Share

Chapter 01

last update Last Updated: 2025-05-12 17:36:46

LEYN POV

"Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa mukhang iyan? Si Ryven Rhys na iyan, oh? Swerte naman ng babaeng gusto niya." Rinig kong bulong ni Lorie.

Kanina pa sila nagbubulungan pero hindi ko makuhang magsalita. Ni hindi ko masabi sa kanila na "He's my husband!" Baka mas lalo lang magalit sa akin si Ry.

Malungkot kong sinulyapan ang asawa ko. Kanina pa siya nagsasalita pero wala akong maintindihan sa sinasabi niya.

Walang pumapasok sa utak ko, na kahit Law iyong discussion, wala akong maintindihan. Mabilis akong tumingin sa taas nang maramdaman ang pangingilid ng luha ko.

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ang biglang pagtigil ni Ry sa discussion.

"Ms. Torres, do you have any problem?" Nanlaki ang mata ko.

Mabilis akong yumuko nang mapunta sa akin ang atensyon ng mga kaklase ko. Mas lalong hindi ko kayang mag-angat ng tingin nang biglang pumatak ang luha sa mata ko.

"W-wala po, Sir." Pagdadahilan ko. Tumikhin siya para muling magpatuloy sa discussion.

"Umiiyak ka ba?" Tanong ni Katharine. Umiling lang ako at muling tumingin kay Ry, hindi ko inaasahan na nakatitig rin siya sa akin.

"Masyado kang halata, girl!" Muling bulong ni Katherine. "Kung ganyan makatitig ang asawa ko, aba! tara sa kuwarto." Mahina akong natawa sa sinabi niya. Hinayaan ko nalang siyang dumaldal dahil wala naman akong choice.

Nanatili akong tahimik hanggang sa matapos ang klase namin. Naging usap-usapan si Ryven dahil ilan sa kaklase ko ay may paghanga sa kaniya. I can't blame them.

Gwapo naman talaga ang asawa ko.

"Mabuti nalang at maaga tayong pinalabas. Puwede tayong mag-party." Natatawang saad ni Lorie. Sinulyapan ko si Katharine na abala sa pag-aayos ng gamit niya.

"G ba kayo?" Tanong ni Xina.

"Pass ako." Mabilis kung sagot. 4th year College na kami pero, ni minsan hindi ko nagawang sumama sa mga gala nila. Alam ko naman na walang pakialam sa akin si Ry, pero ayaw ko rin naman na may magawa akong bagay na hindi niya magugustuhan. Na kahit alam kong hindi niya ako mahal, gusto ko pa rin magpaka-asawa sa kaniya.

"Sige. Una na kami." Paalam ni Lorie. Pilit akong napangiti.

"Girl, masyado kang lutang. Isang araw lang natin nakasama si Ry pero, ganyan kana. What more pa kaya kung everyday?" Reklamo ni Katharine.

"Alam mo ang ingay mo." Saway ko rito. Ganyan naman iyan lagi, panay reklamo sa buhay na meron ako.

"Ayan tuloy umulan na!" Reklamo niya. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"So, it's my fault now?" Natatawa kong tanong.

"Yes. Masyado kang malungkot diyan. Alam ko naman na guwapo si Ry pero, ano ba ang nagustuhan mo do'n? I mean, puwede ka naman makahanap ng mas gwapo at kayang ibigay ang pagmamahal na deserve mo." Hindi ko magawang sumagot. She's right.

Pero nagbago lang naman talaga siya dahil sa akin, e. Kung hindi ko pinilit na pakasalan niya ako, hindi sana siya magbabago.

"Pero, alam mo ba? Kanina ka pa pinagmamasdan ni Sir Ry, mukha siyang nag-aalala." Pabiro ko siyang inirapan nang simulan niya akong asarin.

"Dami mong alam. Wala ka bang sundo?" Muli kong tanong sa kaniya.

"Meron. Ikaw?" Umiling ako. Puwede naman siguro akong mag-commute. Kuya Adrian is too busy at gano'n din naman si mommy at daddy.

"So, commute ka niyan? Malakas ang ulan, teh!" Reklamo na naman niya.

"I can wait. I mean, puwede ko namang hintayin na lumiit ang pag-ulan. Masyado pa namang maaga, e." Paliwanag ko rito.

"Magpahatid ka nalang kay Ryven. Asawa mo naman iyon, e." Mabilis kong natakpan ang bibig niya at tumingin sa paligid.

