Share

Chapter 02

last update Last Updated: 2025-05-12 17:37:09

__

Ilang oras din akong nakatulog sa bahay ni Krayze kanina kaya hindi tuloy ako makatulog ngayon. Kapag ganitong wala sina mommy at daddy, magkahiwalay kami ng kwarto ni Ry.

My parents are too busy kaya minsan lang din sila nandito, minsan nga ay isang taon silang wala. Pero, okay lang kasi nandiyan naman si Ry, e.

Asar akong napabangon sa kama. It's already 4:30 am. May pasok pa ako mamayang 8:30.

Kumunot ang noo ko nang marinig ang pagbukas ng pinto ni Ry. Mabilis akong tumayo para makita kung ano ang gagawin niya.

"Magluluto ba siya? Ang aga naman? O baka nagugutom siya?" Bulong ko sa sarili ko.

Pero, natigilan ako nang marinig ang pagbukas ng gate. Mabilis akong sumilip sa bintana nang marinig ang pag-andar ng kotse niya.

"Saan naman siya pupunta ng ganitong oras?"

Alam ko ay 8:30 ang pasok niya, wala kaming schedule na 6:00 am or 7:00 am. Bumuntong-hininga nalang ako at muling bumalik sa kama ko.

He's my husband for 3 years now but, he never treat me the way I wanted to be treated. Lagi siyang may galit sa akin and I can't blame him for that. Kasalanan ko kung bakit siya naging malamig sa akin. Everything is my fault.

Now I wonder, ano kaya ang meron siya kung sakaling hindi kami maagang kinasal? Matutupad niya kaya ang pangarap niyang mag-aral abroad? Susundan niya ba ro'n si Rexha?

Mariin akong napapikit nang maalala ang mga bagay na pinagkait ko sa kaniya. Of course, Leyn, you deserve what you tolerate.

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog ulit. Nagising nalang ako dahil sa tunog ng cellphone ko. It was Katharine.

"Hoy! Alam mo ba kung anong oras na?!" Iyan agad ang bungad niya sa akin.

"Ang sweet mo naman, Kat, wala bang good morning --"

"Leandra Leyn T. Santiago, nag long quiz kanina kay Prof. Ry, 100 items. Gusto mo bang bumagsak sa asawa mo?" Nanlaki ang mata ko. Mabilis kong tiningnan ang orasan na nasa side table.

"10:00? Hala?! Late na ako sa morning subject natin?" Naiiyak kong tanong. Mabilis akong tumayo sa kama pero, ramdam ko ang pananakit ng ulo ko. May maliit na lagnat ako pero, kaya ko pa naman. Ayaw kong bumagsak at napaka-sungit pa naman ni Mr. Domingo. Our afternoon Prof.

Hinihingal ako habang papasok ng university. Bakit kasi ngayon pa ako na huli sa klase? Baka isipin ni Ry na masyado akong pabaya sa klase!

11:45 am.

"Hindi na ako aabot sa last subject namin this morning."

Napabuntong-hininga akong naupo sa tabi ng field. May mga soccer player do'n kaya pinanood ko nalang muna sila habang wala pa ang afternoon class namin. Wala rin naman akong ganang kumain ngayon.

"Cutting classes again, Ms. Torres?" Kunot noo kong sinulyapan si Krayze. Oo, kahit hindi ko iyan tingnan alam kong sakaniya galing ang boses na iyon. May pagka-husky kasi iyong pananalita niya. I mean, parang may pagka- British accent lagi kahit pa tagalog, e.

"I'm not. Late lang." Nakanguso kong sagot at muling tumingin sa mga players. Ang saya nila tingnan, masaya sa kung ano ang ginagawa nila.

"Why? Did you fight last night?" Halata ang pag-aalala sa mukha niya.

"Kailan ba hindi?" Natatawa kong tanong.

"When will you get tired, Leyn?" Emosyonal ko siyang tiningnan. Hindi ko rin alam kung kailan, basta ang alam ko lang gusto kong makasama si Ry.

