narinig ko kasi ang sinabi ng babae kanina. Mukhang hindi maka-move ang lalaking ‘yon. Grabe naman magtanim ng galit ang isang ‘yo
(Saddie pov) Pagkatapos kong mamili ay naglibot muna ako. Mamayang pa naman nila idedeliver ang mga appliances na binili ko sa bahay. Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko ang grupo nila Aling Marites. Naku naman! Bakit nandito sila? Patakbo na sana ako ng makita ako ng mga 'to. "Sabi na nga ba at ikaw yan!" Napangiwi ako ng tig-isang hawakan ng dalawang matanda ang braso ko. Mukhang wala na akong takas sa kanila ngayon. Tuwang-tuwa ang matatanda dahil para daw akong artista na pinagtitinginan ng mga tao sa paligid. "Wala ka bang balak mag artista? Aba kay ganda-ganda mong bata, Miss!" "Wala po. Tawagin niyo nalang pong Saddie." Miss kasi sila ng Miss sa akin. "Mukhang may lakad po kayo ngayon. Mauuna na po ako sa inyo— "Naku wala naman. Manonood lang kami ng sine. Tara, sumama ka sa amin. Wag kang mag alala dahil libre ka namin," "Wag na ho, nakakahiya naman. Saka may bibilhin pa ho kasi ako—" Wala siyang nagawa ng hilahin siya ng mga 'to. Hindi ako makapagfocu
‘Sa kaba lang siguro ‘to.’ Tama, sa kaba lang ‘to sigurado ako. Bakit kasi panay ang tingin nito sa akin? Sabihin na natin na may kasalanan ako. Tama ba na manakot siya sa pamamagitan ng tingin? O baka hindi nito alam ang epekto ng titig nito? Tumingin ako sa kamay nito na nakapatong sa hita. Ang laki at maugat. Magaling nga kaya ito humawak ng bola? Ayon sa mga narinig ko ay palagi daw itong MVP. So, magaling nga siya? Tumingin ako sa kamay ko. Napakaputi ko tapos ang liit pa. Mukhang isang suntok lang ako dito pagnagkataon. ‘Lord, wag naman sanang magtanim ng galit ang lalaking ‘to. Hindi makatarungan na magtanim siya ng galit sa bata. Di’ba po?’ Piping dasal ko. Sobra ang pasasalamat ko ng huminto na ang L3 sa harap ng bakery nila. Kulang nalang ay takbuhin ko ang daan palabas makalayo lang sa presensya ni Morgan. Nag unahan sa pagbaba sila Aling Marites habang naghahalakhakan, naghampasan pa ang mga ‘to. Pakiramdam ko ay umabot ng siyam-siyam bago sila makababa.
Kanina pa ako palakas-lakad habang iniisip ang sinabi ni Morgan bago umalis. Bayaran ko daw ang tsinelas nito na sinira ko. Tiningnan ko ang cellphone ko. Kanina ko pa pinag iisipan kung tatawagan ko ba ang nobyo ko para humingi ng payo. Wala naman talaga akong nasira. Hindi ko alam kung paano ito nasira, eh no'ng tingnan ko ang tsinelas nito ay ayos pa 'yon. Nagpakawala ako ng buntong-hininga. Hindi ko alam kung itutuloy ko bang tawagan si Navy o hindi. Kapag tinawagan ko kasi ito ay malalaman nito na wala na ako sa dorm. Paano ko ipapaliwag sa kanya na wala na akong trabaho? Sigurado na pagmumulan ng away namin 'to. Malaki-laki pa naman ang pera ko sa banko. Pero kung babayaran ko siya ng buo, malaki na naman ang malalagas sa pera ko. Malakas na tumunog ang tiyan ko. Alas diyes ng gabi na pero hindi pa ako kumakain. Nawalan ako ng gana. Napatingin ako sa kare-kare na nasa food container. Parang gusto ko tuloy isisi dito ang kamalasan ko ngayong gabi. Naningkit ang mata ko
