Share

Chapter 26 The Third Born

Habang pinag-mamasdan ni Oliver si Dr. Leonardo ay lalo siyang naguguluhan. Magkahalong awa at takot ang kanyang nararamdaman. Ngayong may pag-asa na palang gumaling ang matanda ay hati ang kanyang damdamin. Paano pala kung maraming mabago oras na gumaling si Dr. Leonardo. Ngunit dahil sa malaking pasasalamat niya dito ay kumikiling na ang pagpapayag niya sa suhestiyon ni Dr. De Lavine.

Kung hindi marahil binago ni Dr. Leonardo ang kanyang anyo at nanatili siya bilang si Banjo Canoy, malamang ay puro hirap at pang-aapi pa rin ang kanyang dinaranas ngayon.

Nakatayo sa may bintana ang matanda at nanatiling nakatitig sa kawalan. Iyon ang dating kuwarto ng matanda na sadyang ipinaayos ni Oliver. Dahil sa kalagayan nito ngayon ay masusi ang naging pagbabantay ng dalawang nag-aalaga kay Dr. Leonardo. Mahigpit ang bilin niya na huwag itong hayaang makalabas ng mansiyon dahil baka lalo itong mapahamak sa labas.

Nang pumasok ang nag-aalaga ay napalingon ang matanda. At tulad ng dati ay paulit-
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status