(ZAYNAH POV)
Ipinarada ang kotse ng medyo may kalayuan sa eskwelahang pinapasukan ko. School of Elite na nakabase sa Tagaytay. Bumaba na ako at nagpaalam sa driver saka ko nilakad ang distansya patungo sa paaralan. Pagkapasok ko ng gate ay agad na tumambad sa akin ang mga estudyante na tila hinihintay ang pagdating ko.
"Everyone the nerd is here." anunsyo ng isa sa mga matinik na bully sa eskwelahang ito.
Jessica Miller, ang anak sa isa sa mga board members. Palibhasa ay malakas ang kapit kaya malakas ang loob na magreyna-reynahan dito. Napabuntong-hininga ako at bahagyang inayos ang salamin ko. Umagang-umaga naghahanap sila ng gulo. Hindi ba sila napapagod sa kakapeste sa akin? Halos araw-araw kung pagdiskitahan nila ako at wala iyong tigil. Sinasayang lang nila ang oras nila sa akin na obviously ay wala akong pakialam na sa palagay ko ay iyon ang kinaiinisan nila.
"Gosh! Gross! I really hate looking at your ugly face." Inis na sabi ni Jessica sa akin.
Walang may nagsabi sayo na titigan mo ang mukha ko. Isa pa ang mukha ko na palagi nilang pinapansin. Ni hindi ko nga nilalaanan ng oras ang mukha ko pero sila ay halos minu-minutong pinupuna nila. Akmang lalagpasan ko na sila nang bigla nalang nitong hablutin ang buhok ko. And again, hindi na iyon bago sa akin. Mas lalo akong napabuntong-hininga dahil alam ko na ang susunod na linya. Sa paulit-ulit ba naman, ewan ko nalang kung hindi ko pa makabisado
"I'm not done, you ugly creature! So don't you dare turn your back on me. Huwag kang bastos!" Galit na turan nito sa akin. Napaupo ako ng bigla nila akong tinulak. Akmang tatayo na ako may sinabi siyang hindi ko nagustuhan.
"I wonder if your mother is ugly too? " Panunuya niya habang nakangisi.
That's it. Ginising nila ang hindi dapat magising. Kinuyom ko ang kamao ko habang unti-unti akong kinakain ng dilim. Hanggang sa naramdaman ko na parang may gustong kumawala sa akin.
"Common sense. Yes, it is. Her mother is ug- "
Hindi na niya natapos ang sasabihin nang bigla nalang akong may ginawa na hindi ko akalaing magagawa ko at nang hindi ko nalalaman. Basta ang alam ko lang ay kusang gumagalaw ang mga katawan ko na parang may sarili itong buhay at nagkaroon ako ng ibang pagkatao. Lahat nahihintakutang napatingin kay Jessica ng bigla nalang itong bumagsak at duguan.
"You know nothing " malamig na saad ko habang nakatingin sa babaeng nakahandusay sa semento. Nakarinig ako ng mga sigawan at mga yabag na tila patakbong lumalayo. Ngunit hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin at dahan-dahan akong napatingin sa isang taong hindi makagalaw at umiiyak lang na nakatingin sa babaeng nasa tapat ko. Sa kabila ng mga sigawan ay rinig na rinig ko pa rin ang iyak niya na ikinatuwa ko.
Napaatras ito nang humakbang ako palapit sa kanya. Itinagilid ko ang ulo at sinuri ko siya saka ako napangisi at tinitigan siya sa mata na sinalubong niya, at iyon ang malaking pagkakamali niya.
"DIE"
DALAWANG araw na ang nakalipas simula ng pumutok ang balita tungkol sa dalawang estudyante na parehong nasa ospital ngayon at malubha ang kalagayan sa hindi mawaring dahilan. Wala bang nakakita sa nangyari? Nagtataka din ako kung bakit tila may nakalimutan ako. Hindi ko matandaan kung ano ang sunod na nangyari pagkatapos nila akong tinulak tapos mababalitaan ko nalang na nasa ospital na sila. Nang nagtanong naman ang mga pulis ay walang may nakakalaalam kung ano talaga ang totoong nangyari sa dalawa.
