Share

MAMAW: Pahiram ng Kasalanan
MAMAW: Pahiram ng Kasalanan
Author: Armand Panday

Chapter 1 The Beauty

ENGAGEMENT party nina Chantal Meraville at Artis Saldivar. Ang magarang gayak ng mansiyon ng mg Saldivar ay punong-puno ng buhay. Ang mga panauhin ay mula sa mataas na antas ng lipunan. Mga kilalang pulitiko, entertainment people at mga negosyante. Ang kanilang kasoutan ay larawan ng rangya at ang mga alahas ng mga kababaihan ay nagkikislapan sa tuwing tatamaan ng liwanag.

Ang pamilya Saldivar ay kilalang negosyante sa larangan ng import and export at si Artis Saldivar ay ang nag-iisang taga-pagmana ni Don Arcadio Saldivar. Kabilang sila sa iilang taong pinakamayan sa buong bansa.

Ang ngiti ni Chantal Meraville ay lalong nag-patingkad sa kanyang ganda. Siya ay isang model at beauty finalist sa katatapos pa lang ng Miss Beauty pageant na ginanap pa sa ibang bansa.

Napasulyap siya sa kanyang future husband. Abala si Artis sa pakikpag-usap sa kanilang mga bisitang negosyante. Tumamlay ang ngiti ni Chantal bagay na napuna ng best friend na si Diana.

“What’s wrong?” punang tanong ni Diana. Kilala kasi niya si Chantal na very expressive sa mga nararamdaman.

“H-Ha? Wala. Bakit?” gulat na tanong ni Chantal na tila naalimpungatan.

“Nawala kasi ang ngiti mo. Somenthing’s wrong?”

Wala. Gusto sana niyang isatinig. Sa halip ay napailing na lang siya at saka ngumiti. Isang pilit na ngiti. Of course everything was wrong. Lately kasi ay parang hindi na niya feel ang magpakasal. At sa tuwing titigan niya ang future husband her emotion was bothered. Kaya ba niyang pakisamahan for the rest of her life ang lalaking ito?

Hindi naman kasi talaga niya minahal kaagad si Artis. He is not her dream man. Okay mayaman nga si Artis at iyon ang isang dahilan kaya siya pumayag sa alok nitong kasal. Economic security. Hindi na niya kailangang magtrabaho para mabuhay. Although sapat naman ang kinikita niya sa pagmomodelo ay nakakapagod rin kasi. Besides she has two sisters to support and an aging mother.

Artis was a price catch, alright. Pero may kulang kasi. In her childhood she was always dreaming of a Prince in shining armor. Guwapo. Makisig at yong kayang pakiligin ang kanyang puso. And it was not Artis. Sinubok niyang kumbinsihin ang sarili, na natutunan ang pag-ibig as time goes. Sabi kasi yon ng Mama niya.

“Ang Papa mo ay hindi ko naman talaga minahal kaagad. Pero habang tumatagal ang aming pagsasama ay natutunan ko na siyang mahalin.” Naalala pa niyang payo ng Mama niyang si Elena. “Ang importante ngayon ay praktikal ka anak. Aanhin mo naman ang guwapo kung gugutumin ka naman.”

May punto naman ang kanyang ina kaya pumayag siyang magpakasal kay Artis. Hindi man kasi guwapo ay hindi naman pangit si Artis. Kumbaga ay sakto lang. Ang plus factor ay multi-millionaire ito at nag-iisang taga-pagmana. Kumbaga ay siguradong walang gutom. The problem is, she can’t still let go of her childhood fantasy until now. Pinapangarap pa rin niya ang mukhang iyon na naitanim na niya sa kanyang isip eversince. A face of an angel. Kaya lang sa dami ng mga guwapong nakakasalamuha niya ay wala siyang nakilalang ganoon. Ang mga guwapo kasi ngayon ay madalas lalaki rin ang gusto. May mga katawang lalaki pero pusong babae naman.

Isa pa sa mga dahilan ni Chantal kung bakit guwapong-guwapo ang gusto niya, is to preserve hereditary traits. Maganda siya kaya dapat guwapo rin ang maging tatay ng anak niya upang magaganda at guwapo rin ang mga ito. Kailangang may maging anak siyang tutupad sa naudlot niyang pangarap na maging beauty queen ng Miss Universe.

Lalo siyang nalungkot ng muling pagmasdan ang kanyang future husband na noo’y papalapit na sa kinatatayuan niya. Lihim na lamang siyang umusal ng panalangin na sana ay sa kanya magmana ang kanyang mga magiging anak.

