Bagamat ganun ang nangyari mas minabuti ni Red na sulitin ang araw na sila pa ni Sky. Dahil iniisip niya darating ang panahon baka lumayo ang loob ni Sky sa kanya dahil para saan pa ikakasal naman siya sa iba. Itong bagay na ito ang lubos na nasasaktan siya, sa dami ng pinag daanan niya para mapasagot lang si Sky sa isang iglap ay mawawala.
Kaya naman nag pasya ito makipag kita sa kanya. Nagkataon din naman mag On The Job Training (OJT) na ang dalaga sa Maynila kaya plano niyang makita ang nobya. Nagkasundo ang dalawa na magkikita subalit hindi nabanggit ni Red kung kailan.
Sa pag nanais i-surprise ni Red ang nobya, kasama niya noon ang pinsan na si May para ma-meet din ni Sky.
“Mahal nasaan ka?” tanong ni Red
“Nandito po papasok na sa apartment na tinutuluyan namin”
Pinagmamasdan lang pala ni Red si Sky habang papasok ito sa sinasabi niyang apartment. Subalit nag iba ang mood nito ng makita niya na may kasama itong ibang lalake. Iniisip niya na niloloko lang siya ni Sky kagaya ng pinsan niya. Kaya naman halip na isorpresa ito umalis na lang ito basta ng walang paalam.
Galit na galit naman si Red ng sabihin niya ito sa nobya.
“Ah talaga ba? Ang saya saya niyo ah kulang na lang mag holding hands kayong dalawa!” galit na sabi ni Red
“Sana lumapit ka para malaman mo kung sino ba yung kasama ko! Nagagalit ka ng walang dahilan” depensa naman ni Sky
Sa sobrang galit naman ni Red naihalintulad na niya ang nobya niya sa pinsan nito. Pinag bintangan niya na pareho lang silang manloloko. Wala naman magawa si Sky kundi umiyak, dahil pinipilit nito ang hindi niya naman ginagawa. Sobrang sama ng loob ni Sky sa nobyo dahil pinag bibintangan niya itong pilit. Kung sana pinakinggan lang niya ang paliwanag ni Sky, inuna nito kasi ang galit kaysa ang intindihin ang sitwasyon.
“Bakit tinanong mo ba kung sino ang kasama ko? Kahit sinasabi ko na sayo ang totoo na classmate ko siya, magkatabing apartment lang kami mga babae at lalaki. Bumili kami ng magagamit namin kaya magkakasama kami lumabas, nahuli lang kami at ang mga kasama namin nasa harapan lang namin” pag papaliwanag ni Sky
“Sige mag hiwalay na lang tayo kung akala mong niloloko kita” ani Sky
Buo na ang desisyon ni Sky na maghiwalay na sila ni Red, ngunit tila nahimasmasan si Red sa kanyang kahibangan. Sana pinakinggan niya ang paliwanag nito hindi sana mauuwi sa hiwalayan ang pag-aaway nilang dalawa. Subalit nag isip-isip ni Red na mali nga siya. Humingi siya ng sorry dahil nadala ito ng matinding selos at pag iisip sa problema niyang hindi niya masabi sabi kay Sky.
“Sorry na mahal, kung ano ano ang pumapasok sa isip ko” paliwanag ni Red.
Marahil ay dala na din ito ng trauma sa nakaraang relasyon niya, akala niya lolokohin siya ni Sky. Pero iba si Sky at ang nakaraang karelasyon niya. Malaking Malaki ang pagkakaiba.
Bigla na naman pumasok sa isip ni Red ang pinag usapan nila ng kanyang Ina. Inis na inis na naman ito, bakit kasi isa lamang ang anak nila at talagang ako pa ang dapat magpa kasal sa hindi ko naman gusto. Akala niya ay sa pelikula lang makikita ang ganitong Arrange Marriage. Sa totoong buhay din pala, at nataon pang sa kanya. Paano na lamang ang mangyayari kung susundin niya ang magulang, paano na ang mangyayari kung hindi sila magka tuluyan ni Sky. Magiging masaya kaya siya ? Yan ang mga tanong na sumisiksik sa isip niya.
