FAZER LOGINPagkarating ko sa bahay, dumiretso agad ako sa kwarto. Hindi tumigil sa pag-ikot ang isip ko tungkol sa nangyari sa amin ni Caellune kanina. I keep replaying every detail, every word, every angry look in his eyes. Hindi ko maintindihan kung bakit gano’n siya.
Napahawak ako sa aking leeg. Ramdam ko pa rin ang hapdi roon. “Bakit siya biglang nagalit nang banggitin ko ang ex-girlfriend niya? Ano bang nangyari sa kanila?” Napabuntong-hininga ako at napahiga sa kama. Hindi ko mapigilang mapatanong. Maybe I should apologize. Siguro ’yon ang tama. Hindi ko naman sinadyang bastusin siya. Naging curious lang talaga ako kung anong mayro'n sa kwartong nakakandado. Pagkatapos ng ilang sandali, napagpasyahan kong maghanda ng hapunan. I’ll apologize to him during dinner. Tumayo at nagtungo sa banyo para maligo. Paglabas ko, suot ko na ang bagong dress, simple pero maayos. Gusto kong magmukhang presentable kahit papaano. Pagdating sa kusina, natigilan ako sandali sa tapat ng mga kabinet, nag-iisip kung ano ang lulutuin. Sakto namang pumasok ang butler. “Uh, pwedeng magtanong? Anong paboritong pagkain ng boss mo?” tanong ko habang nakatingin dito. Pero hindi ito agad sumagot. Para bang natigilan habang nakatitig sa akin. Napakunot ang noo ko at tinapik ang mesa para makuha ang atensyon nito. “M-mister?” Parang doon lang siya natauhan. “Madam, pakiusap po. Bumalik na lamang kayo sa inyong silid. Ang katulong na ang bahalang magluto ng hapunan,” malamig nitong sagot bago tuluyang umalis. I sighed. “Fine.” Pero kahit gano’n, nagdesisyon akong ipagpatuloy ang plano ko. I really want to cook for him as a way of saying sorry. Habang hinahalo ko ang pancake mixture, pumasok naman ang isang katulong. “Ma’am, hindi niyo po kailangang magluto. Ako na po ang bahala,” magalang nitong sabi. Umiling ako. “No, it’s okay. I want to do this myself.” Kung wala lang akong kasalanan. Hindi ko na pahihirapan ang sarili kong magluto. “Ang hirap kaya mag-isip ng lulutuin,” bulong ko. “Ma’am?” Marahang tinatapik ng katulong ang braso ko. Bahagya akong napaigtad sa gulat. “W-wala ‘yon,” pinilit ko na ngumiti bago muling bumaling sa pagluluto. Ilang sandali pa, naamoy ko na ang mabangong halimuyak ng bagong lutong pancake. Inayos ko ito sa mesa. I hope he likes it. Ngunit habang lumilipas ang bawat minuto wala pa rin si Caellune. Ramdam ko ang unti-unting pagbaba ng excitement. Tinitigan ko ang wall clock. Alas nuebe na ng gabi. Wala pa rin ito. Naramdaman ko ang kirot ng rejection sa dibdib ko. Gusto kong umasa, pero habang tumatagal mas lalo lang akong nadidismaya. Until I heard the door open. Mabilis akong napalingon. Nang makita ang hinihintay ko. Parang huminto ang oras. May halong gulat at ginhawa ang naramdaman ko. Agad akong lumapit at marahang kinuha ang briefcase niya. “Welcome home,” sabi ko na may ngiti sa labi. Ngunit malamig lang siyang tumango, bahagyang itinataas ang kamay bilang senyales na gusto niyang mapag-isa. Napalunok ako at tahimik na umatras. “Good evening,” mahina kong dagdag bago tumalikod at nagsimulang umakyat sa hagdan. Pero bago pa ako tuluyang makapasok sa kwarto, nakapagdesisyon akong magsalita. “I made you dinner. I wanted to apologize…” sabi ko. Sandali siyang lumingon. Walang emosyon ang mukha, at walang kahit anong tugon. Pagkatapos ay dire-diretso pumasok sa kwarto at isinara ang pinto. Nakatitig lang ako sa saradong pintuan, at marahan nagpakawala ng hiningang kanina ko pa pinipigilan. “Caellune…” Bumalik ako sa dining room, at sinimulang kainin ang pancake na dapat ay para sa aming dalawa. Sa bawat kagat ay may kung anong bigat sa dibdib ko. “Bakit ba siya gano’n?” tanong ko sa isip. What really happened between him and his ex-girlfriend? Hindi ko alam, pero mas lalo lang akong nalilito sa mga lihim na unti-unti kong natutuklasan tungkol kay Caellune. At habang sinusubo ko ang huling piraso ng pancake, isang bagay lang ang malinaw na nakikita ko. May sakit sa mga mata niya na hindi kayang itago. Pag-angat ng tingin ko. Napasinghap ako nang makitang nakaupo sa tapat ko ang lalaki. Hindi ko napigilang mapangiti. Akala ko tuluyan na siyang umalis. Pero imbes na magsalita, he just sat on the dining chair as if nothing happened, then gently snapped his fingers. Isang senyas para utusan ang butler na ihain ang pagkain niya. Halos mabulunan ako sa tubig na nasa harapan ko. Napalunok ako ng malalim, at pilit pinapakalma ang