LOGINSKYE'S POV
Lumipas ang mga araw at dumating na nga ang itinakdang araw ng pagkikita ng pamilyang Millers at ng mga Harlowes. Abala ngayon ang buong pamilya ko dahil napagkasunduan nilang lahat na sa mansion magaganap ang dinner. Medyo kinakabahan ako dahil first time ko makikita ang tagapagmana ng Harlowes. "Manang Julie, pili ka po, anong mas maganda dito?" Sabay pakita ko ng dalawang dress. Isang color pink na of shoulder at isang blue na transparent ang sleeve.. "Yung pink, ma'am." Sagot niya. Tumango naman ako at nagpasalamat saka ibinalik sa damitan ko yung color blue. Habang nasa kalagitnaan ako ng pag aayos ay biglang tumunog ang cellphone ko. "Wow! Himala at napatawag ka aking bunsong kapatid, Eloise." Bungad ko "Syempre nais kong makita ang aking ate bago ito matali sa puno... i mean itali sa billionaire na tagapagmana ng mga Harlowes." Pambawi nito. "Sus! Miss mo lang ako eh." Pang-asar ko. "Yikes. By the way, kamusta?" Tanong niya. "Eto medyo kinakabahan pero all goods naman." Sagot ko sa kanya. "Buti naman. By the way, uuwi ako sa kasal mo hehe." Balita nito. Nanlaki ang mata ko nang sinabi niya yun dahil to be honest, namimiss ko na ang aking kapatid. "OMG! Thank you. Namimiss na kita. Hindi lang halata pero pag uwi mo pauulanin kita ng halik at yakap ng isang ate na nangungulila." Sambit ko sabay nguso sa camera. "Yikes! Joke lang pala. Nagbago na isip ko." Pang-aasar niya. "Eto naman hindi mabiro." "Ikamusta mo na lang ako kila mama. Hindi ko na sila makausap patapos na lunchbreak namin. See you soon, ate." "See you, bunso. I love you." At pagkatapos nun ay ibinaba ko na ang tawag. Lumabas muna ako ng kwarto at nagtungo sa kusina para kumuha ng mga pagkain. Napatingin ako sa mga putahe at hindi ko naiwasan na mapangiti dahil halos lahat ng putahe na inihahahanda ay paborito ni Justin. Alam kong magugustuhan niya mga ito kaya naman agad ko siyang tinawagan. "Hello, Skye?" "Tin, Look oh, mga favorite mo." Sambit ko sabay talikod ng camera at ipinakita sa kanya ang mga nakahandang pagkain. "Wow! Mukhang masarap ah." Nakangiting sambit niya. "Kaya nga eh. Same taste buds kayo ng future husband ko." Sagot ko. Natawa naman siya bahagya at napailing. "the way you talk about him, mukhang excited ka makilala siya ah." Nakangising sambit nito. "H-hindi ah. It's just, naeexcite ako kasi ako ang mauunang makakakita sa tagapagmana ng Harlowes. It's a pleasure to meet him kasi biruin mo talk of the town siya tapos walang nakakakilala sa kanya." "Okay, Skye. I believe you." Sarcasm na tugon ni Tin. "Hays. O siya, baka naistorbo na kita. Ngayon din yung family dinner niyo, hindi ba? Enjoy ka dun." "Sure. Talk to you later." At pagkatapos ay ibinaba ko na ang tawag at nagpatuloy na mag-asikaso. Agad na akong naligo at nag make-up. Kinulot ko bahagya ang dulo ng aking buhok at naglagay ng lip gloss. Hindi nagtagal ay may kumatok sa pintuan at pagbukas ay bumungad sa akin si mama na nakangiti "Ganda talaga ng anak ko." Nakangiting sambit niya. "Mana sa'yo." sagot ko. "Parating na mga Harlowes. Alam mo na gagawin mo. Be polite and gentle. Alam kong ayaw mo sa arranged marriage na 'to, pero atleast give it a chance. Kahit hindi na for you, kahit for the company. Alam kong kilalang pamilya din tayo, but we're not like the Harlowes. Kailangan din natin sila and ang merging na to ang solusyon. This past few months ay medyo mababa ang stocks. We need them to strengthen our business." "Only for a year, Skye." dagdag ni mama. Tumango naman ako bilang tugon. "But hindi ko alam if magugustuhan nila ako as in-law nila. I'm not that pretty, tho." Sambit ko. "The heir chose you. Kaya believe in yourself, okay?" "Okay, mom." At pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto. Mabilis na lumipas ang oras at dumating na ang itinakdang oras ng meeting. Bandang 7 pm dumating ang mga Harlowes. "Good evening, Mr & Mrs. Harlowe." Pagbati namin sa kanila nang abangan namin sila sa may pintuan. "Good evening, Millers'." Pagbati nila pabalik. Pagkapasok sa bahay ay agad na nagtungo kaming lahat sa dining area. Isa isa nang hinihanda ang