"Baka may makarinig sa 'yo!" Nakanguso kong sabi. Irita naman niyang inalis ang pagkakatakip ko sa bibig niya.

"Ano naman?" Maarte niyang sagot.

"Bakit ba takot na takot kang ipaalam sa iba na mag-asawa kayo? No one will judge you, Leyn. Isa pa, tatlong taon n kayong ganyan, hindi ka ba nagsasawa? I know you're smart, pero bakit ang tanga mo pagdating kay Ry? Kung gaganyan ka, baka mas lalo siyang maagaw sa 'yo." Mahabang sabi ni Katharine.

"Ayaw kong may masabi ang ibang tao sa kaniya. Masyado pa kaming bata pareho. Isa pa, nagtuturo siya dito sa university kaya baka siya ang husgahan ng iba." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. I lied.

Ayaw niyang ipaalam sa lahat na mag-asawa kami.

"Kasal na kayo bago pa man siya magturo dito. It's been 3 years, Leyn. Malapit na tayong umalis sa university." Ani nito.

"Hayaan muna. Ang mahalaga naman ay kasal kami sa paningin ng pamilya namin sa mga taong nakapaligid sa amin. Iyon ang mas mahalaga." Nakangiti kong sagot. Inirapan niya lamang ako.

"Ewan ko talaga sa 'yo, Leyn. Ayon na pala si Mommy. Ano sasabay ka ba?" Mabilis akong umiling.

"Hindi na. Hihintyin ko nalang si Ry." Pinagtaasan niya ako ng kilay. Alam niyang hindi ako inahatid ni Ryven.

"Naiwan ko sa sasakyan niya iyong phone at wallet ko. Hindi ko iyon napansin kanina dahil nilibre mo 'ko sa canteen." Paliwanag ko sa kaniya.

"So, wala kang pera?" Umiling ako.

"May pera ako sa wallet ko, okay? Kailangan ko rin makuha iyong cellphone ko at baka tumatawag sina mommy." Mabilis kong sagot. Sa sobrang lalim ng iniisip ko kanina, hindi ko man lang nakuha iyong cellphone ko sa kotse niya.

"Pero, message me lang pag nakauwe kana, ha?" Mabilis akong tumango.

"Opo. Sige na at kanina pa naghihintay si Tita," Nag-aalinlangan pa siyang sumakay pero sa huli ay sumunod rin. Nakakahiya naman kasi kay tita kasi malayo ang bahay namin sa kanila. Buti sana kung malapit lang. Isa pa, masyadong malakas ang ulan. Baka mamaya ay sarado ang ilang dahan dahil sa baha.

Ilang minuto akong nakatayo sa waiting area nang sabay-sabay magsidatingan ang ilan sa mga faculty members. Napatingin ako kay Ry na halatang nagulat din nang makita ako.

Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa babaeng kasama ni Ry. I know her, kung hindi ako nagkakamali, siya iyong ex - girlfriend ni Ry. Parang biglang bumigat ang paghinga ko.

"Ms. Torres, wala pa ba ang sundo mo?" Tanong Mrs. Vilmonte.

"W-wala pa po. Papunta palang." Pagsisinungaling ko. Muli kong sinulyapan si Ry, nakahawak na sa braso niya si Rexha.

"Are you sure your dad is coming? Ang alam ko ay may meeting sila ngayon. After that ay may business trip sila ng mommy mo," Kasamahan ni Daddy sa trabaho ang asawa ni Vilmonte.

"Baka puwede mo siyang ihatid, Ryven?" Nanlaki ang mata ko. Isa siya sa nakakaalam ng tungkol sa amin ni Ry.

"Uhm! Hindi na po, Ma'am. I mean, papunta na po talaga si Daddy." Mabilis kong sabi. Napatingin naman sa amin ang ilan sa mga kasama nila.

"It's okay, Ms. Torres. Sumabay kana sa amin." Sabat naman ni Rexha. Mas mabilis akong umiling. Ayaw kong mas masaktan pa.

"Let's go." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko nang lampasan lang ako ni Ryven.

"Gusto mo bang sumabay?" Muling tanong ni Mrs. Vilmonte.

"Ayos lang po talaga ako." May mga estudyante naman dito. Baka puwede akong sumabay sa kanila mag-commute.