"I don't know, Krayze, all I know is I love him. I couldn't live without him, that everytime he's not around, I feel so empty. Like, my world is too dark without him." Nakangiti kong sinulyapan ang mga naglalaro sa field.

"Ikaw, Krayze, kailan mo mapapatawad si Ry? Hanggang kailan mo isisi sa kaniya ang mga bagay na hindi naman niya ginawa?" Halatang nagulat siya sa naging tanong ko.

"Y-your dad--"

"Leandra." Pareho kaming napatingin ni Krayze sa likod nang biglang magsalita si Ryven.

"What are you doing here? I'm looking for you." Mabilis akong tumayo.

"Bakit? Hinihintay ko lang iyong afternoon class ko. Hindi ako umabot ng long quiz kaya tumambay muna ako--"

"You should ask for special quiz." Kumunot ang noo ko.

"Puwede po ba iyon?" Nagtataka kong tanong. Alam ko ay strict talaga siya pagdating sa attendance and quizzes.

"Your reason are valid, Leyn." Sambit naman ni Krayze. Muntik ko ng makalimutan na nandito pa pala siya.

Ang bastos talagang kausap nito minsan.

"We're not talking to you." Putol sa kaniya ni Ry. Natatawa na naman siyang sinulyapan ni Krayze.

"Is that your way to say sorry to her? Or is that your way to cover your sh*t?" Mabilis akong pumagitna sa kanila. Nasa university kami, hindi sila puweding gumawa ng eksena.

"Krayze..."

"I can't stand seeing you like this, Leyn, stop tolerating your husband. He's cheating on you." Nanlaki ang mata ko nang biglang sumugod si Ry, sa kapatid niya.

"Are you mad?" Natatawang tanong ni Krayze nang kwelyuhan siya ni Ryven.

"Krayze, please.." Paki-usap ko rito. May klase pa ang iba at baka may makapansin pa sa kanilang dalawa.

"I'm not cheating on her!" Galit na sagot ni Ryven. "She's my wife." Mariin na dagdag niya.

"Wife? You were sleeping with someone, Ry, stop acting like you care about her-"

"What do you mean?" Unti-unti kong nabitawan ang pagkakahawak ko sa kamay ni Ry. Halatang nagulat din si Krayze na nasabi niya iyon.

"You were with her last night? I mean, she's the reason why you left earlier?" Ramdam ko ang pangingilid ng luha ko.

"Answer her." Inis na tinanggal ni Ry ang pagkakahawak sa kapatid niya.

"I can explain." Umiling ako nang makomperma iyon sa kaniya. Kung anuman ang sasabihin niya, alam kong konsensya lang iyon. Walang ibang meaning.

"It's okay, Ryven. You don't have to explain. Katulad ng sabi mo, kasal lang naman tayo sa papel. Ako lang ang may kagustuhan ng kasal na 'to. A-at kung anuman ang nararamdaman ko, wala kang kasalanan. It's my choice. I choose to hurt myself." Pilit akong ngumiti bago sumulyap kay Krayze.

"Una na ako, may pasok pa kasi ako." Mabilis akong humakbang palayo sa kanila. Ramdam ko ang pagpatak ng luha sa mata ko. Mabilis kong pinahid iyon, ayaw kong makakuha ng atensyon.

"That's right, Leyn. Maging matatag kalang sa harapan niya. Mamahalin ka rin niya." Pagpapalakas ko sa sarili ko.

"Namumutla ka." Nag-aalalang lumapit sa akin si Katharine. "May sakit ka ba? Sabi na kasing sumabay kana sa amin, e." Reklamo niya nang hawakan niya ang noo ko.

"Wala iyan. Mas masakit pa rin iyong nararamdaman ko." Mahina akong natawa sa sarili ko. Bakit ko ba 'to ginagawa? Bakit kailangan kong magpaka-tanga sa isang lalaki?