Napakislot si Chantal ng halikan siya sa pisngi ng future husband. Noon lamang siya tila naalimpungatan mula sa malalim na pagkakahimbig.

“How are you dear?” Nakangiting tanong ni Artis. “Sorry medyo naging abala ako sa pag-aasikaso sa mga bisita.”

“It’s alright dear. Huwag mo akong intindihin.”

Muli ay masuyong inakbayan ni Artis si Chantal. Caring and very gentle ang lalaki. Isa yon sa nagustuhan niya sa kanyang future husband. Iyong tipong siya ang laging priority nito. Pakiramdam nga niya minsan ay para siyang prinsesa kung ituring nito. Ironic lang na hindi ito ang kanyang pangarap ng prinsipe.

“Nakita mo ba ang papa?” tanong ni Artis sa kanya.

“Kanina. Pero nakita ko siyang pumasok sa loob.”

“Ah okay. Halika ipapakilala kita sa ibang business associates ko.” Yaya sa kanya ni Artis saka marahang inakay ang kanyang kamay. “Kanina pa nila ako inuungotan na makilala ang isang Miss Universe.”

Bahagyang napailing si Chantal upon hearing Artis. The man’s obsession to her was almost annoying. “Finalist lang. Ano ka ba?”

“Pareho lang yon. Mas maganda ka pa nga sa nanalo.” Nakangiting sagot ni Artis. In his heart and mind, Chantal Meraville was his ultimate beauty queen kaya halos sambahin niya ito. Handa siyang ibigay ang lahat para mapaligaya ito.

His childhood was a happy one. May Dad siyang very loving and and a mother na talaga namang ibinuhos ang lahat ng pagmamahal sa kanya. Sayang nga lang at nauna nang kinuha ni Lord ang Mom niya. Just the same, he wanted to raise a family like what he had. May malulusog na mga anak. Guwapo at siyempre ay magaganda dahil pang Miss Universe ang kanilang mommy.

“Hoy! Bakit ka napapangiti?” Puna ni Chantal kay Artis.

Ang ngiti ay naging mahinang tawa. “Naiisip ko kasi ang future natin at ang mga malilikot na mga anak natin habang naghahabulan dito sa bakuran.”

“Sus. Kala ko naman kung ano na. Baka kako nababaliw ka na. Ayoko namang magpakasal sa isang baliw.”

Masuyong niyapos ni Artis si Chantal at nakangiting sumagot. “You know what? Talaga namang baliw ako sayo.”

Napuna tuloy sila ng best friend ni Artis na si Paul. “Hey dude. Huwag mo naman kaming inggiting masyado.”

“Oo nga. Baka langgamin kayo dyan sa sobrang sweet.” Dugtong naman ni John.

“Humanap na rin kasi kayo ng Miss Universe ng buhay niyo.” Pabirong sagot ni Artis sa mga panunukso ng kaibigan.

“Yeah. Ikaw na talaga bro. Sana all ay kasing suwerte mo.” Halos panabay na panunukso ng mga nakapalibot na kaibigan ni Artis.

Naudlot ang kanilang masayang tuksuhan ng tumunog ang cellphone ni Artis. Inilabas niya ito sa kanyang bulsa.

“Ang papa tumatawag.” Tumalikod muna ito sa umpukan ng mga kaibigan at saka kinausap si Don Arcadio sa telepono.

Nang bumalik sa mga kaibigan ay masuyong hinawakan nito sa kamay si Chantal. “Excuse muna. Gusto lang kaming kausapin ng papa. Halika Dear.”

“Enjoy your foods.” Bilin nito sa mga kaibigan bago tumalikod. “Marami tayong alak dyan.”

“Okay Dude. Thanks and advance congratulations to both of you.” Halos panabay na sagot ng mga kaibigan ni Artis.

NAPALINGON si Don Arcadio ng pumasok sa maluwang na den sina Artis at Chantal. Ganoon rin ang mga kausap nito. Namukhaan kaagad ni Chantal ang ilan sa mga ito. Mga sikat na congressman at pulitiko ang mga ito. Maliban sa isang ngayon lamang niya nakita.

Nakatalikod ang lalaki at sa tindig pa lamang ay sadyang matikas ito at kahit hindi pa niya nakikita ang mukha ay talaga namang umaapaw na ang sex appeal dahil sa proporsiyonadong tindig na lalong binagayan ng black suit.

Nang humarap ito ay napasinghap si Chantal at muntik nang malaglag ang kanyang panga ng ngumiti ito. He was the man of her childhood dreams. The man with angelic face oozing with appeal that any woman can dream of. Ang white polo shirt na natatakpan ng black suit was unbuttoned and the hairy breast was exposed adding to his appeal.