"I'll call your dad, okay?" Tumango ako. Pakiramdam ko ay maiiyak na ako sa harapan ni Mrs. Vilmonte. Hindi ko makuhang magsalita.

"Sige po." Malalim akong bumuntong-hininga nang umalis na sila.

"Hindi ko tuloy nakuha iyong wallet at pera ko sa kotse niya." Nakanguso kong bulong sa sarili ko. "Mas lalo pang lunakas ang ulan. Wala nga ata akong choice kung hindi maglakad pauwe." Para akong tanga rito. Mag-isang kinakausap ang sarili.

"Hindi ko naman puwedeng kunin kanina kasi madami silang kasama. Isa pa, paano kung hindi alam ni Rexha na kasal na pala siya?" Hinayaan ko lang ang sarili kong mabasa ng ulan.

"What do you think you're doing?" Gulat akong napatingin kay Krayze.

"Krayze?! Wala bang practice sa band niyo?" Nagtataka kong tanong.

"Wala. Hatid na kita." Seryoso niyang sabi.

"May dala kang sasakyan?" Tumango siya. "Bakit nagpapaulan ka?" Seryoso lang niya akong tiningnan.

"Bakit nagpapa-ulan ka? Mabilis kang magka-lagnat, hindi ba?" Nakangiti akong umiling.

"May kasama naman akong magpa-ulan kaya okay lang." Mahina siyang natawa habang umiiling sa akin.

"Nothing change. Makulit ka pa rin." Mas lalo akong napangiti. Simula nang ikasal kami ng kapatid niya, wala siyang ginawa kung hindi umiwas sa akin.

Nakakatuwa lang na makausap ko siya ngayon. I miss him.

"Sarado ang ilang daan dahil sa baha. Okay lang ba kung sa bahay ka muna? Hatid rin kita mamaya." Tumango lang ako. Sure naman ako na hindi ako hahanapin ni Ryven.

Isa pa, namiss ko rin kausap si Krayze. Ang tagal rin ng tatlong taon. Nakangiti kong sinulyapan si Krayze.

"Okay naman na tayo, hindi ba?" Nakangiti siyang tumingin sa akin.

"Yeah. This is my way to move on." Tumango lang ako. "Hindi mo kailangan makonsensya, Leandra. This is my choice." Tumango ako.

"Nothing change. Napaka-vocal mo pa rin." Sabay kaming natawa. Inalalayan niya akong bumaba.

"Ang laki ng bahay mo. Hindi ka ba nalulungkot?" Nagtataka kong tanong nang makapasok na kami.

Bigla siyang nalungkot. Sana pala ay hindi na ako nagtanong.

"Do you want coffee?" Tumango ako.

"Oh! Wait here." Mabilis siyang umakyat sa taas. Parang may nakalimutang gawin. Nananatili akong nakatayo. Basa na kasi ang damit ko.

"Here." Napatingin ako kay Krayze. May dala siyang damit pang babae. "Hindi iyan nagamit." Agap niya. Nang-aasar ko naman siyang tiningnan.

"Binili ko iyan para sa 'yo." Natigilan ako nang sabihin niya iyon. "Magtitimpla muna ako ng kape." Tunango ako bago magtungo sa banyo. Kailangan ko rin magpalit at baka magkasakit pa ako.

"Ikaw ba mismo ang nag-design ng bahay mo?" Nagtataka kong tanong. Kasalukuyan kaming nakaupo sa may sala.

"Yeah." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Nauubusan ako ng sasabihin.

"Malakas pa rin ang ulan." Nakanguso kong sabi. Napasulyapan naman si Krayze sa bintana.

"Typhoon, I guess." Mas lalo akong napanguso. Sana naman hindi malayo ang puntahan nina Ryven. Madulas pa naman ang ilan sa kalsada rito sa Quezon City. "Magpahinga ka muna rito. Gisingin kita kapag uuwe kana." Tumango ako rito. Masakit rin kasi ang ulo ko, siguro dahil naulanan ako kanina.

*****

"Where's my wife?" Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa labas. Kumunot ang noo ko nang mapansin na nasa kwarto na ako at hindi sa may sala.

"She's not here." Rinig kong sagot ni Krayze. Kumunot ang noo ko. Panaginip lang ba 'to? 11:45 pm na nang sulyapan ko ng orasan na nakalagay sa taas ng pader.

"I know she's here." Mabilis akong napatayo nang marinig ang boses ni Ry.