Ano kaya ang dahilan bakit biglang nag plano sila Mama na ipakasal ako ng ganun ganun na lamang? Nasa isip ni Red ang malaking pag tataka. Alam naman niya na may nobya ako. Hindi kaya nila ako mahal talaga? Anak ba nila talaga ako? Bakit hinayaan nilang mangyari ito sa akin.
“Mahal mag sama na tayo” ani Red.
Ito lang din ang naiisip niyang paraan para hindi matuloy ang plano ng magulang niya na pag papakasal sa iba.
Bagay na kinagulat naman ni Sky ang biglaang desisyon na ito ni Red.
“Bakit parang pabigla bigla na naman ang desisyon mo?” tanong ni Sky sa kanya.
"Gusto ko magkasama na tayo, kahit magtapos ka ng pag-aaral mo habang ako nagta trabaho" pag papaliwanag naman ni Red
"Bakit hindi mo na ba tatapusin ang pag-aaral mo?" balik naman na tanong ni Sky sa kanya
"Maghahanap na lang ako ng trabaho habang magkasama tayo, ayaw ko na sa bahay"sabi ni Red
"Bakit naman, may problema ba?"tanong ni Sky sa kanya
"Wala naman po, gusto ko lang makasama ka na, para hindi na ako nagiisip pa ng kung ano ano" pag dadahilan ni Red.
Hindi pa rin niya maipag tapat ang tunay na dahilan kay Sky.
"Binenta ko na yung sasakyan ko para may pambayad na tayo ng renta ng bahay" ani Red
"Nakausap ko na rin ang kaibigan ko, siya na ang bahala maghanap ng tutuluyan natin" dagdag pa nito.
Nagtataka si Sky kung bakit bigla bigla ito naisip ni Red, hindi nya maintindihan, naguguluhan siya. Bakit naisip ng binata magsama na agad sila gayong hindi pa sila tapos mag-aral. Binigyan ng pagkakataon ni Red si Sky na magisip sa alok nito.
“Sige pag isipan mo muna kung ano ang desisyon mo, pero ako sigurado na sa plano ko. Gusto kong makasama ka” aniya
“Pag iisipan ko po, graduating na ako. Kung hindi ko matatapos ang pag-aaral ko paano naman ang magiging buhay natin dalawa at kung magkaroon tayo ng pamilya” dahilan naman ni Sky
“Opo maghihintay ako ng sagot” ani Red
Subalit ano man ang maging desisyon ni Sky ay tatangapin nito. Malulungkot nga lang siya ng husto kung pipiliin nitong hindi sumama sa kanya. Pero kung sasama siya ay maisasabi na rin niya ang dahilan kung bakit nag desisyon siya na magsama na silang dalawa. Marahil ay maiintidihan ito ni Sky kaya naisip niya ang ganitong paraan ay para din sa kanilang dalawa. Umaasa pa rin siya na papayag ang nobya sa alok nito.
Makalipas ang ilang araw na pag hihintay ni Red sa tanong niya kay Sky. "Mahal, pwede ba pag tapos na lang natin maka graduate tayo mag sama? Ano mangyayari satin kung magsasama na tayo ng hindi pa tayo tapos mag-aral" katwiran si Sky May katwiran naman talaga si Sky. Subalit bagay na ikinalungkot si Red sa naging desisyon ng nobya nito, masakit pero may tama naman siya. Hindi niya din kase masabi kung ano ang dahilan. "Kung hindi tayo matutuloy, isasama ako ni Mama sa Dubai" sabi ni Red "Bakit, diba pumapasok ka? Bakit ka isasama?" tanong ni Sky "Oo, magta-trabaho ako doon para makaipon" pagdadahilan nito, hindi niya pa rin kayang sabihin ang totoo kay Sky. Pero iniisip niya pano kung malaman ni Sky ang totoo. Hindi niya na alam ang gagawin. Pero plano niya na mag trabaho at ipilit sa magulang niya na pumili siya ng taong mamahalin at makakasama niya. Ngunit hindi niya alam kung pakikinggan siya ng mga ito gayong buo na ang desisyon nila na ipakasal siya. Umalis nga ng bansa