Inis na nilapag ko sa harapan ni Morgan ang pancake na niluto ko. Ang sabi nila, wag hayaan na masira ang umaga para maging maganda anh buong araw mo—pero mukhang hindi na gaganda ang umaga ko dahil sirang-sira na ito ng lalaking ‘to. Wala itong modo, nakakainis! Mabuti nalang at may chocolate syrup at fresh milk ako na binili. Pero ang lintik, powdered milk pa ang gusto! Mabuti nalang at may tira pa akong bear brand swakto pa ako na tira galing sa dorm ko. Naku, subukan lang nito na magreklamo, papaliguan ko talaga siya ng mainit na tubig sa ulo. Pinaningkitan ko ito ng mata habang kumakain. Sarap na sarap ang hudyo. Ang alam ko sa mga lalaki ay matapang na kape ang gusto sa umaga, pero ang lalaking ito ay gatas. Kaya siguro lumaki ito na parang kapre dahil rito. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. Naubos nito ang lahat ng niluto kong pancake, parang nakulangan pa nga. Pagkaubos ko sa almusal ko ay nahuli ko itong nakatingin sa akin. Mukhang hindi din makapaniwala
(Saddie pov) Umakyat ang dugo sa ulo ko sa magkahalong hiya, kaba at takot. Natatandaan kong sinara ko ang pinto sa maindoor at dito sa Mini Studio ko. Kaya paano ito nakapasok? “A-anong ginagawa mo dito?!” Naka-seamless wireless push up bra at cycling shorts lang ako kaya kitang-kita ang kurba ng katawan ko. Pasimple kong tinakip ang ang dalawang braso sa dibdib ko. Ang idea na panoorin ako ng isang lalaki habang sumasayaw ng seductive music ng mag isa na may ganito katiim na tingin ay nagdudulot ng matinding pagkailang sa akin. Sanay ako na ganito ang suot ko dahil sa uri ng trabaho ko pero kapag siya ang nasa harapan ko, iyon ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko kasi ay tumatagos ang kanyang paningin sa buong pagkatao ko. “With due respect, Sir, hindi ka pwedeng basta nalang pumasok sa bahay ng hindi nagpapaalam!” Umalis ito ng pagkakasandal sa pinto at tumuwid ng tayo. Sa magkahalong kaba at takot ko ay napaatras ako. Hindi ko naman siya lubusang kilala para magtiwala ako…
Napatili ako sa gulat ng may humawak sa paa ko. “Shhh!” “N-navy!” Akala ko ay bumalik na ang mga lalaki kanina. “K-kailangan nating makatakas dito, Saddie. S-sigurado ako na mapapahamak kayo ng anak mo kung magtatagal pa tayp dito!” Alam ko ‘yon! Kaya nga takot na takot ako. “P-pero paano?” Hilam ng luha natin tanong ko rito. Nagulat ako ng pilitin nitong tumayo. Halatang hirap na hirap ito at nasasaktan, tumutulo pa ang dugo sa mga sariwang sugat nito. “N-navy…” sa bawat galaw nito ay napapangiwi ito sa sakit. “T-tutulungan kita, Saddie—agghh!” Nalugmok ito sa sahig. Mabuti nalang at hindi malakas ang kalabog ng bagsak nito, kundi ay baka nakakuha ito ng pansin. Alam kong nanghihina ito pero hindi ko makuhang sabihin na ‘wag ka ng gumalaw’ Ayokong magpaka-anghel. Alam naman namin pareho na mas grabe pa ang aabutin namin kapag nagtagal kami rito. Kaya mas mabuti pa na gawin nalang namin ang magagawa namin para makatakas habang maaga pa. Inabot ng siyam-siyam si Na
(Saddie pov) Mga nasa pitong oras palang ako sa lugar na pinagdalhan sa akin pero pakiramdam ko ay napakatagal ko na rito. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na ‘kalma, Saddie’ pero hindi ko magawa dahil kinakain ako ng takot. “T-tama na! W-wala kayong makukuha sa akin! T-tama na ahhh!” Gusto kong takpan ang tenga ko pero hindi ko magawa. Wala akong magawa kundi ang umiyak at maawa nalang kay Navy na binubogbog sa labas. Kinuha kasi ito kanina ng mga lalaki para makipag negotiate. Gusto kasi ng mga ito na makakuha ng pera kay Navy. At ngayong walang makuha ang mga ito ay walang awa nila itong sinasaktan. Rinig na rinig ko ang boses nito na nagmamakaawa, halatang sobra itong naghihirap, pero wala akong magawa kundi ang impit na lumuha. “W-wala ng pera ang mga magulang ko… bankrup na sila! G-ginastos ko na ang lahat kaya wala na kayong makukuha pa! K-kaya patayin niyo nalang ako!” ‘Patayin?’ Parang gusto kong mawalan ng pag asa. Gusto na agad mamatay ni Navy dahil sa paghihirap.