Pero isa lang ang sigurado ako. Hindi ito ang unang beses na nangyari ito. Maraming beses na. Sa dami, ay ilang beses na din akong lumipat ng eskwelahan.
"Zaynah Alisha Shin." Pagtawag niya sa buo kong pangalan. Napaismid ako. Alam ko na ang susunod na linya niya. I rolled my eyes in frustration. Napatingin ako sa kanya.
Ynna Shin, ang Auntie ko na kahit simula pagkabata ay kasama ko na, ramdam kong may tinatago siya na hindi ko maintindihan. Ramdam ko din na tila may alam siya sa mga nangyayari. Hindi ako naniniwala sa dahilan niyang inililipat niya ako para sa kaligtasan ko, alam kong may malalim siyang dahilan pero hindi niya iyon sinasabi sa akin.
"Itra-transfer ulit kita" parang wala lang na sabi niya habang tutok pa rin sa pagmamaneho.
" Okay" I replied emotionless.
Napatingin ako sa labas at napakunot ang noo ko nang hindi ko mapamilyaran ang tinatahak naming daan.
"Are we there?" I asked for the nth time. Nasaan bang lupalop ang eskwelahan na iyan at ilang oras na kaming nasa biyahe ay hindi pa rin kami nakakarating? Inis akong napatingin sa wristwatch ko at halos mapamura ako nang makitang mag-aalas singko na. Umalis kami ng alas-kuwatro palang ng madaling araw at ngayon papalubog nalang ang araw ay wala pa rin.
"Almost there" maikling tugon niya.
"How long is that almost there? Ten hours of travelling but still, we're not there yet. Are you sure this is the right way? Damn it. " Reklamo ko sa kanya.
"F*ck don't use that tone of yours to me. It's killing me!" reklamo niya din sa akin. Mas lalo akong nakaramdam ng inis.
Inis akong tumingin nalang sa labas na wala man lang kabuhay buhay. Isa pa ito. Mas lalong pinapainit ang ulo ko. Tss. Sa tingin ko gubat ito. Hindi ko lang talaga matukoy dahil ang ilan kalbo na. Wala man lang kadahon- dahon maski isa . At yung iba naaagnas na. Mayroon din na parang nasunog, na sa tingin ko dahil sa sobrang init ng araw. Believe it or not naka-aircon na't lahat lahat pero pinagpapawisan pa rin ako. Isa iyon sa napansin ko no'ng marating namin ang lugar na ito. Kung ganoon lang din naman hindi ko na babalakin pang lumabas at baka maging abo ako. Kapansin- pansin din iyong naglalakihang mga bato. Maayos siyang tingnan pero isang galaw mo lang , guguho panigurado. Naipikit ko sa inis ang mga mata ko. Walang kakwenta- kwenta.
Naidilat ko din naman nang wala sa oras ang mata ko nang maramdamang may nakamasid sa akin .
"Ang ganda ng mata mo. Oo pero wag mo akong titigan ng ganyan at baka iyan ang ikamatay ko" Napabuntong-hininga siya.
"Huwag kang mag-alala, ito na ang huling mangyayari ito. Hindi ka na lilipat ng paaralan. " Napatigil siya at akala ko ay hindi na siya magsasalita.
"Ibabalik na kita sa totoong mundo mo" bulong niya na hindi ko narinig. Pero hindi ko nalang iyon pinansin dahil madalas siyang ganyan.
"At hindi ko din alam kung bakit kailangan kong magtransfer. Pwede naman akong manatili nalang doon hindi ba? "
She sighed. Humigpit ang hawak niya sa steering wheel at tumingin sa rear view mirror kung saan ako nakatingin at nagtama ang paningin namin.