“Chantal iha. Aris come here.” Nakangiting bungad ni Don Arcadio. “Itong mga panyero ko ay gustong makilala ang Miss Universe ng ating pamilya. Ngayon lang daw sila makakakita ng isang Beauty Queen sa malapitan.”

Muntik nang lumubog sa kanyang kitatayuan si Chantal dahil sa magkahalong hiya dahil hindi naman talaga siya nanalo. “Finalist lang po Dad.”

Abot tenga naman ang ngiti ni Artis dahil talaga namang sobrang proud siya sa kanyang future wife.

“It’s all the same Dear. Tama si Dad. Para sa amin ikaw ang aming Miss Universe.”

Isa isang ipinakilala ni Don Arcadio ang mga kaharap. Nauna ang mga congressmen na isa isang kinamayan sina Artis at Chantal.

“Ito naman si Oliver Calderon.” Pag-papakilala ni Don Arcadio.” Nasa export business rin si Mr. Calderon at nagkakilala kami sa Europe during one of the business summit na dinaluhan ko. Inimbita ko siya to take this opportunity para makilala mo Artis.”

Nagkamay ang dalawang lalaki. Napuna kaagad ni Chantal ang disparity ng dalawang lalaki. Artis was far behind Oliver kung itsura ang pag-uusapan. About wealth tiyak rin niyang multi-millionaire rin ito. All international businessmen usually do.

“Maraming connection sa Europe si Mr. Calderon at sa tingin ko ay matutulungan tayo niya to expand our business.” Pagpapatuloy ni Don Arcadio. “Puwede ba yon Mr. Calderon?”

“Oliver na lang po Don Arcadio. Please call me Oliver.” Nakangiting sagot nito. Smile that made him more handsome. Mga puting ngipin na pantay at ang magkabilang dimple nito sa pisngi ay nakakalaglag talaga ng underwear.

Lihim na nakagat ni Chantal ang kanyang mga labi ng ipakilala rin siya at magdaop ang kanilang mga palad. Tila may mumunting boltaheng hatid ang init ng kamay ni Oliver na pumasok sa kanyang katawan hanggang sa kanyang kaibuturan. Halos hindi na tuloy niya naiintindihan ang sinasabi ng lalaki.

Muntik nang mawala sa sarili niya si Chantal kung hindi sa tinig ni Artis. “Dear are you alright.”

Nahihiyang kumalas sa pakikipag-kamay si Chantal. “Y-Yeah I’m okay. Medyo bigla lang akong nahilo Dear. “

Mabilis na inalalayan ni Artis si Chantal at magalang na nag-paalam. “Sorry gentlemen, we have to go. Nahihilo raw ang aking Miss Universe.”

Nang tumalikod sila sa umpukan at tumungo sa hagdan papunta sa kuwarto ni Artis ay tila gusto niyang tumutol. Gusto pa sana niyang manatili sa ibaba para magkaroon ng pagkakataong makausap si Oliver. Ang makilala pa ito ng husto at higit sa lahat ay mapag-masdan pa ang mukha nito.

Ngunit ayaw rin niyang masyadong maging obvious. It will be improper dahil engagement party nila ngayon. But she promised to herself. She will definitely see Oliver Calderon again.

Aligaga si Artis sa pag-aasikaso kay Chantal. “Are sure okay ka na Dear? Gusto mo bang dalhin kita sa hospital.”

“Hindi na kailangan Dear. Siguro napagod lang ako ng husto.”

Pagkatapos uminom ng gamot na palihim rin naman niyang iniluwa dahil wala rin naman siyang nararamdaman ngayon ay nagyaya na uling bumalik sa party si Chantal. May naramdaman siyang panghihinayang dahil wala na sa den ang mga kausap nila kanina. Nang lumabas sila ay naging malikot

ang kanyang mga mata na tila may hinahanap sa croud. Una niyang nakita si Don Arcadio at ang mga congressmen na nakikihalubilo na sa karamihan.

Ngunit hindi na niya nakita si Oliver Calderon.

Kasuwal niyang tinanong si Diana. “Nakita mo ba yong guwapong kausap ni Don Arcadio kanina?”

Napataas kilay muna ang kaibigan bago siya sinagot. “Oo. Sabay silang lumabas kanina at ihinatid pero nakita ko sumakay na ng kotse at hayon umalis na.”

Muling nakaramdam ng panghihinayang si Chantal.

“Hmmm. Mukhang may hindi ako alam Bes.” Dudang tanong ni Diana sa kanya. “Care to share?”

Sa halip na sumagot ay napangiti si Chantal. A smile that betrayed her feeling.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status