Malakas na binagsak ni Morgan ang kamao sa bumper ng sasakyan ng malaman ang nangyari. “Fvck! Fvck! Fvck!” Halos maglabasan ang ugat niya sa leeg sa sobrang galit ng malaman ang nangyari sa asawa. Kanina pa siya pinapakalma ng kapatid pero bigo ito. “Paano ko magagawang kumalma ngayong nasa panganib ang mag ina ko?! Fvck!!!” Hindi lamang ‘yon, nasa panganib din ang buhay ng ina nito na malubha ang tama sa ulo. Wala pang isang araw ng magpasimula siya ng imbestigasyon ngunit nalagay na sa panganib ang buhay ng asawa niya. Nalaman ba nito ang plano niya na pag alam kung sino ito? Umiling si Morgan. That’s impossible! Sigurado na hindi iyon makakalabas sa kanilang pamilya. Tiyak na kagagawan ito ng taong nagtatangka sa buhay niya. Pagdating sa presinto ay umiling si Laxus ng makita ang galit na galit na anak. “Wala kayong malaman? Are fvcking kidding me? Anong silbi niyo kung wala kayong makuhang lead kahit isa kung nasaan ang asawa ko?!” Nang makita ng mga pulis si Laxus at a
Tumawa ito ng makita ang walang patid na pagtulo ng luha ko. “Ano? Natatakot ka na ba ngayong gaga ka! Dapat lang! Pagkatapos ng ginawa mo ay sisiguraduhin ko na magkikita kayo ng anak ko sa impiyerno! Dante, dalian mo ang pagmamaneho! Gusto ko ng makaganti sa babaeng ‘to!” “Sige, manoy—“ masakit sa tenga na lumangitngit ang gulong na sinasakyan namin. “Anong problema?! Bakit ka huminto?!” “M-may sasakyang humarang sa daan, kuya!” Sumbong ng nagmamaneho ng sinasakyan nila. “Humarang?! Ano pa ang hinihintay mo, sagasaan mo!” “Pero, kuya—“ “Inutil! Sundin mo nalang ang utos ko!” Walang nagawa ang lalaki kundi ang sundin ang kapatid. Pero biglang sumabog ang sasakyan nito ng may bumaril sa gulong ng sasakyan “Anak ng…” halos umusok ang ilong ng lalaki sa galit. May dinukot ito sa tagiliran. Nanlaki ang mata ko ng makitang baril ito. ‘No!’ Gusto ko itong saktan pero binalaan ako nito sa pamamagitan ng tingin na babarilin kung kikilos ako ng masama. Pagkatapos mag
Hindi pa nag iinit ang pwet namin ni mama sa pagkukwentuhan ng makarinig kami ng katok. Mukhang dumating na ang asawa ko. Mga alas otso pa kasi ng gabi uuwi si tito kaya sigurado ako na asawa ko ang kumakatok. Pero pagbukas namin ni mama ay isang lalaking delivery man ang kumakatok. Nakasuot ito ng over all black uniform at sumbrero. “Ma’am, delivery po!” Kumunot ang noo ni mama. “Delivery? Sigurado ka ba na dito ‘yan? Wala kasing binilin ang asawa ko.” Takang tanong ni mama. “Ah oho. Kung gusto niyo ho ma’am ay pwede niyong icheck.” Inabot nito kay mama ang kahon na dala. Pagkakuha ni mama sa kahon ay kumunot ang noo nito dahil hindi naman ito nakapangalan sa kanya. Blanko ang waybill doon at walang nakasulat. “Mukhang mali kayo ng pinagdeliveran.” “Gano’n ho ba? Mukhang hindi naman mali ang pinunta ko dito, ma’am.” Tumingin ang lalaki sa akin. Nakita ko ang pagngisi nito sa akin ng makahulugan. Bigla akong kinabahan na hindi ko maipaliwanag. Pamilyar ito—parang nakita ko
(Saddie pov) Nagulat ako ng makita si mommy Kiray. Ako kasi ang nagbukas ng pinto ng may kumatok. “Anak, sino ‘yan?” Nang makita ni mama ang biyenan ko ay nagulat din ito. “Oh balae, ikaw pala. Hindi mo man lang nasabi na dadaan ka, hindi tuloy ako nakapagluto ng meryenda.” Ani nito. “Wag kang mag alala, may dala naman akong makakain natin.” Sabi ni mommy sabay kindat sa amin. Saka ko lamang napansin ang kahon na dala nito at— Teka sino ang babaeng kasama nito? Isip-isip ko ng makita ang napakagandang babae na kasama nito. “Hi, Saddie. Ako nga pala si Aimee.” Anitp sabay lahad ng palad sa akin. Napakaganda nito. Katulad ko ay napakaputi rin nito at halatang anak ng mayaman. Hindi ko tuloy alam kung tataggapin ko ang kamay nito na parang mamahalin sa kinis at ganda. Mukha itong koreana. Sandali… Tinitigan ko ito. Bakit parang pamilyar sa akin ang mukha nito? Hindi ko nga lang alam kung saan ko siya nakita. Nang hindi ko tanggapin ang kamay nito ay ito na mismo ang kumamay