"May nangyare ba? Nag-away ba kayo? Bakit ang lungkot mo?" Umiling lang ako rito. I don't know what to say, i just can't say bad things about him. I don't want to ruin his image.

"Ewan ko sa 'yo, Leandra, alam kong trying hard ka sa pag-aaral pero, huwag naman pati sa love. Hindi mo kailangan ipilit kung hindi naman talaga." Nananatili akong nakatingin sa kawalan. Tama naman sila ni Krayze. Pero, hindi ko rin maiwan-iwan si Ryven, kasi ginusto ko naman 'to.

"3 years na kayong mag-asawa, ginawa mo naman ang lahat para ipakita na mahal mo siya. Ilang ulit kang umasa na mamahalin ka niya pabalik pero, wala pa rin." Napabuntong-hininga siya bago hawakan ang kamay ko.

"Kung hindi mo susubukan, habang buhay kang makukulong sa kaniya, Leyn. Subukan mong lumayo sa kaniya, masakit. Oo. Pero, kapag nasanay kana, makakaya muna siyang pakawalan." Magsasalita pa sana ito nang biglang dumating si Mr. Domingo.

I tried to focus but, I just can't. Sinulyapan ko si Katharine. Mas matanda siya sa akin ng ilang taon, nagkakilala kami no'ng 1st year college palang kami, balita ko ay graduate na siya kung hindi siya tumuligil sa pag-aaral.

"Can I ask?" Tanong ko habang palabas na kami ng university.

"About my ex?" Natatawa niya akong sinulyapan. "Magkaiba tayo ng situation, teh!" Dagdag niya pa.

"We're both young and reckless that time. Nasa senior high pa kami nun, e," Ito ang unang pagkakataon na nagkuwento siya sa akin. Like, I know na may anak siya, hindi naman niya kinakahiya iyon. Nakakabilib lang ang pagiging matatag niya.

"We're so inlove to the point na naging kampante kami. We didn't think about what will happen to us, basta sumasabay lang sa kung ano ang mangyayari." Malalim siyang bumuntong-hininga.

"Then I got pregnant. Gusto niyang huwag kong ituloy. Kasi may pangarap siya. Gusto niyang maging Doctor o lawyer." Bigla akong nalungkot para sa kaniya. Lagi siyang masaya pag magkasama kami, hindi ko alam na ganito pala ang pinagdaanan niya.

"I beg and beg for him to stay and choose us...but, he can't. Mas mahalaga pa rin ang pangarap niya. Nakakatawa lang, right? I love him so much that I'm ready to give up everything but, he can't do the same." Muli siyang napabuntong-hininga. Sa nakikita ko, wala na siyang nararamdaman sa lalaki. I mean, puro galit iyong nababasa ko sa mata niya.

"Iyong pagmamahal na iyon, unti-unting napalitan ng galit, Leandra. And I don't want you to be like that, I don't want you to experience that kind of pain. Habang maaga pa at walang batang madadamay, think. I'm not asking you to file an annulment, Leyn, I'm asking you to know your worth." Malambing siyang ngumiti sa akin.

"You love him right now but, paano kung bigla ka nalang niyang iwan? Or worst makahanap ng bago?" Hindi ko makuhang sumagot sa kaniya. Na kahit no'ng nasa bahay na ako, hindi ako makapag-isip ng maayos.

Muli akong humugot ng malalim na buntong-hininga. Hindi na ako nagulat nang madatnan si Ry sa sala. Nakasandal siya sa sofa habang nakapikit ang mga mata niya.

He look so tired.

Kung normal na araw lang 'to, kung hindi dahil sa mga sinabi ni Katharine, baka kanina ko pa siya kinukulit. Pero, natagpuan ko nalang ang sarili kong umaakyat sa sariling kuwarto.