"It's not the right time to discuss it with you . Maybe the time you step in to your new school. You will finally understand the things what I can't say to you" makahulugan na sabi niya.
"Then make me understand. " Ubos na ang pasensya na reklamo ko sa kanya pero hindi siya nagsalita.
"Bakit wala akong maalala? Anong nangyari? Ako ba ang dahilan kung bakit nagkaganoon sila? Ako ba?" sunod-sunod na tanong ko.
Ilang beses ko na siyang tinanong tungkol rito pero ni kailanman ay hindi niya ako sinagot. Napapikit ako sa inis at hindi nalang nagsalita. Nakakairita. Anong pinagkaiba ng dating school na pinapasukan ko sa bagong papasukan ko ngayon? Nakadrugs ba siya? Damn it. Isa pa ang 'right time' na yan. Rinding- rindi na ako diyan.
W.H.A.T. T.H.E. F.*.C.K.
Napamura ako ng bigla nalang inihinto ni Auntie ang kotse. Inis akong napatingin sa kanya na kulang nalang ay patayin ko siya. Kingina. Siya kaya ang isubsob ko?! Damn it.
"We're here" anunsyo niya. Natigilan ako saka sinilip ang labas. Madilim na kaya hindi ko makita kung nasaan kami.
Bigla naman siyang bumaba kaya bumaba na rin ako. At muntik na akong magwala nang makita ang pader na nasa harap ko.
"You're not playing games with me right? " kalmadong tanong ko. At alam kong malaki ang naging epekto no'n sa kanya dahil sa maya't maya niyang pagsinghap na para bang nahihirapan huminga.
" Geez! Relax will you? It's killing me and I'm f*ckin' serious here. Just wait, kahit kailan ay wala kang pasensya"
King ina. Isa nalang makakalimutan ko na talaga na Auntie ko siya. Maya- maya pa ay narinig ko siyang parang may binubulong. And the next thing I knew ...Napasandal nalang ako sa kotse dahil sa mahinang pagsabog at sa sobrang liwanag.
Ano na naman ito ?!
(ZAYNAH'S POV) "Okay ka lang ba baby?" Napaismid ako. "Hindi, ang sakit na ng tenga ko sa kakadaldal mo." reklamo ko.Narinig ko sa kabilang linya ang matinis niyang tawa. "Time's up dear. Mission accomplished" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Magtatanong pa sana ako pero binagsak na niya ang telepono. Aissh! Naiinis na lumabas ako ng kwarto kasabay ng pagteleport ko pabalik sa kanila. Pero wala na sila. Napalingon ako at do'n ko nakita ang anak ko na patakbong pumunta sa akin. Sinalubong ko ang yakap niya at hinalikan siya sa noo. "Where are they baby? Hmm." I asked. She pouted. Saka siya kumalas sa akin at hinawakan ang kamay ko. Tumakbo siya kaya nagpadala ako. Hanggang sa.... "Happy Birthday, love" Ace greeted me. Napakurap-kurap ako. He's now standing infront of me with a
(ZAYNAH POV)Years later..."Your Majesty, King Zerif wants to talk to you." Nag-angat ako ng tingin sa kanang-kamay ng aking Ama at saka ko siya tinanguan. Mabilis na tinapos ko ang ginagawa ko at sumunod sa kanya.Narating namin ang hardin at nakita ko agad si Ama na nakangiti na sa akin. Katabi niya ang Mama na ngumiti din sa'kin at bumalik na ulit sa ginagawa niyang pamimitas ng bulaklak."Dear I---""I am fully aware of my obligations and responsibility as a heir of your throne, as the reigning Queen. But I told you that I can't make it now. And don't make as an excuse that you're old because you were not. You can still handle the Magiczard with that state of yours. Piece of cake" Pangunguna ko na sa kanya. My father looks amazed then later on he burst with laughter."I understand." sabi niya ng makabawi saka mahina akong tinapik sa balikat. 