(Morgan pov) “Don’t leave here until I came. Maliwanag ba?” Natatawang tumango si Saddie. “Okay po, boss. Sabi mo eh. Teka, Mumu. Magtatagal ka ba?” Nandito kami ngayon sa mama nito. Gusto kasi nitong kamustahin ang ina. Pero alam ko naman na dahilan lang ‘yon ni Saddie para makita at mabawasan ang lungkot nito sa ginawa ng ama nito. I pinched her cheeks and kiss her lips. “No, sandali lang ako. May kailangan lang akong asikasuhin sandali.” Hindi nakaligtas sa mata ko ang bahagyang pagnguso nito kaya lihim akong bumuntong hininga. Alam ko naman na labag talaga sa loob nito ang paglabas ko ng bahay. Gusto ko man pero marami pa akong bagay na dapat gawin. Pagkatapos pormal na magpaalam sa ina nito ay lumabas na ako ng bahay. Sumenyas ako sa nga bodyguards na inutusan ko na bantayan ang asawa ko. Yes. I hired them to look after my wife. Hindi pa eksaktong napapatunayan na ‘hindi aksidente ang lahat’ kaya naman nagiging maingat lang ako. Lalo na nang sabihin sa akin ni Kirk na mala
(Saddie pov) Tumingin ako kay Morgan na abala sa pagtatrabaho. Simula ng maghomebase muna siya ay hindi na ako umaalis sa tabi niya. Natatakot kasi ako na baka malingat lang ako ay wala na siya. Simula kasi ng muntikan na kaming maaksidente ay hindi na ako mapanatag. Kahit anong pilit nito sabihin sa akin na aksidente iyon at hindi na mauulit ay hindi pa din ako pumapayag na pumasok ito. “Do you want something, my love? Tell me.” Kinandong ako nito ng makita ako. “Uhmm… wala.” Kumunot ang noo nito. “Tatlong araw ka ng hindi nagpapabili sa akin. Sigurado ka?” Natigilan ito sandali. “Kung dahil ‘to sa nangyari ay wag ka ng mag alala. Hindi na mauulit ‘yon.” Umiling ako at ngumiti. Wala naman talaga akong gustong kainin. Kung mayro’n man ay hindi ko din sasabihin. Baka kasi mamaya ay mapahamak ito sa labas. “Wala nga, Mumu. Sasabihin ko naman sayo kung meron eh.” Tiningnan ako nito na parang binabasa kung nagsasabi ako ng totoo, pero tumunog ang cellphone nito kaya sinagot nit
“Salde, halika ka, anong oras na.” Madilim na ang langit kaya tinawag na ni Letty ang asawang si Salde, na ngayon ay nakatanaw sa lumang bahay nilang mag asawa. Bumuntonghininga ang ginang. “Wala na tayong magagawa pa, Salde. Kasalanan natin ‘to. Kung hindi tayo naging ganid ay hindi masisira ang pamilya natin. Hindi rin sana magagalit sayo ang mga anak mo.” Nang muntik ng makunan si Saddie at nalaman ni Stephanie ang ginawa nilang mag asawa ay nasuklam ito. Lalo na nang malaman nito na noon ay naging kabet siya ni Salde at dahilan ng pagkasira ng pamilya nito. All this time, buong akala ng kanilang anak ay anak lamang sa pagkabinata ni Salde si Saddie. Nagsingaling si Letty at hindi naman siya itinama ni Salde. Kaya lumaki ang kanilang panganay na hindi alam ang totoo. Nakadama ng kalungkutan si Letty ng maalala ang anak, maging si Salde ay puno ng pagsisisi na naluha. “Wag mo akuin ng mag isa ang kasalanan, Letty. Bilang ama ay napakalaki ang pagkakamaling nagawa ko. Hindi lan