Share

Chapter 39 The Clone

NASA private room na si Oliver ng dumating sa hospital si Elisa. Inabutan nila si Marco, ang exectutive assistant ni Oliver at si Artem na noon ay nakaupo sa isang wheelchair. May mga nakakabit pang dextrose kay Artem ngunit ligtas na ito at nagagawa ng kumilos.

“Kumusta na siya?” tanging naitanong ni Elisa habang pinipigilan ang pagluha.

“Hindi pa rin nagkakamalay pero ang sabi ng doctor ay ligtas na rin naman siya sa ngayon.” Matapat na sagot ni Marco. “Huwag lang daw magkaroon ng mga kumplikasyon.”

Noon na napahagolgol ng iyak si Elisa. Tahimik namang niyakap siya ni Aling Rhodora na umiiyak rin.

Balot na balot ng bandage ang buong mukha ni Oliver. Maraming nakakabit na apparatus sa katawan. Awang-awang hinawakan ni Elisa ang kamay ni Oliver.

“Oliver. Si Elisa ito. Sana ay gumising ka na.” pabulong na sambit ni Elisa. “Kailangan kita. Huwag mo akong iiwan please. Mahal na mahal kita.”

Tila narinig ni Oliver ang bulong ni Elisa kaya’t gumalaw ng bahagya ang mga daliri nito. Sumulak
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status