sarili. “Uh... I made this dinner to apologize to you. Pero teka, bakit ka ba laging ganyan sa akin? Bakit parang galit ka palagi? Do you really think I’m just like your ex-girlfriend?” Napakunot ang noo ko habang sinasabi ‘yon. Pero imbes na sumagot, tiningnan lang niya ako nang malamig at may inis. “Keep quiet,” iritado niyang sabi. Napatigil ako, but I couldn't help looking up at him again. Namumula na ang pisngi niya sa galit. Kita sa bawat galaw niya kung paano pinipigilang sumabog. Bakit ba siya nagwawala tuwing nababanggit ko ang ex niya? “Solar, what’s your problem?” mariin niyang tanong. “This is my last warning, if I ever hear you utter her name in front of me again, you’ll regret it.” At pagkatapos niyon ay tumayo siya, at dire-diretsong umakyat ng hagdan nang hindi man lang lumingon. I just watched him as he slowly walked out of sight. Pagkatapos ay napabuntong-hininga ako. Pero sa halip na umiyak o magmukmok, napangiti ako nang mapait. “Okay. Kung ayaw mo, bahala ka.” Umupo ako muli at sinimulang kainin ang ibang nakahain sa mesa. Who gives a damn about him, anyway? He’s not even worth it. Bakit ko ba pinoproblema ‘yung ex niya? Hindi ko naman siya gusto, at hindi ko kailangang makialam sa buhay niya. Pagkatapos kumain, dumating ang mga katulong at inayos ang mesa. Tumayo ako at naglakad papunta sa sofa, sabay kinuha ang phone. Nang makita online si Dashiel, kusa akong napangiti. Mabilis kong tina-type ang message habang nakaupo, at ilang saglit lang nagtatawanan na kami sa chat. Kahit papaano nawala ang bigat ng gabi. Dashiel: Why did your parents compel you to marry Caellune? Napahinto ako sa tanong ni Dashiel. Tinitigan ko ang chat nito. Me: I think there was a deal brewing between them. Pinindot ko ang send at hinintay ang reply nito. Hindi nagtagal, may pumasok na mensahe. Dashiel: But how could they do that? Binasa ko ’yon, sabay tipa ng sagot. Pero bago ko pa mapindot ang send, narinig ko ang mga yapak mula sa hagdan. Pag-angat ng ulo ko, nakita ko si Caellune na bumababa at seryoso ang mukha. Napairap ako. “Finally, the cold stone arrives,” bulong ko sabay balik ng tingin sa phone para mag-reply kay Dashiel. But before I could type the last letter, he suddenly grabbed my phone. “What is it, Caellune?” tanong ko na may iritasyon sa tono. “What did you just say?” Matalim ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. “N-nothing,” nauutal kong sagot, sabay abot ng kamay para kunin ulit ang phone ko sa kanya. Sa pagmamadali, nadulas ako. Sa takot na matumba, mabilis kong hinawakan ang kwelyo ng polo niya para hindi ako tuluyang bumagsak. Ngunit sa gulat namin pareho, nawalan din siya ng balanse. And before I could react, he was on top of me. Pero hindi lamang ’yon ang ikinagulat ko. Bago ko pa maunawaan ang lahat, ang mga labi niya ay aksidenteng dumikit sa akin.Walang imik na nilagpasan ko siya na parang isa lamang estranghero. Pero bago pa ako makalayo, hinawakan na niya ang papulsuhan ko. “Solar...” he said, his deep voice carrying an unsettling warmth, “longest time.” His eyes searched mine, holding me there.Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.“I don’t know you. Can you please leave me alone?” The anger boiling in me was impossible to mask.Kinamumuhian ko siya at ang alaala na binubuhay niya. Without another glance, I headed toward the elevator, determined to put as much distance between us as possible..Pero sumunod pa rin ang kanyang mga hakbang. “Solar, wait!” tawag ni Cael sa akin. Nagmamadaling tinungo ko ang elevator. Napasinghap ako nang makapasok siya sa elevator at bahagyang humihingal.Matalim na tinignan ko siya. “Ano bang kailangan mo, Mr. Santorre? Can you stop bothering me? Hindi kita kilala.”“Kung hindi mo ako kilala, paano mo nalaman ang pangalan ko?” May bahagyang ngiti sa labi niya.Umirap ako. “I’m n
Maaga kong inihatid sa eskwelahan si Soleil. Kumaway siya sa akin habang naglalakad papunta sa gate ng eskwelahan. Nang masiguro kong ligtas na siya sa loob, nagtungo ako sa tech company kung saan naka-schedule ang meeting ko ngayong araw.Nang makarating ako, medyo maaga pa ang oras. Ang automatic door ay bumukas habang pumapasok ako. A receptionist with a neat bun and a name tag that read Reina smiled at me.“Good morning. How can I help you?”“I have a meeting with Mr. Calvin Abad,” I said.She checked her screen and nodded. “Yes, ma’am. He is expecting you. Please take the elevator to the 18th floor. His assistant will meet you there.”Nagpasalamat ako dito at pumasok sa elevator. Bahagyang bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi masyadong nilinaw ni Mrs. Meyers kung bakit importante ang meeting na 'to, kaya mas lalo akong naging curious.Bumukas ang pinto sa isang hallway na puno ng mga opisina na may frosted glass. Isang matangkad na babae na nakasuot ng navy na fit na dress ang b