Katharine's right. You can't force someone to love you back. You can't ask them to treat you the way you wanted to be treated kasi at the first place, ikaw lang naman ang nagmamahal sa inyong dalawa. Napaupo nalang ako sa sahig nang tuluyan ko ng masarado iyong pinto ng kwarto ko.

Sa loob ng tatlong tao, bakit ngayon pa ako susuko? I can't just leave him, his family needs us, kaya kahit gusto kong pakawalan siya, hindi ko magawa.

I just love her mom. Hindi ko kayang mahiwalay din sa kanila kasi naging parte na sila ng buhay ko.

Habang tumatagal ang pagsasama namin ni Ry, I just realize how stupid I i am back then, making reckless decision that will ruin someone's dream. Natakpan ko ang bibig ko nang maramdama na may naglalakad sa tapat ng pinto. It could be him. But, I don't want him to hear me... I'm in pain right now.

I just want to marry him, pero hindi ko naisip na kapag hindi iyong mag-work, magagalit si daddy sa pamilya niya. I just can't do that to them. Ayaw kong masaktan si tita o magalit sa akin.

"Leyn, are you there?" Mabilis kong pinahid ang luha sa mata ko.

"Uhm....y-yes. May kailangan ka ba?" Pinilit kong huwag mautal pero, alam kong nahalata niyang umiiyak ako.

"Nothing." Mabilis kong inayos ang sarili ko nang maramdaman ang pag-alis niya. Hindi ko alam kung saan na ako lulugar.

O baka tama nga talaga si Katharine?

Why would I settle for less? Okay lang maging tanga pagdating sa pag-ibig pero, pwede ka rin naman magising sa katangahan na iyon. Hindi mo kailangan manatili sa isang relasyon na sa simula palang, ikaw lang naman ang nagmamahal.

How can you save a relationship na sa simula palang, lubog na talaga?

To be continued....

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MARRIED TO MY PROFESSOR    Chapter 04

    "Let's go home, Leandra. Hatid na kita." Marahan kong inalis ang pagkakahawak ni Krayze sa braso ko. Ayaw kong umuwe muna."Hatid mo nalang ako sa bahay ni Katharine. I'm fine don't worry." Pinagmasdan muna niya ako bago tuluyang tumango. He never change, the way he respect my every decision in life.Tahimik lang akong nakatingin sa dinadaanan namin. Ayos lang naman sa akin dati na hindi ako pinapansin ni Ryven, masaya ako kapag nandiyan siya, kapag nakikita ko siya. Pero, iba pala sa pakiramdam pag may mahal siyang iba.My parents relationship is not perfect, I saw them argued or blame each other most of the time but, at the end of the day, they choose to stay. My mom told me that married is a promise to God, na kahit gaano kahirap kailangan mong manatili, kasi iyon ang pinangako niyo sa isa't isa. Pero habang tumatagal, I realized how hard it is to stay in a relationship kung saan ikaw lang ang nagmamahal. "What is loyalty for you?" Bigla kong tanong kay Krayze. Halatang nagulat di

  • MARRIED TO MY PROFESSOR    Chapter 03

    Saturday...Wala akong ginagawa pag ganitong week-ends. Gusto ko sana mag-mall pero, alam kong busy si Katharine sa anak niya. I meet his son before, ang cute nga niya kasi manang-mana siya kay Katharine.Naligo muna ako bago lumabas ng kuwarto. Sigurado naman ako na wala si Ry pag ganitong week-ends, e. Ewan ko ba kung bakit laging wala iyon, pansin ko rin na madalas siyamg umaalis pag madaling araw. Maybe, they secretly see each other. "What do you want to eat?" Muntik na akong mapatalon sa gulat nang biglang magsalita si Ry. "Bakit n-nandito ka?" Nagtataka kong tanong. Seryoso lang niya akong tiningnan, para bang sobrang mali na itanong ko iyon sa kaniya."I'm living here. What do you expect?" Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko."I-i mean...bakit hindi ka umalis? I'm sorry w-what I mean is that nasanay ako na umaalis ka." I can see the guilt in his eyes. "Kumain kana." Tipid niyang sabi. Sinulyapan ko ang niluto niya. Sinigang, itlog at sausage."Are you sick? Are you going to