Natuloy nga ang kasal ni Red kay Alex. Wala na din siyang nagawa. Subalit kung sasabihin na mamahalin niya si Alex hindi? Dahil isa lang ang taong mahal niya si Sky yun ! Sobra sobra ang sama ng loob sa magulang niya. Hindi niya kinakausap ang kahit na sino. Naisip niya din na sana hindi na lang siya nabuhay sa aksidenteng nangyari sa kanya noon kung pahihirapan lang din siya ngayon ng mga magulang niya. Nagsisisi siya bakit siya pa ang naging anak ng magulang niya. Hindi sila marunong makinig sa nararamdaman ko, puro na lang sa kanila ang iniisip nila. Wala silang kwentang mga magulang. Matapos ang araw na iyon, lasing na naman si Red. hindi niya na din nagagawang mag linis ng kwarto niya. Kaharap niya na lang lagi sa lamesa ang isang bote ng alak at isang baso. Walang araw na hindi ito lasing, gusto na niyang mawala sa mundo. Samantala may narinig itong yabag papalapit sa kanyang kwarto. “Tok! Tok! Tok!” “Red!” boses ng Ina niya ang nasal abas “Buksan mo itong pinto” aniya May
Matapos ang kahapong pangyayari, minabuting mag tanong ni Sky sa pinsan ni Red na si May. Dahil hindi na siya makapag hintay pa kay Red kung makakapag isip pa ba itong mag mensahe sa kanya. "Hello, ilang buwan na din kase kami hindi naguusap ni Red" mensahe nito kay May "May problema ba o nangyaring masama sa kanya?" dagdag pa ni Sky Agad naman itong natanggap ni May at nabasa. Sa lagay na iyon ay hindi alam niya alam ang sasabihin. Pero naisip niya na sabihin na lang ang totoo para hindi na lumaki ang gulo. "Hi nakauwi na si kuya" sagot ni May "Hindi ka pa ba tinatawagan?" dagdag pa nito "Hindi eh, may sumagot kase sa tawag ko na babae. Asawa daw ng kuya mo?" patanong ni Sky Hindi alam ni may kung maaawa ba siya kay Sky o ano. Alam niya at nararamdaman niya na mahal nito ang kuya niya at sigurado din siya na mahal ni Red si Sky. Subalit hindi na makaka lusot sa problemang ito ang kuya niya. "Sa totoo lang ate, opo totoo na asawa ni kuya ang nakausap mo" sabe ni May. Dito
Lubos lubos ang pagsisisi ni Red kung bakit nasaktan niya ang babaeng pinaka mamahal niya. Ayaw na niyang mabuhay pa, gulong gulo na siya sa mga nagyayari. Subalit nag pasya man si Sky na hindi na magpapa ramdam pa sa binata dahil sobrang nasasaktan pa rin ito sa nangyari, hindi siya maka paniwala na magagawa ni Red iyon sa kanya. Subalit nagtataka siya bakit may mga magulang na pinasusubo ang mga anak nila sa ganoong sitwasyon. Hindi siya makapaniwala na isa si Red doon. Paano na sila ngayon? Ang sama sama ng pakiramdam ni Sky, hindi siya nakapasok. Mukhang lalagnatin siya. Kasabay ng sama ng pakiramdam niya ang sama ng loob niya. Nakikisabay din ito. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala. Parang kailan lang ang saya saya nilang magka-usap. Samantala habang si Red ay nag kukulong ng kwarto. Nag ring ang cellphone niya. Tinignan kung sino ang naka alala sa kanya, ini expect niya si Sky ang mag me-message sa kanya. "Tol nasaan ka?" ani Jake, tropa ni Red "Dito lang sa bah
Ngayon ay nararanasan ni Red ang hirap, nagsisisi ito kung bakit hindi nagtapos ng pag-aaral. Ngunit sumagi na naman sa isip niya dahil ito sa kagustuhan ng magulang niya kaya siya napunta sa ganitong sitwasyon. Dahil sa hindi na niya kaya ang maging sunud sunuran pa sa mga gusto nila kaya nag-pasya siya na lumayo at tumayo sa sariling mga paa. Subalit nagawa man niya ito nag hihirap naman siya ngayon. Pero ipapakita niyang kaya niyang mabuhay ng hindi na aasa pa sa magulang niya. Nagkaroon nga ng karamdaman si Red dahil sa nagin trabaho nito. Hindi niya naman kasi nasubukan mag trabaho simula ng bata pa siya dahil halos lahat ay nakukuha lang niya. Pera, damit, pagkain lahat ng nais niya. Kaya nahihirapan siya ngayon mag adjust. Nahihirapan siyang huminga, marahil dahil ito sa pag bubuhat niya ng mabibigat sa kanyang pinapasukan. Ilang Linggo din siyang hindi na nakakapasok sa trabaho, tanging ang caretaker lang ang nag aasakaso sa kanya. Nahihiya man siya sa mga ito pero makakaba