mga putahe. "By the way, mala-late daw ng kaunti si Edmund. Pero malapit na daw siya." Sambit ni Mrs. Harlowe. "Oh no worries, mahaba pa naman ang gabi. Marami rami tayong mapag uusapan bukod sa business at wedding nila Skye at Edmund." Nakangiting sambit ni Papa. Nakahinga naman ako ng kaunti nang malaman ko na medyo mala-late ng dating si Ed. Kasi yung totoo, medyo kinakabahan ako at the same time naeexcite na tila ba'y kumportable ako sa setup. "By the way, Skye you're graduating this year, hindi ba?" Tanong ni Mr. Harlowe. "Yes po, tito." Sagot ko. "You can call me 'dad', since future daughter-in-law na kita." Masayang sambit nito. Ngumiti ako at saka tumango. "Same sila graduating ni Ed. He is in his last year of accountancy. Southridge university. Doon ka rin, hindi ba?" Tanong ni Mrs. Harlowe "Yes po." Sagot ko. So magkaklase sila ni Justin? What a coincidence. Pareho sila ng course tapos parehas pa ng paboritong pagkain. I wonder kung nag meet na sila ni Justin. “By the way, balita namin running for summa cum laude ka. Congrats.” Masiglang pagbati ni Mr. Harlowe. “Thanks po, dad.” “Grabe sobrang swerte niyo sa anak niyo, Mr. And Mrs. Miller, maganda magiging future ng kumpanya natin sa kamay nila ni Ed.” Nakangiting sambit ni Mr. Harlowe. “Actually, nagulat kami kasi wala talaga sa list of candidates si Skye.” Halos napatigil ako sa pagkain nang marinig ko yun. List? List ng ano? “May provided list of daughters kasi ang binigay kay Ed para mamili siya kung sino gusto niyang pakasalan. Both for business and as his lifetime partner niya. And suddenly, one day he just told us your name and he chose you. Not because of business, but because he’s already in love with you.” Halos mapatigil ako sa pagkain ko nang marinig yun. Ha? Si Edmund Harlowe, the billionaire and future heir of Harlowe clan is in love with me na isang hamak na anak lang ng business clan. “He knows you and you two already met.” Nakangiting sambit ni Mrs. Harlowe. “Sorry, I’m late.” That familiar voice. Halos tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang boses na yun. Hindi ako maaaring magkamali. dahan dahan akong lumingon at nakita siyang nakangiti. “Told ya, i’ll talk to you later.” What the eff?!SKYE'S POVNang makarating ako sa estate ay agad akong sinalubong ni manang Lucille, ang maid na hinire ng mga Harlowe's para sa amin ni Ed."Magandang gabi, Mrs. Harlowe." Pagbati nito."Skye na lang po itawag niyo sa akin. Masyadong formal ang Mrs. Harlowe." Nakangiti kong sambit."Sige po, Ms. Skye." Nakangiting sambit nito. Napagala naman ang tingin ko sa buong bahay."Si Ed, nakauwi na ba?" Tanong ko sa kanya."Hindi pa po ma'am. Pero may nakahanda naman nang hapunan para sa inyong dalawa. " sagot ni manang Lucille."Sige po, hintayin ko na lang makauwi si Ed." "Ihahanda ko na po ba mga pagkain?" Tanong ulit niya."Sige po. Salamat." Pagkatapos ay agad na siyang bumalik sa kusina. Agad kong kinuha ang phone ko at minessage si Ed.To: HunHello, hun. Nakauwi na ako. Nasaan ka na?Hindi nagtagal ay natanggap ko agad ang reply niya.Fr: HunOn the way home. Natraffic lang ako. Nagdinner ka na ba?To: HunNope. Still waiting for you. Nagluto na ng dinner si manang Lucille. Hintayin
SKYE'S POVHindi pa rin mawala sa isip ko yung halikan ni Ed at nung Keisha. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaunting insecurity. Pakiramdam ko hindi ako enough kay Ed."Kung nakakapagsalita lang yang carbonara, kanina ka pa nan sinigawan na tigilan ang kakaikot-ikot sa kanya." Nabalik ako sa reyalidad nang magsalita si Phoebe. Nasa restaurant kami ngayon sa isang mall dahil niyakad niya ako na mag shopping."Okay ka lang ba? Kanina ka pa wala sa sarili mo." Tanong niya sa akin."Oo. Marami lang ako iniisip." "Like?""Nothing." Tipid kong sagot at nagpatuloy lang sa pagkain."Skye Lorraine, kilala kita. Kapag natutulala ka hindi lang basta 'nothing' yang pinagdadaanan mo. Now spill the tea." Sambit ni Phoebe. Alam kong gigisahin niya ako ng mga tanong kapag naglihim ako kaya wala akong choice kundi ang sabihin sa kanya at para na rin makahingi ng payo."I saw Ed and Keisha kissing." Sambit ko. Halos mabitawan ni Phoebe ang tinidor niya nang marinig niya ang sinabi ko."What?! K