Pagkaalis namin sa restaurant, dumiretso kami sa park. Matagal na rin mula nang huling naglaro si Soleil sa park at ang makita itong masaya ay sulit sa bawat segundo. Pagbalik namin sa bahay ay gabi na.Pagkapasok namin, nakita namin sina Dashiel at Johann na nakaupo sa sofa at parehong nakasimangot. Nagpalitan kami ni Czyrene ng mabilis na sulyap bago umupo sa tapat nila. Walang imik, binigyan ni Czyrene si Soleil ng isang senyas ng mata. Ang aming tahimik na pakiusap na tulungan niya na maibsan ang tensyon.“Is everything okay?” malambing na tanong ni Soleil sa dalawa.Walang sumagot sa kanila. Napangusong lumapit si Soleil sa amin.“I don’t think I can help you guys with this one,” bulong nito.“Do you think we’re only angry with your mom and tita? No, Soleil, we’re also angry at you,” kalmadong sabi ni Dashiel.Tumango si Johann bilang pagsang-ayon. “Oh…” lalong humaba ang nguso ng anak ko. “Nobody wants me now. I don’t have a dad, and now my titos don’t want me either.” She gave
After I finished discussing with the client and was about to leave, Brent sent me a picture along with a short message.“Natagpuan na namin si Ma'am Solar, sir.”Bumilis ang tibok ng dibdib ko habang tinitignan ang litratong ipinadala ni Brent. Si Solar kasama ang kapatid ko, at isang batang babae. Wait… this little girl looks familiar.Bigla kong naalala. Siya 'yong batang nakilala ko sa airport. Ibig sabihin... kasama niya si Solar. Pero bakit niya ako tinawag na Daddy?Without wasting time. I texted Brent to send me their location. Pagkatapos ay dumiretso ako sa restaurant. Stepping inside, my eyes scanned the place until I spotted them at a table in the far corner. Bumagal ang mga hakbang ko. Gusto kong lumapit sa kanila pero pinigilan ko ang sarili. Hindi pwede. Paano kung tumanggi si Solar kausapin ako? Hindi nagtagal, tumayo ang batang babae at nagtungo sa restroom. Agad ko itong sinundan. Naghintay ako ng ilang minuto sa pinto. Paglabas ng bata, humarang ako sa daanan niya.N
Tanghali na. Kailangan kong sunduin si Soleil sa school kaya isinantabi ko muna ang painting at tumayo. Nang papalabas na sana ako, narinig ko ang boses ni Czyrene sa likuran ko.“Nag-uusap ang mga lalaki sa study room. Ang boring mag-isa, sasama na lang akong susundo kay Soleil.” “Oh? Akala ko ba magluluto ka para kay Soleil?” Kinuha ko ang bag at isinukbit sa aking balikat.“Don't worry, sa restaurant na lang tayo kakain,” she said with a shrug.Nag-alangan ako saglit bago tumango. “Okay, let's go.”Sabay kaming lumabas at nagtungo sa kotse. Ang araw sa labas ay mainit pero hindi naman masakit sa balat. Nang makarating kami sa school ni Soleil. Ang mga bata ay nagsisimula nang lumabas sa gate. Soleil spotted me immediately and ran over.“Mommy!” nakangiting sigaw nito at yumakap sa aking binti.“Hey, my baby. How was school?” tanong ko, lumuhod para yakapin ito pabalik.“It was fun! We painted butterflies today!” masayang sabi nito at ipinakita ang mga daliring may mantsa ng pintu
“Sir, you need to sign all these.” Inilapag ni Ava ang files sa desk ko. Bahagyang nakabukas ang kanyang shirt sa itaas. I caught the glint in her eyes and instantly knew what she was trying to do. Umigting ang panga ko.“Step back,” I ordered sharply. Gulat siyang natigilan. Biglang uminit ang ulo ko. Nasaan ba si Darren? “Why aren’t you dressed properly? Button up right now, or you’ll be fired on the spot. And if you ever try something like this again…” I met her gaze coldly. “You’ll regret it.”Namula ang pisngi ni Ava dahil sa kahihiyan. Mabilis niyang kinabit ang kanyang shirt.“I-I’m sorry, sir,” she stammered, backing away.“Get out,” malamig kong sabi.Nagmadali siyang lumabas ng opisina. I exhaled sharply, groaning under my breath in frustration. Sakto nang abutin ko ang parker pen para pirmahan ang mga dokumento, nag-vibrate ang aking telepono sa mesa. Isang mensahe ang lumitaw sa screen galing kay Czyrene.“Let’s talk. Meet me at the restaurant near your office.”Walang







