Share

Chapter 18 The First Born

Sometimes fate intervene in everybody’s dream. Chantal Meraville never saw it coming. A promising model beauty queen and now...

Unti-unting binubuksan ni Chantal and isang kuwarto. Maingat at palinga-linga upang tiyakin kung may mga matang nagmamasid sa kanya. Daig pa ang isang magnanakaw ang bawat kilos ngunit napahinto siya ng makita ang sarili sa salamin.

“S-Sino ka?” naitanong niya dahil hindi na rin niya nakilala ang sarili sa salamin.

Ang babae sa salamin ay payat na payat at humpak ang mga pisngi, nanlalalim ang mga mata, magulo ang buhok at tila nanlilimahid ang katawan. Halatang kulang sa tulog at bihirang maligo.

Nanlilisik ang mga matang muling pinagmasdan ni Chantal ang sarili sa salamin.

“Sino ka nga. Bakit palagi mo akong sinusundan” sigaw niya habang unti-unting nilalapitan ang salamin.

Sa kabilang dinding ay naroroon naman ang isang life size na larawan niya. Maganda. Maalindog at puno ng buhay. Larawan yon ng maging finalist siya sa isang beauty pageant. Kabaliktaran
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status