EDMUND'S POV"Hindi pa rin ma-identify, Sir. Hindi masyadong kuha mukha niya doon sa cctv footage." Sambit ni Claire. Halos umikot ang mata ko dahil dalawang linggo na ang nakalipas mula nung insidente pero hanggang ngayon ay wala pa rin update."Okay. Hihigpitan na lang natin ang security. Thanks, Claire." "And eto na ang mga paperworks na kailangan mong ireview since start na rin ng internship mo today." Nakangiting sambit ni Claire. Tumango na lang ako bilang tugon at pagkatapos ay lumabas na siya ng opisina. Nagumpisa na ang internship namin ni Skye. Nagstart na siya sa kumpanya nila at ako naman ay sa sarili din naming kumpanya. Kaya mas magiging abala kami ni Skye sa mga kanya kanya naming internship. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Skye para kamustahin."Hello, hun?" "Busy ka?" Tanong ko."Hindi pa naman masyado. Bakit napatawag ka?" Tanong ni Skye."Wala lang. Namimiss lang kita. Gusto ko nang umuwi." sambit ko habang nakanguso. Alam kong hindi naman niya nakikita ang
EDMUND'S POVHindi ko mapigilan ang ngumiti kahit kaunti dahil sa angas ni Skye. Wala nang maipambato si Keisha sa sagot ni Skye sa kanya kaya lumabas na lang siya. Napailing na lang ako dahil sa inaasal ni Keisha. Dati naman hindi niya na ako ginugulo mula nang itigil ko ang setup namin as fuck buddies. Nagkakaganito na lang siya mula nung kasal namin ni Skye at ipakilala na isa akong Harlowe."So, who's that girl?" Tanong sa akin ni Spencer, pambabasag niya sa nakapalibot na katahimikan sa aming lahat."Si Keisha. Dati kong ka fuck buddy. Nothing serious. Just fuck." Sagot ko sabay sipsip ng tubig."Mukhang gusto ka niya." Sambit ni Spencer."Gusto lang niya ako dahil isa akong Harlowe. Hindi naman niya ako ginulo mula nung tumigil kami. Ngayon lang siya nag ganyan." "Malamang gusto lang niya ng pera mo." Pagsingit ni Phoebe."Mabuti at palaban asawa mo haha! Hinding hindi ka niya basta basta maaagaw." Dagdag ni Spencer. Agad naman ako napatingin kay Skye na nag aayos ng mga pagkai
SKYE'S POV "Doc, kamusta po siya?" Nag aalalang tanong ko pagkapasok ng doctor sa kwarto. "Normal naman lahat. Pagod lang siguro and sobrang naexcite kaya siya nawalan ng malay. Kailangan lang niya magpahinga and wag masyadong maexcite." Pagbabalita ng doctor. Nagpasalamat ako at agad na siyang umalis, agad naman akong napatingin kay Ed na mahimbing na natutulog. Paano kami napunta mula sa amusement park na naging ospital? (FLASHBACK) "I like you, Ed. No, let me rephrase it.... I LOVE YOU" pag amin ko kay Ed. Nakatitig lang siya sa akin na tila ba nabato siya sa kinauupuan niya. "Huy." Sabi ko habang winawagayway sa harapan niya ang kamay ko. Hindi nagtagal ay bigla na lang ito nawalan ng malay. "Shit! Help!" Napamura ako nang masalo ko siya. Agad naman akong nilapitan ng mga tao na nakakita dahil medyo mabigat si Edmund. At napamura ako dahil namumutla siya kaya agad siyang dinala sa ospital. END OF FLASHBACK Hanggang ngayon ay mahimbing pa rin siyang natutulog. Tinawagan k
EDMUND'S POV Nagtungo kami sa isang amusement park para ipagpatuloy ang araw namin. Una muna kami sumakay sa carousel dahil sabi ni Skye umpisahan muna namin sa chill rides bago sa mga extreme ones. "Mukha naman pambata." Sambit ko. "Basher ka. Ang cute kaya ng carousel, and ang nostalgic kaya. Naalala ko nung bata ako lagi akong dinadala ng parents ko sa amusement park. And this one is my favorite ride." Pagkukuwento ni Skye. "Ayaw mo ba sumakay? Its okay." Tanong niya. "It's fine. Sasakay ako. I want to try it." Sagot ko sa kanya. "Wag mong sabihin na hindi ka pa nakakasakay ng carousel?" "Hindi pa ko nakakatry ng amusement park. Lumaki ako sa estate namin. Never ko naexperience mga ganyan since bawal ako lumabas. I was homeschooled bago ako mag college." Sambit ko kay Skye. "Then, sisiguraduhin kong mag eenjoy ka. Yung tipong hindi mo makakalimutan ang experience mo." Nakangiting sabi nito at agad na akong hinila pa carousel. Inassist na kami ng staff at nang makasakay n