  • MARRIED TO MY PROFESSOR    Chapter 02

    __Ilang oras din akong nakatulog sa bahay ni Krayze kanina kaya hindi tuloy ako makatulog ngayon. Kapag ganitong wala sina mommy at daddy, magkahiwalay kami ng kwarto ni Ry.My parents are too busy kaya minsan lang din sila nandito, minsan nga ay isang taon silang wala. Pero, okay lang kasi nandiyan naman si Ry, e.Asar akong napabangon sa kama. It's already 4:30 am. May pasok pa ako mamayang 8:30.Kumunot ang noo ko nang marinig ang pagbukas ng pinto ni Ry. Mabilis akong tumayo para makita kung ano ang gagawin niya. "Magluluto ba siya? Ang aga naman? O baka nagugutom siya?" Bulong ko sa sarili ko.Pero, natigilan ako nang marinig ang pagbukas ng gate. Mabilis akong sumilip sa bintana nang marinig ang pag-andar ng kotse niya. "Saan naman siya pupunta ng ganitong oras?" Alam ko ay 8:30 ang pasok niya, wala kaming schedule na 6:00 am or 7:00 am. Bumuntong-hininga nalang ako at muling bumalik sa kama ko. He's my husband for 3 years now but, he never treat me the way I wanted to be t

  • MARRIED TO MY PROFESSOR    Chapter 01

    LEYN POV"Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa mukhang iyan? Si Ryven Rhys na iyan, oh? Swerte naman ng babaeng gusto niya." Rinig kong bulong ni Lorie.Kanina pa sila nagbubulungan pero hindi ko makuhang magsalita. Ni hindi ko masabi sa kanila na "He's my husband!" Baka mas lalo lang magalit sa akin si Ry. Malungkot kong sinulyapan ang asawa ko. Kanina pa siya nagsasalita pero wala akong maintindihan sa sinasabi niya. Walang pumapasok sa utak ko, na kahit Law iyong discussion, wala akong maintindihan. Mabilis akong tumingin sa taas nang maramdaman ang pangingilid ng luha ko. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ang biglang pagtigil ni Ry sa discussion. "Ms. Torres, do you have any problem?" Nanlaki ang mata ko.Mabilis akong yumuko nang mapunta sa akin ang atensyon ng mga kaklase ko. Mas lalong hindi ko kayang mag-angat ng tingin nang biglang pumatak ang luha sa mata ko."W-wala po, Sir." Pagdadahilan ko. Tumikhin siya para muling magpatuloy sa discussion."Umiiyak ka ba?" Tan

  • MARRIED TO MY PROFESSOR    Prologue

    ___"What the hell are you doing?!" Rinig kong sigaw ni Ry sa labas ng cr. Wala talaga 'tong ginawa sa buhay kung 'ndi ang magsungit sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Pasalamat ka talaga mahal kita, e."Sandali lang! Ito naman masyadong atat gumawa ng kababalaghan." Nakangisi kong sabi. Wala naman siyang choice kasi nauna akong maligo dito. "It's already 7:30 am, Leandra Leyn!" Mas lalo akong napangisi. "Ano naman? We can still do that thing, Mr. Santiago." Kunot na kunot ang noo niya nang buksan ko ang pinto. We're married after all. Yes, wala pang nangyayari sa amin pero, ang sarap lang niyang asarin. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin nang makitang tanging tuwalya lang ang pangtakip ko ng katawan."Wala akong oras maki-paglokohan, Leyn." Lalampasan na sana niya ako nang hawakan ko ang braso niya."Hindi ka makahintay kanina lang, ha? Bakit ngayon hindi mo 'ko matignan?" My eyes widened when he immediately pinned me on the wall, trapping both of my arms on my side. It scares me

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status