"Ryven?" Bumaba ako nang hagdan. Bumungad sa akin ang seryoso niyang mukha. "What are you doing here?" Nagtataka kong tanong. Magsasalita pa sana ako nang mabilis niya akong hawakan at hatakin palabas.

"Ry, walang nangyari sa amin. Tinulungan lang niya ako." Paliwanag ko nang pagbuksan niya ako. Hindi pa rin siya nagsasalita.

"I'm sorry. Nakalimutan ko ang cellphone ko kaya hindi ko magawang magsabi sa 'yo." Tahimik pa rin siya hanggang sa tuluyan na kaming makauwe.

"Nag-aalala ka ba?" Tanong ko nang nasa loob na kami ng bahay.

"Why would I?" Natigilan ako sa naging tanong niya. Oo nga naman, bakit ba siya mag-aalala sa akin?

"You're parents is looking for you! I couldn't even focus on my work -"

"I'm sorry." Putol ko sa sasabihin niya.

Hinanap lang niya ako dahil tawag nang tawag sina mommy sa kaniya. Hindi siya nag-aalala. Nagagalit siya dahil hindi natuloy ang lakad nila ni Rexha.

"We're fvcking married, Leyn, and Krayze is my brother. I hope you know that." Walang emosyon niyang sabi.

"I'm not flirting with him!" Pagtatanggol ko sa sarili ko. "I know I'm married. Sana ikaw rin, Ry." Mabilis ang pagpatak ng luha sa mata ko.

"Umuulan kanina. Wala akong dalang pera kasi naiwan sa kotse mo ang gamit ko. Hindi ko nakuha iyon kasi kasama mo ang faculty members! Balak kong maglakad pauwe at saktong nakita ako ni Krayze. It wasn't my intention to sleep there! Nakatulog ako kasi sobrang sakit ng ulo ko." Mabilis kong pinunasan ang luha sa pisngi ko.

"Kasal lang tayo sa papel. Pero, ginagawa ko ang lahat para lang panindigan iyon. Ang tanga ko nga, e. Kasi kahit alam kong wala kang pakialam, ginagawa ko pa rin ang lahat para maging asawa sa 'yo, Ry! I care a lot kahit alam kong wala lang sa'yo kasi mahal kita, e. I don't want to ruin your name and disappoint you kaya kahit wala lang sa 'yo, ginagawa ko pa rin!" Sigaw ko. Pero, hindi ko alam kung narinig niya iyon kasi tuluyan na siyang nakapasok sa kwarto niya.

Pinauwe lang niya ba ako para paiyakin at isisi na naman sa akin ang bagay na hindi ko naman talaga ginawa.

___

To be continued....

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MARRIED TO MY PROFESSOR    Chapter 04

    "Let's go home, Leandra. Hatid na kita." Marahan kong inalis ang pagkakahawak ni Krayze sa braso ko. Ayaw kong umuwe muna."Hatid mo nalang ako sa bahay ni Katharine. I'm fine don't worry." Pinagmasdan muna niya ako bago tuluyang tumango. He never change, the way he respect my every decision in life.Tahimik lang akong nakatingin sa dinadaanan namin. Ayos lang naman sa akin dati na hindi ako pinapansin ni Ryven, masaya ako kapag nandiyan siya, kapag nakikita ko siya. Pero, iba pala sa pakiramdam pag may mahal siyang iba.My parents relationship is not perfect, I saw them argued or blame each other most of the time but, at the end of the day, they choose to stay. My mom told me that married is a promise to God, na kahit gaano kahirap kailangan mong manatili, kasi iyon ang pinangako niyo sa isa't isa. Pero habang tumatagal, I realized how hard it is to stay in a relationship kung saan ikaw lang ang nagmamahal. "What is loyalty for you?" Bigla kong tanong kay Krayze. Halatang nagulat di

