تسجيل الدخولTONY hired the best investigator para lamang mahanap si Lyka. It's been a day na wala siya sa mansyon at para na siyang mababaliw. "Where are you, Lyka? Galingan mo lang ang pagtatago mo. Kapag nakita kita, hinding-hindi ka na muling makaalis sa qQqaQqQbuhay namin ni Reese..." Mariing napakuyom ang kamao ni Tony habang paulit-ulit na binabasa ang report na hawak niya. Halos mapunit na iyon sa higpit ng pagkakahawak niya. "Sir, we already traced her last location," maingat na sabi ng investigator sa kabilang linya. "She was seen leaving the city. Mukhang may tumutulong sa kanya." Lalong tumalim ang tingin ni Tony. "Find out who. I don’t care how much it costs," malamig niyang utos. "I want every detail. Lahat ng galaw niya, gusto kong alam ko." "Yes, sir." Agad niyang pinatay ang tawag at ibinagsak ang cellphone sa mesa. Napahagod siya sa kanyang buhok, pilit pinipigilan ang sarili na tuluyang mawalan ng kontrol. Isang araw. Isang araw pa lang wala si Lyka, pero pakir
MARIING nakatiim ng kanyang bagang si Tony, matalim ang kanyang mga mata habang nakaupo sa kanyang swivel chair ng kanyang opisina sa loob ng mansyon. "Can anyone tell me what happened?" Madiing tanong niya. Napasinghap si Renan sa tono ng boses ng kanyang anak. Nakayuko naman si Carlita, ayaw niyang salubungin ang matalim na tingin ni Tony. "Tell me what happened!" Napalakas ang boses ni Tony na ikinabigla ng mag-asawa. "W-Wala kaming alam ni Carlita..." mabilis na sagot ni Renan. "Then why my wife reaction is like that. She's crying the whole day. At wala akong kaalam-alam sa nangyayari sa loob ng aking pamamahay." Matigas na sabi ni Tony. Hindi niya matanggap na maabutan niya si Lyka sa ganoong sitwasyon. Parang nadudurog ang puso niyang makita itong umiiyak ng ganoon. "Ang totoo niyan ay ang dapat siguro na tanungin mo ay sina Enrico at Lani. Napansin ko silang nagtatalo," sabat ni Carlita. Hindi nakaimik si Tony. Kuyom ang kanyang kamao. Ayaw niyang malalaman na may kinal
HUMAHANGOS si Tony na umuwi sa mansyon. "Lyka! Lyka!" Malakas niyang sigaw sa labas ng silid ng asawa. Malalakas ang kanyang katok na halos magiba ang pinto ng kuwarto. "Open this d*mn door! Or else I will break it!" Bulyaw pa niya sa labas. Muli sana siyang kakatok nang bumukas na ang pinto. Nakayuko si Lyka na ayaw ipakita ang mukha sa kanya. Hinihingal si Tony na nakatingin lamang sa asawa. Inayos niya ang kanyang buhok at huminga ng malalim. "Can I come inside?" Hindi sumagot si Lyka, sa halip ay niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto at pumasok siya sa loob. Sinundan ni Tony ang asawa sa loob. Pinapanood niya si Lyka na umupo sa gilid ng kama. "Puwede bang tapusin natin ang kontrata? A-Ayoko nang ituloy..." iwas niyang tanong kay Tony. Nanlaki ang mga mata ni Tony at mabilis na lumapit sa pwesto ng asawa. Nanginginig ang buong katawan niya sa narinig. Ilang beses ba niyang marinig ang ganitong salita mula sa babaeng kanyang minamahal? "What? Tapusin? Bakit? May nagawa
"KAILAN ba ako magiging ako lang?" tanong niya sa sarili habang pinupunasan ang kanyang mga luha. "Kailan ba ako titingnan ninyo hindi bilang ang taong nagbigay ng lahat, kundi bilang inyong anak na nangangailangan din ng pag-unawa at pagmamahal?" Hindi niya pinagsisisihan ang kanyang ginawa. Alam niyang ginawa niya iyon dahil sa wagas niyang pagmamahal sa kanyang pamilya. Ang kanyang pinagsisisihan ay ang paglimot niya sa kanyang sarili. Ang pagpayag niyang maging kasangkapan na lang sa halip na ituring na tao rin na may sariling damdamin at karapatang magpasaya rin. Sa labas naman ng silid, nanatiling nakaupo ang mag-asawa. Ang matinding sigawan at galit kanina ay napalitan na ng matinding katahimikan at pagsisisi. Ang bawat salitang binitawan ni Lyka ay tila kutsilyong tumatarak sa kanilang mga puso. "Tama siya..." mahinang sambit ni Enrico habang nakayuko, puno ng lungkot ang kanyang boses. "Buong panahon na ito, akala ko ginagawa namin ang tama para sa kanya. Akala ko kapag
NAPATAYO na si Enrico. "Lani, sumusobra ka na! Hayaan mo ang anak mo na maging masaya. Ako ang dapat sisihin mo sa eskandalo. Kasalanan ko 'yon, at si Lyka, ginagawa lang niya ang lahat para mabawi ang lahat ng nawala sa atin." Nanlilisik ang mata ni Lani na tinapunan ng tingin ang asawa. "Inamin mo rin! Ikaw talaga ang dapat na sisihin. Kung hindi dahil sa pagiging sugarol mo hindi mawawala lahat ang ari-arian natin. Hindi tayo maghihirap ng ganito!" Napayuko si Enrico sa tinuran ng asawa. “Ipinakasal mo ang anak mo sa lalaking hindi niya mahal para sa kapakanan mo. Ganyan nga! Kampihan mo siya!” “Hindi!” biglang sigaw ni Enrico, nanginginig ang boses. “Hindi ko siya pinilit, Lani… Hindi ko kayang pilitin ang anak ko sa ganyang bagay.” Napahinto si Lani, pero hindi pa rin nawala ang galit sa mukha. “Kung hindi mo pinilit, bakit siya pumayag? Dahil sa’yo pa rin, Enrico! Dahil sa kagagawan mo!” Tahimik si Lyka sa gitna nila. Para siyang nakatayo sa gitna ng unos, parehong malak
"MA, bakit kailangan ninyong gawin 'yon?" tanong ni Lyka sa ina. Napacrossed ng kanyang arm si Lani. "Bakit hindi? Biyenan mo sila, Lyka. Dapat lang magpa-impressed ka." "Pero, Ma...." Masamang tingin ang ibinigay ni Lani sa kanyang anak. "Iyon ang ginagawa ng isang mabuting manugang. Syempre, bago kayong kasal ni Calvin. Tandaan mo, hindi pa niya naibabalik ang kompanya." Natahimik si Lyka. Parang biglang bumigat ang hangin sa pagitan nila ng ina. Hindi siya makaimik, pero sa loob-loob niya, nagkakagulo na ang isip niya. “Hindi lahat ng bagay kailangang ipilit, Ma…” mahina niyang saad, halos pabulong. Napairap si Lani. “Kung ganyan ang iisipin mo, wala kang mararating. Hindi sapat ang pagmamahal lang, Lyka. Kailangan mong maging praktikal.” Napayuko si Lyka. Kumuyom ang mga kamay niya sa gilid ng damit, pilit pinipigilan ang sarili na sumagot pa. “Ginagawa ko naman ang makakaya ko…” nanginginig niyang wika. “Hindi sapat ang ‘makakaya mo’,” putol ni Lani, malamig ang boses.