(ZAYNAH'S POV)"Anong ibig niyong sabihin?" Naguguluhang tanong ni Ace sa Hari. A smile crept into his lips as he look at me. Then he wave his hand.Tumambad sa amin ang ilusyon ng propesiya at nakasaad dito na ang nakatakda para sa akin ay si Chris. Mahigpit na hinawakan ni Ace ang kamay ko.Pero nanatili ang paningin ko sa propesiya dahil unti-unting naglaho ang mga letra at napalitan ng katagang hindi ko lubos maintindihan.'A pure and sacred love arises. She , the legend found her mate. Rejoice ! For the new hope is coming. Legend to a legend! 'Naguguluhang napatingin ako ulit sa Hari na may namumuo nang luha sa mata.Saka siya unti-unting ngumiti sa akin. Hindi ko alam pero may umusbong na tuwa sa dibdib ko. Wala akong maintindihan sa nangyayari maging ang sinasabi ng propesiya. Pero ang puso ko, nakaramdam ng saya. Na tila ba naintindihan nito ang nais
(ZAYNAH'S POV) It’s been a month since my life became lifeless. It’s been one month since I last saw him… and give myself to him. Nakatingin lang ako sa kawalan, nakatulala. Pakiramdam ko ay babagsak ako anumang oras. Hindi ko kaya ang halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Gusto kong umatras. Gustong-gusto kong lumayo dito at maniwala sa sinabi ni Hera sa akin kanina habang inaayusan nila ako. 'Someday you'll have your own fairytale. You'll live happily ever after. Because you deserve to be happy Zaynah. And I promise you that' "Your Majesty, ayos lang po ba ang pakiramdam niyo?" tanong sa akin ng dama. Pilit na tumango ako. Sinalubong naman ako ng Hari at Reyna na may mga ngiti sa labi. "I want to congratulate you in advance, my Princess. Be happy." madamdamin na sabi ng Reyna Ngumiti ako ng pilit. I hope I'll be happy. Today is
(ZAYNAH'S POV) "Nandito na tayo." biglang usal ni Haydee na nasa tabi ko. Hinawi ni Arriane ang mga halaman na nagsisilbing harang sa lugar at do'n tumambad sa akin ang mga lahi ng dwarves at elves. Natanaw ko rin ang mga maliliit na bahay na palagay ko ay siyang tinutuluyan nila. Namangha ako sa ganda ng lugar. Napakalinis nito at ang cute pang tingnan. Sa gilid naman ay may natanaw akong falls at may mga naglalarong mga dwarf at elf do'n. Lahat natigilan sa ginagawa at napako ang paningin nila sa akin. Saka taranta silang nagtitipon at agad na lumuhod sa harapan ko. Nagulat naman ako do'n. "Mahal na Prinsesa. Kinalulugod po namin na nandito kayo. Pasensya na po at hindi kami nakapaghanda sa pagdating niyo." Maya-maya ay usal ng isang matandang dwarf na nasa gitna. Tinanguan ko lang ito sa kawalan ng sasabihin. "Naku, Pinuno. Biglaan lang talaga hehe." Napapakamot sa ulo na s
(ZAYNAH POV)Dahan-dahan na nililipad ng hangin ang buhok ko. Naramdaman ko ang paglapit niya at pagtabi niya sa akin pero hindi ko pa rin siya nilingon.I isolated myself to them. As long as I can, I want to be alone.It's been three days since it happened. Pero sariwa pa din sa akin ang lahat. The scene, the pain, the longingness...it's still here. Deep inside me, to my unfixable heart."It's funny to think how I can make other people happy but I can't even make it to myself." he said. I heard him sigh pero hindi ko pa rin siya nilingon. Hindi ko maiwasang sisihin siya at ang sarili ko kung bakit ganito ang naging kalagayan ko. If he's not a god and If I'm not goddess. Definitely there will never be an us."I'm sorry," bulong niya."Your sorry can't change anything so stop it because it's useless." malamig na tugon ko. Sandaling katahimikan ang namayani sa