  • MARRIED TO MY PROFESSOR    Chapter 03

    Saturday...Wala akong ginagawa pag ganitong week-ends. Gusto ko sana mag-mall pero, alam kong busy si Katharine sa anak niya. I meet his son before, ang cute nga niya kasi manang-mana siya kay Katharine.Naligo muna ako bago lumabas ng kuwarto. Sigurado naman ako na wala si Ry pag ganitong week-ends, e. Ewan ko ba kung bakit laging wala iyon, pansin ko rin na madalas siyamg umaalis pag madaling araw. Maybe, they secretly see each other. "What do you want to eat?" Muntik na akong mapatalon sa gulat nang biglang magsalita si Ry. "Bakit n-nandito ka?" Nagtataka kong tanong. Seryoso lang niya akong tiningnan, para bang sobrang mali na itanong ko iyon sa kaniya."I'm living here. What do you expect?" Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko."I-i mean...bakit hindi ka umalis? I'm sorry w-what I mean is that nasanay ako na umaalis ka." I can see the guilt in his eyes. "Kumain kana." Tipid niyang sabi. Sinulyapan ko ang niluto niya. Sinigang, itlog at sausage."Are you sick? Are you going to

  • MARRIED TO MY PROFESSOR    Chapter 02

    __Ilang oras din akong nakatulog sa bahay ni Krayze kanina kaya hindi tuloy ako makatulog ngayon. Kapag ganitong wala sina mommy at daddy, magkahiwalay kami ng kwarto ni Ry.My parents are too busy kaya minsan lang din sila nandito, minsan nga ay isang taon silang wala. Pero, okay lang kasi nandiyan naman si Ry, e.Asar akong napabangon sa kama. It's already 4:30 am. May pasok pa ako mamayang 8:30.Kumunot ang noo ko nang marinig ang pagbukas ng pinto ni Ry. Mabilis akong tumayo para makita kung ano ang gagawin niya. "Magluluto ba siya? Ang aga naman? O baka nagugutom siya?" Bulong ko sa sarili ko.Pero, natigilan ako nang marinig ang pagbukas ng gate. Mabilis akong sumilip sa bintana nang marinig ang pag-andar ng kotse niya. "Saan naman siya pupunta ng ganitong oras?" Alam ko ay 8:30 ang pasok niya, wala kaming schedule na 6:00 am or 7:00 am. Bumuntong-hininga nalang ako at muling bumalik sa kama ko. He's my husband for 3 years now but, he never treat me the way I wanted to be t

  • MARRIED TO MY PROFESSOR    Chapter 01

    LEYN POV"Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa mukhang iyan? Si Ryven Rhys na iyan, oh? Swerte naman ng babaeng gusto niya." Rinig kong bulong ni Lorie.Kanina pa sila nagbubulungan pero hindi ko makuhang magsalita. Ni hindi ko masabi sa kanila na "He's my husband!" Baka mas lalo lang magalit sa akin si Ry. Malungkot kong sinulyapan ang asawa ko. Kanina pa siya nagsasalita pero wala akong maintindihan sa sinasabi niya. Walang pumapasok sa utak ko, na kahit Law iyong discussion, wala akong maintindihan. Mabilis akong tumingin sa taas nang maramdaman ang pangingilid ng luha ko. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ang biglang pagtigil ni Ry sa discussion. "Ms. Torres, do you have any problem?" Nanlaki ang mata ko.Mabilis akong yumuko nang mapunta sa akin ang atensyon ng mga kaklase ko. Mas lalong hindi ko kayang mag-angat ng tingin nang biglang pumatak ang luha sa mata ko."W-wala po, Sir." Pagdadahilan ko. Tumikhin siya para muling magpatuloy sa discussion."Umiiyak ka ba?" Tan

  • MARRIED TO MY PROFESSOR    Prologue

    ___"What the hell are you doing?!" Rinig kong sigaw ni Ry sa labas ng cr. Wala talaga 'tong ginawa sa buhay kung 'ndi ang magsungit sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Pasalamat ka talaga mahal kita, e."Sandali lang! Ito naman masyadong atat gumawa ng kababalaghan." Nakangisi kong sabi. Wala naman siyang choice kasi nauna akong maligo dito. "It's already 7:30 am, Leandra Leyn!" Mas lalo akong napangisi. "Ano naman? We can still do that thing, Mr. Santiago." Kunot na kunot ang noo niya nang buksan ko ang pinto. We're married after all. Yes, wala pang nangyayari sa amin pero, ang sarap lang niyang asarin. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin nang makitang tanging tuwalya lang ang pangtakip ko ng katawan."Wala akong oras maki-paglokohan, Leyn." Lalampasan na sana niya ako nang hawakan ko ang braso niya."Hindi ka makahintay kanina lang, ha? Bakit ngayon hindi mo 'ko matignan?" My eyes widened when he immediately pinned me on the wall, trapping both of my arms on my side. It scares me

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status