Balik sa pag-uusap ang dalawa, hindi naman halatang miss nila ang isa't isa. Habang si Sky ay nagta trabaho sa isang construction firm at ang project nila ay SMDC Light Residences diyan sa Boni, si Red naman ay nagta trabaho sa Toyota Philippines Pasay, habang pinaplano nitong mag-aral muli. At nag offer nga ng scholarship ang manager ng kumpanya na pinapasukan ni Red kaya hindi na nag dalawang isip ito dahil nais niya rin makatapos siya ng pag-aaral. Ayaw niyang haharap siya sa magulang ng walang wala at lugmok. Nais niyang humarap sa mga ito ng may ibubuga habang kasama niya ang totoong mahal niya. Nag simula ang schooling ni Red habang nagta trabaho. Pinilit niyang gawin ang dapat kahit mahirap pag sabayin ang trabaho at pag-aaral. "Kung kaya ng iba kaya ko rin!" pag momotivate nito sa sarili. Samantala sa kanyang sipag na ipinakikita bawat araw sa trabaho. Habang tumatagal ang panahon ay na promote ito bilang isang Supervisor. Masaya naman niyang ibinalita ito kay Sky na ikinat
Hindi pa rin makapaniwala si Sky sa pangarap na natupad niya sa nagdaang araw ng biglang bisitahin siya ni Red sa trabaho. Dahil sa pangyayaring ito ay tuwang tuwa ang kaibigan niyang si Iza na matagal nang hinihintay na sana'y magkaroon ng boyfriend itong si Sky. Ngunit pareho nilang dalawa hindi inaasahan ang pangyayaring iyon kaya lubos na kilig na kilig si Sky higit na ang kaibigan niya. Dahil noon lang niya nakitang masaya ang kaibigan. Sa ilang taon nilang magkasama ay noon lang niya napansin ang ning-ning sa mga mata ng dalaga at ngiting hindi mapatid patid parang naka glue na ang mukhang nito sa hindi matapos na mga ngiti. "Oh ano Sky happy yarn?" anang kaibigan na may konting pakurot sa tagiliran ni Sky "Halla parang mas kilig ka pa sa akin?" pagbibiro ni Sky sa kaibigan Ngunit hindi makakaila na masayang masaya nga ang dalaga, parang hindi ito napapagod sa trabaho buong araw. Matapos mag inspection sa 15th Floor ay nag insepction pa rin ito sa 36th Floor, ganado nga ito
Araw ng Graduation ni Red. Wednesday noon kaya nag absent ito sa work para lang maka attend ng Graduation Day ni Red. Kasama ni Red sa pag sampa sa stage ang kanyang Manager bilang magulang, hindi makaka tanggi ito sapagkat hindi naman sasadyain ni Red papuntahin ang magulang niya para lang samahan siya sa pag akyat sa stage. Tuwang tuwa si Red sapagkat sa wakas ay makakamit na niya ang unti-unting pag lapit sa mga pangarap niya. Abala sila sa mga oras na ito. Nag steam iron si Sky ng suit na gagamitin ni Red sa pag akyat habang naliligo ito at naghahanda para sa mamayang event ng buhay niya. "Kuya Sir nasan ka na po?" tanong ni Red sa kuya na kanyang Manager sa trabaho habang kausap ito sa kabilang linya. Excited si Red baka sila malate mahirap na. Lalong gumwapo ito sa suot na navy suit, a matching tie, white shirt and brown shoes. Talaga naman jaw dropping ang getup niya ngayon para sa 5'11 height na chinito. Pagpunta sa school diretso na sila sa Engeinnering Hall kung saa